Press Release December 12, 2023 Transcript of Senate Press Conference with Senator Risa Hontiveros Senator Risa Hontiveros (SRH): Magandang umaga po sa ating lahat. Kagabi, pormal na po nating hinimok ang Senado na imbestigahan ang mga kaso ng human trafficking, rape, sexual abuse, at child abuse na inirereklamo ng napakaraming biktima laban kay Apollo Quiboloy, ang lider ng religious group na Kingdom of Jesus Christ. Hindi yan chismis. Testimonya na ng mga biktima ang hawak natin laban kay Quiboloy. Ngayong umaga, bago ako magpatuloy, kilalanin natin si Alias Jackson, dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ, na ikukwento ang mga karanasan niya. Alias Jackson: 1999 po, hindi po ako nakapagtapos ng second year high school noong time na yun. Konti nalang class exam nalang sana. Eh may dumating na parang youth leader na nag-invite sa amin, yung papa ko, mama ko kinausap na meron daw activities, yung May kasi yun, papasok na yung May na youth camp, tinatawag na youth camp. Nadala po ako, isang bus kami nun, mga young people po. Mga underage kadalasan sa amin. Fifteen years old ako, nagso-solicit kami sa Dipolog, Pagadian, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, buong Misamis Occidental, buong Misamis Oriental. Marami kaming 15 nun, ka-edaran ko. Q: Pinapaglimos kayo, basically? Alias Jackson: Solicit ganyan. Minsan tatlo kami, nanghaharana, mga beginners. Akala ko nga yung remittance na P150 araw araw nung 1999 malaki na yun. Yun pala tag P800, P1000, hindi pa pala sila kuntento dun. Nung 1999, youth camp po, isang buwan po kaming nag-youth camp then after nun nag-full time na kami. Finellowship kami na mag-fulltime. Noong umpisa po, dalawang buwan, meron po kaming 10% o 20% ibalik sa amin. After nun, after youth camp, wala na, give it all talaga, 100%. Tapos sabihin nila kuha kuha ka lang ng pangkain mo tapos sabihin pa na wag ka magnakaw dahil blood money yan. Pangkain lang, wag kang kukuha ng kahit piso diyan dahil kasi pag kukuha ka, makakita ng Ama, parusahan ka. May karma. Q: Pinaparusahan ba kayo pag di kayo nakakakolekta? Alias Jackson: Nung bago pa ako, nasampal ako nung December 1999. Unang sampal ko yun. Yung ministro kasi, yung remittance ko dati P500, P400, P300. Pinakamaliit ko P300. Kasi di ko naman alam talaga. Di kasi ako lumaki sa ganyan. Kami naman po sa full time buong buo, buong taon, buong buhay mo doon ka na sa loob [ng Kingdom of Jesus Christ]. Yung pinakamatindi po yung palo talaga. Nung 2000, hindi ko malimutan, mahigit 50 yung pinalo dun sa gym. Alam mo yung pumapalo parang nagpapalo ng ahas. Q: Paano mo nalaman na si Quiboloy ay siya yung nag-order nun hindi lang yung mga underlings niya? Alias Jackson: Una kasi, fine-fellowship niya lahat, sinasabi niya ganyan tapos magagalit yan tapos inuutusan niya yung ministro. SRH: Sunod naman po ay si Arlene, dating miyembro din at mariing nagpapatunay na marami siyang naranasang pang-aabuso dahil kay Quiboloy at sa mga utos ni Quiboloy sa grupo. Pinatotohanan rin niya sa amin na menor de edad pa lang siya, sapilitan siyang namamalimos, at pinag-titinda para mag-ambag sa grupo. Minsan, pinagkukunwari pa silang pipi o bingi. Pero ang totoo sa Kingdom of Jesus Christ napupunta ang benta nila. Arlene: Hello po, magandang umaga at magandang araw po sa ating lahat dyan sa Pilipinas. I am Arlene Stone. I am here in Minnesota, USA. Isa po ako sa mga pastoral ni Pastor Apollo C. Quiboloy nung ako po ay nandoon kasama nila. Ang ibig po sabihin ng pastoral, tayo po ay members sa inner circle. Dalawang uri po ang pastoral. Merong inner circle at inner most circle. At ako po ay nabilong sa inner circle. I was 15 years old po nung una po ako na convert kay Quiboloy. At pinasabak po kami na mamalimos po ako doon sa Amoranto. Pinadala po kami from Davao to Manila para mamalimos po. At ang una po pong natirahan, una po namin natirahan ng aking sister ay Amoranto Colosseum dyan sa Cubao noong 1991 po at pinapapanggap po kami na mga pipi at bingi at mga fake na student po may daladala po kami ng iba't ibang association para kami po ay lumikom ng pera Isa po sa mga association na dala namin ang CJF (Children's Joy Foundation), Pag-asa ng Buhay, Pagdamay sa Dukha Association, Shivers, Sons of David. Seven po yung association nakalimutan ko po yung iba but I have written that up somewhere. Kaya po kami pinapapanggap na bilang estudyante at mga pipi at bingi para kami po ay makakuha ng mga simpatia sa mga tao at malaki po ang aming remittance. Hanggang kalaunan po ay pinagpatinda po kami ng mga puto at kutsinta diyan sa Maynila. Pero bago po kami pinapagtinda diyan sa Maynila, nag-umpisa po kami magtinda ng puto't kutsinta sa Davao. Hanggang kami po ay trinaffic sa iba't ibang panig ng Mindanao. Isa po ako sa bestseller ni Quiboloy, kaya ako po ay isa sa mga naipadala sa Manila upang kami po ay magtinda ng mga puto at kutsinta. Kapag kami po ay hindi po maka-quota at hindi po mabenta ang aming mga paninda, kami po ay may mga punishments Isa po sa mga punishment namin ay pinapalo po kami, pinapa-fasting pinapahiya po sa harap ng mga workers. at kami po ay dinidis-fellowship. At ako po ay nakaranas mismo ng pamamalo galing kay Quiboloy. It was 60 slashes po at ako din po ay nakaranas na ipahiya sa harapan ng mga members at workers ni Quiboloy. Bilang pastoral po, ako po ay nagmamasahe ni Quiboloy at sa kanyang mga spiritual wives. At noong una po ako magsalita, in 2019, ako po ay inalok nila na bayaran upang manahimik. Pero hindi ko po tinanggap ang alok na iyon dahil ako ay-- maganda naman po ang ating trabaho dito sa States at malaki naman po ang aking kinikita dito. I am blessed kaya hindi ko tinanggap yun kasi ang importante po sa akin ang magbigyan ng justice ang aking mga kasamahan na sobrang inabuso. It's not just for me but for my people who were very abused especially po sa mga minors na mga inabuso ni Quiboloy. Yun po ang masakit para sa akin. Marami po akong makakausap ng mga survivors from different part of the world po. At sa akin po sila lumalapit, nag-vent out po sila sa kanilang mga struggles. Kaya po ako ganito, courageous para po sa kanila, hindi po para sa akin. Kasi ako po ay nakapag-umpisa na at nalagpasan ko na po ang ang struggle na mag-umpisa sa bagong buhay. Pero ako po ay nasasaktan para sa kanila kasi marami po sa kanila that until now they are struggling. Especially po yung mga minors na masyadong inaboso ni Quiboloy. Doon po ako masyadong nasasaktan. Kaya hindi po ako mananahimik hanggat hindi po tayo makakuha ng justice for everyone. Kaya ito po ang aking panawagan na sana po ang ating mga mambabatas dyan sa Pilipinas ay bigyan nyo naman ng tuon yung ating mga kababayan, lalong-lalo na yung mga kababaihan na sobrang inabuso. Maraming salamat po kay Senator Risa Hontiveros for looking into this matter at sa iba po na mambabatas natin. Sana po ay mabigyan na natin ng conclusion ang sitwasyon na ito, ang kaso na ito. If you need further information po, meron naman po galing sa FBI, public naman po yan, yung mga case dito sa US. Sana po ay huwag po nating baliwalain. Maraming salamat po sa lahat. At muli, magandang umaga o magandang araw sa lahat. SRH: Mukhang nagpapatuloy po ang ganitong mga gawain. Ipapakita ko po ngayon ay isang screenshot mula sa mga group chat kung saan kasama ang mga miyembro ng KOJC. (SHOW SCREENSHOT) Sabi ng informant namin, dito sa screenshot makikita ang mga instructions na "encouraged ang guitar, tambourine, o ukulele" sa kanilang pamamalimos. Hindi din daw basta-basta nakakalabas ng WH o "Worker House", ang tirahan ng mga nagso-solicit o naghaharana. May "penalty" din na sinasabi kapag may violations. Ngayong taon lang po ang screenshot na ito. So this is still happening. This is human trafficking. Marami na ring biktima ang hanggang ngayon ay naglalakas-loob na makipag-ugnayan sa amin para magsiwalat ng panyuyurak ni Quiboloy ng kanilang dignidad, upang makahanap ng hustisya. But, this is not easy for many victim-survivors. Marami sa kanila, balot parin sa takot. Na iha-harass sila. Na gugulpihin sila. Na papatayin sila. These are very real fears that they are living with, but I hope that through the filed resolution -- and eventual investigation -- they will be empowered to tell their truth and seek justice. Kung si Senior Agila, naaresto dahil sa tindi ng mga testimonya at ebidensya ng child abuse at human trafficking, naniniwala akong hindi malayong mangyari rin yan kay Quiboloy. Pero, maraming nagbubulungan diyan. Malakas daw si Quiboloy sa gobyerno at mga politiko. Kaya daw nila itong ipagsawalang bahala. Hindi ako naniniwala dyan. Mas tiwala ako na marami sa gobyerno, lalo na sa Senado, ang gustong mabunyag ang katotohanan at magbigay ng katarungan. I urge the Department of Justice to issue an immigration lookout bulletin order, which they can do motu proprio, to prevent Quiboloy from leaving the country. He must not escape accountability. Our children's lives are at stake. Maraming salamat po. Q: Ma'am, ano po yung nagtulak sa inyo (inaudible) Bakit dinala niyo na mismo sa Senado yung complaints (inaudible)? SRH: Apparently, yung mga victim-survivors, of course nagsimula ng 2019 pa, si Ms. Arlene na maghanap ng katarungan para sa kanila, pero dumarami yung victim-survivors na lumapit sa opisina ko dahil nasubaybayan nila yung naunang imbestigayson doon sa Socorro Bayanihan Services Inc. doon sa Sitio Kapihan sa Surigao del Norte. At sabi nila, kami rin ganun yung nangyari sa amin. Gusto din naming sabihin yung totoong ginawa sa amin. Gusto din naming makakuha ng hustisya. At habang dumadaan ang mga araw, dumadami talaga sila na lumalapit. Kaya gaya ng sinabi ko sa privilege speech dito kagabi, kaya nabuo ang loob ko na iharap dito sa ating kamara itong mga testimonya, mga affidavit na ibinibigay nitong mga victim-survivors sa opisina ko. Q: (Inaudible) To file formal charges (inaudible) So, will you assist legally? SRH: Ang unang trabaho ko po at namin sa opisina ko ay i-follow up na makapagdinig sa resolusyon. At sinasabi nga sa bawat resolution, in aid of legislation. Pero ngayon pa lang, walang nagpipigil sa executive, unang-una na sa DOJ umaksyon sa mga isyung ito. Unang-una na sa panig ng DOJ sa pag-isyu ng immigration lookout bulletin order na iyon para mapigilang makaalis sa bansa si Apollo Quiboloy. At sigurado ko, habang mas nakikilala ng publiko, itong mga kasong ito ay hindi po magkukulang ng mga abogado at iba pang legal groups, children at women's rights groups na susuporta sa ating mga victim survivors kung gugustuhin nila at magdesisyon sila na maghain ng kasong kriminal laban kay Quiboloy. Q: Political suicide? (Inaudible) He might campaign against you in the future. SRH: Ang political suicide should be the least of my concerns and our concerns dito sa Senado. Mismong mga dating miyembro na ni Quiboloy ang nagrereklamo dahil sa pagtratong naranasan nila sa kamay niya na hindi nila inaasahan at hindi nino mang aasahan sa isang lider na dinadala pa sa pangalan ng kanyang organisasyon ang pangalan ni Hesukristo. Sabi ko nga rin kagabi sa privilege speech na ngayong Kapaskuhan pa na ipagdiriwang natin ang kapanganakan ng sanggol na si Hesus. Eh bumulaga sa ating kaalaman itong ginagawa sa ilalim ng pangalan din iyon. I think ang pangunahing concern talaga ng mga victim-survivors ay sabihin ang kanilang totoong karanasan at makakuha ng hustisya. At yun at yun din lamang ang pinaka-importante o solong concern dapat namin dito sa Senado. At naniniwala ako na ito yung aming itataguyod. Q: Earlier po, sinabi niyo na ito ay supported ng DOJ, why not bring this issue at the proper forum? SRH: Gaya ng ibinahagi ko kanina, bukas lalo na sa mga victim survivors at sa mga lawyer at sectoral organizations na sumusuporta at susuporta pa sa kanila yung route na iyon na pagkakaso laban kay Quiboloy sa ating judiciary. Samantala ako bilang nagkatrabaho dito sa Senado, ang pangunahing support ang maibibigay po sa kanilang paghahanap ng magsabi ng katotohanan at makakuha ng hustisya ay dito sa Senado. So pangunahing nga sa pamamagitan nitong resolusyon, ang imbestigasyon sa resolusyon iyan, at kapag lumabas po sa committee reports, sa findings and recommendations, pag-amyenda sa mga kasalukuyang batas. Tulad ng nagagawa din po ng Senate Committee on Women sa mga naunang imbestigasyon upang palakasin ang pagkasulat at lalo na ang pagpapatupad ng ating mga batas na nagpoprotekta lalong-lalo na sa mga kababaihan at kabataan. Q: Pero based on news articles, these issues are nothing new, lalo na nga kay Pastor? How do you think this investigation (inaudible)? SRH: I think the investigation has a very strong chance to progress. Sa reaksyon pa lang ng mga kasama ko sa floor kagabi, kahit gabi na, talagang lumingon sila, nakinig. Sabi ng ilan explosive yan. So I think kahit kung alam na ng iba o sections ng publiko yung sumisingaw ng ganitong mga issue dati, the fact na lumapit ang mga victim survivors sa Senado, nagbigay sila ng affidavits at tingin ko magiging handa sila na magsalita sa hearing. At tingin ko magiging kasing mabunga itong imbestigasyon tulad ng nagiging mabunga ang naunang imbestigasyon namin doon naman po sa SBSI. Q: Ma'am, kasi kagabi doon sa speech there were also allegations ng sexual abuse? To what extent, ma'am? So far yung dalawang narinig namin, human trafficking, sapilitang pagtatrabaho at paglilimos. Yung sexual abuse po? SRH: Sabi po ni Ms. Arlene, mayroon dalawang sirkulo sa sa paligid ni Apollo Quiboloy. Ayon po sa mga victim survivors namin, yung mga babae dun sa inner circle ay inoobligang mag-render ng personal, support services kay Quiboloy. Paghahanda ng kanyang pagkain, paglilinis o paglalaban ng kanyang mga damit, pero pati pagpapaligo sa kanya at saka pagmamasahe sa kanya. Sabi nga ni Ms. Arlene, noon pinamamasahe siya kay Quiboloy at sa mga spiritual wives niya. So, yan yung mayroong innermost circle pa na tinatawag. At sila daw ay inuobligang magkaroon ng sexual relations kay Quiboloy. Bukod po doon, meron kaming at least isang mga victim survivor na menor de edad na nagbibigay ng testimonya sa amin na parti siya pina-render ng sexual services kay Quiboloy. Q: Ma'am yung sexual services, doon sa innermost circle nanggagaling? Yung inner circle lang massage? SRH: Massage, pagpapaligo, which are personal enough. Paghahanda ng pagkain yung paglalaba ng kanyang damit, So, kumbaga, household staff and more than household staff. Q: Yung nag-render, ma'am, ng sexual services, lalabas po ito sa hearing, ma'am, itong menor de edad? SRH: Magkokonsulta po kami muli sa Child Protection Unit ng DSWD at ng mga investigating agencies para siguruhin namin kung haharap man siya sa hearing tulad ng mga victim survivors na menor de edad sa SBSI na oobserbahin ang lahat ng protocols kapagka bata ang victim survivor at bata ang magtetestigo. Q: Last on my part, what are you expecting from the hearing? Are you encouraging is Pastor Apollo Quiboloy to physically in person na humarap po at masagot yung mga allegations. SRH: Well, unang-una, Harinawa hindi siya umalis sa bansa, kaya hiningi ko yung lookout bulletin order sa DOJ. And pag dinaos namin, yung pagdinig tulad ng pag-imbita namin mga komite kay Senior Agila noon ay iimbitahin din po namin, iimbitahin ko rin si Quiboloy na humarap. Q: Ma'am sabi niyo kanina, parang ine-expect niyo rin na kung anong nangyari kay Senior Agila na makulong, ganoon din ang mangyayari kay Quiboloy? Can we get a clear statement. SRH: Kung mapatunayan ng pagdinig namin at lumabas sa findings and recommendations ng committee report na totoong ginawa niya ang offenses laban sa mga victim-survivors off the top of my head, ilan nang mga batas para sa kababaihan at kabataan kasama na yung batas laban sa human trafficking ay posibleng nilabag talaga niya. At kung mapatotohanan niya ng pagdinig namin, eh di yan ay magsisilbing bahagi ng pundasyon para kasuhan siya. Q: Can you force Mr. Quiboloy to appear? Kasi pwede niya naman niya i-cite yung separation of Church and State. SRH: The committee cannot force, as in force a witness to appear, pero may kapangyarihan din ang komite ng Senado na kapag nag-imbita ng resource person lalo na isa siya sa pinakamahalagang resource persons sa imbestigasyong iyon, at mag-refuse sila, may power din naman po ang komite na mag-subpoena at kumbaga i-compel yung presensya o yung partisipasyon ng resource person na iyon. As for separation of Church and State, wala po akong gustong investigahang usaping relihiyon. Hindi. Ang resolusyon at ang privilege speech ay tungkol sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at pang-aabuso sa mga bata. At yung mga isyung iyan ay squarely nasa larangan ng gobyerno na siyang dapat, kaming dapat, nago-oversee ng pagpapatupad ng batas at proteksyon sa pinaka-bulnerableng mga sektor natin. Q: Kung kakailanganin ma'am, willing kayong ipa-subpoena siya? SRH: Opo. Q: Money laundering? SRH: Titignan pa po namin yung anggulong iyon dahil nabanggit ko rin po kanina or kagabi sa privilege speech na global yung breadth noong mga krimen o akusasyon laban kay Quiboloy. Q: Ilan po ang witness? Security? SRH: Hindi ko pa masasabing maipapangako ang security nila. Pero gaya ng itinaya namin sa mga witness survivors ng SBSI at nagawa naman, makikipag-ugnayan po kami sa mga otoridad para siguruhing ang mga victim survivors ay hindi na bibiktimahin sa kanilang pagsabi ng katotohanan at pagkuha ng hustisya. So para ma-secure po sila, lalo na kung haharap sila sa pagdinig dito sa Senado. Hindi ko pa masasabi yung eksaktong numero at medyo tuwing halos dumaan ang bawat araw ay nadadagdagan po. Siguro po dahil nasubaybayan nga po nila yung imbestigasyon namin sa SBSI. At sabi nga ni Ms. Arlene, marami po siyang nako-contact na victim-survivors sa iba't-ibang bansa. Pero hindi po kukulang malamang sa dami ng mga victim-survivors na humarap sa naunang imbestigasyon sa SBSI. Q: Ma'am, just clarification. Yung investigation na ito is in aid of legislation, just like in SBSI. Pero doon sa hearing po ng SBSI, mayroon na po ba tayong nagawa na panukala based on that hearing? SRH: Fina-finalize na po namin ang committee report, led siyempre ng tagapangulo ng Committee on Public Safety and Dangerous Drugs tungkol doon sa imbestigasyon na iyon. And sigurado mula sa Senate Committee on Women ay magpapanukala po kami ng mga, kung hindi man amyenda, mas mahusay na pagpapatupad ng mga kinauukulang batas kasama na yung human trafficking, anti-human trafficking. Q: Kasi siyempre, ang magiging allegation dito ay politically-motivated yan. Payback time. SRH: Well, tulad nung kaninang tanong tungkol sa political suicide, itong usapin ng pulitika or payback time yan po ay secondary, tertiary, even further down sana isaalang-alang na mga tao habang sinusubaybayan yung prosesong i-undertake namin dito sa Senado. Dahil ito talaga ay pangunahin o solong tungkol sa mga babae at bata na lumapit po sa amin. Dahil sabi nila, tulad ng biniktima ng Socorro, sila rin ay biniktima at sila rin at gusto din nila makatanggap ng hustisya. So, walang ibang konsiderasyon ang dapat isipin or ipag-worry ng mga tao magsusubaybay sa proseso nito. Dahil ang Senado at ang Senate Committee on Women and Children ay laan para tumugon sa ganyang mga reklamo at tumugon sa ganyang mga paghingi ng pagdinig. Q: Ma'am si Quiboloy is a wanted sex offender sa US. He's on the list of FBI's Most Wanted. Should the DOJ and NBI make the necessary arrangement for his immediate extradition to the US? Kasi since then po, walang ginawa ang gobyerno ng Pilipinas. SRH: Well, wine-welcome ko na nagsalita ang DOJ tungkol sa kasong ito at kaya nagfa-follow up ako na mag-issue sila ng immigration lookout bulletin order dahil nga, patunay doon sa binanggit ko kanina na global ang breadth ng mga krimen at concern tungkol sa mga krimen ni Iki Bonoy, dahil nga nasa FBI wanted list na siya. Hindi masama kung makipag-ugnayan ang DOJ at NBI sa mga counterparts nila sa US para masigurong hindi makatakas sa kamay ng batas at hustisya si Quiboloy kung mapatunayan ng aming pagdinig ang mga reklamo laban sa kanya at humarap siya sa mga awtoridad, hindi lang dito, pati doon na rin sa ibang bansa. Q: Are you interested sa mga kaso na iyan kasi these are live cases? Do you think dapat ding tingnan yung mga kaso na iyan? SRH: Pagkatapos namin unang bigyan ng tingin yung mga kaso na inilapit sa amin mismo ng mga victim-survivors dito, mga bata at mga kabarong babae, for sure sinusubaybayan din namin yung developments sa ibang bansa, particular sa US, lalo na diumano mga kababayan din natin doon ang binibiktima. Pero, unahin muna namin yung dito sa ating backyard, ika nga. At dahil overall naman, kung umuusad yung proseso ng katotohanan at hustisya dito sa Pilipinas, ay malamang makakatulong din sa proseso sa ibang bansa dahil common ang tao na fina-fact finding at eventually iniimbestigahan, at common yung identities in terms of parehong mga babae, parehong mga bata ang hinahanapan ng hustisya. Q: Is this in any way related sa mga nangyayari sa House? SRH: I doubt na yan ang nasubaybayan din ng mga victim-survivors. Basta ang sigurado ko ay nasubaybayan nila yung pagdinig namin sa parehong mga tao tulad nila sa kamay ng isang lider o ilang lider na tiningala nila bilang mabuting tao, yung isa reinkarnasyon ng Diyos, ito may sinasabing titulo sa sarili na malapit sa Diyos, and yet ang ginawa sa kanila ay talagang di makatao at labag sa ating mga batas. Siguro, pwede kong sabihin na imposible na nasubaybayan nila ang nangyayari sa House tungkol doon sa istasyong iyon. Q: When do you intend to hold the hearings? Before the year ends or next year na? SRH: Tingnan po namin kung kakayanan namin, pati nasa yugto pa ng paghahanda, kumpletong mga affidavits, at paghahanda sa mga victim survivors kung sino sa kanila ay gusto at kayang humarap sa pagdinig ng komite. Kung hindi man namin kakayanin within this year, at least na ihain na po yung resolusyon, na i-deliver na po yung privileged speech, may pending po akong panawagan sa DOJ na pwedeng-pwede po nilang aksyonan any day during this month. At kung hindi man namin maisagawa ang pagdinig ngayong taon pa, first thing, sa bagong taon. Q: Hindi po ba madidiscuss kung itong Kingdom of Jesus Christ ay isang lehitimong religious organization? SRH: Hindi po nang hihimasok doon yung resolusyon. Ang solong scope nung resolusyon pangunahin, ay yung paglabag sa karapatan ng mga kababaihan at mga bata. At doon pa lamang marami-rami ng mga batas ang nakasalang. Q: Sinabi niyo po dumarami yung mga lumalapit na miyembro. SRH: Karamihan kung hindi man lahat ay dating miyembro, hindi na pong miyembro. Q: Pero meron din miyembro pa rin? Hanggang ngayon nakapaloob pa rin? SRH: Inaalam pa po namin kung meron sa kanila na miyembro pa rin. Pero kahit po yung mga dating miyembro na ay until recently naranasan ang mga ito, until at least a few years ago. At lalo na sa mga sexually inabuso, hanggang ngayon, kahit yung mga nakapagbagong buhay na, ay bakas na bakas either sa katawan nila at sa kaisipan, sa kalooban niila, yung mga sugat na iyon. Q: Wala po bang pending nang criminal case? SRH: I'm not sure actually kung may pending nang criminal case. Pwede po namin i-check agad at get back to you on that right away. Pero at least meron nang mga kasong tumatakbo sa ibang bansa for similar or identical offenses, tulad ng mga reklamo ng ating mga victim survivors dito. So kung wala pa man, lalo na kapag nadaos na namin yung aming pagdinig - or kung walang pumipigil din sa executive na mauna na or mag-parallel na rin sa kanilang imbestigasyon. Kaya ako sinabi kanina na hindi malayong mangyari kay Quiboloy yung nangyari din at dito pa mismo sa Senado, kina Senior Agila. Q: Lahat po ba ng mga victim nagbigay na ng affidavit? SRH: Hindi pa lahat, kaya bahagi po yan ang early stages namin ng paghahanda para sa pagdinig, primarily yung paghahanda sa mga victim survivors na magtetestigo din sa hearing. Q: Exclusively babae lang po ba ang mga victims? SRH: Mukhang exclusively babae yung innermost at yung inner circle. Kung papaano sila napasok doon, meron po tayong clue. Kahit doon sa isang lalaki naman na victim survivor, si alyas Jackson, na nire-recruit talaga sila. At hindi lang yung individual, yung buong pamilya, kinakausap yung magulang.Tulad ni alyas Jackson, kinausap yung nanay niya, yung tatay niya. Si Ms. Arlene, kasama ang kapatid niyang babae, na tinaraffic dito sa Manila, sa may Amoranto Stadium daw, para sabay-sabay silang magkunwaring pipi o bingi o magkunwaring estudyante para makapaglimos o makapagbenta ng puto't kutsinta. So, mukhang active recruitment ito at pamipamilya kung kinakaya. Q: Kagaya po ba ito noong sa SBSI kung saan yung mga bata, yung mga anak ay ayaw naman talaga? SRH: Aalamin po natin yun sa mas malalim na pag-interview ng mga victim survivors at hanggang makapag-testimonya sila. Pero, napapansin ang Committee on Women, kahit sa ibang mga imbestigasyon, kahit sa ibang mga krimen laban sa kababaihan, halimbawa dun sa Pogo-related prostitution, all the way sa Pogo-related human trafficking, minsan sa simula may element ng deception. Kunyari, may desenteng trabaho. O kunyari, magiging bahagi kayo ng isang komunidad na mag-aalaga sa isa't isa. Kalaunan pala, iba yung motibo. So, dito sa Pogo, pagkakitaan sa iba't ibang mga paraan, yung mga human trafficking victims. At dito naman, batay sa mga naunang pag-testimonya sa amin at affidavit ng mga victim survivors, kalaunan, yung iba't ibang klaseng mga pang-aabuso, at pagmamalupit pa. Q: Sa investigation niyo si Quiboloy lang ba or may iba pang leaders ng KOJC na accountable? SRH: Aalamin pa po namin, kung bukod kay Quiboloy, kung meron pang ibang mga leader ng kanyang organisasyon na ia-identify ng mga victim survivors na kasama doon sa pagre-recruit, sa pagpapaservice sa kanya, pagpapalimos sa mga lansangan, at pagpaparusa sa kanila pag hindi sila nakaquota sa ipinagmamalimos. Alright. Ang pwede ko lang sabihin sa inyo tungkol sa mga kaso dito sa Pilipinas ay na-confirm po namin may pending case po siya dito sa Pilipinas. Wala na po kaming dagdag na detaling na kuha pero meron din po. Salamat. Q: Are you asking the DOJ to conduct an investigation already? SRH: At tulad din nung investigation namin ng tatlong taon sa POGO, eh ilang beses nag-parallel investigation din ang ating mga investigative agencies, at grateful po talaga ako at ang komite sa kanila. Pati nga Office of the Ombudsman ay umaksyon noong panahon ngayon. At tama po kayo, nakita din po natin yun habang idinadaos yung investigasyon sa SBSI. Q: Meron bang recent na victims? SRH: Yes po. Sa mga victim survivors so far na kumakausap sa opisina ko, meron din pong menor de edad. So, mas recent po yung offenses laban sa kanya. Q: Are you asking the DOJ.. SRH: Well, opo. At yung IACAT po ay isa sa paboritong kaugnay ng Senate Committee on Women mula sa Executive sa dumaraming mga issue na may kinalaman din sa human trafficking. So, kasabay nung panawagan ko sa DOJ na ang Bureau of Immigration ay mag-issue niyang lookout order na iyan, eh baka hindi ko na kailangang hilingin na kapag nag-issue ng lookout order ang DOJ - at I'm sure by now, alam ng IACAT itong issue nito - hindi ako magugulat kung maging proactive din sila dito at muli ipagpapasalamat po namin iyon. Q: Nagkaroon po ba ng pagpapabaya kung years na nangyayari ito? SRH: Well, ganun din yung isang anggulo ng pag-investiga namin sa nangyari sa Socorro. Naitanong po namin na, paano nangyari na yung mga pang-aabusong iyon ay nangyari sa loob ng ilang taon, kumbaga right under the noses of the authorities? So, hindi unreasonable, tanungin din yan sa usaping ito ng paglabag sa karapatan, sa dignidad ng mga babae at bata sa kamay nina Quiboloy. So, I'm sure lalabas din po iyon sa pag-investiga. Kung paano dapat mas maaga, kesa ngayon, mas maagang natuko yan, napigilan, at nasingilan ng accountability si Quiboloy. Q: Magagamit po ba yung friendship ni Pastor Quiboloy kay former President Duterte? SRH: Well, walang totoong friendship na dapat magpatawad ng rape, o ng sexual abuse, o ng child abuse, o ng human trafficking. Hindi ako manghihimasok sa relasyon ng iba, pero sa tingin ko, ang pagkakaibigan ay dapat para sa katotohanan at sa kasahustisya. So, yun yung susubukang i-extend ng Senado, at ng Senate Committee on Women sa mga victim-survivors - yung pagkakaibigan na magbibigay daan na masabi nila yung totoong nangyari sa kanila at makatanggap sila ng hustisya. So, itong nakakuha pa kami ng dagdag na detalye doon sa pending charges. Naka-appeal sa DOJ ang charges of rape, child abuse and trafficking. So, pareho, filed noong Disyembre 2019 pa laban kina Quiboloy, at iba pa. Q: Galing po ba yan sa (unclear)? SRH: Di ko masagot yan sa ngayon, pero available online po, tungkol dito sa kasong ito na naka-appeal sa DOJ itong tatlong charges laban kina Quiboloy. Disyembre 2019 po finile. Q: Ma'am yung mga witnesses, hindi po ba sila part nitong existing cases na ito? SRH: Hindi ko po alam kung pareho silang biktima ng mga kasong ito or ilan sa mga kasong ito. Pero sa pagkaalam ko, unang beses sila lalapit sa aling mang sangay ng gobyerno. So, itong paglapit nila sa Senado, sa opisina ko, unang pagkakataon nito. Hindi ko sigurado kung kasama sila sa mga biktima nito, pero sa sarili nilang aksyon, ngayon pa lang sila naglakas loob na gawin ito. Q: Si SBSI wala siyang political clout. Si Quiboloy may mga kakilala. Ano po yung gagawin niyong approach sa investigation? SRH: I think yung approach ay katulad sa approach sa alinmang imbestigasyon lalo na kung may nagbubulong-bulong diyan na, "Ay, may koneksyon iyan." All the more reason na kailangang ipakita ng Senado sa mga victim-survivors na ito na lalong bibigyang daan namin na - sabihin nilang totoo yung ginawa sa kanila at humihingi sila ng hustisya mula sa gobyerno - walang anumang, parang yung pinaguusapan natin kanina, walang anumang conflict of interest na pwedeng tumaob sa pangunahing layunin ng katotohanan mula sa mga victim survivors at para sa victim survivors. Q: Your message po: Hindi niyo sila pinepersonal, para lang po hustisya? SRH: Para po sa hustisya po talaga ito. Dahil mismong mga dating miyembro ang lumapit sa opisina ko, para idaing, iiyak yung ginawa sa kanila na hinding hindi nila inasahan noong una silang pumasok. At ngayon bilang mamamayan at bilang tao, gusto nilang makakuha at makatanggap ng hustisya mula sa ating gobyerno. Q: Bakit po tumagal ng ganito? Kasi po yung ilang mga allegations, 1999 pa. SRH: Yun na nga eh, decades na. Para siyang katulad ng mga issue na may kinalaman lalo na sa kababaihan at sa kabataan, kung sino pa yung pinakabulnerableng sektor, ang bibigat ng dumadagan sa atin. Yung kulang na pagtingin sa bata, bilang ganap na tao din, mamamayan din, so may dignidad bilang tao, may karapatan bilang mamamayan, hindi pagmamay-ari nating mga adults. Yung pagtingin din sa mga kababaihan, dahil sa sexism at sa misogyny, sa masyadong maraming pagkakataon ang daling ginagawang sex object lang, sukat ilagay sa aquarium, halimbawa doon sa mga isa sa huling niraid na POGO hub o POGO center, human trafficking center doon sa Pasay. Ganoon yung matatagal na at napakabibigat na mga maling paniniwala at ugali, nasasalamin tuloy sa ating pulitika, nasasalamin sa ating ekonomiya, parang buhol buhol na nagtatrap sa babae at sa bata sa mga ganyang sitwasyon. It is not excuse for anything, on the one hand isa siyang paliwanag kung bakit na tumatagal ng sobrang tagal ang hindi katanggap tanggap na sitwasyon. At pangalawa, hamon talaga siya na ibahin itong kultura natin, yung pulitika natin, kasama noong batas, yung ekonomiya natin na cino-commodify ang babae, cino-commodify ang bata. Baguhin ang mga ito - at isang paraan na pwede naming gamitin ay legislation, baguhin ito para palayain tayong lahat sa ganyang mga di makataong sitwasyon. Q: Yung protector angle, ma'am, hindi niyo ba siya nakikita ngayon? SRH: Well, yun yung ibig sabihin ng mga nagbubulong-bulungan dyan sa labas ng Senado tungkol sa issue nito. Pero, higit dyan, yun, mga bulong-bulong. Pero, ako, hindi ko binubulong, sinasabi ko nang bukas na mas naniniwala ako na maraming, lalo na dito sa Senado, na susuportahan itong mga victim-survivors makatanggap ng hustisya sa katotohanang sinasabi nila. Q: Doon po sa nire-request niyo na ILBO mula sa DOJ, ma'am ano po magiging basis nun? SRH: Yung basis sana ay, opo, yung mga reklamo ng itong mga victim-survivors na subject ng Senate Resolution at ididinig ng Senate Committee on Women, ngayong o sa susunod na buwan. Q: Does the DOJ do that po na parang basis po ay Senate probe na ongoing? SRH: I believe may mga precedents. I can get back to you on that. At nakapagsalita na rin po ang DOJ tungkol diyan. So, ibig sabihin, nag-iisip na rin sila tungkol sa anong attitude nila at maaring gawin kaugnay ng kaso nito. Q: Selection committee? SRH: Aalamin pa po namin iyan kung paano yung selection process, pagkatapos ma-recruit, kung sinong babae ang ipapasok sa inner circle at sino sa innermost circle, at kung ano ang personal involvement ni Quiboloy dyan. Dahil sabi yata ni Alias Jackson, hindi lang yung mga tauhan ni Quiboloy ang nagpaparusa sa kanila, pero si Quiboloy mismo. In fact, sinabi ni Alias Jackson, nakatanggap na siya ng suntok mula mismo kay Quiboloy. So, alamin natin kung siya rin ang pumipili ng papasok sa inner at innermost circles. Q: Sa West Philippine Sea lang. Yung pag-water cannon (inaudible) Pag-invoke natin ng Mutual Defense Treaty? SRH: Ang understanding ko sa Mutual Defense Treaty, and dating to 1951, kaya medyo marami din ang nag-iisip, hindi kaya napapanahong i-review yan at i-update. Ang alam naalala kong lenggwahe sa Mutual Defense Treaty ay armed attack. Opo. Itong tuloy-tuloy at kamakailan lamang na naman na pag-water cannon, pag-collide, ay sabi nung iba, acts short of war. Talagang kinakalkula para i-bully tayo, sindakin tayo, sinusubukan nila, pero, ah, hindi mag-i-invoke ng MDT. At saka, higit pa sa anumang treaty, eh hindi naman po mababasa, hindi po masisindak tayong mga Pilipino. Dumadami yung mga aksyon ng gobyerno visa din ng unanimous resolution ng Senado tungkol sa resolusyon at ibang presentations sa UN General Assembly, at sa iba pa, na ipinasakang makailan ng Senado, pati civil society, ay patuloy na nagse-step up Pati civil society ay patuloy na nagse-step up para itaguyod yung ating national interest. para itaguyod yung ating, ah, national interest. So, kumbaga, one of these days, lalo na dumadami ang mga bansa, at, regional formations na sumusuporta sa atin, one of these days, something's got to give, ika nga. Makakahanap din tayo ng tamang formula, o tamang pakete ng mga aksyon unilaterally mula sa Pilipinas, at by and multilaterally kasama ng mga ibang bansa at formation na sumusuporta sa atin, na, effectively, makakapagpigil sa China sa patuloy ng aggressive actions niya sa West Philippine Sea at sa EEZ. Q: (Inaudible) SRH: I'm sure nakarating na sa atensyon ng DFA at sa counterpart niya sa US yang mga ganyang thinking aloud na dapat bang i-update na ang MDT, eh ngayon pa lang nakakaalyado na naman natin muli, mas ganap ang US, lalo na sa mga bilateral na proseso, mga naval exercises, et cetera. At ang mas maganda pa, dagdag sa kanila, dumadami din yung mga bilateral and multilateral defense and security cooperation natin sa iba pang mga bansa at iba pang mga regional formations. Lagi ko pong sinasabi, a bigger coalition is a better coalition na hindi tayo mapilitang pumili lang sa pagitan ng manatili ba sa China? Bumalik ba sa US? Hindi, mas marami, mas mabuti at yun po yung inaani ng Pilipinas sa ngayon Q: Yung mga hinarap ninyo (inaudible) SRH: [May mga ebidensya din silang dala. So yun yung kasama sa assessment namin sa early stage nitong paghahanda para sa hearing. So paghahanda mismo sa mag-tetestigo at pagsinop at pag-kumpleto sa mga ebidensyang ihaharap pa nila bukod sa kanilang testimonya na pinaka-powerful na na-evidence. Q: Can you give us an idea lang, anong klaseng (inaudible) SRH: Maaga pa eh, pero kapag mas napafinalize na namin ay ibabahagi din po namin and of course, siguradong lalabas sa hearing. Q: May proof ba sila of membership? IDs or something. Kasi baka madaling i-deny? SRH: So sigurado ako pagharap nila sa hearing ay sa pamamagitan man ng physical evidence o iba pang paraan Mapapatunayan talaga nila na sila'y naging miyembro. The fact lang na ang dami at detalyado ng mga karanasan nila na kanilang isasalaysay. Alaala at siguro corroboration din between victim-survivors na mga parehong naranasan nila or na-witness nila habang sila'y nasa loob pa. Q: Ano po ang mensahe niyo kay Pastor Quiboloy at para sa mga followers nila? SRH: Wala naman po akong mensahe kay Quiboloy dahil ang pinakamahalagang mensahe lamang ay yung galing sa victim-survivors mismo na hanggang ngayon, hindi talaga nila tinatanggap at tinatakwil nila yung pagtratong ginawa sa kanila. At gusto lang talaga nilang humingi ng hustishya sa ating gobyerno at ating lipunan para sa dinanas nila sa kamay ni Quiboloy. Sa mga ibang taga-miyembro nila or tagasunod nila, muli, ito po ay tungkol sa paglabag sa dignidad at karapatan ng mga victim-survivors. At siguro naman lahat ng komunidad ay gusto iyon, yung tamang pag-respeto sa dignidad at sa karapatan ng bawat isa. |
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
Tuesday, April 15
|