Press Release
August 28, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: The Committee on the Rules ruling on the Garci probe will be presented later...

SPMBV: Nagsimula na ng diskusyon ang rules committee. Palagay ko, kalahati na ng diskusyon ay natapos na kanina. Alam na ng mga senador ang mga isyu at mamaya ay magdi-deliver ng privilege speech si Senator Defensor tungkol sa Konstitusyon. Palagay ko, bagaman uulitin namin ang arguments mamaya, mare-resolbe rin namin ang isyu na ito bago matapos ang araw.

Q: Today rin sir?

SPMBV: Palagay ko sa caucus mareresolbe na namin. At kung hindi mare-resolbe sa caucus, baka pagbotohan na lang namin.

Q: Kailan ang first hearing?

SPMBV: Kung mareresolbe namin ngayon, kasi ang rule ng Senado ay nagsasabi na hindi puwedeng magsimula ang mga hearings hangga't hindi nareresolbe ang isang question tungkol sa jurisdiction ng committee. Ngayon may question so kailangang resolbehin muna ito. Kung mare-resolbe ngayon, siguro mga Lunes, Martes ay puwedeng mag-hearing. Kasi meron tayong three-day rule na kinakailangang magbigay ng palugit na tatlong araw from the time na ma-inform ang mga miyembro na may meeting. So kung ngayon lamang mareresolbe iyan, pinakamaagang makakapag-hearing mga Friday, Saturday so malamang ay Monday na iyan. Earliest.

Q: Ano po ang ire-resolve ninyo sa caucus?

SPMBV: Mamaya ire-resolve kung itutuloy ng Committee of the Whole ang imbestigasyon, na nabuo na ang Committee of the Whole. So unless merong pagtatanggal sa committee, iyan ay nasa kamay na ng Committee of the Whole. Kaya lamang ang committee ay nireresolbe na ngayon ang isyu na itinaaas tungkol sa jurisdiction. Ito ay ire-resolve namin at kapag na-resolve ito, kung ang pagkakaisahan ay ituloy, siguro Lunes ang hearing. Kung hindi matutuloy, wala na.

Q: Sino ang first witness ninyo?

SPMBV: Siguro si Vidal Doble.

Q: Si Garci?

SPMBV: Tingnan muna natin kung ano ang sasabihin ni Vidal Doble. Siya ay nagbo-volunteer na mag-witness kaya palagay ko siya muna ang mauuna.

Q: Sir, nagpasabi na ba ang admin senators na gusto nilang ipalipat sa ibang committee ito?

SPMBV: Wala akong problema sa lahat. Kung ano ang pasya ng Senado, ilipat o kung saan mang committee iyon, wala akong problema. Ako naman bilang pangulo ng Senado ay hindi naman tayo naghahabol sa Committee of the Whole. In fact, ang normal process niyan ay talaga namang nire-refer sa iba't ibang mga committee. So sa akin, walang bagay iyan. Kaya nga lamang ay nasa Committee of the Whole na iyan ngayon kaya kailangan bawiin muna ito at saka ililipat.

Q: Paano idi-discharge ang Committee of the Whole?

SPMBV: Sa motion din sa Senate sa isang regular na sesyon pwedeng ilipat naman. Kung wala namang objection, kung papayag naman ang chairman, ako ay payag naman diyan, wala akong problema diyan. Isa ito sa isyu na reresolbehin mamaya.

Q: Personally sa tingin ninyo, ano ang major restriction?

SPMBV: Actually ang kine-kwestyon dito iyong legality, kung dapat imbestigahan ng Senado ito. Hindi naman iyong Committee of the Whole ang kine-kwestyon mismo, iyong Senado kung dapat mag-imbestiga ang Senado.

Q: Will you allow to play the Hello Garci tapes?

SPMBV: Pag-uusapan muna iyan. Kasi kapag bibigyan na ng go signal ang committee, at kung committee ko ang maghahawak, tatanungin ko muna ang mga miyembro ko kung anong mga rules ng pagha-handle ng committee hearings. Syempre ang committee hearings ay susunod sa mga rules na mapagkakasunduan ng mga miyembro.

Q: Kasama iyan sa caucus mamaya?

SPMBV: Kasama sa caucus iyan mamaya.

Q: But what does the Senate want?

SPMBV: Ang sa akin, kasi dito sa Senado, kung nasa ayos naman ang resolusyon, wala naman tayong kadahilanan para pigilan iyan. Iyan naman ay nasabi ko na noon na bilang isang independent na senador at mananatiling independent itong Senado, basta nasa ayos ang resolusyon, hindi natin pipigilan iyan. Inuulit ko lamang na ito ay karagdagan sa gagawin ng Senado na pagpasa ng mga panukala dahil hindi naman tayo papayag na pigilin iyong mga pagtalakay ng mga panukalang iba para dito lamang. Dapat kung itutuloy namin magiging karagdagan sa pagpapasa ng mga panukala.

Q: Iyong nire-raise na illegal implication, you don't consider those

SPMBV: Ang importante sa akin kung ano ang desisyon ng majority ng Senado.

Q: What will you tell the majority of the Senate?

SPMBV: Pag-uusapan namin mamaya. We want to be convinced na valid iyong arguments against Kasi mahirap sa aming mag-pigil. Dito sa Senado, mahirap mag-pigil.

Q: Ano ang nakikita ninyong scenario kapag pinigilan ng Senado?

SPMBV: Magulo eh.

Q: Basta lang walang tape?

SPMBV: Baka siguro ide-define iyong rules kung ano ang puwedeng i-play, kung ano ang hindi puwedeng i-play. Iyon ang babaguhin. (end)

News Latest News Feed