Press Release
December 11, 2023

PRIVILEGE SPEECH OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON PROPOSED SENATE RESOLUTION NO. 884 REGARDING QUIBOLOY
December 11, 2023

Mr. President, dear colleagues, magandang gabi po sa inyo.

Three months ago, before this August chamber, I stood before you to expose the alarming practices of Socorro Bayanihan Services Incorporated. In an isolated community in Barangay Kapihan, Municipality of Socorro, children were being forced into marriage, young girls were being sexually abused, and other atrocities were visited upon hapless members by a person they believed to be the incarnation of Jesus Christ.

Sa mismong Senado din na ito naaresto sina Senyor Agila at ang iba pa niyang kasama, salamat sa maagap na tugon ng Department of Justice, at patuloy nating ipinagdarasal ang ganap na katarungan para sa mga biktima.

Ngunit hindi po tayo titigil hanggang may batang nasa peligro. Hindi tayo titigil hanggang may mga "Diyos-Diyosan" na naghahasik ng lagim sa mga kababaihan at kabataan. At kung paano ang maagap na tugon natin at ng buong gobyerno sa mga biktima ni Senyor Agila, sana ay ganyan din ang pagtugon sa mga biktima ng lider na ibabahagi ko ngayon.

Sana mabilis din ang ating pagtugon sa mga biktima ni Apollo Quiboloy.

Mr. President, matapos po ang imbestigasyon sa Socorro, ako po ay nilapitan ng ilang mga biktima para mag-bunyag ng kanilang mga kwento. At gaya ng mga kwento ng mga biktima ni Senyor Agila gaya nila Chloe at Renz, napapakangilabot ang kanilang mga kwento. Front and center of these narratives are the systemic sexual abuse of women and children in the hands of this man that they call Pastor.

And no, these are not crimes of the past for which we are holding Apollo Quiboloy to account. This is an ongoing offense. Patuloy na nangyayari. The abuse of women and children is taking place as we speak, under the auspices of the Kingdom of Jesus Christ. Habang ating icecelebrate ang kapanganakan ng sanggol na si Hesus, mayroong mga batang sinasaktan sa ngalan ng Kingdom of Jesus Christ.

Ang aking opisina po ay kumausap mismo sa mga naging biktima ni Quiboloy.

Nakausap ng opisina ko si Alias Jackson, 15 years old noong narecruit siya kasama ang kanyang pamilya. Naging isa siya sa mga bata na nakikita natin sa pang-araw-araw na umiikot sa ating lansangan, namamalimos gamit ang letter na kunwari ay "solicitation" para sa kanilang organization o di kaya tulong para sa pagpapaaral. Hindi natin alam, may malagim pala na sinasapit yung mga batang di masyadong nakakadelihensya ng malaki sa paglilimos.

Sila po ay pinapalo, 20 lashes, 50 lashes, 100 lashes. May isa pang nagkwento, pinapaddle din daw. I am in possession of testimonies to that effect.

Mayroon din pong isa, menor de edad din, pagkatapos lang na makipag-date kasama ng isang babae na natural na ginagawa ng mga teenager, sinabihang i-untog paulit-ulit ang ulo sa pader hanggang dumugo. Pagkatapos ay kinulong sa bartolina. Yes, Mr. President, dati po itong myembro na hindi na nasikmura ang pang-aabuso sa kanya at iba pang menor de edad.

Hanggang ngayon bakas pa sa katawan ng survivor ang mga marka ng pang-aabuso na yon. Nung umalis siya sa poder ni Quiboloy, nakabalik siya sa pag-aaral at ngayon ay may sarili nang pamilya. Ngunit habang buhay daw niya bitbit ang alaala ng panahon na yon.

He was just a child, Mr. President. They were all just children.

Mr. President, madami pa po kaming nakausap na naging dahilan kung bakit naging buo ang desisyon ko na isalang itong isyung ito sa ating kamara.

My office is in possession of an affidavit detailing the sexual abuse inflicted by Quiboloy himself on a minor.

My office is in direct contact with a woman who, while not a minor when the sexual abuse happened, lives with the trauma it has brought and continues to fear for her safety.

May nakausap din ang aking opisina na mga preacher na naglahad ng iba pang mga krimen ni Quiboloy, paano siya yumaman, at paano niya tinatago ang kanyang yaman.

These patterns and practices are persisting as we speak, and sustaining his other criminal activities. Hindi lang po sa Pilipinas ang mga krimen na ito, kundi sa iba't ibang bahagi ng mundo. The international breadth of Apollo Quiboloy's criminal activities is truly astounding.

Let us end this outrage, Mr. President. Let us save those children. Let us hold space for the victims who cower in silence and live in fear, and hope that they find their voice and their power.

Salamat po.

News Latest News Feed