Press Release
September 17, 2007

Transcript of interview with Senate President Manny Villar

Q: On amnesty for Estrada

SPMVB: Sa akin, ang mahalaga lang naman kung ano ang gusto ng Pangulong Estrada at wala naman tayong magagawa na dahil siya ang magde-decide niyan. Kami ay nakikinig lamang kung ano ang kanyang sasabihin. Syempre malaki ang aking kagustuhan na magkaroon ng magandang wakas itong problemang ito. Naniniwala ako na dapat naman sanang makalaya na ang dating Pangulong Estrada. Tumutulong naman kami sa bagay na iyan. In the end, mahalaga rin kung ano ang opinion ng dating Pangulong Estrada sa amnesty.

Q: Hindi ba ayaw niya ng pardon?

SPMBV: Medyo may naguusap-usap kasi. Ang totoo niyan, hindi naman categorical ang kanyang sinabi at maaring sa darating na araw ay magiging malinaw iyan. Sa ngayon kasi maraming interprestasyon ng pagkakaiba ng amnesty at saka ng pardon. Pero sa aking sarili, ipu-pursue ko ang posibilidad na iyan. Gagawin ko ang aking magagawa para magkaroon ng amnesty.

Q: Ano po ba ang pagkakaiba ng amnesty at pardon?

SPMBV: Ang amnesty kasi ay isang grupo ng mga tao samantalang ang pardon ay maaaring isang tao lamang partikular, halimbawa kay dating Pangulong Estrada. Ang amnesty maraming kasama iyan kaya hindi ganoon kasimple kaya pag-aaralan pa natin. In the end, mahalaga pa rin kung ano ang opinion ng dating Pangulong Estrada.

Q: Kapag binigyan ka ng amnesty, ibig sabihin ba noon, wala kang kasalanan?

SPMBV: Merong iba't ibang interpretasyon diyan ng batas at dito nagkakaiba ang interpretasyon. Pero sa aking interpretasyon, palagay ko hindi naman kailangang aminin iyan. Parang hindi iyan nangangahulugan ng pag-amin na may kasalanan siya.

Q: Pero you are meeting with several sectors

SPMBV: Nagtatanong ako sa iba nating mga kasamahan sa Senado at sa Mababang Kapulungan kung ito ay isang bagay na maraming magkaka-interes at katanggap-tanggap sa panig ng dating Pangulong Estrada at Pangulong Gloria Arroyo.

Q: Congressional o presidential?

SPMBV: Presidential kasi ang simula parati niyan. Naga-agree lang ang Kongreso kung amnesty. Ang pardon, the president can give anytime.

News Latest News Feed