Press Release
March 7, 2007

RADIO INTERVIEW WITH SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR (RMN)

Mr. Senate President, sa tingin niyo po ba ay kinakailangan pa ang mga debate sa pagitan ng mga kandidato sa ngayon?

SPMBV: Hindi ako masyado naniniwala diyan, kasi ang problema ay ang mga makikinig, unless may live broadcast iyan. Pero kung iyan ay gagawin sa Manila Hotel o kahit na sa Plaza Miranda, konti lang ang manonood niyan. Pero para sa akin, wala rin akong problema diyan dahil hindi na bago ang debate sa mga mambabatas lalo na at naging Speaker of the House ako at ngayon ay pinuno ng Senado. Kaya lamang, bilang isang paraan sa kampanya, hindi ako naniniwala na magiging epektibo iyan sa pagpapaliwanag ng ating mga plataporma kasi normally, may mga written materials tayo para sa mga gustong alamin ang mga palatporma ng mga kandidato para mas maintindihan nila ang aming paninindigan at paniniwala. Ang debate ay okey lamang doon sa mga kandidato na gustong ihayag ang kanilang nalalaman at gustong magbigay ng oras, pero ako personally, hindi ako masyadong mahilig diyan sa ngayon at naniniwala akong mas magandang sundin ko ang schedule ng aking kampanya.

Sa inyo pong pangangampanya, ano po ang pangkaraniwang hinaing ng mga tao na dapat tingnan ng pamahalaan?

SPMBV: nakikita ko na trabaho ang dapat bigyang pansin. Dahil hindi naman natitikman ng ating mga kababayan ang sinasabi ng gobyerno na gumaganda ang ekonomiya. Kaya ang programa ko sa susunod kung term ay magpo-focus dyan. Dapat itulak ang dagdag na insentibo sa mga sector na magbibigay ng mas maraming trabaho at hanapbuhay . May mga sector kasi na di naman nagbibigay ng maraming trabaho, ngunit marami din naman ang nakakatulong sa job generation. So dapat alamin ng Bureau of Investment o BOI kung ilang trabaho ang maibibigay ng isang sector para maging basehan sa pagbibigay ng insentibo. Dapat ding pagyamanin an gating educational system at payuhan ang mga bata kung anong kurso ang dapat nilang kunin para pag-graduate nila, mas malaki ang pag-asa na makahanap agad ng trabaho. May nakikita kasi akong sector n gating ekonomiya na naghahanap ng mga applicant ngunit walang makuha. Ito lang call center industry ay talagang problemado dahil kulang tayo ng qualified graduates. Daang-daang libo ang kanilang kailangan pero walang makuha. Even yung mga kababayan natin na nag-aabroad, dapat yung kanilang pinag-aralan ay akma sa kwalipikasyon ng kanilang pupuntahan para magamit nila ito. Itutulak ko rin yung pagtulong sa small entrepreneurs. Yung mga nagtitinda na ng puto, isda at ibang produkto sa ngayon, dapat ay bigyan sila ng pautang na mas mura, mas magandang facilities para mahikayat sila na pag-ibayuhin pa ang kanilang kabuhayan, Pati yung mga LGU dapat mag-compete at magparamihan kung ilan ang kanilang magagawang maliliit na negosyo sa kanilang lugar at kung anumang lalawigan o bayan ang makagawa nito, iyon ang bigyan ng malaking pork barrel bilang reward. Maraming pamamaraan iyan na hindi lamang magawa, dahil hindi pa yata naniniwala ang gobyerno na ito ang isang paraan upang mapaunlad ang ating ekonomiya.

Kung sa bangko ka naman mangungutang, napakahirap ng proseso.

SPMBV: Mahigpit an gating banking system at iyan pa ang isang kailangang i-reform. Ang banking system natin ay isang cartel at hindi talaga nakakatulong sa ating mga kababayan na nagsasarili sa negosyo. May panukala na akong ginawa para dito ngunit kinapos lamang ng panahon.

Ano pa ang inyong masasabi sa troop deployment particular sa slum areas sa Metro Manila?

SPMBV: Di ko maintindihan kung bakit ito nasabay sa eleksyon at ano ang kadahilanan, Subalit maliwanag na dapat ay pulis ang namamahala sa ganyang mga lugar at hindi ang AFP. Ito ay hindi maganda dahil kalalagda pa lang ng anti-terror law at baka ito ay mapagbintangan na ito ang dahilan. Ang sa akin lang, hindi dapat takutin ang ating mga kababayan lalo na sa mga ganyang lugar lalo na ngayong eleksyon. Hindi rin dapat tatakutin an gating kababayan ng kabilang panig.

Saan po kayo mag-iikot ngayon?

SPMBV: sa mga palengke sa Pasay, Makati at Baclaran.

News Latest News Feed