Press Release November 9, 2023 Cayetano extends aid to hundreds of flood victims in Bulacan Senator Alan Peter Cayetano on Wednesday extended aid to more than 300 residents in Bulacan to help them recover from the economic impact of the recent flooding in the province due to Typhoon Egay. The senator's Emergency Response Department (ERD) team collaborated with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) to distribute assistance to flood victims in Calumpit, Hagonoy, and Malolos City. The disbursement was held at the Bulacan State University Hagonoy Campus under the DSWD's Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), a program that provides various forms of aid to Filipinos facing extreme economic hardships, including support for medical, food, or educational needs. One of the beneficiaries was Christian Esguera, a 43-year-old father of five who works as a timekeeper for a construction company. "Kapag wala kaming trabaho, wala rin kaming inaasahang sweldo. Kaya nito pong nagdaang kalamidad, dumanas po kami ng pagsubok sa pangangailangan sa pang-araw-araw," he said. Heavy rains brought by back-to-back Super Typhoon Egay and Typhoon Falcon, coupled with an enhanced southwest monsoon, caused extensive flooding in many parts of Bulacan for more than a month, resulting in more than P500 million worth of infrastructure damage. "Malaking bagay po ang tulong na ibinigay niyo sa amin upang makabangon po sa aming kabuhayan," Esguera said, thanking the senator. Ailene Sacris, a stay-at-home mother of three from Malolos City, likewise expressed gratitude for the aid. "Gagamitin ko po ito para sa mga gastusin sa bahay. Uunahin ko po y'ung pagkain, bigas, y'ung iba para sa bayarin sa school," she said. Cayetano's ERD initiative is part of his Bayanihan Caravan program, in which he teams up with various national agencies and local government units to reach out to Filipinos in need and empower disadvantaged sectors. Cayetano nagpahatid ng tulong sa daan-daang biktima ng baha sa Bulacan Nagpaabot ng tulong si Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules sa mahigit 300 residente ng Bulacan na kasalukuyang bumabangon mula sa epekto ng higit isang buwang pagbaha sa probinsya dulot ng Super Typhoon Egay. Nakipagtulungan ang Emergency Response Department (ERD) team ng senador sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay ng tulong sa mga biktima ng baha mula sa Calumpit, Hagonoy, at Malolos City. Ang aktibidad ay ginanap sa Bulacan State University Hagonoy Campus sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), isang programa ng DSWD na nagbibigay ng iba't ibang uri ng tulong sa mga Pilipinong humaharap sa matinding pagsubok. Kabilang dito ang suporta para sa medikal, pagkain, o pangangailangang pang-edukasyon. Isa sa mga benepisyaryo si Christian Esguera, isang 43-anyos na may limang anak at nagtatrabaho bilang timekeeper sa isang construction company. "Kapag wala kaming trabaho, wala rin kaming inaasahang sweldo. Kaya pong nagdaang kalamidad, dumanas po kami ng pagsubok sa pangangailangan sa pang-araw-araw," aniya. Ang malakas na pag-ulan na dala ng magkasunod na Super Typhoon Egay at Typhoon Falcon, na sinabayan pa ng enhanced southwest monsoon, ay nagdulot ng pagbaha sa maraming bahagi ng Bulacan sa loob ng mahigit isang buwan, na nagresulta sa mahigit P500 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura. "Malaking bagay po ang tulong na ibinigay ninyo sa amin upang makabangon po sa aming kabuhayan," wika ni Esguera kasabay ang pasasalamat kay Cayetano. Nagpahayag din ng pasasalamat para sa natanggap na tulong si Ailene Sacris ng Malolos City, isang stay-at-home mother na may tatlong anak. "Gagamitin ko po ito para sa mga gastusin sa bahay. Uunahin ko po y'ung pagkain, bigas, y'ung iba para sa bayad sa school," aniya. Ang ERD initiative ni Cayetano ay bahagi ng kanyang Bayanihan Caravan program, kung saan nakikipagtulungan siya sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga local government unit para maabot ang mga Pilipinong nangangailangan at matulungan ang iba't ibang sektor na umangat ang hanapbuhay. |
Monday, April 21
|