Press Release
May 21, 2025

Gatchalian Seeks Inter-Agency Task Force to Curb Illicit Cigarette, Vape Trade to Protect Youth

Senator Win Gatchalian is pushing for an Inter-Agency Task Force to lead the fight against widespread illicit trade in excisable goods, especially cigarettes and vape products. He stresses the need for a coordinated effort to keep the youth from getting enticed into vaping.

The chair of the Senate Committee on Ways and Means is set to file a resolution calling for the creation of an inter-agency body, to be led by the Department of Trade and Industry and tasked with conducting a market analysis to recommend concrete policies.

"If we don't arrest this problem, mas maraming bata ang papasok sa e-cigarettes. We need to change the consumption habits of the young dahil ito ang papatay sa kanila," Gatchalian said, citing data showing that over 120,000 adolescents took up the habit of vaping even though they had no previous smoking experience.

Gatchalian said he is willing to support the provision of funding for the inter-agency body. "We need to sound the alarm bells and we hope to secure multi-year funding so we can create sustainability," he said.


Gatchalian: Isulong Ang Inter-Agency Task Force Kontra Iligal na Kalakalan ng Sigarilyo, Vape Para Protektahan ang Kabataan

Itinutulak ni Senador Win Gatchalian ang isang Inter-Agency Task Force na mamumuno sa paglaban sa malawakang ipinagbabawal na kalakalan ng mga excisable goods, lalo na ang mga sigarilyo at vape products. Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa isang malawakang koordinasyon upang maiwasan na maakit ang mga kabataan sa vaping.

Nakatakdang maghain ng resolusyon ang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, na nananawagan ng paglikha ng isang inter-agency body na pangungunahan ng Department of Trade and Industry. Inaatasan din ang DTI na magsagawa ng market analysis para magrekomenda ng mga konkretong polisiya.

"Kung hindi natin sosolusyunan ito, mas maraming bata ang gagamit ng e-cigarettes. Kailangang baguhin natin ang kultura ng mga kabataan na gumagamit ng vape dahil ito ang papatay sa kanila," ani Gatchalian na nagpakita ng datos na mahigit 120,000 na kabataan ang nagsimulang mag-vape. Ayon pa sa datos, ang mga kabataang ito ay walang karanasan sa paninigarilyo.

Sinabi ni Gatchalian na handa siyang suportahan ang pagbibigay ng pondo para sa inter-agency body. "Nakakaalarma na ito at umaasa tayong makakakuha tayo ng pondo taon-taon para magtuloy-tuloy ang programa," aniya.

News Latest News Feed