Press Release
February 20, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Was it worth convening for two days?

SPMBV: Wala naman kami choice at ang Pangulo ang nagpatawag. Pero mabuti na rin yan at natapos ang dapat natapos. Kami dito sa Senado ay tapos na talaga. Tinapos na lang namin yun pwede naman tapusin sa June. Pero, bilang pakikisama sa House of Representatives, okey na rin na nagkaroon ng dalawang araw ng sesyon.

Q: The Lower House stopped session when the anti-terrorism was passed

SPMBV: Hindi masyadong productive. Mabuti sana kung sinamantala itong dalawang araw na ito at ginawang mas productive. Marami pang naka-pending sa kanila na mga panukala na dapat sana ay aprubahan na rin nila kagaya ng tourism bill. Pero wala, hindi naaprubahan. Dito naman sa amin ay tapos na, practically lahat ng certified na mahalaga ay ipinasa na namin. Ang tingin namin talaga ngayon ay nakikisama na lang kami para lamang magkaroon sila ng pagkakataon na maipasa pa ang mga pending. Dito sa Senado, wala ng masyadong trabaho dito. Yung mga reeleksyonista kasi, nagkakampanya nay an. Yung sa Lower House, wala pang kampanya, kaya mas madali pa.

Q: Yung tourism at lower medicine bills, hindi pa naipasa

SPMBV: Dalawa nga sana yung magandang mga panukala na sana ay ihabol nila dahil parehong kailangan ng bayan yan.

Q: Why did they skip the lower medicine bill?

SPMBV: Palagay ko, may pressure yan sa mga foreign manufacturers. Talagang ayaw nila pumasa ang bill na yan, matagal na sila nagla-lobby dito. Palagay ko ay may na-pressure dun.

Q: On the One Billion Tree Act

SPMBV: Mahirap bilangin yan. Baka bawasan namin ng zero yan dito, siguro mga 100 million na lang. Meron talagang mga tumututol dito, gusto nila liwanagin ang funding. Syempre lahat naman gusto magtanim ng maraming puno sa Pilipinas. Ang question lamang ay kung saan manggagaling ang funding nyan.

Q: Iba-block ba ang One Billion Tree na bill?

SPMBV: Meron lang mga magtatanong o mag-iinterpellate. To be fair with them, humihingi sila ng sapat na panahon para mapag-aralan ang panukalang iyon. Lahat gusto magpasa ng anumang batas o panukala para sa puno, dahil maraming nagmamahal sa tree. Kaya lang, importante rin naman na malaman natin kung saan manggagaling ang funding, ang paghahati at kung sino ang gagastos.

Q: Ilan ang natapos kagabi?

SPMBV: 54 ang natapos kagabi at yun naman ay formalization lang naman at tapos na talaga yun talaga. Marami ay national bills pero karamihan ay local bills. Tumaas ang output natin into 163 bills passed on third reading na apat na doble ng pangkaraniwang pinapasa ng Senado nitong nakaraang sampung taon. Daig natin sila. Magaganda ang national bills na naipasa natin. Yun iba, talagang ayaw na namin. Hindi naman dahil sa hindi umabot ang ibang panukala. yung mga panukala na yun ay mangagailangan pa ng talagang karagdagang pagsusuri at kinakailangan pang baguhin dahil ayaw namin. So yun lahat na pwedeng maipasa, naipasa na.

Q: Reaction on the Internet voting

SPMBV: Medyo kabado ako dahil bago ang Internet voting at baka yan ay magamit na naman sa dayaan. Syempre gusto natin na maging moderno ang ating pagboto. Kaya lamang, yan ay bago lamang at hindi ko alam kung dumaan na yan sa masusing pag-aaral at kung hindi magagamit yan sa pandaraya. Yan lamang ang iniiwasan natin, ang magamit ang mga ganyan sa pandaraya.

Q: Magpapa-drug test ba kayo as a requirement ng COMELEC sa mga kandidato?

SPMBV: Tapos na ako magpa-drug test. Meron na nagbigay sa akin na form para mag-undergo nun. Wala naman akong problema dun.

Q: As NP President, anong klaseng support ang binibigay nyo kay Allan Peter Cayetano?

SPMBV: Yan naman kay Allan, hindi ko alam kung bakit nangyayari yan mga ganyan. Masyado namang halata na yan. Hindi naman tama ang nangyayari kay Allan at bakit parang pinag-iinitan sya bilang kandidato. Sana ay matigil na yan. Hayaan na lang na ang tao ang magdesisyon kung gusto nila ihalal si Congressman Cayetano. Sya ay isang congressman at sana bigyan sya ng karampatang paggalang. Siyam na taon na congressman yan at naging aktibong congressman sya. Ako ay wala namang duda sa kanyang kakayahan at qualifications.

News Latest News Feed