Press Release
October 1, 2007

Transcript of interview with Senate President
Manny Villar (dzBB with Arnold Clavio)

Q: Ano po itong isinusulong niyo na higpitan na itong parusa para po sa pagnanakaw ng cellphone?

SPMBV: Oo nga sumosobra na ito at ang mga statistics ay nakakagulat na. At kung titingnan pa natin ang mga statistics na ito ay kulang pa ito dahil marami ang hindi nag-re-report na sila ay nananakawan ng cellphone. Kaya nag-file ako ng panukala para i-increase ang penalty sa pagnanakaw ng cellphone at tataasan natin ito sa 6 to 20 years. At kung merong mamamatay sa pagnanakaw ay yung maximum penalty na life imprisonment.

Tinitingnan ko rin ang anggulo na baka meron tayong pwedeng iutos sa mga telecom companies para pilitin sila na magkaroon ng mga changes dito na baka sakali sa teknolohiya ay makatulong sa pagpigil sa pagnanakaw ng cellphone.

Q: Yung iba bumibili ng nakaw.

SPMBV: Pasok sila dun sa pagnanakaw. Yung pagbibili ay kasama ka diyan. Kasama sa feature ng panukalang ito.

Q: Kailan niyo inaasahang maipapasa ang panukalang ito?

SPMBV: Palagay ko mabilis naman ito dahil sa talagang concerned ang senado sa bagay na ito. At napakarami na naming tinatanggap na complaints sa mga nakawan ng cellphone.

Q: So hindi totoong nakasentro lang kayo sa nbn at hello garci?

SPMBV: Hindi. sabay-sabay yan, yung paggawa namin ng panukala, yung budget, jpepa, sabay sabay din ang inquiry kaya ngayon ang trabaho ng senado ay Monday to Friday na sa halip na Monday to Wednesday.

News Latest News Feed