Press Release
September 21, 2007

Transcript of Interview of Senate President
Manny Villar with Erwin Tulfo and Doris Bigornia

Q. Sir, nagmistulang barangay meeting ang nangyari kahapon, ano po ba ang tingin ninyo dito? Sabi ng mga tao may napala ba tayo dito? MBV: Alam mo Erwin, kaya kahapon medyo nagkakabuhol-buhol ang mga sagot nila bagamat napakarami nila, well unang unang pinapasalamatan ko ang mga cabinet members natin sapagkat mabuti din naman na nagpupunta sila, yung sistema ng gobyerno natin ay nirerespeto nila.

Q: Sa wakas Sir, tumalima sila MBV: Oo, tungkulin lang naman natin ang ginagawa natin. Pero yung sinabi nila kahapon ay para maliwanagan pa din yan, hiningi ko yung step by step na pagtakbo ng kontrata na yan sa lahat ng involved na ahensya at lahat na involved na tao hanggang matapos, at gusto ko malaman kung nasaan na tayo at kung ano pa yung mga nararapat na gawin para malaman kung magkano na yung nagagastos natin, pwede pa bang kanselin ito at kung nasaang stage na tayo. Isa pang dapat sagutin ay kung kailangan pa yan. Palagay ko pag nagawa yun, dun lang natin maliliwanagan ang buong transaksyon na yan, Lahat ng tanong dito so far, mga eksperto ay nagsasabing di natin kailangan itong broadband, at talagang sayang lang ang pera dito, at kung ako ang pangulo ay kakanselahin ko na ang deal na ito, para hindi na tayo nalalagay sa gulo , di na nagkakaroon ng gulo dito sa bayan. Maliwanag naman kasi at hindi matatapos itong mga tanong na ito, di matatapos itong mga balikan na ito, away sa transaksyon na ito na wala naman mapapala ang ating bayan.

Q: Siguro kaya ayaw ipa-kansela ni PGMA ang kontrata kasi nakuha na nila ang komisyon. Would you agree Sir? MBV: mahirap tayo magkomento dyan, sa akin ito masasabi ko, ang tao nag-iisip at nung mga isasagot nila. Unang-una yung ayaw nila pumunta syempre marami ang nararamdaman diyan, pangalawa yung pumunta naman sila yung sagot naman nila ang taong bayan po bawat isa may naiisip yan at merong laman ang isipan nila na hindi na tayo ang magsasabi kung ano. Palagay ko po yun ang tinatawag na battle for people's opinion, malalaman po natin yan sa darating na panahon kung paano dinisisyunan ng bayan yung napanood nilang dalawang hearing na yon.

Q: Sir, pagkatapos po ninyong makuha ang kanilang mga pahayag, ano ho ang mangyayari sa kanila kagaya ni DOTC Secretary Leandro Mendoza? MBV: Masyadong maaga pa, kasi nga ang nangyari lalong nagugulo nila, kaya sinabi ko teka liwanagin natin, gawin nating step by step itong proseso ng pagpapaliwanag ninyo, in written form na.

Q: So, hindi pa tapos ang boxing? MBV: Masyadong maaga pa para masabing tapos na ito dahilan sa marami pa kaming katanungan. Dahilan dun sa mga sagot nila syempre pinag pag-aralan pa namin yan ng mga staff namin at kami. At sa susunod na hearing yung mga tanong namin iba-validate namin sa mga sagot nila, at yung mga tanong namin ay base din sa mga sagot nila at dun sa ipo-provide nila na impormasyon na aking hinihingi sa kanila. Kasi hinihingi ko rin sa anti-money laundering council kung may mga unusual movement ng pera nung panahon na yun habang tina-transact itong NBN deal.

Q: Sir, pagkatapos po nilang magbigay ng pahayag at napagdesisyunan na po ng Senado na ibasura na lang yan, abswelto ho ba (ang mga "tukmol"), este mga opisyal na yan? MBV: alam ninyo kami kasi magrerekomenda lamang, at maari kaming magrekomenda na kasuhan yung mga involved at siyempre depende kung hanggang saan makakarating ito. Kasi Doris kung makakarating ito sa mai-involved ang pangulo, impeachment yan. So far naman ang nai-involve pa lang ay ang First Gentleman at siya ang tinuturo ni Joey De Venecia. So far ay hindi ko pa alam kung sa pananaw ng mga Ombudsman ay may sapat na ebidensiya linking the President, dahil kung may sapat na ebidensiya then maaring tumungo sa impeachment yun.

Q: Sir, simula po ng inimbestigahan ho ninyo nung lumabas yang broadband na yan at nag-imbestiga ang Senado mukhang nagkakagulo po yata at lumulutang itong si AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon na meron na namang destabilisasyon ang bansa. Wala po siyang tinutukoy, dahil mga lumang mga issues ay pinapalabas na naman daw? Parang balak na naman daw nilang humingi ng emergency power para sa Pangulo parang nung February this year?

MBV: Baka bumagyo na naman, kasi alam ko nung unang humingi ng emergency power dahil may drought biglang bumagyo ng husto, katakot-takot. Pero yung emergency power hindi binibigay yan ng basta -basta, kidding aside, hindi naman basta-basta maibibigay yan at hindi naman kami naniniwala na dahil hindi makapagpaliwanag ay magkaka-emergency power na. Sa palagay ko ay hindi naman kailangan yan at hindi naman ibibigay ng Senado yan.

Q: Sa Kamara po ay may alingasngas, at ang tinutumbok ay ang pagpapatalsik kay Speaker De Venecia? MBV: Medyo may problema nga si Speaker diyan, pero naniniwala pa rin naman ako na si Joe ay medyo sanay sa mga bagay na yan, at kaya niyang imaniobra yung sarili niya diyan at siyempre di natin maiiwasan na magkaroon ng loyalty showdown dahilan sa siguro , anak ni Joe De Venecia, at asawa naman ni GMA, so asawa versus anak yan. Hindi natin maiiwasan yan na yung Pangulo at Speaker ay kahit papaano may epekto sa kanila yang nangyari. Hindi lang natin alam kung ang epekto ay strong enough na para magbunga ng isang re-allignment sa House, pero sa akin lang bilang nagpapayo din sa gagawa niyan double edge po yan. Yan pong pagtatangkang pagtanggal kay Speaker ay maari pong magbunga ng impeachment kaya dahan-dahan po kayo sa mga gagawin ninyong ganyan. Ito ay payo ko bilang dating Speaker , malikot po ang isipan ng mga Congressman hindi ninyo mako-control yan.

Q: Anyway Sir, ang gagawin na lang po ng taumbayan maging ng media ay mag-antabay na lang kung ano ang kahinatnan , abangan ang susunod na kabanata?

MBV: Sa palagay ko ang Senado naman ay hindi titigil dito hangga't di nalalaman ang katotohanan. At nais ko lamang sabihin sa ating mga kababayan na bagama't po marami kaming imbestigasyon yan po ay ginagawa namin sa la bas ng oras ng aming sesyon para tuloy ang trabaho namin sa pagpasa ng mga panukala. Hindi po nasasayang ang oras ng senado. (end)

News Latest News Feed