Press Release
July 30, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

On Trillanes

SPMBV: Iginagalang namin ang desisyon na iyon, naiintindihan namin na hiwalay naman ang judiciary. Nalulungkot lamang kami at bakit naman ganoon, sayang naman. Kami naman ay nag-express ng sense ng Senado para bigyan ng pagkakataon si Senator Trillanes na maka-participate sa session ng Senado. Nakakalungkot din ang desisyon na iyon. Titingnan naming ang aming mga remedies.. kung ano ang aming magiging role dahil dito napakahalaga kung ano ang gagawin mismo ni Senator Trillanes. Kami naman sa Senado ay aalalay at lahat ng kinakailangang gawin on the part of the Senate, ay aming gagawin para makatulong sa aming kasamahang si Senator Trillanes.

Hindi ba puwede ang proposal ng iba na maging intervener sa case ang Senate?

SPMBV: Ang problema kasi diyan, syempre dapat willing muna si Senator Trillanes. Ayaw naman nating pangunahan siya sa bagay na ito. Siguro ay magpapadala ako ng representative, o baka ako mismo ang kumausap kay Senator Trillanes para maliwanagan kung ano ang gusto niya na maging papel ng Senado sa pagtulong sa kanya sa bagay na ito. Kami ay nahahanda naman na tulungan siya sa lahat ng bagay sa abot ng aming makakaya. Of course, respecting at all times iyong kalayaan naman ng ating judiciary.

Paano ninyo paplantsahin ang committee chairmanships?

SPMBV: Madali naman iyan. Hindi naman ako nahihirapan sa bagay na iyan. Hindi lang naman ako ang magdedesisyon niyan. Iyan naman ay dedesisyunan ng mayorya. So far naman nabubuo na iyong 80 porsyento ng mga desisyon, papag-usapan na lang iyong mga remaining pa na controversial committees.

Sabi po ni Sen. Pimentel, if there's one chairmanship na non-negotiable sa kanila, ito ay ang pagse-secure nila ng Blue Ribbon committee

SPMBV: Marunong naman tayong lahat ng rules sa Senado. Ang rule naman kasi sa Senado, ang committees ay pinag-uusapan ng mayorya.

Paano kung ang grupo nila Alan, ang gusto sa oposisyon at iyong admin bloc ang gusto talaga ay sa kanila ang Blue Ribbon?

SPMBV: Madali naman iyan. Kaya nga problema para resolbahin natin. Normally iyang mga problema na ganyan, mareresolba naman iyan.

Bakit hindi ninyo madaling sabihin sa amin?

SPMBV: Hindi pa tapos kasi.

Mukha kasing kailangan ninyo ng balancing act doon, sabi ninyo majority so Joker na ito?

SPMBV: Sa majority merong member ng Nacionalista Party, merong miyembro ng Partido ng Masang Pilipino, merong miyembro ng LAKAS, merong miyembro ng NPC. Sa minority naman, miyembro ng PDP-LABAN, merong miyembro ng Liberal Party

Nine admin senators are all for Joker

SPMBV: Hindi naman. Wala pa silang siansabi sa akin. Walang sinasabi sa akin si Joker na ganoon.

Paano ninyo ise-secure ang puwesto ninyo ngayong may nagbabanggaan?

SPMBV: Normal naman iyan. Kapag nadi-diyaryo ang mga ganyang pangyayari, that means walang nangyayari.

Is there a majority within that majority? Majority of nine?

SPMBV: Hindi naman. Normal lang iyon. Normal lang na papakinggan mong lahat ng suggestions ng grupo-grupo but in the end, lahat iyan magdi-decide iyan.

It's not a threat?

SPMBV: Hindi naman. Marami namang committee talaga. Ang totoo diyan, sobra-sobra ang committees sa Senado.

You don't feel na hostage kayo ng admin bloc?

SPMBV: Hindi naman. Ang totoo diyan, ako rin ang nakipag-usap sa kanila sa bawat committee na kanilang matatanggap. So far, wala naman akong nakikitang nagi-impose sa akin.

Is the administration bloc lording it over?

SPMBV: No. Lahat ng majority. Syempre, natural naman iyan. Ang sistema kasi sa Senado, ang mayorya ang namimili muna at papag-usapan na lamang kung ano ang ibibigay sa minority. That has been the system eversince.

Hindi ba parang ipinagkakatiwala ninyo sa nine senators?

SPMBV: Hindi. Ipinagkakatiwala nga nila sa akin. But in fairness to them, dapat kunsultahin ko din sila.

Kailan po mapa-finalize?

SPMBV: Titingnan natin kung makakaya this week or next week. Pero palagay ko, malapit na iyan. Nabubuo na.

News Latest News Feed