Press Release
March 2, 2007

RADIO INTERVIEW W/ SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR (RMN)

Kumusta po ang kampanya at sa pag-iikot niyo sa buong kapuluan?

SPMBV: Maganda ang takbo ng kampanya ko at mainit ang pagtanggap sa akin, lahat ng aking puntahan ay natutuwa lalo na pag binabalita ko ang magandang performance ng Senado simula nang ako ay maging pangulo nito.

Sinasabi po na ang inclusion ni Kiko sa GO was made between you and Sen. Maceda? Ano po masasabi niyo sa pagkaka-drop kay Sen. Kiko sa list ng GO?

SPMBV: Nais ko lamang linawin na hindi kami nagka-usap ni Sen. Maceda maski kalian tungkol diyan. Ang kausap ko ay si Pangulong Estrada, kami lang dalawa ang nag-usap at nagtataka ako kung bakit nalaman ni Sen. Meceda ang usapang ito. Subalit, di ko na pahahabain ang isyu na iyan at ayoko nang makisali dyan. Desisyon iyan ni Kiko at ng GO, pareho kong iginagalang iyan. Sinabi ko noon pa na si Kiko ay kasama sa Wednesday Club at hanggat maaari, ay sama-sama kami. Noon ay magkasama ang NP at LP at inimbitahan din kami ng GO na sumama sa kanila. Ang gusto naming talaga ay makipag-alliance lamang at di namin talaga hinangad na ma-under sa GO dahil ang NP at LP naman ay may kanya-kanyang partido at sariling paninindigan. Hindi kami kinakailangang umasa sa sinuman at sa anumang grupo. Ito ay bilang pakikisama lamang at pakikiisa sa mga sentimyento ng GO at hindi sa kanilang grupo. Ako ay independent din at tumatakbo ako under Nacionalista Party, at ito ang partidong aking dinadala. Ako ay governed ng regulasyon ng NP at hindi ng regulasyon ng anumang grupo. Kaya lang, ako ay nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay na maging guest candidate ng GO, subalit inuulit ko, na ako ay independent candidate at hindi ako under ng anumang regulasyon sa anumang grupo.

Kayo po ba ay naniniwala sa supposed to be rally ng GO sa Iloilo ay sinabotahe ni Sec. Raul Gonzales?

SPMBV: ang GO kasi ay walang masyadong pera at iyan an gaming problema at hindi naman malayo na mangyari ang ganyan, maaring masabotahe at maaari rin naming hindi. Ayoko na lang magbigay ng opinion tungkol diyan dahil wala naman ako doon at hindi ko rin nakita, at wala akong basispara sabihin kung may gumawa nun o wala. Hindi nangangahulugan iyan na ang sentimyento ng mga taga Iloilo ay laban sa GO. Naniniwala ako na ang ating mga kababayan sa Iloilo ay tumitingin din sa mga prinsipyo ng GO at marami sa kanila ang gusto rin ang pananaw at ipinakikipaglaban ng GO. Hindi ako naniniwala sa mga rally lamang dahil minsan ang tagumpay o pagkabigo ng rally ay dahilan sa organizational problem at minsan sa funding at hindi nangangahulugan na ang mga kandidato ay popular o hindi popular sa isang lugar.

News Latest News Feed