Press Release
March 27, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar (DZRH)

Mr. Senate President, ano po ang masasabi niyo sa sunod-sunod na magagandang survey results? Mula sa pinakamataas na satisfaction rating at ngayon naman ay No. 2 na kayo sa SWS senatorial survey?

SPMBV: Natutuwa ako sa sunod-sunod na magagandang balita. Lalo akong ginaganahan sa aking pag-iikot para lalo pa akong makapaglingkod sa taumbayan. Natutuwa ako lalo sa magandang satisfaction rating na nakuha ng Senado, dahil kinilala ng ating mga kababayan. Akala ko dati, hindi ma-aapreciate ng mga tao yung ginagawa naming noon na nagpupuyat. Yung pag-pasa naman ng 155 bills na apat na doble sa karaniwang naipapasa ng Senado na akala naming ay hindi malalaman ng publiko, ngayon nakikita talaga na may epekto sa taumbayan. Ang buong Senado ay masayang-masaya dahil ngayon lang kami nakatikim ng mataas na rating. Yung magandang resulta naman ng senatorial survey ay nakakawala ng pagod.

Yung dati niyong rating sa SWS na No. 8, lumundag ng No. 3, tapos ngayon ay No. 2 na?

SPMBV: Natutuwa ako. Lalo ko pang pag iibayuhin. Maski ako, di ko inaasahan na ganyan kabilis ang pagtaas ng aking rating. Sipag at Tiyaga lang talaga. Napakahirap kasing i-predict ng reaksyon ng taumbayan sa aming mga kandidato kaya akoy tuwang-tuwa na napakaganda ng pangtanggap sa akin ng mga tao.

Ang sabi nila, kaya tumaas ang rating ninyo dahil sa pagsasayaw ninyo sa inyong TV AD na talaga namang ginagaya ng mga bata?

SPMBV: Yun naman ay para masaya lang. Pero gusto ko talagang Makita ng mga tao ang pag-ahon ko sa kahirapan. Isinama ko na rin sa ad ang aking nanay kasi wala naman akong endorsers na mga artista, kaya sabi ko, pinakamabuting mag-endorse sa akin ay ang nanay ko, sigurado pa ako sa sasabihin niya

Baka lalo pang tumaas ang rating niyo sa pagpasok ng nanay niyo sa ad?

SPMBV: Oo nga. Pero natutuwa ako dahil iba kasi ang dating pag nanay mo na ang nagsasalita tungkol sa iyo. Yung paghihirap naman ng nanay ko ay nasusuklian sa kung anuman ang narating ko ngayon.

Sino pa ba ang makakakilala sa inyo ng husto kundi ang nanay niyo?

SPMBV: Ang nanay ko naman kasi ay kasama ko sa pagtitinda sa palengke noon pa man. Magkabarkada kami talaga niyan.

From Tuguegarao, saan naman kayo pupunta ngayon?

SPMBV: After sa Tuguegarao, pupunta kami ng Isabela. Susuyurin naming yung ibang part ng northern Luzon at Cagayan Valley at bukas balik-Visayas ako.

Talagang tina-tiyaga niyo ang pag-iikot, Mr. Senate President?

SPMBV: Sipag at Tiyaga lang talaga.

News Latest News Feed