Press Release
March 3, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Kamusta naman ang kampanya natin?

SPMBV: Maganda naman at mainit naman ang pagtanggap satin maski san tayo pumunta. Inu-una ko muna itong malalapit sa Maynila, at pagkatapos ay sunod-sunod naming pupuntahan yung mga ibang malalayong lugar gaya ng Mindanao at Visayas saka yung Northern Luzon. Pero maganda systematic naman ang ating pagkampanya.

Q: Sir, yung issue kay Kiko?

SPMBV: Palagay ko okey naman yan, basta ang Nacionalista party naman ay susuporta pa rin kay Kiko, at wala namang kadahilanan para di namin suportahan.

Q: Sir, yung tungkol sa debate, ano po ba yung opinyon ninyo sa debate na sinasabi?

SPMBV: Well, okey lamang yon, basta interesado ang mga tao at may manunuod, okey lamang naman yan. Siguro kung sino ang gusto sumali sa debate ay pwede naman at samin kasi sa Senado at Kongreso parang araw-araw na yan kaya medyo sawa na kami dyan, pero kung gusto naman ng tao okey lang yan.

Q: Kung matutuloy po yon, ano po yung mga issue na dapat isali?

SPMBV: Dapat yung mga may laman na issue, halimbawa kung ekonomiya, hindi naman pwede na ekonomiya lang, yung mga human rights, yung atin mga constitutional changes, yun ang mga pwede nating pag-usapan, yung abolition sa Senado pwede rin. Sa akin dapat mag-agree muna sa mga pag-uusapan at hindi pwedeng isa lamang, kagaya ng proposal ng iba na ekonomiya lamang, sapagkat maraming aspeto ng ating pamumuhay na kailangan pagdebatehan at lalong-lalo na yung iba na interesado yung mga tao.

Q: Pano po yung Garci issue?

SPMBV: Pwede rin yon, pwede ring isama yon. Kasi kung naniniwala naman sila na naipaliwanag na nila okey naman yon. Siguro papayag din naman ang Unity Ticket na pagdebatehan yon.

Q: Sir, diba kasama niyo po sa Wednesday Club si Sen. Pangilinan?

SPMBV: oh yes, oo, kasama namin si Kiko.

Q: Ano na po yung lagay niya, kasi po may nagsasabi parang di pa sigurado kung mananatili siya sa GO ticket?

SPMBV: Well, ako igagalang ko anuman ang desisyon ng Genuine Opposition. Ako naman ay nagsabi sa kanila na hindi ako makikialam sa mga procedures ng Genuine Opposition. Kaya lamang mananatili namang susuporta kay Kiko ang Nacionalista Party.

Q: Mananatili po yung Coalition?

SPMBV: Oo, meron naman kaming intindihan ni Kiko at ng Liberal Party sa bagay na ito, so sumusuporta din kami kay Kiko.

Q: Sir, hanggang sa matapos ang kampanya hindi po ba kayo sasama dun sa mga sortie ng ibang kandidato ng GO?

SPMBV: Pwede ako sumama depende sa schedule ko. Ako naman di naman umiiwas diyan, gusto ko nga makasama sa kanila, kaya lamang talagang nun pa gumawa na ako ng sarili kong schedule at itoy aking sinusunod base sa kung saan ako mahina at malakas.

Q: Sir, yung sa survey po kasama po kayo, pasok po sa top 12.

SPMBV: Well, okey naman yun, natutuwa ako, kasi dati mahina ako sa Maynila. Nakakatuwa naman at nakasama ako dito. Pero palagay ko yun naman mangyayari dyan na halos sa buong kapuluan ay magiging ganyan ang panalo. At panalo ang Genuine Opposition.

Q: Sir, comment lang po dun sa sinabi ni Cong. Cayetano na nasira daw po yung momentum ng kampanya ng Genuine Opposition dahil ang tagal daw po mag-decide ng Wednesday Club.

SPMBV: Actually, araw-araw na ini-interview kami sa Wenesday Club sinasabi namin na ang desisyon kung saan magjo-join ang Wednesday Club ay gagawin ng few days bago mag-file ng candidacy, at yun naman kung re-rebyuhin naman lahat ng interview sa amin, yun ang aming sinabi at pinapangatawanan lamang namin yun ayaw naman namin masabing sinungaling kami na magde-desisyon na kami even before the adjournment of the Senate, kaya ginawa lang namin kung ano yung sinasabi naman namin in the first place na magde-desisyon kami a few days before. Kung may mga naapektohan niyan ay hindi namin sinasadya yon at hindi namin alam kung ano epekto sa kanila.

Q: Sir, ano po yung tingin ninyo doon, siyempre kasama ninyo po sa ticket si Cong. Cayetano tapos nagbibitaw siya ng ganong salita laban po sa Wednesday Group.

SPMBV: Baka hindi naman, im sure hindi naman yun ang ibig sabihin ni Alan at talaga lang normally ganyan, medyo mainit ang panahon ngayon at talagang maraming umiinit ang ulo, pero im sure hindi ganun ang ibig sabihin ni Alan.

Q: Sir, isu-support niyo rin po yung candidacy ng dalawang members ng Wednesday Club na nasa Team Unity sina Sen. Recto at Arroyo.

SPMBV: Kami naman ay may responsibility sa aming mga kasamahan sa slate, ang sinasabi ko lang ay siyempre iboboto ko pa rin si Kiko at dala pa rin siya ng Nacionalista Party. Ang sa amin lang, kami naman sa bagay na yan ay nagkaka-unawaan din ang mga miyembro ng Wednesday Club at siyempre kanya-kanya naming sinusuportahan ang aming mga repective na mga kasamahan sa kampanya.

News Latest News Feed