Press Release May 22, 2025 DAGDAG SWELDO PARA SA DAYCARE WORKERS, MAIBIBIGAY NA! "Matagal na nating ipinaglaban -- ngayon, ganap ng batas! Maisasatupad na ang sweldo para sa ating daycare workers" ani Senadora Imee Marcos matapos tuluyang mapirmahan ang Republic Act No. 12199 o ang Early Child Development System Act ngayong Huwebes, Mayo 22. Sa ilalim ng bagong batas, siguradong tataas na ang sahod ng mga Child Development Teachers (CDTs) at Child Development Workers (CDWs). Hindi na ito bababa sa Salary Grade (SG) 11 para sa CDTs; SG 10 para sa CDWs na may associate degree; at SG 8 naman para sa iba pang CDWs. Bukod sa dagdag-sweldo, pinalalakas din ang ECCD Council, na ngayon ay nasa ilalim na ng Department of Interior and Local Government (DILG). Isa itong hakbang para mas masigurong suportado at may pondo ang mga daycare sa barangay. Dagdag pa ng senadora, "Hindi dito nagtatapos ang laban. Tuloy-tuloy ang suporta natin para palakasin pa ang mga daycare center pati ang buong barangay." "Panalo ito para sa kabataan, sa pamilya, at maging sa kinabukasan ng bayan!" pagtatapos ni Marcos. |
Thursday, June 12
|