Press Release
November 26, 2023

Cayetano extends assistance to over a thousand Boholanos

Over a thousand Boholanos from various sectors received a diverse range of assistance from Senator Alan Peter Cayetano's outreach efforts in Tagbilaran City on November 23 and 24, 2023.

Two separate aid activities were held on November 23 in collaboration with the DSWD's Assistance to Individuals in Crisis (AICS) program: one provided educational, medical, and burial assistance to a thousand Tagbilaran residents, while the other provided livelihood assistance to hundreds of the city's small business owners.

Tagbilaran City Mayor Jane Yap and City Social Welfare and Development (CSWD) Head Lucille Clarin played instrumental roles in reaching the beneficiaries and ensuring the success of these outreach activities.

Clarin emphasized the financial struggles of small business owners, especially when their children are still studying.

"Mahirap talaga 'pag may estudyante ka at tindahan lang ang inaatupag [mo]. Mahirap lalo na kung may nagkakasakit na mga anak," she said.

Filomena Kudemus, one of the beneficiaries, expressed her appreciation to Cayetano, "Daghang salamat po, Senator Cayetano. Malaking tulong ito sa amin. Ipangbibili ko po ito ng bigas at iba pang pangangailangan namin sa bahay," she said.

The following day, Cayetano's office, together with the DOLE's Integrated Livelihood Program (DILP), extended livelihood assistance to TODA, JODA, and Calamay Vendors of Tagbilaran.

These sectors are members of Cayetano's Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) program, a livelihood program for existing sectoral groups he launched in 2013.

Former Mayor Baba C. Yap of Tagbilaran City, DOLE officials, and the presidents of PTK groups were all present at the activity.

Among the beneficiaries was tricycle driver Bobby Dilaña, who shared his struggles in budgeting his 500-peso daily income for his children's education and household needs.

"Apat na anak po ang aking pinapaaral sa college, araw-araw kumakain din kami. Pinipilit ko talagang i-budget," he said.

Dilaña expressed his gratitude to Cayetano for introducing his PTK program to their community, noting that the livelihood assistance significantly benefited their TODA members.

"Nasisiyahan po kami kasi nung 2014 ay nabigyan kami ni Senator Alan ng tulong sa aming TODA, at iyon po ay aming pinalago," he said.

These initiatives are part of Cayetano's ongoing efforts to support marginalized communities in the country. He closely collaborates with government agencies and local units to ensure that Filipinos in need receive the necessary assistance.


Tulong para sa mahigit isang libong Boholano, iniabot ni Cayetano

Mahigit isang libong Boholano mula sa iba't ibang sektor sa Tagbilaran City ang nakatanggap ng tulong mula kay Senator Alan Peter Cayetano noong November 23 at 24, 2023.

Dalawang magkahiwalay na aktibidad ang naganap noong November 23 sa pakikipagtulungan ni Cayetano sa DSWD Assistance to Individuals in Crisis (AICS) program: ang isa ay nagbigay ng educational, medical, at burial assistance sa isang libong residente ng Tagbilaran, habang ang isa naman ay livelihood assistance para sa daan-daang small business owners sa lungsod.

Naging posible ang mga naturang aktibidad sa pangunguna nina Tagbilaran City Mayor Jane Yap at City Social Welfare and Development (CSWD) Head Lucille Clarin.

Ayon kay Clarin, higit na mahirap para sa mga small business owners ang kanilang sitwayson lalo na kung may mga anak na nag-aaral pa.

"Mahirap talaga 'pag may estudyante ka at tindahan lang ang inaatupag [mo]. Mahirap lalo na kung may nagkakasakit na mga anak," aniya.

Nagpasalamat si Filomena Kudemus kay Cayetano sa natanggap na tulong. "Daghang salamat po, Senator Cayetano. Malaking tulong ito sa amin. Ipangbibili ko po ito ng bigas at iba pang pangangailangan namin sa bahay," wika niya.

Kinabukasan, naghandog ng karagradang tulong ang opisina ni Cayetano kasama ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) sa TODA, JODA, at Calamay Vendors ng Tagbilaran.

Ang mga sektor na ito ay miyembro ng programa ni Cayetano na tinatawag na Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK), isang livelihood program para sa iba't ibang sektor na inilunsad niya noong 2013.

Bahagi ng aktibidad na ito sina dating Tagbilaran City Mayor Baba C. Yap, mga opisyal ng DOLE, at mga pangulo ng mga PTK group.

Kabilang sa mga benepisyaryo si Bobby Dilaña, isang tricycle driver, na ibinahagi ang kanyang hirap sa pagbabadyet ng kanyang 500 pisong arawang kita para sa edukasyon ng kanyang mga anak at iba pang pangangailangan.

"Apat na anak po ang aking pinapaaral sa kolehiyo, araw-araw kumakain din kami. Pinipilit ko talagang i-budget," aniya.

Nagpasalamat din si Dilaña kay Cayetano sa pagsusulong ng kanyang PTK program sa kanilang komunidad dahil malaki aniya ang tulong nito sa mga miyembro ng kanilang TODA.

"Nasisiyahan po kami kasi nung 2014 ay nabigyan kami ni Senator Alan ng tulong sa aming TODA, at iyon po ay aming pinalago," wika niya.

Ang mga inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ni Cayetano na suportahan ang mga marginalized communities sa bansa. Sa pakikipagtulungan nito sa mga ahensya ng pamahalaan at local government units, hangad nito na mas marami pang Pilipino ang maabot ng kanyang mga programa.

News Latest News Feed