Press Release October 10, 2024 Transcript of Press Conference: Senator Risa Hontiveros with Senate Media Senator Risa Hontiveros (SRH): Magandang hapon p osa inyong lahat. Maikling anunsyo lang na matapos ang kalahating taong suspensyon, ire-resume po ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang pagdinig namin kay Apollo Quiboloy sa Miyerkules 23 nitong Oktubre, higit kalahating taon mula nung kami nag-suspend sa oras ng alas 10 ng umaga. Q: Ma'am pinayagan na rin po si Quiboloy na mag attend sa Senate hearing? SRH: Ah, susulat po ulit ang komite sa korte para tulad ng sa ibang mga resource persons na nasa kustudiya ng korte o di kaya ng law enforcement, ay mahingi yung permiso nila na padaluhin siya rito sa hearing. Q: Ano ba ung inaasahang mangyayari sa hearing? Maghahanap sila ng mga witnesses against na, inyong mga complainant? SRH: May ilan po sa mga victim survivors na nakapag-testigo na haharap at may mga bago pa kaming mga victim survivors na hahabulin din ang kahit kapirasong hustisya. Doon man lang sa paraan ng pag-confront sa dati nilang leader? Q: Mga ilan po ang mga bago? SRH: Hindi ko pa masabi yung exact number pero over the past seven months na nag-suspend kami, may mga nag-reach out din sa opisina ko at sa aming komite dahil nasubaybayan din nila yung mga naunang mga pagdinig at nasubaybayan nila yung pagtestigo ng mga kapwa nilang victim survivors. Q: Any comment dun sa plea deal ni Marissa Duenas? SRH: Kung gusto nyo, pwede kong basahin yung naging statement ko tungkol doon kay Marisa Duenas na nag-strike ng plea deal sa US government. Sa loob at labas ng bansa, palapit na ng palapit ang araw ng pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng krimen ni Apollo Quiboloy. The plea deal by Marissa Duenas - a reported long-trusted administrator of the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) - with US authorities is a significant step towards securing accountability for Quiboloy's disturbingly long list of crimes here and abroad - which includes sexual abuse of minors, qualified human trafficking, child abuse and others. As chair of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, I also hope that Ms. Duenas - given her position in KOJC- would be open to participating in our continuing investigation on the various allegations of abuses and criminal acts by Quiboloy. Sana tulad ni Ms. Duenas ay makipagtulungan na sa ating awtoridad ang iba pang kapo-akusado ni Quiboloy. Sana ay pakinggan nila ang kanilang konsyensya at isiwalat na ang buong katotohanan at ang lahat ng kanilang nalalaman. I urge the Department of Justice to extend all necessary legal assistance to any co-accused or any other person willing to cooperate towards attaining justice for the many women, child, labor, and other victims of Quiboloy's crimes throughout the years. Dapat managot si Apollo Quiboloy at ang kanyang mga kasabwat sa kanilang pang-aabuso sa kababaihan, kabataan, at iba pang bulnerableng miyembro ng lipunan. Q: Ma'am invited siya sa hearing on 23 at nagexpress na siya ng intention to cooperate? SRH: Pagkaalam ko, hindi pa siya nag-express ng intention na mag-cooperate, pero pag-uusapan namin sa komite kung pwede nga namin siyang imbitahin given the circumstances. At susulat na po kami sa korte sa susunod na linggo. Q: And then last question from my end. Ma'am, doon sa inyo naging executive session with Alice Gup on last Tuesday. May bago bang nashare na information? Naging worth it naman po yung more than one hour nyo na executive session with us. SRH: More than one hour nga eh. Pero hindi pa rin completely worth it. Hindi pa rin sulit na sulit. Dahil wala rin masyadong maraming bago. May ilan na mga kapirasong sinusubukan pa naming i-follow up in open hearing. Q: No more executive session with Alice Guo, ma'am? SRH: Looks like no more executive session with Alice Guo or Guo Hua Ping. Q: Sabi po ni Senator JV kahapon, meron daw bagong names na sinabi si Guo dun sa executive session. Can you confirm? SRH: Yun yung bahagi sa mga kapirasong ilang mga bago na yung ibang kapirasong nun naririnig namin dati. So para maging mas sulit, mas worth it, yung time hindi lamang ng komite pero ng publiko na sumusubaybay dito. Sa huling pagdinig dito laban sa POGOs ay susubukan na namin i-pin down yung katotohanan tungkol dyan at ang kaugnayan yan sa paano tumakas si Guo Hua Ping, sino yung mga taga-gobyenong tumulong sa kanya at ano ba yung sa mahalagang issue ng espionage ang ma-eestablish namin kasama na yung mahalagang input nung nakaraang hearing ng NICA. Q: Ma'am, nung last hearing medyo shocking yung participation ni Mary Ann Maslog dito kay Guo. Do you think dapat papanagutin po ang PNP Intelligence Group kasi binigyan siya ng access, binigyan siya ng authority? SRH: Yun yung isang fina-follow up pa namin kung ano yung naging papel ng PNP Intelligence Group dito sa saga ni Guo Hua Ping. At kung ano din ang maisasagot nila sa amin sa komite sa aming mga tanong. Kasama iyon sa ilan sa importanteng huling itatanong at kukuha na ng sagot ng komite sa last hearing. Q: Invited po sila ma'am sa next hearing? SRH:Invited po sila. Q: So you're looking into their possible liability rin po? SRH: We're looking into their possible liability or otherwise yung kabuuang naging papel nila dito sa aming imbeestigasyon laban sa POGO at pati na yung ano ba ang papel ni Guo Huaping sa lahat ng ito. Q: Ang sabi ng BI si Guo Hua Ping ay possible lumabas daw po through a private hangar or private airstrip. Meron po ba kayong information about it? SRH Mas, inaasahan ko pa at iniintay at pagbabatayan ng mas conclusive yung complete report ng Bureau of Immigration na sinabi ni OIC Viado kahapon na kukompletuhin pa nila. So hopefully within the next few days. Thank you. Q: Handa na ba kayong makatrabaho si Pastor Quiboloy? SRH: Ang masasabi ko lang po, talagang magpakita naman sila ng konting hiya ang bibigat po ng mga kasong inihaharap sa kanya, trafficking, abuse, various forms of abuse laban sa mga bata at iba pang mga bulnerablng sektor, ganong katagal siyang tumakas sa batas, nakakuha pa talaga ng kung anuman para ihain ang sarili bilang isang mambabatas. Gayon pa man, mas nagtitiwala ako sa kakayahan ng ating mga kababayan at magiging kapwa-botante sa susunod na taon na huwag bigyang daan ang ganyang klaseng kandidatura. Kasi ang dapat iboboto ay mga lawmakers, hindi po lawbreakers. Q: Will the committee summon former Customs Chief Nicanor Faeldon in the next POGO hearing po since na-mention po siya last hearing? SRH: Pinag-aaralan din po namin imbitahin siya. Dahil yan yung salita, pangalang nakasulat sa papel ni Mary Ann Maslog at binanggit pa in full ni Guo Hua Ping na Nick Filedon daw. Q: Sumagot na po sa inyo yung DFA about your request po about She Zhijiang po. SRH: Sa pagkaalam ko ay in the process pa rin sila ng pagbigay ng instruction o gabay sa ating embahada sa Bangkok dahil nga hindi naman ordinaryong preso itong si She Zhijiang. So, bibigyan nila ng gabay yung embahada given the diplomatic concerns. Pero panghahawakan ko at aasahan ko yung assurance na ibinigay ng DFA sa hearing na gagawin nila ang lahat ng posible given yung, of course, yung status nila bilang gobyerno at yung relationship nila sa gobyerno din ng Thailand, na gagawin nila ang lahat na kaya mag-establish ng contact kay She. Dahil di umano, may hawak siyang mga importanteng impormasyon na may kinalaman sa pambansang seguridad ng ating bansa. Q: Kung halimbawa po hindi mapagbigyan yung request natin kay She, how will this affect po yung investigation? Will it discredit all the spy allegations against the former mayor Guo? SRH: Not at all. Regrettable kung hindi tayo makaka-establish or hindi ang gobyerno makaka-establish ng contact kay She pero parallel doon ay naalala nyo, many hearings ago, nabanggit ko na po na doon pa lang sa ocular inspection namin sa Pogo Hub sa Bamban, sinabi na sa amin noon na may mga anggulong interception ng Philippine Government Communications at hacking ng Philippine Government websites na nagmumula doon sa POGO hub sa Bamban kaya't unang lumitaw ang anggulong espionage. At napakahalaga nga ng inputs ng NICA noong nakaraang hearing sabi nila may tatlong parallel efforts sila tungkol kay Guo Hua Ping at tungkol sa mga gawain niya dito sa ating bansa, kaugnay sa POGO at iba pang aspeto. At binigyan na nila ng payo o babala ang lahat, hindi lamang ng mga institusyon sa gobyerno, pero lahat nating mga mamamayang Pilipino na maging mapanuri at mapagbantay tungkol dito sa mga possible foreign covert operations. Q: First, kay Alice, nabanggit nyo nung nakaraang hearing yung Yang brothers, sinasabi nyo na Chinese agent or Chinese spy, sino po ba dun sa tatlo? SRH: Yun yung itinatanong ko kay Tony Yang na resource person na pagkatapos siyang maaresto sa Cagayan de Oro POGO Hub doon. Dahil yung ipinakita naming mga dokumento at screenshots sa kanya ay nagpapakita na yung dalawang kapatid niya ay dumalo bilang delegado sa isang congress ng mga overseas Chinese na organisado ng Communist Party of China dun mismo sa China. Yung isa pang pinavalidate ko sa kanya bagamat pinabulaanan lamang niya ay yung isang ulat ng, I forget the exact name now, pero isang report tungkol sa overseas crime na merong isa sa mga kapatid na Yang, ayaw lang niyang kumpirmahin kung yung middle brother nila na si Michael Yang o yung bunsong kapatid nila na si Hong Jiang Yang, ay mayroon talagang kinalaman sa pogo-related at espionage-related na mga criminal syndicates. Q: Na-establish niyo po ba kung sino, or meron ba kayong hula sino sa kanilang tatlo? SRH: Ah, ang hula lamang ay isa sa kanila, or yung dalawa. Dahil may isa na binabanggit dun sa ulat na yon tungkol sa overseas crime, at yung dalawa ay nandun bilang delegado sa Chinese Communist Party Sponsored Conference sa China. Q: Do you think napapanahon na amyandahan ang batas na huwag nang payagan yang mga ganyan halimbawa may kaso ng human trafficking? SRH: Actually, hindi po kayo yung unang nagtanong sa akin yan. Maya't-maya, sa mga araw na ito, mga kababayan natin nagtatanong din. And maybe it's something na dapat pag-aralan namin dito sa Senado at ng counterparts namin sa House bilang bahagi ng pagsulong pa ng mga electoral reforms. So, ganyang mga posibleng amiyenda sa Omnibus Election Code. Dagdag lang dun sa pinag-uusapan natin kanina, yung inattenadan nung dalawang kapatid ni Tony Yang ay ang 10th National Congress of Returned Overseas Chinese and Their Relatives. Dinaluhan ng mga delegado mula sa 109 na bansa. Q: Ma'am, about Mary Ann Maslog po, ma'am, paano po ba siya naimbitahan? Bakit po siya in-invite sa hearing noong nakaraan? SRH: Inimbita namin siya bilang resource person dahil soon or right after siya inaresto ng NBI, lumitaw sa sarili niyang mga statements na kilala daw niya si Guo Hua Ping, kilala daw niya si Mayor Calugay. Nakipag-meet na daw siya sa kanila at mayroon siyang gustong gawin para sa kanila na, I guess yun yung lumabas sa hearing na gusto daw niyang kumbinsihin si Guo Hua Ping na mag-surrender kahit pagkatapos na siyang maaresto. Q: Sorry ma'am, ano po yun? Parang affidavit po niya nung naaresto siya? SRH: Media reports tungko sa mga statements niya noong pagkaaaresto sa kanya ng NBI, na hindi ko alam po bakit sinabi niya pero sinabi niya na meet na niya sina Guo Hua Ping at Mayor Calugay at meron siyang gustong gawin para sa kanila o kaugnay niya o nila. Q: Si Senator Jingoy po said he has unverified info na possible na isa po si Maslog sa tumulong daw po kay Alice Guo na makatakas. Have you received that information as well? SRH: It's a piece of information we're also looking at, yung sinabi ni SP Pro Tempore, Senator Jinggoy. Q: May we know more details about that, ma'am? Meron na po ba kayong mabibigay? Paano po siya tumulong kay Alice Guo? SRH: Raw information pa lang kasi. So sa mga susunod na linggo, bago yung huling hearing, yun yung isang aalamin talaga namin. Kasi in a way, at kaugnay pala ng isang naunang tanong, maisusulong pa, kung hindi man maikokompleto, yung isang naging parallel na pagdinig ng Committee on Justice Subcommittee, particular dun sa pagtakas ni Guo Hua Ping. Q: A number of senators have said na hindi daw po pwedeng pagkatiwalaan yung mga sinasabi ni Mary Ann Maslog. But ma'am, will she still be invited sa next hearing? And paano po ninyo tini-treat sa committee yung lahat ng mga sinasabi niya? SRH: Sinubject na namin siya sa isang contempt citation. So bagamat in the custody na siya at pa rin ng NBI, at least on the record, yung pagtingin sa kanya ng Senado bilang resource person na in a way contemptible at contemptuous yung behavior niya at yung kanyang mga sinasabi. So halos lahat namin ay nakapagsabi, hindi talaga kapanipaniwala yung mga pinagsasabi niya. At the same time, habang patapos na kami, pasara na sa imbestigasyon, kailangan talaga namin at gagawin namin mag-sift through lahat ng iba't ibang facts o mga sinasabing facts na ibinabato sa komite sa pagdinig para maka-arrive at sa tingin namin pinaka-klaro, pinaka-kompleto sana at pinaka-totoo dapat na larawan, kwento ng POGO dito sa Pilipinas. Yung si Guo Hua Ping sa POGO at yung ibang mga issues at personalities na involved doon sa mga issue na kaugnay ng POGO sa Pilipinas. Q: Will you also focus on yung sinasabi po ni Senator Bato na involvement ng someone from Malacanang na inutusan daw po si Maslog na i-implicate siya and si Senator Bong Go, former President Duterte, General Caramat dun sa POGO? SRH: Yun yung isa sa maraming 'di umanong facts na itinatapon sa buong diskusyon na na-generate ng imbestigasyong ito at aming sasalain alin ang mukhang totoo, alin ang mukhang hindi totoo, regardless kung sino-sino ang nagsabi para kahit maingay na maingay ang isyung ito, sa katahimikan ng collective na pag-iisip namin sa komite, yun na nga, pipilitin naming mabuo yung kwento. Ano ba talaga yung kwento ng POGO dito sa Pilipinas? Ang kwento ni Guo Hua Ping sa POGO sa Pilipinas, ang kwento ng mga taong naging kasosyo niya, nagprotekta sa kanya, tumulong sa kanyang tumakas, regardless of sinong nagsasabi ng ano sa ngayon. Q: Last na po from my end, ma'am, yung sinabi po niya sa executive session ng mga names, mga Chinese nationals po ba yun na mastermind umano or mga Pilipino na tumulong po sa kanya? SRH: Halo-halo din. Tulad ng lumalabas sa open hearings. Q: Ma'am, good afternoon po. Ma'am, tanong ko lang po. Yung sa revelations ni Guwaping dun sa ano nyo, dalawang executive sessions, sabi niya kasi, biktima lang din ako, nagamit lang din po ako, sabi niya. Parang ano po ba, kapanipaniwala po ba na talagang biktima lang siya, nagamit lang po ba siya? SRH: Nagulat din ako nung ginamit niya yung salitang yun para sa sarili niya, na biktima. Kasi ang totoong mga victim, yung nag-surrender pa sa NBI, dahil kinasuhan sila ng non-bailable na human trafficking, si Ms. Merlie Castro, dahil in-identity theft sila, at ginamit yung pangalan nila, nang wala silang permiso, para i-incorporate yung mga POGO companies na yan. Si Ms. Merly na may dalawang bata pang anak na kung hindi magbabantay yung isang kapatid niya, mag-isa sa bahay habang pauwi yung asawa niya mula sa probinsya. Yun ang totoong mga biktima. Hindi masasabi ninoman ni Guo Hua Ping na biktima lang siya, ginamit lang siya. Maaring ginamit siya ng iba, yung mas malalaking fish kesa sa kanya, pero hindi siya small fry. Kung mid-level man siya, mataas na mid-level siya at fully accountable siya sa kanyang mga ginawa. Q: Ma'am, sundan ko lang yung tanong, yung kay Maslog, ma'am, pwede bang pagdudahan na patay ka na, bumangon ka, tapos biglang ang dami mong revelations, parang squid tactics o diversionary tactics po ba yung ginagawa niya? SRH: Huwag niyong sabihing squid tactics, baka may magalit. Joke. Talagang hindi siya kapanipaniwala. Pero gaya ng nabanggit ko kanina, maaring meron siyang squid tactics na ginagamit. Baka maaring may ilang pirasong buhanging totoo. So yun yung kailangan naming timbangin sa pasara ng imbestigasyon at lalo na pagsulat namin ang committee report na regardless sa kung sino ang nagsabi ng ano sa pamamagitan ng pag-cross sa mga resource persons, sa mga facts kuno na sinasabi nila, more or less ma-establish namin mukhang ano ang totoong kwentong ito. Yun yung aming gagawin. Q: Ma'am, last kay Pastor. May mga kaso na po siya, then in-invite po siya kung papayagan po siya ng korte a-appear siya rito. Are you ready po na mag-ala Guo Hua Ping din siya na I'm invoking my rights again, ano po, na wala rin mapipiga? SRH: Handa po kami sa kahit anumang di pagsagot o pagsagot niya, ang pinaka-importante ay handang-handang harapin siya ng mga victim survivors niya. Q: Ma'am, reaction or statement lang po dun sa decision ng Ombudsman tungkol sa mga Porac officials. SRH: So, yung balita ngayon na sinuspindi si na Mayor Capil, vice mayor nila, at yung walong konsehal, sa pagka-intindi ko, ay batay sa tantya ng DILG na nagkulang sila sa page-exercise ng due diligence bilang mga LGU officials dun sa kanilang sinasakupang lugar na tinayuan pala ng isang POGO hub. And bahagi yan ng pagsingil ng accountability sa mga responsible officials laban sa mga malign at mapanirang mga economic activities tulad ng POGO. Q: Dapat ba ito ma'am, parang eye-opener na dun sa iba pang mga LGU na may mga POGO pa rin? SRH: Definitely, additional eye-opener na ito dahil sinundan yan yung paunang paglabas ng DILG o ng PAGCOR na mga listahan ng lahat ng mga LGUs kung saan nakalocate yung mga POGOs. Dahil, di ba sabi ni PAGCOR Chair Tengco noon, originally naka-issue ang PAGCOR ng POGO licenses sa 290, at yung 250 nun ay nag-lapse na o hindi nag-apply ng renewal, kaya may natira na lang 40. But I reiterate, lahat ay covered ng ban, at dapat talaga ipasara, wind down hanggang December 31, at mahanapan ng alternatibong trabaho yung mga empleyado nila. Q: So ma'am, kahit sinasabi nila na wala nga silang jurisdiction doon kasi sabi nila PAGCOR, dapat pa rin silang kumilos? SRH: Oh definitely, dapat pa rin kumilos noon ang LGU lalo na lumabas doon sa pag-aresto at pagtatanong kina Cassandra Li Ong at hindi pa nga siyempre ma-locate si Duanren Wu at mapaharap siya sa imbestigasyon, na kaduda-duda din ang pag-operate ng Lucky South 99, pati ang Whirlwind Corporation, tulad ng pag-operate noong tatlong kumpanya sa POGO hub sa Bamban, yung inaalam namin sa Cebu, at may bago na namang raid sa Cebu, at yung POGO hub din sa Cagayan de Oro. Q: Ma'am, sorry, habol lang po ulit. Doon sa PNP Intelligence Group pa rin, how would you describe lang po yung ginawa nilang pagbibigay ng access at ng authority kay Maslog, even allowing her to go into the custodial center? Acceptable po ba? Above board po ba? SRH: I-establish pa namin kung above board yun, pero common sense mula sa isang mamamayan, hindi po acceptable yung ganon. Kung mapapatunayan pa nila somehow na above board yun. Pero hindi yun acceptable. Kasi kaduda-duda yung taong yun. So, isa rin yun siguro sa mga itatanong namin sa PNP-IG sa susunod at huling hearing. And then, i-correct ko lang yung figures ko kanina, yung bilang ng mga POGOs na inisyuhan ng PAGCOR ng license, sa ilalim ng nakaraang administrasyon ay 298 lahat-lahat na POGOs, at yung natitira na lamang na covered pa ng mga existing licenses, pero dapat kanselahin ay 43. Q: Good afternoon, ma'am. So a while ago, SP Escudero said that there are no permanent plans to keep the U.S. missile system here in the Philippines amid China's aggression in the South China Sea. So are you in favor of keeping this as a deterrent or are you more in favor of the Philippines pursuing a Code of Conduct with ASEAN and other regional bodies? SRH: The latter and other complementary measures. Matagal na nating sinusulong yung Code of Conduct in the South China Sea. At kung di ako nagkakamali, lahat ng mga member nations na nakapalibot sa South China Sea ay gusto. Tsina na lang ang ayaw, kasi ayaw niya ng multilateral process. Gusto niya na i-bilateral tayo bawat isa sa atin. Siya ang pinakamalaki. Paano naman magkakaroon ng parity pag bilateral? Mas pantay talaga, mas mabunga kapag multilateral. Higit pa sa anumang weapon systems, and that's new to me from the SP, tingin ko para talagang ibalik natin sa captain's wheel yung diplomacy saka yung political action ng gobyerno natin with the modernization ng Armed Forces bilang naka-reinforce sa political at diplomatic, mabunga na paramihin pa yung joint maritime patrols ng ating mga coast guards, navies, katumbas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, pati yung mga mangingisda ng iba't-ibang claimant nations dito sa buong South China Sea. Plus, yung naging batas na pinirmahan just the other day, pagpapatupad talaga ng Self-Reliant Defense Posture Act para magkaroon tayo ng domestic capacity talaga, depensahan ang sarili natin bilang backup sa pinaka-importante at tingin ko pinaka-effective pa rin political and diplomatic action bilang bahagi ng isang malaking alyansa ng maraming bansa at regional formations at dumadami pa sila na kumakampi sa atin vis-a-vis China sa ilalim ng UNCLOS at dahil sa tagumpay natin sa Hague. Q: Ma'am, pahabol. Sabi niyo patapos na yung hearing sa illegal POGO, how many more hearings? SRH: Isa na lang po. Actually, yung kahapon dapat yun yung huli eh. Kaya lang sumabog yung Al Jazeera documentary at yung Mary Ann Maslog. So, isa na lang po. So, last na talaga. Unless meron na namang dumating doon na namatay at nabuhay na magmuli. Q: Ma'am kailan yung last? SRH: Isa-schedule pa po namin. Q: Mas mauna, ma'am yung kay Pastor? SRH: Mauuna na muna yung pag-resume nung kay Apollo Quiboloy. Oo, kasi kailangan namin ng konti pang oras para i-pin down yung mga loose threads. Gusto namin pong mabuhol ng maayos-ayos yung imbestigasyon namin laban sa POGOs. Q: So complete na ba ma'am yung information for you to come up with a committee report? SRH: More or less, at least hindi man 100% to a decent degree, ma-settle namin yung iba't ibang sabi namin mga importanteng issue kaugnay ng POGO. Q: Ma'am, more or less, sa nakaraang dalawang executive session, more or less, how many names ng mga Filipinos and Chinese ang napangalanan ni Alice Guo and does it seem to you na nagsasabi siya ng totoo sa executive session? SRH: Halo. Halong totoo, halong di totoo. So, pati yung mga pangalan ay sinisigurado pa namin. Kaya hindi ko mabilang kasi hindi ko alam kung alin doon ang totoo. Ilan doon ang totoo at ilan ang hindi totoo. Basta pag na-finalize namin yung committee report, sasabihin namin kung sino doon yung tingin talaga namin, hindi lang batay sa sinabi niya, pero batay sa sinabi niya at yung iba pa naming nakalap na mga ebidensya, ang mga perpetrators ng POGO dito sa Pilipinas, ang mga kasabwat sa pagtakas niya. Q: May mga 10 po ba? SRH: Or less, so yeah, 10 or less. |
Wednesday, November 6
|