Press Release December 14, 2023 Gatchalian urges LGUs to help address issues affecting food inflation Senator Win Gatchalian urged local government units (LGUs) in the country to help lower down transportation and logistics that are ultimately affecting food inflation amid surging food demand related to Christmas and New Year festivities. Gatchalian highlighted that LGUs must ensure strict compliance with Executive Order 41, signed by the President in September this year, prohibiting the collection of pass-through fees from motor vehicles transporting goods or merchandise along national roads and other roads not constructed and funded by LGUs. However, LGUS are only urged to suspend collection when transporting goods or merchandise along local public roads. The EO aims to ensure the efficient movement of goods across the regions and revitalization of local industries. "Whether passing through national or local public roads, LGUs should suspend the collection of fees considering that pass-through fees significantly add to transportation and logistics costs, which are usually added to the prices of goods and commodities," said Gatchalian. He emphasized that the transport of all farm products from the LGUS should be covered by the EO to ensure the affordability of such commodities for consumers, necessitating strict monitoring by concerned LGUs. According to Gatchalian, provincial LGUs should also ensure the availability and access to post-harvest facilities. This, he said, will not only prevent spoilage but also provide appropriate markets for farm products, citing a recent incident where farmers in Ifugao, Benguet, and Nueva Vizcaya were forced to dump tomatoes amid oversupply and lack of buyers. "LGUs need to assume responsibility in implementing supply chain initiatives that would ensure the availability of affordable food commodities," Gatchalian said, noting that despite a lower inflation rate of 4.9% in November, the prices of certain food items continued to climb. For instance, rice, the main food staple of Filipinos, posted an inflation rate of 15.8% in November, higher than the 13.2% rate registered in October and the 3.1% posted in November 2022. "Malaking bagay ang magagawa ng mga LGUs para tugunan ang mataas na presyo ng ilang pangunahing bilihin. Hindi dapat nasasayang ang mga produkto ng ating mga magsasaka," Gatchalian said. He has earlier filed a bill seeking the establishment of an agriculture information system (AIS) to help ensure an adequate supply of farm products, boost agricultural output, and reduce poverty. The proposed measure provides for the creation of the AIS, to be managed by the Department of Agriculture (DA), which will serve as a dynamic online computer database where information on the demand for specific agricultural and fisheries commodities is gathered and uploaded simultaneously with the production data from farmers in every barangay. As envisioned, the AIS shall merge and synchronize agricultural data from different sources into a cohesive database designed to facilitate linkages from the farm to the intended consumers, including global markets. Gatchalian hinimok ang mga LGU na tumulong sa pagtugon sa mga isyung nakakaapekto sa food inflation Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga local government units (LGUs) sa bansa na tumulong sa pagpapababa ng halaga ng transportasyon at logistics na nakakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng tumataas na demand ng pagkain ngayong papalapit na ang pasko at bagong taon. Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat tiyakin ng mga LGU ang mahigpit na pagsunod sa Executive Order 41, na nilagdaan ng Pangulo noong Setyembre ng taong ito, na nagbabawal sa pangongolekta ng pass-through fees mula sa mga sasakyang de-motor na nagdadala ng mga kalakal o paninda na dumadaan sa national roads at iba pang mga kalsadang hindi ipinatayo at pinondohan ng mga LGU. Gayunpaman, hinihimok lamang ang mga LGU na magsuspindi ng kanilang koleksyon kapag nagdadala ng mga kalakal o paninda sa mga lokal na pampublikong kalsada. Layon ng EO na tiyakin ang mahusay na paggalaw ng mga kalakal sa mga rehiyon at ang muling pagpapasigla ng mga lokal na industriya. "Dumaan man sa national o lokal na pampublikong kalsada, dapat suspindihin ng mga LGU ang pagkolekta ng mga fee dahil makakadagdag ito sa transportation at logistics cost na kadalasan ding nadadagdag sa presyo ng mga bilihin," sabi ni Gatchalian. Binigyang-diin niya na ang transportasyon ng lahat ng mga produktong pang-agrikultura mula sa mga LGU ay dapat saklaw ng EO upang matiyak na abot-kaya ang naturang mga bilihin na nangangailangan ng mahigpit na pagsubaybay ng mismong mga LGU. Ayon kay Gatchalian, dapat ding tiyakin ng mga provincial LGUs ang pagkakaroon ng post-harvest facilities. Ito, aniya, ay hindi lamang para maiwasan ang pagkasira ng mga agricultural products. Mahahanapan pa ang mga ibinebentang produktong ito ng sapat na merkado. Binalikan ni Gatchalian ang kamakailang insidente kung saan ang mga magsasaka sa Ifugao, Benguet, at Nueva Vizcaya ay napilitang magtapon ng mga kamatis dahil sa dami ng suplay at kakulangan ng mga mamimili. "Kailangang tanggapin ng mga LGU ang responsibilidad sa pagpapatupad ng mga inisyatibo ng supply chain na magtitiyak sa pagkakaroon ng abot-kayang mga bilihin ng pagkain," sabi ni Gatchalian. Sa kabila ng mas mababang inflation rate na 4.9% noong Nobyembre, ang presyo ng ilang mga pagkain ay patuloy na tumaas. Halimbawa, ang bigas, na pangunahing pagkain ng mga Pilipino, ay nakapagtala ng 15.8% inflation rate noong Nobyembre, mas mataas kaysa sa 13.2% na rate noong Oktubre at 3.1% noong Nobyembre 2022. "Malaking bagay ang magagawa ng mga LGU para tugunan ang mataas na presyo ng ilang pangunahing bilihin. Hindi dapat nasasayang ang mga produkto ng ating mga magsasaka," sabi ni Gatchalian. Nauna na siyang naghain ng panukalang batas na naglalayong magtatag ng isang agriculture information system (AIS) upang makatulong na matiyak ang sapat na suplay ng mga produktong pang agrikultura, mapalakas ang output ng agrikultura, at mabawasan ang kahirapan. Ang panukalang batas ay nagbibigay daan para sa paglikha ng AIS, na pamamahalaan ng Kagawaran ng Agrikultura (DA), na magsisilbing isang online computer database kung saan pagsasama-samahin lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa kalakal sa agrikultura at ia-upload nang sabay-sabay sa production data ng mga magsasaka sa bawat barangay. |
Tuesday, June 17 Monday, June 16
Sunday, June 15
|