Press Release
February 11, 2007

Transcript of Senate President Manny Villar's press conference

Opening Statement: Kinukumpirma ko na ako ay tatakbong independent at ang gagawin ko naman na platform ay syempre ang Nacionalista Party bilang Pangulo ng partido. Yun ang gagamitin namin. Ito ang simula na rin ng pagpapalawak ng prinsipyo ng Nacionalista Party sa buong kapuluan. Kinunsulta ko naman ang mga taong malalapit sa akin at nagkaisa-isa kami na magandang kunin kong posisyon ay independent para ng sa ganon ay mas masabi ko ng mabuti ang aking mga prinsipyo sa buhay at ang aking mga gagawin sa mga darating na panahon, ang aking stand sa mga issues at hindi na ako kailangan mag-depende sa ibat ibang linya.

Q: On the Senates performance

SPMBV: Sa ating liderato, naipakita naman namin ang performance namin na napakaganda, napakaraming panukala ang aming naipasa. Bagamat malaking bagay iyan para sa ating ekonomiya at sa ating bayan, maganda ang takbo ng ating bansa dahil tumatakbo ang sistema at mahalaga rin ang Senado. Pero ang mahalaga ay yun ipinaglaban namin ang Senado. Mahalaga na hindi mawala ang isyu na yun sa isipan ng mga mamamayan na ang Senado ay ipinagtanggol at talagang may pagtatangka na tanggalin ang Senado bilang isang institusyon sa ating bansa. Hindi lamang yan ang inaawayan dito, nakita namin ang sunod-sunod na pagbira sa Senado at pag-atake sa powers ng Senado at hindi kami sumasang-ayon dyan, kasama na dyan ang paglabag sa karapatang pantao ng ating mga kababayan, nung napalaban kami sa Supreme Court. Palagay ko ay tuloy-tuloy pa yan dahil mukhang hindi pa tumitigil. Noong nakaraang panahon, may mga confirmation na hindi na dumaan sa Commission on Appointments at ito ay panibagong sampal sa Senado. Ako ay inaamin ko naman na dumalaw ako kay dating Pangulong Estrada at hindi man lang ako pinapasok. Ang ganitong mga bagay, makikita nyo naman na talagang masyado naman na nilalapastangan ng administrasyon ang Senado. Kaya bilang lider ng Senado, napakahirap din para sa amin na hindi maging independiente dito sa darating na halalan na ito.

Q: Bakit nyo naisipan na tumakbong independent?

SPMBV: Ako, bata pa ako ay independent-minded na ako at talagang hindi naman ako natatakot na tumayong mag-isa. Yun mga sinasabi na mas madaling luminya, totoo iyon, mas madaling luminya. Pero hindi kami natatakot sa mga bago, panahon na para magkaroon tayo ng mga ganyan na kaisipan. Yun mga dati, hindi naman kailangan na sundin ng sundin. Kung susundin natin ang parating ganyan, hindi na tayo makakabangon o makakaahon. Its time to think of something new at ito nga ang isa sa aming naisip. Hindi kami natatakot magsarili sa eleksyon na ito. Bagamat marami sa prinsipyo ng aming mga kasamahang kandidato ay pareho ng aming kaisipan at sila ay aming hinahangaan din. Hindi naman kami nagsasabi na hindi sila magaling. Nakikita ko na halos ng lahat ng kandidato ay may kakayahan na dapat igalang.

Q: Ang pagtakbo nyo bilang independent ang isa ba sa gusto ninyong sabihin kay dating Pangulong Erap noong dumalaw kayo?

SPMBV: Yes, isa yun sa aming tinalakay at wala naman masama doon. Gaya ng aking sinabi kanina, isa siya sa binibigyan ko ng halaga ang payo at hiningan ko rin siya ng payo.

Q: Paano ang magiging kampanya nyo bilang independent candidate?

SPMBV: Hindi na uso masyado yung grupo-grupo dahil meron ng mass media. May telebisyon, radio at mas marami kang mararating. Palagay ko, yun ang pinakamalaking pagbabago. Noong araw kasi, wala pang masyadong telebisyon at di pa ina-allow ang paggamit nito at ng radio. So talagang obligado kayo na puntahan ang lahat ng lugar bilang grupo. Pero ngayon ay hindi na. Ngayon sa telebisyon na lang at malaya na kayo na mamili ng lugar, dahil sa syempre may mga lugar na mahina ka at gusto mo puntahan at minsan yun kasama mo sa ticket ay may gusto rin puntahan dahil doon sya mahina. So mas maganda ngayon dahil magagawa ng bawat isa ang kanyang strategy sa kampanya. Yun din ang magiging strategy ng ibang grupo, hindi lang kami.

Q: Ano ba ang ayaw ninyo sa UNO, bakit hindi kayo sumama sa opposition?

SPMBV: Wala naman, nagkataon lang na gusto namin ng mas matinding o mas madiin na emphasis yung pagiging independent, yun lamang. Hindi naman kami necessarily nagdi-disagree sa UNO at iba pang mga grupo.

Q: Are you closing your doors at the other organizations like UNO?

SPMBV: Wala kami isinasarang pinto sa anuman. Yung paghihiwalay-hiwalay, sa tingin ko, yun talaga ang mangyayari ngayon. Kasi yun tinitingnan natin nitong nakaraan ay talagang linyahan at pagkampanya, subalit iyan ay napaka-inefficient. Sa ngayon, telebisyon na at radio ang mahalagang medium para mas maraming marating sa ating mga kababayan. Yan na talaga ang magiging emphasis ng mga kandidato at makakakita tayo na mas maraming kandidato ang magso-solo. Syempre, mas efficient yun like gusto mo puntahan ang mga lugar kung saan ka mahina, so nagkakaiba-iba yan.

Q: Paano na yun ibang kasama sa slate?

SPMBV: Yan pa ang isang sinasabi ko, magulo ang linyahan ngayon at nahihirapan magbuo ang magkabilang-panig. Ang maganda o hindi maganda ay depende kung paano mo titingnan ngayon ay talagang konti lamang ang nangungunang mga kandidato.

Q: Yung pagtakbo bilang independent, was it decided from the very start or after a series of meetings?

SPMBV: Parating option yan pero hindi pa napagdesisyunan. In fairness to all of us, pinag-usapan namin mabuti yan. Subalit parating option yan, kung talagang may linya.

Q: Ano ang mga advantages at disadvantages ng pagtakbo bilang independent?

SPMBV: Ang pananalo ay malaking bagay. Syempre lahat naman ng kandidato ay gustong manalo. Pero uulitin namin na hindi lang naman yan ang konsiderasyon dito, gusto namin bigyan ng diin yung pagiging malaya ng aming kaisipan at sa pag-maintain sa Senado bilang independent institution. So dalawang bagay naman yanhindi lamang ang pagkapanako, kundi yung prinsipyo din.

Q: Ano na ang mangyayari sa Wednesday Group?

SPMBV: Uulitin ko, ang Wednesday Group ay isang samahan ng magkakaibigan at hindi naman talaga politikal yan, nagkataon lamang na sabay-sabay kami kakandidato. May sari-sarili kaming kaisipan at iginagalang namin ang pananaw ng bawat isa. Kaya siguro nagtagal kami bilang isang samahan, yan ang aming patakaran, iginagalang namin yung pananaw ng bawat isa. Hindi naman ito ang unang beses na nagkahiwa-hiwalay kami ng posisyon. Hind rin ito ang magiging huli. Subalit ang mahalaga, ang grupo ay mananatiling magkaibigan. Siyempre mas gusto namin na sama-sama pero may limitasyon naman. Syempre gagawin lang ito kung hindi maapektuhan ang prinsipyo at pananaw. Pero kung maapektuhan, mas mahalaga naman yun. Ang mahalaga ay ginagalang namin ang pananaw ng bawat isa. Hindi naman namin iniisip kung sino ang makikinabang o hindi, ang mahalaga yung pananaw ng bawat isa ay maigalang dahil masaya iyan sa samahan. Yung consequences ay hindi namin masyado kino-consider. Kung anuman yun, matagal na naman kami sa larangan na ito at naiintindihan namin na may pros and cons yan. Maaaring mali ang desisyon namin ni Kiko o mali sila at maaari rin naman na tama kaming lahat. Pero walang nakakaalam kung ano ang mangyayari.

Q: Sino ang tingin nyo ang winnable sa mga kandidato?

SPMBV: Ayaw naman namin na umasa sa survey. Syempre kampanya yan, hindi mo masisiguro. Syempre sisipagan namin ang kampanya. Maski lamang ka sa una, pero maaaring mawala ka sa hulihan. Sa sipag pa rin yan, sipag at tiyaga. Magiging madali sa amin dahil pangalawang beses na namin. Medyo mas nakakanerbiyos noong una. Nakita na namin ang kamalian namin. Ngayon mas confident kami sa aming gagawin at sa sistemang amin na gagamitin.

News Latest News Feed