Press Release
July 25, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: Did you really call the President a lame duck?

SPMBV: Hindi naman. Ipinapaliwanag lang natin ang ibig sabihin ng Pangulo dun sa kanyang last paragraph, 'yung huli sa mga sinabi niya, about the Presidency. Pero siguro gusto lang niyang i-emphasize na desidido pa siyang tapusin at lahat ng balak niyang gawin at hindi pa naman dapat isipin na ganun na nga, parang lame duck.

Q:

A: Sinasabi nga niya na malakas ang Presidency.

SPMBV: Hindi naman. Kasi pag magtatapos na ang term mo, normal namang 'yun ang iisipin ng tao, at syempre sinumang magsasabi na siya'y paalis na at may legacy, syempre hindi natin maiiwasang may mga ganyang iniisip ang mga tao. Natural lamang naman yan. Kaya lamang, kaya niya sinabi yung banding huli, sinasabi niyang hindi siya ganun. Tinatanong kasi ako kung ano ang masasabi ko sa sinabi niya na yung malakas ako na Pangulo na siguro ayaw niyang maging lame duck.

Q:

SPMBV: 'Yun naman nasa sa kanya 'yun, ang sinasabi ko lang, sinumang magwawakas ang term, maski na anong pwesto, whether Pangulo ng Pilipinas o Vice-President o Senate President, pag magtatapos na talaga ang pwesto mo eh ganyan ang tingin sayo.

Q: Lame duck sir ang tingin sa kanya?

SPMBV: Pag matatapos na ang term mo, eh kasi nagpapaalam na siya.

Q: Sir, with that statement sa tingin niyo mas lalo syang

SPMBV: Hindi naman. Sinabi naman niya na hindi pa at desidido pa siyang tapusin ang kanyang mga dapat tapusin. Sa palagay ko naman maganda para sa ating bansa kung matatapos niya ang mga yun.

Q: You'll take her word for it?

SPMBV: Oo naman.

Q: Sir sa committee

SPMBV: Wala pa tayo malapit nang mabuo 'yan subalit ang napagkaisahan namin, isa na lamang announcement. Next week pag nabuo na lahat saka na naming i-aanounce ng sabay-sabay.

Q: Blue ribbon?

SPMBV: Madali lang namang i-settle yan wala namang pagkaka diperensiyahan diyan. Palagay ko naman maraming mga tao dito sa senado na qualified para mag-handle niyan. Hindi naman ako namomroblema diyan.

Q: Opposition ang hahawak?

SPMBV: Wala ako maibibigay na hint siyempre to be fair with those we are considering. At siyempre mahalaga na hindi muna mabanggit ang kanilang mga pangalan.

Q: Will the minority have committees?

SPMBV: Pag-uusapan namin sa mayorya 'yan, pero palagay ko naman susundin naming 'yung tradisyon ng senado na kahit paano mabibigyan sila ng mga committee.

Q: Sir nung kausap namin yung mga sumuporta sa inyo, sina Senator Escudero mukhang confident sila re your commitment po na sa oposisyon mapupunta. yung chairmanship ng mga committees.

SPMBV: Basta ayaw ko munang pangunahan pagkat nakakahiya naman sa iba nating kasamahan dahil meron kaming usapang wala munang magsasalita hanggang hindi tapos ang usapan diyan.

Q: By next week na, hopefully mapa-plantsa na ang pagpili ng komite. So wala na hong botohan yan?

SPMBV: Pag-uusap-usapan namin. Syempre theoretically ipa-pa-aprove sa body yan. Palagay ko pagka naaprubahan sa mayorya yan wala na naman dahil mayorya naman ang mag-aaprove.

News Latest News Feed