Press Release
September 5, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (Joe Taruc, DZRH)

Q: Mukhang natuloy na ang kagustuhan ng Senado na kaselahin na ang National Broadband Network?

SPMBV: Kasi napakaraming lumilitaw na parang anomalya rito at ngayong parang tagong-tago itong deal na ito, nakakaduda.

Q: Parang minadali?

SPMBV: Minadali tsaka napakalaking halaga kaya mas maganda na lamang na kanselahin na lamang para mawala sa isipan ng ating mga mamamayan na merong nangyaring hindi maganda rito.

Q: How about iyong mga $1.8 billion loan sa China?

SPMBV: Iyon pa yung isa. Ako ay kinakabahan dito sa China, utang tayo nang utang. Napupuna ko na basta deal sa China, parang meron kasamang mga paghihinala na merong mga taong nagkakapera. Kaya ako ay nagdududa dito sa sunod-sunod na at parang ganadong-ganado tayong umutang sa China ngayon. Parang napakaluwag ng mga pagkakataon

Q: Dahil iyong inuutang natin sa China, iyong mga Chinese ang makikinabanag dahil sila ang makakakuha ng mga proyekto?

SPMBV: Totoo iyon kasi sinasabi ng agreement, komo sila ang nagpautang, meron sa batas natin na puwede silang mag-identify ng contractor kaya nagiging simple ang mga maniobra sa mga ganitong bagay. Kung magbibigay sila ng loan, sila rin ang magbibigay ng contractor kung iyong kausap nila rito ay mas madaling makakagawa ng pera.

Q: Ang medyo nakakabigla ngayong umaga ay iyong lumilitaw ngayon na ang halaga pala talaga ng NBN project na ito ay $129 million lamang. Lumilitaw na ang naging komisyon rito ng mga lumakad ng kontrata ay umaabot ng $ 200 milyon.

SPMBV: At saka unang-una, iyang process na iyan na i-integrate iyong buong gobyerno sa computer ay maganda pero hindi ko alam kung ready na tayo diyan sa bagay na iyan at baka ito ay masayang lamang sapagkat sa akin ay hindi pa tayo ready diyan. At kung sasabihin naman natin kung kailan tayo magre-ready, kasi naman napakarami pang puwedeng pagdadalhan ng pera. Masaya sana ako kung ang perang ito ay gagamitin sa pagtatayo ng mga classrooms o kaya ospital, at least mas magandang pakinggan at alam natin kung saan pupunta iyong ating inutang.

Q: Bukod po dito, meron pa tayong tinatawag na BOT Law at maaari namang matamo ang naturang proyekto nang hindi gagastos ng kahit isang kusing ang gobyerno, hindi ho ba?

SPMBV: Oo, meron tayong ganyan. Ang problema diyan, hindi sila makakagawa masyado.

Q: Walang kikita?

SPMBV: Walang kikita.

Q: Bukod po dito sa kahilingan, wala ho ba kayong balak na gumawa ng isang resolusyon diyan sa Senado na humihiling na balewalain na iyang naturang kontrata sa pagitan ng ZTE at ng gobyerno ng Pilipinas?

SPMBV: Pinapag-aralan ko ngayon kung anong klaseng approach ang gagawin namin bagamat kami lahat ay nababahala rito.

Q: May pending case yata sa Korte Suprema?

SPMBV: Hindi iyon. Kami ay winarningan kasi ng aming legal na mag-ingat dahil sa baka magkaroon ng impeachment proceedings, kami ang magiging judge sa impeachment kung sakaling umakyat sa Senado. At kapag merong impeachment na ganyan, medyo hindi kami ina-allow masyado na mag-komenta dahilan sa lalo kung mag-iimbestiga kami halimbawa, hindi kami puwedeng gumawa ng conclusion na tapos ay maghi-hearing kami. Kaya medyo pinapag-aralan ko kung paano. Kahapon nag-file ako ng resolusyon na medyo hihiling na iyong gag order ay huwag gagawin. Hindi maganda kako iyang mga gag order, napakapangit sa image ng Malakanyang iyan. At iyong adviser niya na nag-advise sa Pangulo, palagay ko ay napakalaking disservice ang ginagawa sa Pangulo sapagkat iyang gag order ay para talagang inaamin mo na may tinatago ka. At kaya sabi ko nga doon sa resolusyon, mag-express ng sense ang Senate para sabihin sa Malakanyang na huwag naman gag order dahilan sa iyon ay parang violation ng ispiritu ng ating Konstitusyon.

Q: Sa ngayon ang lutang na lutang ay iyon lamang NBN, pero iyong Cyber Education ang mas mahal at mas malaki ang pondong gagamitin, mahigit na $400 million ang gagamitin dito. Wala ho bang balak ang Senado na alamin man lang ang detalye kung papaano ito gugugulin?

SPMBV: Kami ay nakatingin dito sapagkat sa laki ng halagang nito, at pinapag-aralan na namin kung sa budget namin itatanong ito o separate kaya pinapag-aralan namin. Subalit hindi naman makakaligtas sa amin iyong ganyan kalaking transaksyon nang hindi namin tinitingnan.

Q: Bukod pa rito iyong inuutang na $1.8 million doon sa NBN, saka sa Cyber Education, $700 milyon pa lamang ang involved dito. Napag-alaman na ho ba o bubusisiin n'yo ba kung saan gagamitin iyong mahigit na $1 bilyon?

SPMBV: Kaya nga ang rekomendasyon namin para na lamang matapos iyan, kanselahin na lang muna lahat kasi medyo nagsimula sa hindi magandang simula at siguro mas maganda kung transparent dahilan sa alam naman natin na may drive din naman ang gobyerno na maalis na itong corruption. Mas maganda na simulan natin sa malinis at kung talagang iyan ay magandang programa, siguro i-announce natin nang matagal pa at i-open natin sa mga diyaryo, sa mga seminar kung ano ang dapat diyan. At saka para lahat ay makita ang magiging proseso ng pagbi-bidding. (end)

News Latest News Feed