Press Release
August 14, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: On JPEPA

SPMBV: Ang JPEPA ay nasa committee ni Senator Miriam Santiago. Siya ang bahala diyan. Nagkausap kami kanina at humihingi pa siya ng official na communication sa Malacañang tungkol sa JPEPA bago siya mag-schedule ng mga hearings. As soon as matanggap niya iyong mga hinihingi niya ay magsisimula na siya ng hearing sa JPEPA.

Q: In the round table discussion on JPEPA, it was pointed out that there were Constitutional infirmities in JPEPA like the removal of all tariffs

SPMBV: Mabibigyan tayo ng mga karagdagang kadahilanan kung ire-reject natin ang JPEPA. Of course, kung merong Constitutional infirmities iyan, hindi natin puwedeng aprubahan iyan o i-ratify. That would simplify the problem, kung meron talagang problema sa Constitution. Of course, maaaring iyan ay gray area. Diyan tayo magkaka-problema.

Q: These infirmities cannot be cured?

SPMBV: Tingnan muna natin, pero kung violation ng Constitution, paano maku-cure iyan? Unless babaguhin iyong treaty at magkakaroon ng amendments iyong treaty na maaaring hindi naman willing ang Japan na gawin. Meron akong nababasa sa diyaryo na merong nagpo-float ng posibilidad na hindi na dadaan sa Senado ang JPEPA at executive agreement lang iyan. Hindi naman kami papayag diyan. Talagang kinakailangang dumaan sa Senado ang JPEPA.

Q: If that is resorted to?

SPMBV: Aangal kami. Of course, kukunsultahin ko si Senator Miriam Santiago, pero nakahanda kaming dumulog sa Supreme Court sa isyung ito sapagkat sa aming palagay ito ay treaty at hindi executive agreement.

Q: It will be challenged?

SPMBV: Kung ang desisyon nila ay gagawin na lamang executive agreement ito, then we will challenge it.

Q: Hindi ba sinabmit na nila ito in the previous Congress?

SPMBV: Kausap ko kanina si Senator Miriam Santiago at wala pang official, may mga hinihingi pa siya na mga dokumento bago makapagsimula kami ng pagtalakay dito sa JPEPA.

Q: Paano pa sila babalik sa executive agreement if they already submitted it to the Senate?

SPMBV: Maaaring sabihin na 'nagkamali kami, executive agreement pala ito.' Kaya icha-challenge namin iyan kung ganyan ang gagawin.

Q: Legislative initiatives that came out during the NSC meeting

SPMBV: Sa budget, maliwanag na dapat nating tulungan ang ating Armed Forces of the Philippines sa budget niya at magkaroon ng higher budget for modernization ang AFP. Kailangang tulungan din natin ang lugar. Hindi naman ito para magka-giyera. In fact, sa tingin ko mas malakas ang AFP, mas maiiwasan natin ang gulo. Mahalaga lamang na mapangalagaan din natin ang mga tao doon, kasama na rin ang mga sundalo natin sa kanilang pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Q: Modernization at development?

SPMBV: Modernization at iyong nangyayari ngayon sa Mindanao ay isang problema na siguradong tatalakayin namin sa budget. Titingnan namin kung paano tayo makakatulong sa budget na makakapag-provide ng additional funds para sa problema doon. Maliwanag na kailangang dagdagan ng pondo sa isyu na iyon.

Q: Sen. Pimentel pushed for federalism in Mindanao as a possible solution

SPMBV: Marami naman talagang naniniwala sa federalism, hindi lamang si Senator Pimentel. Ito ay isang bagay na dapat bigyan natin ng serious consideration. Iyan ay isang honest proposal at any proposal, tayo naman ay willing na tingnan at tingnan nang positibo at pagpasyahan. Sa ngayon, wala pa namang definite proposal sa bagay na iyan sa amendment ng Constitution. (end)

News Latest News Feed