Press Release
June 17, 2025

Families Reeling From Quiapo Fire Also Face School Opening Woes --Gatchalian

Senator Win Gatchalian expressed concern for the families in Quiapo, Manila, who were affected by the June 4 fire, noting that parents are particularly worried their children might miss school as a result of the disaster.

According to Gatchalian, the situation is made worse by the lack of designated evacuation centers, forcing many families to rent cramped spaces in nearby barangays just to secure temporary shelter.

To help ease their burden, Gatchalian personally met with the affected families and led the distribution of food assistance today at Barangay 384. He handed out 600 bags of rice to over 500 families who lost their homes in the blaze.

"This assistance is meant to provide immediate relief as families begin to recover. While they try to salvage what little they can from the fire, they are also faced with the challenge of preparing their children for the opening of classes," Gatchalian said.

"Bigyan natin sila ng pag-asa para sa kanilang pagbangon, at ng pangako na hindi natin sila pababayaan. Dapat nating tiyakin na natutugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan," he added.


Mga Pamilyang Apektado ng Sunog sa Quiapo Nahaharap Din sa mga Problemang Pang Eskwela --Gatchalian

Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Win Gatchalian sa sinapit ng mga pamilyang nasunugan sa Quiapo, Maynila noong Hunyo a-kwatro, lalo na't problema din ng mga magulang na baka hindi makapasok sa eskwela ang mga anak dahil sa nangyaring trahedya.

Ayon kay Gatchalian, pinalala pa ang sitwasyon ng kakulangan ng mga evacuation center, kaya wala nang nagawa ang ibang pamilya kundi umupa na lang ng masikip na espasyo sa kalapit na mga barangay para lang magkaroon ng pansamantalang masisilungan.

Upang maibsan ang kanilang pasanin, personal na pinuntahan ni Gatchalian ang mga apektadong pamilya at pinangunahan ang pamamahagi ng bigas ngayong araw sa Barangay 384. Anim na raang sako ng bigas ang kanyang ipinamahagi sa mahigit 500 pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog.

"Ang tulong na ito ay para magbigay ng agarang ginhawa habang nagsisimula ang mga pamilya na makabangon. Habang sinusubukan nilang iligtas ang kaunting gamit na natira mula sa sunog, nahaharap din sila sa hamon ng paghahanda ng kanilang mga anak para sa pagbubukas ng klase," pahayag ni Gatchalian.

"Bigyan natin sila ng pag-asa para sa kanilang pagbangon, at ng pangako na hindi natin sila pababayaan. Dapat nating tiyakin na natutugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan," dagdag niya.

News Latest News Feed