Press Release
February 19, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Kailangan pa bang hintayin na pumunta sa Greenhills o tutuloy na kayo?

SPMBV: Depende. Kung babalik sya sa weekend, baka hintayin ko na lang. Pero mas gusto ko pumunta sa Tanay.

Q: Importante ba na makunan ka ng picture (with Erap)?

SPMBV: Hindi naman. Matagal na rin naman kami na hindi nag-uusap at syempre wala namang masama dun.

Q: Anong pag-uusapan nyo?

SPMBV: Kung ano na ang nangyayari sa kampanya at sa buhay-buhay.

Q: Updated ba kayo dun sa anti-election fraud?

SPMBV: Kailangan talagang magbantay tayo.

Q: May binuo yatang committee ang Grand Opposition na tutulong sa anti-fraud, kasali ba kayo dun?

SPMBV: Oo, kasi kailangan talaga lahat magbantay, hindi lamang ang opposition. Everybody must be vigilant, coming from 2004. Kailangan talagang magbantay lalo na kung nasa oposisyon ka.

Q: May mangyayari ba sa special session? May makukuha bang quorum?

SPMBV: Palagay ko, makakakuha naman ng quorum. Masisipag naman ang mga senador.

Q: Ano gagawin natin ngayon?

SPMBV: Tapos na ang trabaho natin. Kung ano man mangyari ngayon, karagdagan na lang. Maganda na ang ating output at hindi na natin kailangan maghabol. Siguro aprubahin natin yung mga naaprubahang bill sa second reading. Tama na rin para maaprubahin na rin ang mga yun.

Q: Sabi ni Speaker JDV, they passed 1,000 bills pero the Senate did not act on them

SPMBV: Normal naman ang pace, pero ang output ng Senado ngayon, four times the national average for the past 10 years, kaya napakalakas ng production. Dun naman sa isang libong bills sa House, local lang yun. At talagang hindi naman inaasahan na ipapasa lahat yun. Kung ipapasa namin lahat yun, bakit kailangan pa ang Senado. Ipinagbubuti natin ang ating performance at production para mawala na ang usapan na kami ay nagiging balakid sa pag-unlad ng bansa at mabagal kami. At dun naman sa isyu na hindi namin naaprubahan ang lahat ng panukala ng Lower House, expected naman yan sapagkat kung aaprubahan namin lahat yun, mawawala na ang check and balance, wala ng pangangailangan sa Senado. So talagang nire-review namin yan at hindi naman talaga aasahan na lahat ng ipapasa nila ay ipapasa namin. Subalit binibigyan naman namin ng karampatang atensyon ang local bills. Kaya lang, kumukuha kami ng guidance sa Executive Department, kung ano ang inaakala nilang mahalaga at consistent sa policies nila. Yun ang aming sinusunod.

Q: Kung ano ang certified, yun na lang ang aaksyunan nyo?

SPMBV: Hindi naman. Marami kaming inaksyunan na galing se Senado, kasama na rin ang certified. Hindi kami tumitingin sa pulitika dito. Nire-review namin lahat yan at certified o hindi ng Pangulo, pag maganda ang bill, pinapasa namin. At kami ay natutuwa na halos lahat ng bills ay ipinasa namin. Yun nirekomenda ng mga komite ay naipasa lahat.

Q: About your speech sa alumni homecoming ng PMA, namulitika daw kayo?

SPMBV: Yung speech, wala naman akong sinabi doon na hindi totoo. Sinabi ko lang naman kung ano ang trabaho at obligasyon ng AFP at Senado. Nag-report lang ako sa ating mga kababayan sa mga ginawa ng Senado, yun aming ginawang pagtatanggol sa institusyon, yung mga ipananalo sa Supreme Court, sinummarize ko lang naman at sinabi ko na protector of the people ang AFP at dahilan dyan, ang tao ang dapat susundin at hindi sinuman.

Q: Pinupulitika nyo daw ang mga sundalo, dapat daw pumili ka ng proper venue sa ganon klaseng speech

SPMBV: Pilipino din naman ang mga sundalo at ang pwedeng marinig ng ibang Pilipino, pwede rin nila marinig. Sila naman ay mga free men at ang tingin ko sa kanila ay mga Pilipino rin. Pare-pareho lang yan. (Dun sa mga taong nagre-react), siguro basahin nila ang Konstitusyon, dahil ang sinabi ko lang naman dun ay kung ano ang nakalagay sa Konstitusyon. Kung merong mga tao na nagdaramdam, yun siguro ay dahil hindi pa nila nababasa ang Konstitusyon.

Q: Do you share the view na si Pres. Erap should be allowed house arrest sa Greenhills at makapagkampanya sa mga kandidato?

SPMBV: Sa akin, hindi para makapagkampanya lang, kundi talagang dapat naman kasi dahil sa anim na taon na naman sya nakakulong at wala pa naman syang conviction. Wala namang masama na habang naghihintay sya ng desisyon ay palayain muna sya. Hindi na rin makatarungan na anim na taon ng nakakulong ay wala pang desisyon at hindi pa naman sya convicted.

Q: Yung siyam na kandidato ng GO, nagpataas na ng kamay kay Erap, bakit wala kayo dun?

SPMBV: Actually, galing ako sa Baguio. Nanghihinayang nga ako at hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makahabol. Pupuntahan ko na lang ng solo.

Q: Magpapataas din kayo ng kamay?

SPMBV: Well, hindi lang naman dahil dun. Makikipagkwentuhan ako sa dating Pangulo at sasabihin ko rin naman sa kanya kung ano ang nangyayari at makikipagbalitaan.

News Latest News Feed