Press Release
January 22, 2007

Transcript of Interview with Senate President Manny Villar

Sabi ni Sen. Lacson kayo po ang nagunguna sa pagbuo ng The Force composed mainly of incumbent reelectionists? Ano na ang stage ng usapan?

SPMV: Sa ngayon, fluid ang situation sa Senado at nag-uusap-usap lahat ng mga senador, lahat ng mga winning candidates, lahat ng mga tatakbong senador sa ibat ibang grupo. Sa ngayon, open pa naman ang mga usapan at hindi natin masasabi na tapos iyan. However, hindi natin ikinakaila na talagang merong mga strong movements papunta rito na para magsama-sama na lang ang mga senador na naririto at iyong iba pang malalakas pang kandidato para maiwasan na iyong gulo at hindi masyadong magkasakitan sa national elections. Pwede namang sa local elections na lang maglaban-laban ang administrasyon at ang oposisyon. Hindi naman third force ang binubuo namin.

Anong gusto ninyong itawag doon?

SPMV: Baka The Only Force. Hindi naman, ito ay kung ano ang mapagkakasunduan. Titingnan muna natin. Masyadong maaga pa siguro para sabihin natin na tapos na ito at papayag lahat. Subalit titingnan natin kung mapagbibigyan naman lahat at magkakaroon ng isang pagkakataon na mabawasan ang politika sa ating bansa.

The only forceang magdidictate na sa usapan ay iyong mga reelectionists na incumbent?

SPMV: Hindi naman. Siyempre may mga ibang kandidato na kasama din sa usapan at hindi naman natin pwedeng ignorin ang UNO, ang administrasyon, hindi naman pwedeng ignorin iyan. Alam natin na sila ang naunang nagbubuo. Pag-uusap-usap muna iyan. Ang kandidato naman ay hindi ganoon kadami talaga. Madami ang nagsasabi na sila ay tatakbo subalit hindi naman desidido. Nakikita ko na ang desididong tumakbo lamang ay kokonti lamang at hindi naman ganoon kadami. Imposibleng magkaroon ng tatlong linya sa darating na halalan at palagay ko magkakaroon man isa o dalawang linya lamang.

Unity ticket na lamang?

SPMV: Hindi naman unity ticket basta ito ay mag-uusap-usap muna kung sinu-sino iyong iu-unite kasi pag unity ticket, pwedeng unity of parties. Pwede din iyon. Not necessarily administration/opposition. Maraming paraan ng pagtingin sa election. Hindi naman administration-opposition lamang ang paraan ng pagtingin sa Senado. Pwede ring may parties.

Mostly reelectionists?

SPMV: Siguro maraming reelectionists iyan. Halos siguro lahat ng makakasama diyan pero hindi natin masasabi na lahat kasama sapagkat as I said marami pa tayong dapat kunsultahin dito sa bagay na ito.

Di pa final iyong pag-join ninyo sa PMP?

SPMV: Nakikipag-usap kami sa PMP rin at wala namang magjo-join kaninumang partido. Ito ay alliance of political parties. Nag-uusap-usap ang mga partido gumagalang sa kanya-kanyang mga prinsipyo. Hindi rin naman madali sa panig ng mga senador na tumakbo sa isang grupo na ang objective ay alisin ang Senado. Parang nakakatawa naman iyon.

So opposition pa rin ang magiging character ninyo?

SPMV: Not necessarily opposition. Siguro. Karamihan ng mga mananalo naman, karamihan ng mga lumalabas sa mga surveys ay parang nasa opposition so hindi malayong magiging ganyan ang hitsura kung matutuloy man. But it is too early to say its final. Hindi pa naman.

Kasali ba ang NPC?

SPMV: Basta maraming parties siya kasali kasi pag sinabi mong kasali o hindi parang itoy desisyon ng lahat. Lahat ay nagdedecide dito.

Totoo bang?

SPMV: Wala namang katotohanan iyan basta kami naman sa ngayon ay nagtitipid lahat at ayaw mag-announce ng alignment hanggat hindi oras ng filing sapagkat naniniwala naman ang lahat ng kandidato lalo na ngayon sa Senado, meron pa kaming tatlong linggong trabaho at ayaw naman namin na ang tatlong linggong ito ay masayang. Pag magde-declare na kami ng linyahan ngayon, baka wala na kaming ma-achieve dito sa next three weeks. Napakahalaga sa amin sa Senado na patunayan na ang Senado ngayon ay masipag at mataas ang productivity at hindi dapat alisin. Ito ang gusto naming pakita sa lahat ng ating mga kababayan.

Agenda natin

SPMV: Marami. Iyong ratification ng budget, iyong anti-terrorism, iyong mga health bills na anti-hepatitis at anti-rabbies at iyong iba pang economic bills.

Paano iyong naka-pending sa bicam, kahit napasa ng Senate pero hindi napasa ng House?

SPMV: Wala kaming magagawa doon basta ipapasa namin ang aming gustong ipasa. Pero siyempre bibigyan namin ng prayoridad iyong napasa na nila.

News Latest News Feed