Press Release May 21, 2025
Transcript of Kapihan sa Senado with Senator Risa Hontiveros
Q: Ngayong na-elect si Sen. Bam Aquino at Sen. Kiko Pangilinan, ano ang inaasahan natin sa 20th Congress? Bukod sa dalawa, may madadagdag pa kaya sa opposition? SRH: Kung may madadagdag sa kasalukuyang minority bloc edi baka pwede na kaming mag-vie para sa Minority bloc sa 20th Congress din. Pero magiging interesante talaga ang pag-organisa ng Senado. Bukod po sa amin nina Sen. Kiko at Sen. Bam, baka may iba pang mga colleagues dito sa Senado na mag-vie, hindi lamang siyempre para sa Senate President, pero pati para sa minority bloc. Kung ano man, yung maging final organization dito sa Senado, basta ang importante sa akin ay may manatiling isang pole, isang poste, isang center of gravity na patuloy na mag-check and balance, patuloy na mag-fiscalize. independent bloc. At yun po yung mga pinag-uusapan namin nina Senator Kiko at Senator Bam mula noong nakaraang taon. And work in progress pa rin po yun kung ano yung magiging decision po namin and final shape namin dito sa Senado. Q: Ma'am, yung Duterte bloc, cini-claim din nila na opposition sila. So, ano po yun? Magkakaroon kaya ng dalawang klase ng opposition sa Senate? SRH: Magandang tanong yun. Kung sinasabi nilang opposition sila, senyales na naghahanda silang mag-vibe para maging minority bloc or minority dito sa Senado. Kung makukuha nila yung label ng minority, may option pa rin po ako or kami kung mag-decision po kami na isang independent bloc na magpapatuloy talaga sa pag-check and balance, magpapatuloy sa pag-fiscalize, at pati sa labas ng Senado, magpapatuloy sa pagbubuo ng oposisyon - pareho sa Duterte at sa kina presidente. Q: So, malabo magsama itong genuine oposisyon at saka itong Duterte bloc na nag-claim na oposisyon? SRH: Well, wala po akong planong sumali sa isang Duterte bloc. Pwede pong lahat kaming mga colleagues dito sa Senado ay patuloy na makipagtulungan sa mga usapin ng common advocacies, oto man ay proteksyon sa kababaihan, ito man po yung iba pang binanggit kong priority legislative agenda pa rin sa huling dalawang linggo ng session ng 19th Congress, pati sa mga public services at utilities tulad ng tubig at saka kuryente at yung pagsugpo sa POGOs. Pero sa mga usaping politikal, at usaping elektoral, ang pinakaimportante ay panatilihin, at lalo pang palawakin at lalo pang palakasin ang pole ng oposisyon. Q: Meron ka bang balita, may mga nagaaspire na ba, at nakikipag-communicate sa inyo para kuhanin ng suporta? SRH: Well, yung mga nababalitaan ko ay pareho sa mga nababalitaan ninyo at ibinabalita rin ninyo sa amin at sa ating lahat. And of course, that will be a matter for the majority to decide. Okay. Q: Ma'am, would you be interested in the minority leadership? Ikaw mismo yung mag-Minority Leader? SRH: Of course, yun naman yung pangarap ng alin mang minority of an outgoing Congress, lalo na kung nakapagpanalo ng mga dagdag na kaalyadong senador, halimbawa, ay magbuo pa rin ng minority sa susunod na Kongreso. But as in everything sa pag-organize ng Senate, it's a matter of numbers. So kung, ayun, itutukoy ng majority yung Senate President, posible na yung ibang bloke na may susunod na pinakamalaking bilang ng miyembro ay i-claim nila yung minority. Kahit ganun ang mangyari, may plan B pa rin naman ako, which is the independent bloc. Q: Ma'am, you're totally ruling out joining the majority? SRH: At para sa akin, sapat na yung nakaraang siyam na taon. Marami-rami ang napagtulungan sa mga miyembro ng majority, depende sa mga advocacies. Maraming happy bills na itinawag. Maraming investigation din. Maraming budget interventions. Pero para sa akin, para maging consistent sa nakaraang siyam na taon at lalong maging consistent sa mga susunod na taon, sa 2028, at 2034, 2040 importanteng manatiling consistent at hindi sumali sa majority, lalo na kung hindi naman ako kaalyado ng administrasyon, at magprovide ng alternative pole o center of gravity para sa mga opposition and other independent forces pati sa labas ng Senado. Q: Ma'am, yesterday the President said na ayaw niya na ng kaaway, gusto niya na ng unity, again, we heard that word again. Kayo, ano ang position niyo dyan? SRH: Oh well, who can argue with unity, no? Unity with a lowercase u. Lahat ng, di lang Pilipino, lahat ng tao, mas gustong nagkakaisa tayo lagi sa lahat ng espasyo. Of course, politics is a very competitive arena. So, ideally may principled unities. Pero sa panahon ngayon na napaka-diverse talaga ng mga boses nating mga Pilipino, at talagang palagay ko, naghihingi ng representation at nagpakita ng lakas yung mga pwersa ngayon nitong nakaraang eleksyon, that it's important para sa amin na nagtatrabaho sa loob ng political institutions to provide that pole or that center of gravity and that leadership para mag-contest sa mga nangungunang paksyon sa ngayon. Q: Pero ma'am, yung willingness niya to reconcile with Dutertes, hanggang sa anong level ba dapat yun? SRH: Good luck po sa kanila kung papaano nila magagawa yun. Of course, the level, it's up to them to determine. Ako, mas nakatutok ako sa pag-isahin namin, hamigin, i-consolidate namin lahat ng mga puwersang sumuporta sa Akbayan, sa Kikobam, pati sa ML, Partylist, and take that ball and run with it forward. Q: Pero ma'am, yung reconciliation, it doesn't mean na kalimutan na kung ano man yung mga kinakaharap na mga issue at kaso ng ilang pamilya doon. SRH: Well, since si Presidente ang nagbabanggit ng reconciliation, siya at sila ang kailangang mag-set ng terms. Hindi naman ako, wala namang akong K makialam doon. Mas talaga tututok ako sa isang tunay na pagkakaisa sa hanay namin. Q: Okay ma'am, nabanggit yun kasi paulit-ulit yung 2028 and it's also in everybody else's minds, we're an election crazy country. Would you now consider running for president? SRH: I think yung ganyang tanong and yung natural competition about it naturally will come somewhere up the road pa. Pero ang priority ko sa ngayon, at sinasabi ko yun sa lahat ng mga kasama at ka-alyado, lalo na itong unang siyam na buwan after the election, pag-isahin talaga. Hamigin. I-consolidate to a greater degree than we were able to do after 2022. Mag-consolidate kami. Kahit yung process of selection, yung strongest possible slate namin sa 2028 na lalaban at mananalo, we can decide that somewhere up the road. Tingin ko, ang pinaka-pinaka-urgent sa mga importante sa ngayon is magkaisa these nine months. Q: Pero maam, yung mga resulta ng midterm election sinasabing parang pwedeng bumalik at lumakas ulit yung "pinklawan" at "dilawan." SRH: Hindi naman nawala ang "dilawan" or "pinklawan" or "pink." Alam ko, parts sila nung naging mga tagumpay namin ngayon. At nadagdagan, nadagdagan pa namin. So, dynamic siya and growing, at yun yung nagbibigay sa akin ng pag-asa at fighting spirit para sa mga susunod na laban. Q: So, nag-mature na ba yung mga botante na? SRH: Oh, I think every day na nabubuhay tayo bilang isang lipunan, nagmamature tayo by force of circumstance, by force of suffering, sa dami ng dinadanas ng mga Pilipino, sa dami ng leksyon na natututunan natin, sa ayaw natin at sa gusto, I think yun yung naghuhugis sa ating mga boto, sa ating mga opinion, sa ating mga posisyon at iba't ibang isyu. So patuloy kong aasahan yun, and yung dapat naming respetuhin and work with sa mga susunod na taon ng pag-oorganisa, pag-e-educate, pag-mumobilize. Hindi lang tuwing election, but every year in between. Q: Ma'am, sabi niyo, parang hindi option sa inyong, gusto nyo consistent minority kayo. Pero sa pag-uusap po with Senator Bam, Senator Kiko, sila din po ba ay gusto nilang mag-minority o may chance na sila po gustong mag-majority? SRH: Wish ko na magsama kami sa minority o sa isang independent bloc. Pero alam niyo naman, kami lahat ng mga senador dito, we have our own decision-making process, we have our own pananaw. At nagre-respetuhan kami dyan kahit at lalo na sa loob ng tinatawag kong oposisyon. So hindi ko pwedeng i-presume ang anumang bagay. I have to hear it straight from the horse's mouth. So, sa tanong na ito, you will have to ask them. Basta ang sa akin, ang optimal senaryo ko ay magsama-sama kami either sa minority or sa independent bloc, sa loob at sa labas ng Senado. Q: Ma'am, but since kayo-kayo yung nagtulungan ng eleksyon, meron bang paunang pag-uusap na, o pag manalo kami, magkakasama tayo sa anumang bloc ay sa Senado? SRH: Ah, well, nung all the years of preparation and all the months of campaigning, ah, siyempre we really feel for each other as allies. Okay? Pero walang hard and fast na usapan na singilan ngayon sa isa't isa. So, ito ang pagsara ng 19th Congress at sa pagbukas ng 20th Congress, ah, kailangan, at nagsimula na kaming mag-usap last week para mag-level off ano yung magiging disposition ng bawat isa, and therefore, ano yung magiging organizational shape ng anuman, minority man yan, or independent bloc man yan. Q: Ma'am, sabi nyo, in the next nine months, hahamigin nyo yung forces ninyo. So, does that mean, in the next nine months, ay palalakasin nyo na rin yung 2028 slate niyo na rin yung 2028 slate mo? At makakaasa kami na, ano ba, magdedecide kayo kung sinong frontrunner ninyo? SRH: Baka hindi pa yung slate per se, baka hindi pa frontrunner, kasi syempre somewhere up the road pa yan. Pero, palagay ko kung magtatagumpay kami in the next nine months na pag-isahin yung lahat ng mga puwersa namin, then patuloy na tataas yung level of confidence sa isa't isa, and pati yung level of confidence sa isa't isa. And pati yung level of confidence and comfort going into a selection process, somewhere up the road pa. Siguro many months pa or a few years from now, pero at least mas magkakapalagayan ng loob. Q: What's with the next nine months? Bakit kailangan nyo doon palakasin yung pwersa nyo? Do you feel most powerful since ang ganda nga ng resulta po ng election po nitong midterms, kaya kailangan i-combine nyo na yung forces nyo as early as possible? SRH: I do feel na mas nakapag-accumulate kami ng kahit konti pang mas maraming kapangyarihan sa ngayon as affirmed, as validated, nung ating mga botante. So yung hindi namin na-maximize na pagkakataon nung 2022 na mag-consolidate, we have that rare second chance now. And bakit ba nine months? Ewan ko, baka dahil panahon ng pagbubuntis. So, magbuntis kami ng ganito, and sa pagkatapos ng siyam na buwan, manganak kami ng isang mas malakas pa, mas consolidated, at mas may potential na oposisyon. Q: So, dun sa nine months, ma'am, i-coconsider nyo ka naman yung mga lesson na natutunan nyo nung tumakbo si VP Leni sa pagkapresidente? Marami ba kayong natutunan dun na lesson, yung mga shortcomings o kapalpakan? SRH: Well, yung mga lessons namin nung 2022, medyo may pagka-anecdotal pa rin kasi hindi pa namin natapos yung evaluation process noon. At importanteng inputs yun. Pero mag-eevaluation process kami dito sa performance namin sa 2025 midterm elections. Para mas ma-internalize namin, mas ma-institutionalize din sa institutional memory ng oposisyon sa Pilipinas. At para ma-apply namin, matutunan namin at ma-apply namin sa mga susunod na electoral contests. Q: Sino mga kasama nyo dun sa gagawing assessment na yan? SRH: Well, lahat ito ay happening simultaneously. Yung pag-uusap sa aming tatlo nila, Sen Kiko at Sen Bam. Yung pag-reach out sa mga pwersa ng isa't isa. So, yung mga partido namin. Yung pag-reach out sa iba pang mga allies. Yung pag-reach out sa mga kaalyado din sa iba't ibang mga institusyon. May sariling proseso. Yung mga kasama sa house, gusto kong makapag-reach out sa mga kaalyado namin sa mga local government units at sa iba pang mga bahagi ng gobyerno na may mga kadiwa kaming nagtagumpay din. Q: Ma'am possible na sa 20th Congress, tatlong bloc magkaroon sa Senate, minority, majority at independent na? SRH: Posibleng-posible or highly probable. Or sigurado. Kasi kahit siguradong may mabubuong majority, siguradong may mabubuong minority, at least, yeah, at least those two. So, yun sigurado. And probable, kung ibang bloke ang makakuha ng title ng minority, maging independent. Magkakaroon talaga ng independent bloc. Q: Ma'am, balikan ko lang yung tanong ni RG kanina. So open po kayo or you're considering the possibility na kayo yung maging standard bearer ng liberal progressive sa 2028? Alternative dun sa Duterte at kung sino man yung susuportahan ni Presidente Marcos? SRH: There will certainly be a progressive or reformist alternative. So may at least third slate, may at least third candidate. Hindi ko pa talaga alam kung sino-sino iyon. Kasi magiging bahagi yun ng selection process na I'm hoping madisenyo namin after the first nine months ng pag-unify ng mga pwersa namin. Q: But you're open to that possibility na kayo yun and you're not saying no? SRH: I'm not saying no. I'm open to all possibilities. At yun yung hinihingi ko din sa lahat na mga kasama sa oposisyon or independent bloc na maging bukas kami sa lahat ng possibilities at sa isa't isa, alang-alang sa oposisyon at alang-alang sa ating mga kababayan. Q: Will you also be open to cooperating or coordinating with other political blocs na anti-Duterte, anti-Marcos? For example, yung mga NDs or yung iba pang independent na politiko? SRH: May experience na kami working together with other blocs sa Democratic Left, and may mga sections na nandun na sa hanay ng sumuporta sa Kiko-Bam, Akbayan, ML, et cetera. na meron na rin historic working relationships with other forces beyond yung nakasanayan naming DemLeft. So, let's see kung papaano mag-evolve yung confidence building process. Basta dito sa first nine months, unification muna doon sa mga magkatrabaho nitong kampanya at saka yung may historic working relationships na and yung that level of confidence and trust in each other. Pag nagawa namin yung homework na yun, yun yung solid core from which we can further expand or explore. Q: Kung considering yung nag-i-result ng midterm elections, sa tingin nyo naghahanap na ng alternative ang publiko? Naapagod na ba sila sa mga political bickerings, yung mga bangayan? SRH: I would like to believe na ganun. Well, ganoon yung isang hopeful understanding ko sa mga resultang ito, sa outcome na ito na by human nature, napapagod ang mga tao sa away. At the same time, na-appreciate nila yung palaban. And at the same time, gusto nila na may mga positive proposals. So hindi lang panay away, pero may principle na stand-in sa mga away. At saka, may solutions na gustong buuin kasama ng mga tao, kasama ng mga botante. At yun yung gusto kong mas ma-generate namin sa opposition in the next months and years. Q: Ano daw yung mga committee chairmanship na inyong tatarget din sa 20th Congress? SRH: Kung may committee chair pa ang at least independent bloc or optimally minority, of course. Gusto kong manatiling chair ng Women, Children, Family Relations and Gender Equality Committee. And I think sa mga susunod na taon din, lalong magiging importante yung mga komite na may kinalaman sa ating ekonomiya. Kasi doon talaga patuloy at lalong umaaray at projected na lalong aaray yung ating mga kababayan ang mga usaping pangkabuhayan. Q: Hindi daw target ng grupo nyo yung Blue Ribbon at Agriculture Committee? SRH: Wow, wish ko lang. Kung abogado lang ako, wish ko lang makapag-buy para sa Blue Ribbon. Eh talagang mao-optimize, mama-maximize sana namin yun. Yung agri, syempre, walang ibang subject area expert dyan sa buong Senado, kundi si Senator Kiko Pangilinan. Q: Good morning, Senator Risa. I would just like to know how you would define minority. Is it, will there be a genuine minority, simple minority, real minority? How will you categorize that and how will they impact legislation, the impeachment proceedings? How will the dynamics be, ma'am? SRH: Salamat. The dynamics have always been interesting. We can look back on many precedents ng genuine or real minority. Modesty aside, noong minority kami sa ilalim ni Senator Frank, noong anim kami, nung 17th Congress, naging apat kami, nung 18th Congress, still under Senator Frank. And I'm very happy sa nakaraang tatlong taon namin bilang minority ni Minority Leader Senator Koko Pimentel. Kung saan tulad ng mga nakaraang minorities, nakapagtala din kami ng ilang mga tagumpay by leveraging our small number, by taking sharp positions on issues. So itong papasok na 20th Congress, of course, minority naman, at the basic level, defined yan numerically. Kung sino yung nag-vye para sa Senate President, pero natalo, that's one path, would take the minority leadership. Nababalitaan natin, merong ding blokeng ngayon na posibleng mag-vie for minority leadership by simple fact of their having the possibly second biggest number as of now. Siyempre lahat ng mga numbers na yun will be made of record on the floor only during the election. So yun, and that's why I said na kung may ibang bloke na makukuha yung title ng minority at hindi kami na galing sa opposition or independent forces, that's why option yung independent block. Yung usapin ng impeachment, of course, weighs heavily, as it did during the campaign, weighs heavily on paano oorganisahin ang Senado. So, yun, I think there are numerical but also substantive bases sa pagbubuo ng minority sa ngayon and our failing to get that title, at least an independent bloc. And importante, lalo na leading up to 2028. Q: Ma'am, kahit na open nga si Presidente na makipag-reconcile, kina VP Sara sa mga Duterte, obligasyon nyo pa rin na ituloy itong impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte? SRH: Well, obligasyon po ng Senado yan, batay sa Konstitusyon, dahil trinansmit ng House yung kanilang articles of impeachment sa amin and napansin nyo naman kahit during the campaign, may nasimulan lang ilang preliminary steps. Yung mga simpleng pagpapasukat para sa impeachment robes maya't maya sumasagot si SP sa mga tanong ninyo tungkol sa impeachment. So, I expect that as a matter of course, ayon sa utos ng Konstitusyon, sisimulan na namin yung mga further preliminaries nitong susunod na sesyon. Q: Pero with the new composition daw ng Senate, malaking chance na ma-acquit si VP Sara. Do you think so, ma'am? SRH: I think tulad sa kasalukuyang komposisyon ng Senado, magiging pahirapan for either side. Ipaglalaban ang bawat boto because we have yet to hear even the first piece of evidence. At doon naman kami babatay at dapat bumatay. Oo, bilang senator judges na exercising neutrality. We have yet to hear the first voice of the first prosecutor to present the first evidence on the first article of impeachment. So, kumbaga, nasa genesis pa lang tayo. Q: So, kahit it is a political process, you're hoping na ibase ng mga kasamahan niyo yung kanilang boto depende sa evidentia na maipepresenta, ma'am. SRH: Yun yung dinedemand ng Constitution sa amin. And sa Senate, we always presume good faith on the part of each other. So yung ugali ko, yun din yung inaasahan ko sa mga colleagues. Q: Ma'am, going back lang po dun sa Senate presidency, meron na po bang kumausap sa grupo ninyo? Because we have heard na Senator Chiz and former Senator Tito Sotto actually talked to some groups daw po. SRH: They haven't talked to us as a group. They haven't talked to me individually. Q: Text message, ma'am? SRH: Wala rin text message. Pero take note, ang minority, kahit 'pag hindi kinakausap, nagsasalita. Q: Ma'am, linawin ko lang po, kasi diba when we talk about blocs, usually parang okay, preparo tayo ng boto. Would it be the same for you and your group? SRH: On bills and whatnot? Q: Yes. SRH: Well, sa karanasan ko, sa nakaraang tatlong minorities, kanya-kanyang boto pa rin. But of course we talk. May kumbinsihan or minsan ang best case scenarios may usapan na pare-pareho naman ang pananaw natin so pare-pareho ang aming mga boto. But as you have observed, may mga pagkakatoon din na may divergences. Q: And it would be the same during the impeachment trial? SRH: Oh, each senator-judge of course has to cast his or her vote. Ang pinapresume ko lang ay unanimity sa disposition, sa ugali na neutral senator judges voting on the basis of the evidence presented. Q: Morning, Senator. Balikan ko lang yung consolidation of forces. Considering yung nangyari during the previous administration at saka itong early part ng Marcos administration, paano natin ika-categorize? Sino yung dapat na kasama dito sa grupo na balak ninyong buuwin, supposed to stand before the 2028 election? SRH: Naniniwala ako dun sa yung sa scene sa "Field of Dreams" na "If you build it, they will come." May mga unities na presumed among yung mga pwersa na nagsama-sama sa kampanyang ito at pinagtagumpay yung mga partido at yung mga senador namin. Siguro in the next nine months, helpful process i-articulate namin ano-ano ba yung mga yun. And then tingin ko, the kind of group that we are or the kind of group that we will become mag-a-attract ng mga like-minded saka mga fellow travelers or yung ibang kami, yung ibang section sa amin, mag-reach out, mag-iimbita na mga tingin namin o tingin nila ay katulad din. So, I think there's a kind of organic growth na mangyayari doon na pagsisimulan itong electoral results. Q: Speaking of the impeachment, nag-declare si Vice President Sara Duterte ang gusto daw niya, bloodbath. Anong naging dating sa inyo dito as one of the Senator judges? SRH: Well, bilang Senator judge, wala naman sa bokabularyo ko para sa impeachment yung ganyang salita. But as I said, and I am committed just to have that neutrality demanded of judges, and in particular in the case of impeachment of Senator - judges. I think very, like in a courtroom, very cold and clinical. Yung pagpresenta ng mga ebidensya, didinigin naming senator judges, yung mga prosecutors, whether from the house or private prosecutors, as the case may be. So, yun, magkaibang konteksto siguro yung pinag-uusapan sa ganyang salita. And for me, the only vocabulary that matters sa impeachment ay yung sinabi na rin dati ni SP, at sinasabi ko pa ulit-ulit, yung neutrality and yung pagiging senator-judge and voting on the basis of the evidence. Q: Inappropriate ba yun, ma'am? Yung ganun term, bloodbath? SRH I'll just say na, wala, iba yung vocabulary ko. And yung vocabulary ko yung gagamitin ko para sa impeachment. Q: Ma'am, what is your message to those who would take for granted that you are a sure convict vote, given your past history with the Vice President, given your position against the Dutertes, given the fact that many of your allies are pro-impeachment, and given the possibility of having you or someone from your side of the political divide face off with her in the 2028 presidential election? SRH: So ang message ko lang ay yung katulad nung sinasagot ko paulit-ulit, basta impeachment, neutrality of a senator-judge, judging on the basis of the evidence. Ganun lang. Na-distill na to its essence. And that's it. That's my message to anyone, even to her. Q: Ano ang prospects ng divorce bill in the 20th Congress? SRH: Pag hindi pa rin mabigyang daan yung continuation of second reading, interpellation, kasi pending na siya. Na-interpellate na twice na mga colleagues ko ang Dissolution of Marriage bill. We will refile in the 20th. We will simply refile. That's my commitment. Q: Dahil dun sa mga naging issues sa 2025 National Budget, according to Malacanang, si Presidente plano na talagang personally i-monitor yung magiging process sa proposed 2026 budget. And willing daw siyang umupo kahit sa Bicam. Your comment on that? SRH: Kahit willing si Presidente, he cannot. He should not. Hindi pinapayagan niyan ng Constitution. Hindi pinapayagan niya ng Konstitusyon. The power of the purse is wielded by Congress and Congress alone, not the executive, not any member of the executive, not even the chief executive. Sapat na na yung executive ay magpadala ng national expenditure program sa House. From then on, it is in the legislature's hands and in our hands alone. Paglabas sa bicam na dalawang panel lang ang uupo, saka lang magkakapapel ulit ang office of the president to either sign or line item veto. Q: Kung as observer, not allowed din lang? SRH: Walang papel ang presidente bilang observer sa bicam, sa Constitution. Pag ipinilit yan, baka magkaroon pa sila ng problema. Q: Encroachment yun sa inyong power of the purse. SRH: Baka kasuhan sila or, di ba, I mean, di pa nga out of the woods dun sa mga inireklamo sa kasalukuyang budget namin 2025. Magdadagdag pa ba sila ng problema sa 2026 budget nila? It's their call. But I think it's wrong. Q: So ano nalang yung dapat gawin para hindi na maulit yung mga nagiging controversy sa approval ng national budget? Like dun sa nangyari sa 2025 budget? SRH: So, iniintay ko yung magiging desisyon ng Korte Suprema sa inihaing kaso. May mga proposed reforms, budget reforms, na magaganda na inihain. Halimbawa ni Senator Ping Lacson. Maramin long-standing proposals sa budget reforms yung mga budget reform advocates na yun ang mas unahin dapat naming i-consider at isagawa kesa papasukin si Presidente sa bicam. Q: Ma'am, actually yung sa bloodbath din yung tanong ko. So, kayo po muna, how are you preparing or prepared na po ba kayo to be a Senator-Judge for the upcoming impeachment? SRH: I am preparing with my legis team. We will be consulting with some additional colleagues of theirs from the legal profession. Paano talaga mag-engage ng matalas saka epektibo sa impeachment process. Q: Yung sinasabi ni VP Sara na gusto niya or expecting siya ng bloodbath, are you also expecting na matindi yung bakbakan pagdating ng impeachment trial? Especially because no less than Atty. De Lima po ay isa sa mga prosecutors at isang lawyer. SRH: Well, I'm expecting matindi ang bakbakan sa ipipresent na mga ebidensya. And I'm actually very excited sa process. Unang pagkakaton itong magiging senator-judge ako. I've observed trials in courts before. I've been a witness in an impeachment trial before. But first time kong magiging senator-judge. So ganyang ka-importante at kabigat para sa akin ito. Ganyang kaseryoso kong pinaghahandaan at paghahandaan. Q: Believer kayo ma'am na pwede talagang tumawid ng diretso sa kabilang kongreso? Kasi may mga senators that they believe na kung yung simpleng bill nga nire-refile, ano pa ba yung impeachment complaint kapag tumawid to another Congress na kailangan din daw i-refile. Kayo po, believer kayo na pwede talaga siyang tumawid? SRH: Based on yung mga legal opinions na nabasa ko na sumasang-ayon ako na pwedeng tumawid. Besides ang impeachment process, hindi naman siya legislative process tulad ng pagdinig at pagpasa ng mga panukalang batas. Hindi siya katulad ng proposed budget na kailangan matapos sa loob ng isang fiscal year. Hindi siya simpleng resolution din na iniimbestiga. Sabi nila, sui generis yan. And kaya naniniwala ako sa mga legal opinions na nabasa ko na pwede siyang tumawid. And I fully expect na yun yung ma-uphold pag nag-resume kami ng session at bubuin namin yung rules para sa impeachment trial na ito. Q: Sa Prime Water, kailan po mangyayari yung inyong Senate inquiry? Do we expect itong June or sa July na? And hindi mo ba medyo awkward na siyempre si Sen. Camille Villar po ay makakasama nyo dito? SRH: Mas awkward kung tulad nung ipinanawagan ng dumaraming nagre-reklamo sa kanilang water service. Hindi lang sa Prime Water, pati sa dalawa pang pinakamalaki. Unfortunately, pinakamaraming reklamo dumating sa media at sa opisina ko on Prime. Mas awkward kung hindi kumilos ang Senate doon. So pag-resume namin sa Hunyo, inaasahan kong ma-refer siya sa proper committee. And like every other resolution, ifa-follow up ko sa chair na ma-schedule nila ng pagdinig. Kahit isang hearing lang muna ngayong patapos na 19th Congress. Q: So Committee on Public Services, ma'am, headed by Senator Raffy Tulfo. SRH: Yes. Hiniling ng resolusyon ko sa Committee on Public Services ito i-refer. So, ifa-follow up ko si Sen. Raffy kung pwedeng magkaroon ng kahit isang hearing muna. Q: Ma'am, yung sa composition po ng 20th Congress, nakikita nyo ba na mas may chance na yung mga, sabihin natin, yung medyo controversial na bill like yung SOGIE bill tsaka yung Anti-Teenage Pregnancy bill? SRH: I really hope na the 20th Congress will finally be magiging 10th Congress na yata yan na i-re-refile ang SOGIESC equality bill will finally be the Congress to pass the SOGIESC equality bill into law. And gayon din yung Teenage pregnancy prevention bill. Dahil nananatiling national emergency yan, social emergency yan. Finake news lang kasi eh, yung comprehensive sexuality education. Pero it really deserves to be passed alang-alang sa ating mga teenagers, sa ating mga teenage parents, at lahat pa ng mga stakeholders na sumusuporta sa ating mga teenagers. Q: Ma'am, may we get your comment lang din po. Yung DOJ naghahandaan na raw po ng documents para dun sa Interpol para po kay Harry Roque. SRH: Opo. So that was good news na natanggap na hihingiin nila sa Interpol mag-issue ng red notice pending na rin po yung warrant of arrest on the very serious charge of human trafficking dyan sa Porac POGO hub laban kay Harry Roque. So I hope that one way or another, either yung aksyon ng ating Philippine Warrant of Arrest or yung aksyon ng Interpol Red Notice, ay mapauwi na siya rito para harapin yung seryosong akusasyon sa kanya na siya rin bilang abogado, dapat alam niya na obligasyon niya iyan. Q: What's your reading sa mga success nilang nung mga kandidato nilang mga Duterte, they have these five or six Senate slate. Tapos even sa party list, yung Duterte Youth. I mean, equally stunning yung sa victory ng Akbayan is also yung Duterte Youth, which also got three seats. Anong basa nyo dyan? SRH: So ang pwede lang nating basahin dyan, may base talaga sila. May support talaga sila sa mga botante. So that remains an important part ng population natin at ng voting population natin na patuloy na kailangang i-engage. Q: Do you acknowledge that a large part of their victory is dahil dun sa nangyari kay former president, yung pagkaka-arrest ng pagkalipat niya sa The Hague, and then yung impeachment kay VP Sara. SRH: Oo. The absence of exit polls notwithstanding, susubukan ko pa rin i-argue na equal yung bilang ng mga tao na bumoto for one side or the other dahil sa mga importanteng events na iyon. I would believe na marami rin Pilipino ay naniwalang yung ICC ay simula na na makapag-deliver ng hustisya sa mga balo at mga ulila ng extrajudicial killings. And I would believe na marami ring Pilipino ang naniniwala na yung impeachment process ay isang proper na constitutional process na mag-singil ng accountability sa kahit sino sa aming mga nagtatrabaho sa gobyerno. So, yun. And having said that, I recognize na may suporta at may base talaga sa ating populasyon. Oo, yung mga nanalong senador sa hanay nila. Q: How will that affect your preparations to 2028 and your efforts to consolidate the forces of liberal progressives? SRH: Ang influence niyan sa akin is that first of all, kailangan patuloy na mag-engage. Never na putulin yung komunikasyon, never na putulin yung engagement, even on some difficult issues. And nabanggit natin kanina yung ekonomiya, tingin ko pa rin, as I think shared with you after 2022, sino man ang binoto na presidente noong 2022, sinu-sino man ang binotong mga senador, lahat na mga Pilipino ay umaaray, lalo na sa mga economic issues. So I think yan yung isang mayamang larangan ng engagement pa rin, pakikipag-usap sa isa't isa, pakikinig sa isa't isa, across the different blocks, and also leading towards 2028. Q: Isa lang, medyo off-topic. recently, ang daming mga scam hubs pa rin. Mga remnants ng POGO na nare-raid outside of Metro Manila. Cebu, and some Davao provinces. Are you alarmed na may mga ganyan pa rin na despite yung paulit-ulit din na warning coming from the President and PAOCC regarding these elements? SRH: Nakaka-alarm talaga. And we raised that warning sa simula pa lang. Katapusan nung nakaraang taon, meron nang POGO ban na in-announce nung SONA. May pending kami dito sa Senate na anti-POGO law na pinapanawagan ko kay Presidente, i-certify as urgent or suportahan. May EO na in-issue ang Malacanang na kailangan pang kumpletong i-correct. And yung ating mga law enforcement agencies, patuloy dapat na i-enforce yung mga iyan. But we've seen, yung mga warnings, nagkakatotoo talaga na nagsusubok mag-disguise lang yung mga POGO, nag-break up into smaller units, nagtatago sa likod na mga, or sa loob ng mga legit na korporasyon na may mga business permits, nagtatago sa loob ng BPOs, jeopardizing even yung malaking economic contribution ng mga BPOs sa ating mga ekonomiya at sa mga pamilyang Pilipino. Yung mga POGO hubs at scam hubs tulad ng mga nasa labas ng bansa kung saan patuloy na nire-recruit under false pretenses at new human traffic yung mga kababayan natin kaya patuloy pa rin nangangailangan ng rescue yung mga POGO hubs at scam hubs dito sa Pilipinas, ayan, ang titigas pa rin ng ulo, diba? So, ibig sabihin, we have to do more, yes, in terms of policy making, but we have to do even more in terms of law enforcement. At hindi napuputol yung links nun, probable or established, sa espionage, sa foreign malign operations. Dahil paulit-ulit na lumalabas, halimbawa yung pangalan ni Li Duan Wang at yung mga associates niya, yung kanyang 9Dynasty at yung mga sister companies niya, hanggang sa huli ng mga POGO and scam hub raids, hanggang sa huli yung teribleng kaso ng kidnapping and killing kina Anson Que at yung kawawang driver niya. So, patuloy na lumalabas yung interconnectedness ng lahat ng mga problema nito. Even yung presence ng China sa ating telecoms industry. Huwag natin kalimutan sa ating energy sector na maya't maya, lumalabas pa rin yung mga pangalang ito ng mga individual at yung mga corporate entities nila. hindi pa tapos ang laban by any means. Q: So, yung approval, ma'am, ng proposed bill banning POGO, kailangan yun before matapos ang 19th Congress? SRH: Kailangang kailangan. Ay naku, kung kaya pa naming magawa yun bago matapos ang 19th Congress, napakabuting gawain yun on our part. Q: Kasi yun sa na-mention ni Senate President Escudero na target nyo na ma-approve before na matapos ang 19th Congress. SRH: Very good. I support SP on that. Q: Sa legalities and realm of possibilities, pwede ba na ipadismiss na daw yung impeachment case against VP Sara o mandated kayo na mag-trial? SRH: Mandated kami mag-trial and hindi mag-di-dismiss pero masasettle lang yan on the vote whether to convict or to acquit. Q: Senator, we are very happy that you are really preparing for this considering this is your first time. May naganap po in the first impeachment na hindi inaasahan ng marami, mayroong pinapabukas na bank statement and I was just wondering if you're also preparing for an off the cuff scenario, an extreme scenario halimbawa may bank statement na hindi mapabukas, may mangyaring extreme, it's a different scenario. Are you also preparing for that kind of setting? Thank you. SRH: Well, unforgettable nga, di ba, yung hindi pagpapabukas sa so-called second envelope sa unang impeachment process na yan. But I'm preparing more for a regular impeachment process this time around, or I'm hoping for a regular impeachment process. I'm hoping for no extreme circumstances and therefore extreme reactions. I'm hoping na, the Senate will be able to fulfill our constitutional duty in a regular manner. Para ma-deliver naman sa taong bayan yung prosesong dine-demand ng Constitution. Q: Senator, we all know na yung isa sa mga malalaking personality sa POGO na hinarang nyo po para magkaroon ng Filipino citizenship ay involved sa nakaraang sinasabing kidnapping. Now, I would like to know, ano pong batas ang gagawin natin ngayong 20th Congress para masiguro na hindi magagamit ang ating - kasi marami pong halos nag-approve na mga legislator, nag-push para magkaroon siya ng citizenship. Meron po ba kayong balak na pagtibayin batas na masiguro na hindi po magagamit ang ating kongreso para sa mga ganitong uri ng karakter? And second question po, since this is related to treason, May balak po ba kayong mas palakasin at bigyan ng focus ang batas sa treason? Lalo pa marami pong nagsasabi na napakarami na pong napakarami na pong forces ang Tsina na ginagamit para sa sa atin regarding this thing? SRH: I think hiwalay yung usapin ng treason dito sa kaso ni Li Duan Wang. Pero talagang nasabi ko na at nasabi na ng ilang mga colleagues, kailangan i-update halimbawa natin yung anti-espionage law. Keeping in mind yung napaka-threatening sa atin sa ngayon, nung mga at least dalawang national defense or national intelligence law ng Tsina na mukhang ginagamit niya laban sa atin. Kailangan din natin i-update yung usapin ng treason na mag-a-apply din ba siya at paano din ba siya mag-a-apply, hindi lang during times of war, na yun yung konteksto niya sa ngayon, but also during so-called peace time tulad ngayon. So hiwalay po yun, pero importante din. And then dito sa usapin ni Li Duan Wang, I don't think na kailangan naman namin maghahain ng bagong panukalang batas para hindi maulit yung sitwasyong iyan. Patuloy lang dapat kami sa Kongreso mag-exercise ng due diligence at kapag sa aming pananaliksik may nakita kaming red flags or lalo na maraming red flags ay i-decelerate namin or tigilan yung proseso ng pagbibigay ng citizenship sa ganyang kaduda-dudang klaseng tao. Outside the Congress, mabuti may proseso pa ng veto na in this case, inappreciate ko inexercise ng executive ni Presidente. And actually, sa lahat naman ng mga naunang citizenship bills, actually, sumuporta ako eh. Kasi regular naman eh. So, sana, wag naman sana, pero kung magkaroon pa ng isang kaduda-dudang citizenship bill, ay hindi na kailanganin yung action ng executive, mapigilan na namin dito pa lang sa Kongreso. Q: Ma'am, considering yung mga challenges at mga developments globally, ano sa tingin nyo ang dapat maging priority ng Senate sa 20th Congress? Kaya sa minority, meron na rin ba kayo napag-usapan? SRH: Hindi pa namin napapasukan yan in-depth, pero well, salamat sa tanong kasi nabanggit ko kanina, di ba, yung gusto naming pumihit sa temang, "it's the economy, stupid". Eh talagang nitong huli, nawindang yung buong mundo, pati bansa natin, pati region ng ASEAN, sa mga tariffs, bagamat sinuspinde at bahagyang inatras ng Estados Unidos. So I think that presents challenges not just to us nationally, itatanong ko pa nga sa executive sana noon, ano bang plano nyo dyan? Kasi nagsisimula na rin kami magbuo ng mga legislative proposals kaugnay ng ating tariff system dito sa Pilipinas. But I think yung recent trauma na yan also presents challenges for ASEAN. So bukod sa nire-raise nating mga Pilipino sa ASEAN, kaugnay halimbawa ng Myanmar o dati ng East Timor, diba? At saka tungkol sa West Philippine Sea at South China Sea, meron din bang regional economic, specifically tariff response na pwedeng pag-usapan ng mga ASEAN countries? Kahit magka-kumpetensya din naman tayo sa usapin ng ekonomiya at saka sa tariffs. Is there any area of cooperation possible, whether as regional formation o dun sa sinasabing mga mini-laterals between two countries at a time within the ASEAN? Q: And then last on my part, ma'am, kahit itong si former Presidential Legal Council, Panelo, naniniwala na si Harry Roque is not a victim of political persecution. Kaya parang ang kanyang advice sa kanya, come home and face your charges. SRH: O yun na nga, come home na daw. Q: Yun na lang din ang inyo? SRH: Ewan ko sa kanila. Pero once in a rare while, sumasangayon ako sa sinasabi ni Panelo. So, dapat umuwi na si Atty. Roque. Q: Ma'am, nasabi niyo kasi yung economic cooperation siguro. Do you think and is it high time for you, for instance, to file a proposal or anything of that sort for an ASEAN single currency? Do you think it's high time? SRH: Oh, hindi ko pa naisip yan. Ang interesting conversation doon kasi in different parts of the world, pinag-uusapan na dollar pa rin ba yung gold standard? Diba yung BRICS, nag-a-assert ng mga currencies din nila, lalo na yung yuan. May mga anecdotal or may mga anecdotes, halimbawa na sa sections ng coffee industry sa Thailand, nire-require na mag-transact pati yung mga foreign buyers in Baht o mga ganon. So, interesting. I don't know what our Bangko Sentral thinks about that. Pinag-uusapan na ba ng mga Central Banks ng ASEAN yan? Paano i-rereconcile or i-koconvert in a fluid way between currencies, if ever. Siyempre, yung symbolism din, no? Napaka-powerful, diba? Hindi na yung dollar yung standard all over the world. And sumasabay sa medyo radical na pag-iiba din ng stance niya sa global affairs, diba? So, maybe it's to be expected na kasunod nitong mga global shifts ay itatanong din yung usapin ng currency. But siguro, kung pag-usapan naman ng mga ASEAN governments yung single currency, pag-usapan na muna nila yung suporta sa peoples of Myanmar sa kanilang napakahirap na sitwasyon sa ngayon. |
Thursday, June 12
|