Press Release November 28, 2023 TRANSCRIPT OF PRESS BRIEFING: SENATOR RISA HONTIVEROS WITH SENATE MEDIA Senator Risa Hontiveros (SRH): Magandang umaga po sa inyong lahat. Ngayong umaga, nag-file ako ng Senate Resolution No. 867 upang patuloy na himukin ang Malacanang na makipagtulungan na sa International Criminal Court o ICC, ukol sa imbestigasyon nito sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas. Si Presidente mismo ang nangakong itataguyod ang karapatang pantao at ang high level of accountability sa mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa and cooperating with the investigation is the best way for Malacanang to show its commitment. Tutal ayon narin sa kanila, mukhang posible itong matagal na nating hinahangad na kooperasyon sa ICC, lalo na ng mga biktima ng mga human rights violations at kanilang mga pamilya. The Philippines has historically been at the forefront of advancing humanitarian law and international justice and it is high time that we affirm our commitment to these values before the international community. The recent announcements by the President, his allies, and his deputies offer hope for a game changer, for the families of Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, Reynaldo Kulot de Guzman, and tens of thousands of other Filipino families seeking justice for human rights violations. Sana ay hudyat na ito ng mas matibay na pagpapahalaga ng pamahalaan sa hustisya at karapatang pantao at hindi pakitang tao lamang. Maraming salamat. Bukas na po ako sa inyong mga tanong. Q: Ano po yung maliban sa statement ng Pangulo na open na siya ang administrasyon o pinag aaralan na ng administrasyon ang pagrejoin, isa din ba sa nakapagtulak sa inyo yung positive reaction na nakikita sa Kamara, a similar resolution? SRH: So yung resolusyon ko dito sa Senado ay napapanahon na talaga lalo na't nabalitaan namin sa pamamagitan din ninyo sa media na nakatakdang dinigin na ng House ang kanilang mga resolusyon bukas at siyempre bukod diyan at mas mataas diyan napakagandang sinyales mula mismo kina Presidente na ayon sa kanila seryoso nilang pinag aaralan yung pagbalik ng Pilipinas sa International Criminal Court. Q: Paano ninyong gustong pakiusapan yung mga kasama ninyo dito, lalo na po ang kapatid ng Pangulo, na iba ang opinyon ukol sa ICC isyu, considering na marami parin po na nanatili na kampi o naniniwala sa drug war ng dating Pangulo. SRH: Nirerespeto ko yung kanyan opinyon at kami po'y nagrerespetuhan ng opinyon dito sa Senado pero speaking of the Senate, ang Senate ay treaty making body at bago winithdraw ni Duterte ang ating bansa sa International Criminal Court, ang Rome Statute na itinataguyod nito ay isa sa mga treaty commitments na cinoncur noon ng Senado at itinataguyod ng ating bansa. Kahit totoo nga na ang isang huling statement ni Presidente ay walang jurisdiction ang ICC doon sa war on drugs, pero gaya ng nabanggit ko kanina, napakalaki at positibong senyales yung seryosong pag-aaral na bumalik sa ICC. Dahil kung gagawin ng ating bansa iyon, pagkatapos niyang pagbabalik sa ICC, ay pwedeng i-consider yung jurisdiction nga ng ICC kung hindi man sa lahat, sa karamihan o marami sa mga alleged crimes doon sa war on drugs dahil maalala po natin winithdraw ni Duterte ang ating bansa sa ICC taong 2019 pero yung mga krimen na inaallege ay may petsa mula taong 2011 at hanggang 2018, yung unang tatlong taon. Unang kalahati ng nakaraang administrasyon. So ilan ito sa mga punto na pwedeng pagusapan naming lahat na mga kasama dito sa Senado. Hindi lamang para sabayan yung progress yung House of Representatives sa isyung ito at hindi lamang para sabayan din yung at least isang malaking positibong sinyales mula sa Executive pero para ding ituloy ang tradisyon ng Senado bilang Treaty making body at bilang isang pangunahing boses na laging nananawagan na ang Pilipinas ay magtaguyod ng international human rights and humanitarian law. Q: Kung hindi man pasok ang 2019 onwards na cases under the Duterte administration, yung 2016 to 2018 pasok siya? SRH: Pasok po ang 2016 to 2018, pasok po ang 2011 hanggang 2015, so sa loob po ng walong taong iyon, napakarami na pong pwedeng at dapat imbestigahan ang ICC. Q: What are the chances po na ma-adopt ang resolusyong ito given na of course numbers parin naman sa huli kailangan niya ng boto? SRH: The resolution will have as fair a chance as any other kasi ang Senado ay deliberative body at palagay ko buhay na buhay sa kalooban naming lahat yung tradisyon nga at yung imahe ng Senado sa ganitong usapin ng mga international bodies at saka treaty commitments ng ating bansa. Q: Procedural po-- bale irerefer siya sa committee. Which committee do you think? Kasi lalo na po for example po if sa foreign relations, it will be chaired by Sen. Imee Marcos na sa ngayon po strong talaga ang opposition niya meron na po siyang statement na parang naghahanap po ng trouble itong resolution na ito. But first procedural, saang committee siya? SRH: Kung saan mang kumite i-refer ng plenaryo sa pamamagitan ng majority leader ang resolution, kami pong lahat at ako rin ay may tiwala sa pagpapangulo ng bawat isa sa kanyang kumite. So kung dun man, as I would guess, sa foreign relations committee na pinapanguluhan ni Chair Imee, ay may tiwala akong mascheschedule ito at madidinig. Q: She wouldn't have to inhibit? SRH: Yun naman po ay personal na decision ng bawat Chair, ng bawat Senador. And again I would trust yung best judgment ng bawat isa ng usapin iyon ng inhibition. At saka po wala pong naghahanap ng trouble. Ang pinakamalaking trouble sa lahat ay yung trouble na ibinagsak sa ulo at buhay ng mga balo at ulila ng extrajudicial killings nung war on drugs. At harinawa itong unang malaking senyales mula sa ehekutibo na seryosong pinag-aaralan nilang bumalik sa ICC ay magbigay-daan sa ganap na pag-imbestiga, pag-assume ng jurisdiction ng ICC sa imbestigasyon nitong mga EJKs. At harinawa magbigay-daan din sa mas ganap na hustisya para sa mga pamilyang ito. Q: Ma'am, sa hearing po should former President Duterte attend or be invited or summoned to the hearing? SRH: That would be up to the judgment of the chair. I would not find it an unwelcome move, pero dumalo man sila o hindi tulad mukha ng naa-appreciate ng ICC siguro marami na pong facts at ebidensya ang pwedeng i-appreciate ang komite. Q: Ma'am, follow up sa procedure. Kung sa Committee on Justice po, kasi 'di ba may pending sa Committee on Justice na reso naman calling on the admin na suportahan si dating Pangulong Duterte doon sa ICC. Paano kaya yun, ma'am? SRH: Well, kung doon man sa Committee on Justice ma-refer, then magiging trabaho ng Chair din kung paano i-schedule yung pagdinig doon sa unang resolusyon na iyon at i-schedule din yung pagdinig sa resolution ko. Dahil medyo magkaibang subjects, hindi naman siya oobligahin na i-reconcile yung dalawang resolusyong iyon. At buti na lang kasi 180 degrees apart ang intensyon ng dalawang reso. Q: Ma'am, kasi ang Chairman ng Senate Committee on Justice, si Senator Tolentino. Nag-express na siya ma'am eh na tutol din siya na mag-(inaudible) ang ICC. Ma'am, would you volunteer to head a subcommittee para sa hearing na ito? SRH: Well, if the Chair of the committee kung saan ire-refer yung reso ko ay bibigyang-daan iyon ay hihilingin iyon, of course handa naman akong gumanap sa ganyang tungkulin. Q: Ma'am, si Senator Bato, na-interview siya kahapon sa Senate. Ang sabi niya kasi, when we allow ICC, it would be a violation doon sa ating sovereignty kasi nagfa-function naman ang ating justice system. He cited as an example the recent decision of the court to allow Senator De Lima to post bail. SRH: Well, hanggang ngayon ipinagdiriwang namin na sa wakas nakapag-post ng bail si Sen. Leila. At siya mismo, sinabi niya alam niya na isa lang siya sa napakaraming unjustly accused, convicted and detained, deprived of liberty. Kaya bukod sa kanya, napakarami pang naghinintay ng katulad na due process o bahaging hustisya tulad ng sa wakas naipanalo ni Sen. Leila. At nagfa-function ba ang ating judicial system? Masasabi natin na bahagya din sa kaso recently ni Sen. Leila at sa dalawang naipanalo sa korte ng mga pamilya nina Kian delos Santos at nina Karl at Kulot. Pero kung dalawa sa hanggang 30,000 mga biktima at pamilya nila, eh maliit pa po talagang porsyento sa loob ng pitong taon. So umaandar man ang ating judicial system, siguro naman fair sabihin na kailangan pa rin niya at makatutulong sa kanya na may suporta mula sa international community, mula sa importanteng international institution tulad ng ICC, sa bisa ng isang treaty obligation natin sa Rome Statute. At ang sovereignty naman, malinaw na pinaglalaban natin yan, tinataguyod mismo ng buong Senado. Halimbawa, sa West Philippine Sea, katapat ng Tsina, sa pamamagitan ng aming unanimous resolution tungkol diyan at ang sovereignty ng bawat bansa ay ine-exercise din natin sa community of nations, sa community of shared values. Kasama na doon yung human rights at saka international humanitarian law. Kaya walang pag-degrade sa soberanya sa gayang konteksto. Q: Ma'am, regarding po yung statement ni Senator Marcos. You said, no one is sowing trouble. How should we read that? Do you take offense doon po sa naging statement niya? SRH: No, I don't take offense. Lahat kami may sariling style ng pagsasalita. Lahat kami passionate sa kani-kaniyang advocacies at siyempre opinyon sa mga isyu. So respetuhan lang naman ang pinaiiral namin dito sa Senado. At pagdating sa kani-kaniyang resolusyon, handa ang bawat isa sa amin at handa ako dito sa Resolution No. 867 na gawin ang aking trabaho. Q: Ma'am, reax lang. Sabi ni Sen. Bato, he has been expecting this kind of resolution from you. But kung siya ang tatanungin, hindi niya nakikitang magge-gain ng traction yung resolution ninyo, given the statement of the President last year. SRH: Well, I appreciate kung na-appreciate din ng kasama ko yung long-standing advocacies ko at may kani-kaniyang prognosis kami ano yung magiging kapalaran nitong resolusyon. So fair enough yung ganyang scenario nila. Ako naman, I'm hoping, at the very least, for a fair hearing mula sa aking mga kasama dito sa Senado. Q: Initial count lang. Mayroon po ba kayong mga nakakausap na senators na open dito po sa (inaudible)? SRH: Baka premature pa para sa akin na magbahagi ng mga very initial impressions. So I guess, ngayong linggo ko at ninyo mas makukuha yung reaction at possible positioning ng mga kasama ko. Kasi halimbawa, ilang linggo nang pending yung katulad na resolusyon sa House. Ilang buwan na itong pinaguusapan sa publiko. So I guess, more than enough time na magbuo ng position ang bawat isa sa amin dito sa Senado. And like with every other resolution, magbubuo kami ng either consensus or pagbobotohan namin ito. Pero at the very least, masasabi ko sa mga balo at ulila ng war on drugs na taon na ang hinihintay sa ganitong klaseng mga aksyon mula sa bawat sangay ng ating pamahalaan na mayroong ganitong resolusyon dito rin sa Senado. Q: Ma'am one last point lang. Can you give us a walkthrough lang? Halimbawa po, na-refer sa committee kung kailan dadalhin? Sino ang mga gusto niyong paharapin? Sabi niyo nga, hindi naman kailangan mismong si dating Pangulong Duterte. Pero kayo, sino ang dapat na i-prioritize doon sa ganitong (inaudible)? SRH: Well, hindi naman kasi didinigin ng komite na didinig sa resolusyon yung mga kaso at ebidensya ng EJKs mismo. Pero ang hinihiling niya, na mag-cooperate ang executive sa ICC. So palagay ko, ang pinakamahalaga at unang tawagin ng komite at madinig magsalita ay mga kinatawan ng executive. So mula sa Office of the President, Office of the Executive Secretary, Department of Justice na marami-rami na ring nasabi tungkol dito. I'm sure magsasalita rin ang Office of the Solicitor General na may iba ring pananaw dito. So pinakamahalaga yung sa executive dahil sila yung official family ni Presidente na magbibigay ng pinakamabigat na payo sa kanya kung paano kikilos sa ganitong issue. Q: Ma'am, have you talked to Senator Koko about this po? Napagusapan niyo na po ba? Of course, minority (inaudible) SRH: I won't speak for my minority leader, pero alam niya na pending sa akin yung ganitong resolusyon. Q: Doon lang po sa statement ni President Marcos. Do you see this as a parang nag-soften yung stance niya kaysa doon sa before na sinabi niya hindi makikipag-cooperate yung administrasyon niya po sa ICC. SRH: I'm not sure if it's a softening pero definitely pagbabago and a change I welcome very much bilang kahit sa ibang mga bansa sa kanilang state visits sa kanilang pagharap at pagsalita sa United Nations sinabi nya ung sinabi ko kanina na itataguyod daw ng kanyang administrasyon ang karapatang-pantao, itataguyod ang accountability at hindi lang simpleng accountability, mataas na antas ng accountability so palagay ko itong usapin ng ICC ang pinakaimportanteng isyu na pwedeng patunayan iyon ni Presidente. Q: Sina Senator Bato kinukwestyon ung timing sa House kasi sunod-sunod na yung reso after na supposedly rift between the Speaker and VP Sara. Pati po ba sa Senate walang question of timing kung bakit kayo nagfile ng reso SRH: Kung usapin lang ng timing, seven years late ang ganitong resolusyon, kasi hindi timing sa House hindi timing sa away ng kung sino-sino pero pitong taon. nang humihingi ng hustisya ang mga pamilya gn EJKs mula pareho sa domestic judicial system natin at pati na sa international community at yun ang ICC, yan yung Rome Statute Q: Hindi raw po ba kasi parang kineclaim ng mga SRH: As I mentioned hindi ito bigla sa Senado, I recall 7 or 6 years ago nung nasa lumang minority din ako sa ilalim ni Sen Frank Drilon ay inimbestiga na namin partikular yung pagpatay kay Kian Delos Santos, 2017 po yun 6 long years ago kumbaga mayroon na ring mini tradition dito sa senado sa pamamagitan lamang nga ng isang standing committees on human rights napag-imbestiga sa paglabag ng karapatang-pantao at iyan ay hindi nag eexist in a vaccum dito lan gsa ating bansa, bahagi siya ng global infrastructure para sa karapatang pantao kung saan ang isa pang parte ay yung ICC, so again if anything this resolution is years late kung sa pananaw ng mga widows and orphans ng war on drugs. Q: Walang pulitika dito sa resolusyon ninyo? SRH: Tama sa kung depinisyon ng pulitika yung empowerment ang resolusyong ito ay isang paraan para ang senado ay iempower o bigyan ng boses ang mga balo, at yung mga ulila ng extrajudicial killings ng war o ndrugs para sa kanila dito sa ating bansa at para sa kanila sa buong mundo. Q: Nor intended against the vice president? SRH: I don't know if she's the main implicated person dito sa EJKs pero ang pangunahing personaheng sinisingil ng accountability dito ay si Duterte, yung dating presidente. Q: So who's actually trouble sa international arena yung nakikipagtulungan, gustong makipagtulungan sa ICC o yung mga umaayaw? SRH: Basta yung main trouble talaga ay yung iininflict sa mga biktima ng war on drugs at kung sino ang tinotrouble sila ang dapat pinakatulungan at yung resolusyong ito at harinawang pag-cooperate ng administrasyon sa ICC yan ay mga mahahalagang tulong na pwede at dapat ibigay namin sa nagtatrabaho sa gobyerno sa kanila Q: Today ipapasa na ang budget? SRH: Hindi pa po yata kasi ongoing pa po yung pag incorporate ng Committee on Finance yung amendments po namin. Q: Saan ka happy amendments doon SRH: Syempre yung i-reappropriation ng mga improper na confidential and intelligence funds Q: Magkano yung total nyo na in-allocate? SRH: Hindi ko nasuma lahat kasi several civilian agencies na walang mandato sa national defense at public safety ang nililipatan ng CIF whether sa MOOE nila, sa line item budget nila or dun sa mga ahensyang mayroong mga ganung expertise at saka mandato, sorry di ko nasuma lahat pero syempre yung significant amounts ay mula sa office if the Vice President, Department of Education and at least three or more other agencies Q: Happy ka naman with the way the budget was crafted and parang nakita naman na wala masyadong nasayang na pera SRH: Syempre babantayan namin ito hanggang a bicameral conference committee process mabuti we intend sa minority to bring it to the finish line at harinawa kasama ng mga kasamahan namin sa majority yung tamang pag-appropriate ng CIF laoi na sa masikip na fiscal space ngayon doon sa mga dapat paggastusan sa 2024 and hopefully a little more spending sa social protection so tingnan po natin susubaybayan naman po nating maigi. Q: Can you say na yung minority is satisfied naman in a way SRH: HIndi pa kasi tapos yung proseso pagkatapos ng interpellation na nagparticipate talaga kami intensively, may period of amendments pa bago pa yung bicam basra committed ang minority na patuloy i-engage itong usapin ng budget tulad ng sinimulan namin noong nakaraang taon dito mismo din sa isyu ng CIF Q: Pahabol lang po, may statement po kasi si SP about your resolution ang sabi niya po whether to reenter or to remain out of the jurisdiction of the ICC is not a decision we the senators made and this is the decision of the president of the republic being a chief foreign policy maker of our country he alone makes that decision and everything else is just noise on whether we should join or not therefore, I do not want to comment and shall just wait for the president to make a decision on this matter. Ma'am your response lang po to SP's statement considering that he's kind of cold to your resolution SRH: Tama naman na ang presidente ang chief architect of foreign policy but in a same way na nagtulungan kami ni SP doon sa naging unanimous eislution ng senado na dalhin ang DFA para sa gobyerno ang kaso natin sa west philippine sea sa lahat ng porma at sa lahat ng international fora kung bibigyang-daan ang mayorya ng kasama namin dito sa senado yung resolusyon ko it would constitute an expression of a sense of the senate kasi ang language naman niya ay inuudyok ang executive so obviously may pagtingin na executive ang may last touch diyan. So walang kaso Q: You think ma'am pwede nyo pa pong mapag-usapan ni SP na magkaroon ng consensus katulad nung what happened sa resolution ng China SRH: Salamat sa payo mo, that's a good idea. Pwede pwedeng subukan di ba? Posibleng mapag usapan or at the very least mapag-usapan sa hearing. Q: Kasi yung coastguard nung una, tinanong kung papayagan na ung christmas convoy, noong una informed kayo na pwede na pero may mga certain restriction at least medyo okay na siya SRH: Happy and a bit surprising happy development yun pero alam ko naman bilang tagasuporta ng Atin Ito mula sa simula nung paghahanda nila ng iba't ibang gawain nila pati itong civilian convoy nakikipag-ugnayan talaga sila sa Philippine Coastguard na bahagi ng national task force on the West Philippine Sea na lumalahok sa national security council, so ang sense ko rin naman sa atin ito hindi rin naman nila balak gawin ang gawain nila nang walang coordination o hindi nakikinig sa mga payo. Masaya ako para sa kanila, bilang tagasuporta nga nila. na binigyang-daan na rin ng Coast Guard ito. I look forward to a happy and successful activity nila na yon. |
Thursday, June 19
|