Press Release December 6, 2023 Gatchalian champions e-commerce, public-private partnership for economic development A strong advocate of e-commerce and public-private partnership, Senator Win Gatchalian underscored the importance of the two priority measures recently signed into law by the President in achieving the country's economic goals. "These two measures, which would provide protection for those engaging in internet transactions and drive investments through active collaboration between the government and the private sector, are important pieces of legislation for economic development and I am elated to learn that the President swiftly signed these into law," said Gatchalian, referring to Republic Act 11967 or the Act Protecting Online Consumers and Merchants in Internet Transactions and Republic Act 11966 or the Act Providing for the Public-Private Partnership (PPP) Code. Gatchalian co-authored both priority measures. With the Internet Transactions Act now in place, customers and merchants would have the confidence to undertake online transactions. This, in turn, is expected to attract more industry players that would further develop e-commerce in the country. "Napakahalagang hakbang ng pagsasabatas ng pagbibigay proteksyon sa mga internet transaction lalo na't inaasahan nating mas lalakas pa ang sektor na ito sa mga susunod na taon," he said. The newly signed law lays down the rights, obligations, and liabilities of the parties in internet transactions, including the online consumer, online merchant, and the digital platform or e-marketplace. The law also empowers the Department of Trade and Industry (DTI) to take appropriate actions in response to any violations of the law's provisions, particularly in the use of the internet for conducting e-commerce by e-marketplaces, online merchants, e-retailers, digital platforms, and third-party platforms. It also provides for the establishment of an online dispute resolution mechanism for all stakeholders involved in internet or e-commerce transactions. Meanwhile, the creation of a PPP code is expected to enhance and sustain infrastructure development in the country, Gatchalian said. "Institutionalizing the PPP program would help sustain the momentum of delivering needed public infrastructure to enhance the delivery of public services," the senator said. This is expected to foster effectiveness in procuring and delivering infrastructure projects as it provides an enabling environment for the private sector to participate in public infrastructure projects with appropriate incentives in support of proprietary arrangement. "Ang karaniwang nagiging balakid sa PPP program ay ang kakulangan sa koordinasyon, kawalan ng kakayahan na makakuha ng suporta mula sa iba pang mga ahensya ng gobyerno, at kakulangan ng sapat na awtoridad ng PPP Center. Inaasahan natin na matutugunan ang lahat ng ito ng ating bagong PPP code," he added. Gatchalian isinusulong ang e-commerce, public-private partnership para sa pag-unlad ng ekonomiya Isang malakas na tagapagtaguyod ng e-commerce at public-private partnership, binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng dalawang priority measures na nilagdaan kamakailan ng Pangulo bilang batas sa pagkamit ng mga layunin sa ekonomiya ng bansa. "Ang dalawang hakbang na ito, na magbibigay ng proteksyon para sa mga nakikibahagi sa mga transaksyon sa internet at humihimok ng mga pamumuhunan sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor, ay mahalagang mga batas para sa pag-unlad ng ekonomiya. Natutuwa akong malaman na mabilis na nilagdaan ang mga ito ng Pangulo para tuluyan nang maging batas," ani Gatchalian. Ang tinutukoy ng senador ay ang Republic Act 11967 o ang Act Protecting Online Consumers and Merchants in Internet Transactions at Republic Act 11966 o ang Act Providing for the Public-Private Partnership (PPP) Code. Si Gatchalian ay may-akda ng parehong priority measures. Sa pagsasabatas ng Internet Transactions Act, magkakaroon ng kumpiyansa ang mga mamimili at mangangalakal na magsagawa ng mas maraming transaksyon sa online. Ito ay inaasahang makakaakit ng mas maraming manlalaro sa industriya na higit na magpapaunlad ng e-commerce sa bansa. "Napakahalagang hakbang ng pagsasabatas ng pagbibigay proteksyon sa mga internet transaction lalo na't inaasahan nating mas lalakas pa ang sektor na ito sa mga susunod na taon," sabi ni Gatchalian. Ang bagong lagdang batas ay naglalatag ng mga karapatan, obligasyon, at pananagutan ng mga partido sa mga transaksyon sa internet, kabilang ang online na consumer, online na merchant, at ang digital platform o e-marketplace. Binibigyan din ng kapangyarihan ng batas ang Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng mga naaangkop na aksyon bilang tugon sa anumang paglabag sa mga probisyon ng batas, partikular na sa paggamit ng internet sa pagsasagawa ng e-commerce ng mga e-marketplace, online merchants, e-retailers, digital platforms, at third-party platforms. Nagtatatag din ito ng mekanismo para sa resolusyon ng anumang online dispute sa lahat ng mga stakeholder ng transaksyon ng internet o e-commerce. Samantala, ang pagtatatag ng isang PPP code ay inaasahang magpapahusay at magpapanatili ng infrastructure development sa bansa, sabi ni Gatchalian. "Ang pag-institutionalize sa programa ng PPP ay makatutulong na mapanatili ang paghahatid ng mga kinakailangang pampublikong imprastraktura upang mapaigting ang paghahatid ng mga serbisyong pampubliko," sabi ng senador. Dahil dito ay inaasahang mas magiging epektibo ang paghahatid ng mga proyektong pang-imprastraktura dahil magbubunsod ito ng mas malawak na pakikilahok ng pribadong sektor sa pampublikong infrastructure projects na may naaayong mga insentibo. "Ang karaniwang nagiging balakid sa PPP program ay ang kakulangan sa koordinasyon, kawalan ng kakayahan na makakuha ng suporta mula sa iba pang ahensya ng gobyerno, at kakulangan ng sapat na pagtanggap ng PPP Center. Inaasahan natin na matutugunan ang lahat ng ito ng ating bagong PPP code," dagdag niya. |
Tuesday, June 17
|