Press Release
September 24, 2007

TRANSCRIPT OF SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR
(Press Conference)

On Erap pardon, ZTE, Neri

Q: Tama bang pag-usapan na ngayon ang pardon...

SPMBV: Sa ngayon kasi itong pardon kung anu-ano na naman ang lumalabas na mga balita. Mas maganda na tumahimik na lamang tayo sa isyu na ito at pabayaan natin ang Pangulo ngayon na magdesisyon dyan, ang dating Pangulong Estrada kung gusto niyang tanggapin, at ang korte. Mas mahalaga kung ito munang tatlong institusyon na ito at personalidad ang mag-usap-usap at magdesisyon. Nakakagulo lamang ang maraming ispekulasyon sa isyu na ito. But syempre mas maganda na magkaroon ng magandang katapusan itong isyu na ito.

Q: Do you see the inquiry resulting in the prosecution of personalities implicated...

SPMBV: Well, mukhang seryoso itong mga lumalabas sa imbestigasyon bunga ng mga rekomendasyon na ganyan. Mahirap naman nating unahan ang mga komite sa bagay na ito. Hindi ako magugulat kung magrerekomenda ang mga komite na mag-file ng charges against some people bagamat hihintayin ko ang kanilang desisyon sa bagay na ito.

Q: Pero sir dapat tuloy pa rin ang investigation...

SPMBV: Sa akin naman dapat tuloy pa rin ang investigation dahil suspendido lang naman ang deal at hindi kanselado. Maski naman kanselado, may mga bagay-bagay na nasimulan na at napakahirap naman din na iwanan sa gitna ang imbestigasyon. Mas mahalaga na magkaroon ng mas magandang katapusan itong imbestigasyon na ito at mas magandang conclusion. Sa ngayon ay imposibleng magkaroon ng conclusion base sa ganito lamang na impormasyon kaya kung mayroong ilang hearing pa ang mga komite.

Q: Enjoin Sec Neri...

SPMBV: Dapat talaga Secretary Neri should appear at sabihin niya ang nalalaman niya, wala namang masama diyan kung ano lang naman ang totoo, wala namang masama dun. Palagay ko naman ay si Secretary Neri ay isang honest na tao at naniniwala ako na pag nagkaroon ng pagkakataon ay sasabihin niya ang katotohanan kung ano man yun.

Q: Sir yung pagsasama sa kanya sa... iniiiwas ba siya ng Malacanang?

SPMBV: Posible nating isipin na iniiwas siya ng Malacanang, subalit pagbalik naman niya pwede namang imbitahin siya. Kaya baka matagalan lamang o na-de-delay lang ang pagsagot sa tanong na yan. Naniniwala ako na ang komite ay hindi naman papayag na hindi siya maimbita.

Q: Hindi kaya siya mag-ala-Joc-Joc?

SPMBV: Hindi palagay ko gano'n si Secretary Neri - sa aking pagkakakilala sa kanya.. Kilala ko si Secretary Neri at yan ay mabuting tao at nagsasabi ng kanyang nalalaman kung ano man yun.

Q: Will the hearings proceed?

SPMBV: Magtutuloy ang mga hearings at kung ano ang plano ng komite ay yan ay suportado ng senado.

Q: How about the misgivings of Sen. Santiago?

SPMBV: Hindi mo talaga mabubuo ang mga ito, meron namang komite yan, meron silang mga miyembro at pagbobotohan naman nila sa komite yan kung meron na silang imbestigasyon. Ako bilang Senate President ay igagalang ko kung anuman ang maging desisyon ng komite sa bagay na yan. Pero siyempre normally pinagkakatiwala sa chairman ang pagdedesisyon sa bagay na ito at sa aking pagkakaalam si Sen Alan ay gustong magtuloy pa ang hearings.

Q: Do you think you will come to a point when you have to call Mr. Arroyo?

SPMBV: I don't know it's hard to say titingnan na lang muna natin pero wala akong problema kung anong rekomendasyon ng komite sa bagay na ito.

Q: kung dinefy nya...

SPMBV: Well yang mga bagay na yan ay papagdesisyunan din ng mga miyembro ng komite lalong lalo na sa sensitibong bagay na meron nang problema sa health si First Gentleman. Kaya dapat pag-usapan sa komite yan at ako naman ay ang policy ko naman diyan, ang desisyon ng komite ay aking ginagalang.

Q: pardon napaka-premature daw?

SPMBV: Hindi naman, ako nakikita ko na kung ipa-pardon ng Pangulo ang dating Pangulong Estrada ay karapatan niya yan at okay lamang naman yan. At kung yun ay tatanggapin ng dating Pangulong Estrada. Sa aking palagay ito'y isang bagay na between the President and the former President and the judiciary. At lahat naman ay entitled sa opinion sa bagay na ito at ako ay naniniwala na okay lang naman na mag-pardon ang ating pangulo sa bagay na ito.

Q: Imoral?

SPMBV: Palagay ko'y hindi naman - yan ay opinion at iginagalang natin yan. Ako'y naniniwala na ang pag-pa-pardon ay hindi immoral at naniniwala ako na okay lamang yan, after all, six years nang nakakulong ang Pangulo. At bagamat hindi naman niya inaamin na siya ay nagkasala - ang Pangulong Estrada - ay sapat na yan sa aking palagay.

Q: Nawalan daw ng saysay ang paglilitis at hindi pa daw natutuyo ang tinta ng hatol

SPMBV: Hindi naman. Ang anim na taon ay matagal na. Yan ay opinion ng ibang tao at iginagalang natin subalit sa aking opinion ay tama yan (pardon).

Q: after the judgment has become final and executor...

SPMBV: Pag-uusapan lang naman, siymepre may mga legal constraints na dapat iresolve muna. Sa palagay ko, in the end ako, ay naniniwala na magkakaroon ng mahusay na katapusan itong isyu na ito.

Q: May bearing daw ito sa ating future treatment sa ating mga president...

SPMBV: Siguro hindi natin masabi yan. Kung makakaapekto ang isyung ito sa ating mga darating pang Pangulo. Subalit hindi naman malayo na may epekto. Nais kong sabihin na sa South Korea 1 taon lamang nakulong ang dating pangulo nila roon. Sa atin, anim na taon na.

Q: Sabi ni sen Gordon masyadong pampered si Erap from the start

SPMBV: Hindi naman, yung matanggal ka sa pagkapangulo at makulong ka ng anim na taon ay mahirap naman sabihing pampered ka nun.

Q: Malayo daw dun sa sitwasyon ni Fujimori

SPMBV: Hindi naman din. Si Fujimori hindi nakulong ng six years.

Q: Sir, laging 3 pm na ang start ng session?

SPMBV: 2:30 pag may privilege speech.

News Latest News Feed