Press Release November 13, 2023
TRANSCRIPT OF SENATE MEDIA INTERVIEW WITH SENATOR RISA HONTIVEROS RE: GRANT OF BAIL TO FORMER SEN. DE LIMA
Q: Comment nyo po na pinayagan na magpost bail si Sen. Leila de Lima after 7 years? SRH: Six (6) years and 9 months... anim na taon at panahon pa para makapanganak ng baby. Sobrang laking vindication nito para kay Sen. Leila at para sa buong oposisyon. Si Sen. Leila na miyembro ng oposisyon na pinakasumalo ng pinakamalakas na dagok mula sa administrasyong Duterte. Si Sen Leila na naglabor sa ilalim ng tatlong walang kakwenta-kwentang kaso at kailangang hintayin na isai-isang magrecant yung mga diumanong saksi laban sa kanya at sa wakas, makapakinabang sa karapatan nyang simpleng magpost ng bail bilang bahagi ng due process. At pagkatapos ng siguradong maraming luha at tuwa, sa araw na ito, pagpapasalamat na nasurvive nya itong napakatagal at matinding kawalan ng katarungan... pagkatapos niyang mag survive ng isang stroke, pagkatapos niyang mag survive ng isang hostage taking, ay hindi mauubos ang tuwa at ang fighting spirit. At kasunod na nitong mga luha ng tuwa ay mga araw ng paghabol sa katarungan. Q: May panghihinayang ba kayo na hindi na siya senador at least for now, hindi na siya kasama sa minority? SRH: Eh syempre nakakamiss si Sen Leila sa Minority. Kahit noong nakaraang dalawang Kongreso ay miyembro naman siya ng Minority - kaya lang isang taon lang na nakasama namin dito sa mga hearing at sa plenaryo. At sa loob ng kalahating dekada, senador siya pero napigilan na tuparin ang kanyang mga tungkulin sa kanyang mga constituents dahil sa kawalang-katarungan ng mga kasong iyan, at mga paninirang-puri na iyan, at mga atake na iyan. Pero walang bagay na pinagtiisan, walang bagay na ipinaglaban na sa huli masasabi nating nasayang lamang. At gaya ng itinuro sa atin ni Sen Leila sa loob ng higit anim na taon, halos pitong taon, ang anumang ganyang pagdurusa ay - para sa isang tao at isang lider tulad niya - ay magagamit lamang sa mga susunod pang panahon para patuloy na maglingkod sa mamamayan. Q: Ma'am is this an indictment of not only our judicial processes but also our political system because we all know that former President Duterte pushed for the filing of these cases against the former senator? SRH: It is partly an indictment of our judicial process and our political process at sa mahabang panahon ay parang indictment eh. Pero sa huli, sa araw na ito dahil hindi talaga bumitaw si Leila, dahil hindi talaga bumitaw, kumapit lang talaga ang mas maraming mamamayan, pilit nating ipinakita na pwede naman palang magdesisyon ng tama ang ating judicial system. Pwede naman pala tayong mamamayan, dahil lumalahok sa mga proseso at institusyon ng politika, kahit mahirap, ay magbubunga rin ng isang pagpapalaya tulad ng para kay Leila ngayon. Q: Paano po kaya maiiwasan yun kasi si Sen Leila more than six years bago siya pinayagang magpyansa, kung nangyari sa isang senador, paano pa sa isang ordinaryong Pilipino na pwede ka palang madetain nang ganyan katagal without that right to post bail? SRH: Kaya nga eh. Kaya siya tinarget ni dating Presidente Duterte parang Exhibit A, "Oh wag kayong tutulad kay Sen. Leila na lumalaban sa akin, kundi ganito ang pwede kong gawin sa kahit sino sa inyo." Yan ay patunay ng impunity na namayani noong mga nakaraang taon na hanggang ngayon ay kailangan nating basagin sa mga institusyon at internally, sa kultura, pakiramdam o impresyon nating mga mamamayan. Q: Has the situation improved now compared to noon na sabi nyo nga po culture of impunity that put her behind bars ? SRH: Well pagkatapos ng panahon ni Duterte, kung kailan napakababa, bumagsak yung ating mga standards, almost anything could look better. Pero alam din po natin na ang totoong pagbabago, mahabang panahon yun. Lalo na kung marami pang latak na natira mula sa mga nakaraang dekada - halimbawa noong panahon ng batas militar at diktadura - yun pa rin ang unfinished business ng marami pang human rights victim-survivors, yung latak pa rin ng plunder noong nakaraang mga dekada na iyon at nitong mga nakaraang taon lang, grabe yung unfinished business natin sa pagsabi ng katotohanan at hustisya sa mga extrajudicial killing victims at yung mga surviving families nila, yung korapsyon noong nakaraang mga taon. Kumbaga, itinuturing ko itong, sa wakas, paggalang sa karapatan ni Sen Leila na magpost ng bail at paglapit noong araw ng kanyang ganap na kalayaan. Bilang isang siguro pagsilip ng liwanag, sa mahabang mga dekada at taon ng kadiliman. At alam natin na minsang sumingit na yung liwanag, hindi na sigurong pigilin na kumalat talaga siya. Q: Yung redemption po ba ni Sen Leila should end doon sa kanyang paglaya o dapat ding mapanagot yung mga nagkuntsabahan? SRH: Kaya nga pagkatapos ng tuwa, ay patuloy na paghahanap ng katarungan para sa kanya in particular at para sa lahat pa ng naghihintay pa ng katarungan. Q: What do you think na napalaya siya under the Marcos administration? Do you commend the Marcos administration for doing this? SRH: That's the least that any administration could do. Dahil napakatagal nang kinasangkapan at wineaponize ng gobyerno ang justice system pero para sa injustice. So that's the least any new administration can and should do either bigyang-daan yun or wag nang hadlangan. |
Sunday, April 20
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
|