Press Release
January 23, 2007

Transcript of interview with Sen. Pres. Manny Villar

Q: Sir we just want to get the statement doon sa The Force, kung paano yun magiging composition. Ano na yung updates?

SPMBV: Well, inuulit ko na talagang as far as senators are concerned mahalaga sana na makapagtrabaho kami dito sa darating na tatlong linggo. Ngayon ang 1st week, bago kami mag-adjourn talagang napakaraming panukala pang gusto namin ipasa kaya hindi kami nagmamadali sa pagkampanya. At unang una, sa February 12 pa naman yan at hindi pa naman kailangan ngayon na bumuo ng slate. At siguro magiging malinaw ito sa mga 1st week of February.

Q: What about the idea of the 6 or 7 re-electionist senators being part of the UNO ticket?

SPMBV: Lahat ng posibilidad ay nandyan at nag uusap-usap ang Nacionalista at Liberal Party (LP). Nag-uusap din, ang Partido ng Masang Pilipino (PMP), PDP Laban Lahat ng mga senador ay nag-uusap usap din. Ang mga kandidato naman ay nag-uusap usap at wala namang pressure talaga na magkakaroon ng final decision dahilan sa talagang ang mga senador ay gusto pang magtrabaho, mga isa o dalawang lingo lamang at napi-feel naman naming na talagang mahaba na yung 90 days at hindi na kailangang pahabain pa ito. Sa ngayon ay puro usapan pa lang at anumang slate ang iaanounce ngayon ay pawang espekuwalisasyon lamang.

Q: If ever sir, do you think na if you put up a separate slate, kunyari magkakaroon ng 3rd force, would it be able to stand on its own, or would it be better na maging part siya ng opposition?

SPMBV: We dont know yet. Siyempre lahat naman ng tao ay gustong sumama sa pinakamalakas na slate at isang konsiderasyon yan. Although not necessarily, at siyempre may prinsipyo yan, pero hanggat maari siyempre gusto mong sumali sa pinakamalakas na slate unless hindi mo makakasundo ang makakasama mo dun. Kami nag-uusap ng Liberal Party (LP) at tinitingnan namin kung ano ang posibilidad. At yung mga kasama naman sa UNO, ang karamihan naman dun ay mga kasamahan din namin so parang wala akong nakikitang hirap dito. Dito naman merong mga maraming lugar na pinaglalaban ang eleksiyon na ito. Meron sa mababang kapulungan, sa aking palagay diyan talaga ang magiging parang arena ng paglalaban ng Administrasyon at Oposisyon. Siyempre gagawin lahat ng administrasyon ang lahat ng magagawa para hindi magkaroon ng impeachment kaya magtatrabaho sila ng husto para manalo sa local level. Sa mga local government officials, yung mga governors, mayors, Im sure na pag-iibayuhin ng administrasyon at ng oposisyon ang pagkakampanya dito. Kami naman sa Senado ay maganda naman ang aming samahan dito at pinakita naming nitong mga nakakaraang panahon na kami ay buo at united kami.

At siyempre yung mag-aaway away kami ay hindi isang bagay na hindi namin talaga hinahangad kaya nabuo yung ganyang kaisipan na maari naman kaming magsama sama subalit hindi pa namin pina-finalize yan. At naisip lang yan ng mga maraming ibang kaibigan namin na sinasabi na noong ipinagtangol namin ang Senado, ay nagsama sama kami sa pagpapasa ng mga panukala na makakabuti sa ating bayan, sama-sama kami. Sa pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng ating mga kababayan, sama-sama kami. Kaya possible rin namang magsama-sama sa eleksiyon

Q: Sir anong common interest nung grupo?

SPMBV: Yun, yun kakabanggit ko lang na tatlong sama-sama kami . .

Q: Yung they are against Charter Change?

SPMBV: I think na maliwanag naman na sa grupo na sama-sama kami. Sa Senado at least kung matutuloy ang pagsasama-sama ng senador. Kung yun ang magiging resulta dahil sa ngayon nga ay talagang malabo pa at wala pang kasiguraduhan, yung pagkakaisa at pagkakaroon ng Independent Senate. Napakahirap naman na tatakbo ka sa isang grupo na ang objective ay tanggalin ang Senado, di ba nakakatawa naman yun, nagkakampanya ka para tanggalin ang sarili mo.

Q: So the qualification to get included in the list, he should be against Charter Change that will abolish the Senate?

SPMBV: Siguro isa yun, isang malaking konsiderasyon yun although sa akin kung legal naman yung paraan, pwede rin. Kaya lamang nagtanggol kami sa Senado ng sama-sama at sa ngayon ay hindi rin naman ganado ang mga miyembro ng Senado na makipag-away sa isat-isa.

Q: Anong mas importante at priority nyo personall, Sir, to be part of the dominant opposition ticket or to be with the slate of like-minded individual?

SPMBV: Like-minded individuals

Q: Mas gusto nyo to have a 3rd Force?

SPMBV: Nopaano kung like-minded ang opposition, e di ok lang. Kung like-minded ang administration ay ok lang. Kaya lamang sinasabi nga natin na nakikita natin ang lakas ng Senado nitong mga nakakaraang panahon at dapat naman sigurong bigyan natin ng timbang yun.

News Latest News Feed