Press Release
October 3, 2007

Transcript of interview of Senate
President Manny Villar with Senate media

October 3, 2007

Q: On the cancellation of the ZTE-NBN deal

SPMBV: Nais ko munang sabihin na binabati ko ang Pangulo sa desisyon na kanselahin ang NBN deal na ito. Palagay ko naman na talagang sayang lang ang pera natin dito at naka-save tayo ng P16 billion, malaking bagay rin ito para sa ating bayan. Nagpapasalamat din ako sa Chinese government sa kanilang pakikisama sa atin. At least ngayon naipakita natin na desidido tayo kapag mayroong ganitong problema na pigilan ang corruption sa ating bansa. Dito naman sa ating hearings, syempre kailangang magkaroon ng katapusan ang hearing. Hindi ko alam kung ano ang mapagpapasyahan ng tatlong committee ngayon, sila ay magmi-meeting. Doon pa lamang malalaman kung ano ang kanilang gagawin. Pero mahalaga na magkaroon ng magandang pagtatapos ang hearing na ito kaya kung hindi pa sila handa na tapusin ang hearing dito ay okay naman na magtuloy muna dahil maaaring may mga iba pa na kailangan silang imbitahin para maipaliwanag iyong iba pang issues na nakakaapekto rito sa NBN deal.

Q: Hindi ba nakiusap sa inyo ang Malacañang?

SPMBV: Walang pakiusap sa akin ang Malacañang na itigil ang imbestigasyon. In fact, ako talaga, iginagalang ko ang mga committee. Alam naman ng mga kapwa ko senador iyan na as far as the hearings are concerned, ang mga committee chairman ang namamahala diyan.

Q: Paano iyong other personalities implicated in the ZTE scam?

SPMBV: Kagaya ng sinabi ko kanina, depende na iyan sa pagpapasya ng tatlong committee sapagkat maaaring may mga gusto pa silang imbitahin para magkaroon ng kabuuan itong imbestigasyon na ito. Hindi naman kasi puwedeng iwanan na hanging itong imbestigasyon. Kinakailangang ito ay kumpleto para naman maganda iyong pagkakaimbestiga. Inaasahan ko na ang tatlong committee ay kukumpletuhin ang kanilang report dito at maaaring magkaroon pa ng imbestigasyon.

Q: Si FG, necessary pa rin ba?

SPMBV: Iiwanan ko iyan sa committee kung kailangan pa nila na imbitahin ang First Gentleman. Nasa sa kanila na iyan.

Q: Definitely si Neri kailangan pa?

SPMBV: Sinabi na naman ni Secretary Neri na wala na siyang sasabihin pa. Si Chairman Abalos naman mukhang desididong hindi rin pupunta. Ito ay mga bagay na dapat i-konsidera ng ating mga committee. Pero ako ay talagang susundin ko ang kanilang rekomendasyon sa bagay na ito.

Q: The Senate will not back off from continuing the hearing?

SPMBV: Hindi naman, bitin kasi eh. Sa palagay ko medyo bitin ang hearing bagamat pinapupurihan ko ang pangulo sa pagkakansela ng NBN deal, isa ako sa mga naunang tumawag sa pagkansela nito at nanawagan sa Pangulo na pagpunta niya sa China ay i-bring up niya itong issue na ito. At nagpapasalamat ako sa pagkakaligtas ng P16 bilyon para sa ating mga kababayan.

Q: According to Sen. Enrile, moot and academic na ang investigation ngayong kanselado na ang deal?

SPMBV: Isang factor iyan na iko-consider kasi sabi ko nga ang imbestigasyon kinakailangang gawan mo ng report iyan at kung inaakala mo na meron pa ring dapat tanungin para makumpleto ang iyong report, nasa sa committee na iyan.

Q: How about the complaint of Sen. Arroyo?

SPMBV: Hindi ako nagli-leak ng anumang impormasyon diyan. Very particular ako sa executive session. Tama rin naman si Sen. Arroyo na dapat ang mga senador ay dahan-dahan sa pagli-leak ng anumang bagay sa executive session. Nananawagan din tayo sa mga kaibigan natin sa media na mahirap talaga, ito po ay bawal. Ang isang senador ay maaaring ma-expel sa Senado kapag siya ay napatunayan na nag-kwento ng nangyari sa isang executive session. Hindi biro ang mga leakage na ganito sa executive session.

Q: Mali daw ang information, parang for propaganda purposes lang?

SPMBV: Ayokong mag-komenta. As I said, kapag nag-komenta ako, kung mali o tama iyon, leakage na iyan.

Q: Any steps to curtail

SPMBV: Nananawagan lang kami sa aming mga kasamang senador. At palagay ko narinig naman nila iyong mga pinresenta ni Sen. Arroyo na mga argumento. Palagay ko naman maliwanag sa mga senador ang rules at parang paalala lamang na meron tayong rules of the Senate na dapat sundin. At maliwanag doon sa rules natin na puwedeng ma-expel ang isang miyembro na magli-leak ng anumang inpormasyon sa isang executive session.

Q: It was referred to the Ethics Committee

SPMBV: Ang expulsion ng isang senador ay kailangn ng 16 votes, o two-thirds. At hindi naman nangangahulugan na expulsion agad ang ihahatol diyan. Maraming mga options diyan, maaaring warning lamang, maaaring humingi lamang ng apology sa isang senador. Alam ko there was a time na nagkaroon ng ganyang problema at humingi lamang ng apology ang isang senador na nag-leak ng information. Subalit syempre may risk sa isang senador iyan na puwede siyang ma-expel.

Q: Pero kung kayo ang tatanungin, anong parusa ang gusto ninyo?

SPMBV: Ayoko namang mag-prejudge sa bagay na iyan. Syempre ang bagay na iyan ay seryoso hindi puwedeng sagutin iyan sa isang interview lamang.

Q: Pabor kayo na dapat may ma-sanction sa nangyari na ito?

SPMBV: Alam ninyo, ang executive session ay isang tool ng ating legislative branch para makapagsalita ang ibang tao ng merong risk, let's say sa security ng bansa, kaya ito ay hindi puwedeng mawala sa Senado. Kaya kapag magli-leak tayo rito, wala nang gustong magsalita sa bagay na iyan at mawawalan ng pagkakataon ang Senado na malaman ang katotohanan sa mga issue maski na ito ay merong problema sa halimbawa, national security.

Q: Tumanggi ang House leadership sa maagang adjournment ng session, so merong session next week?

SPMBV: Meron pa rin siguro kapag tumanggi sila.

Q: Ang Senate?

SPMBV: Basta kami maga-adjourn kami dahil tapos na ang trabaho namin. Mamayang gabi pipilitin na naming matapos ang trabaho at meron tayong conferencia ng Inter-Parliamentary Union. Kailangan tayong mag-represent din bilang tungkulin sa family of parliaments all over the world kaya naman natin minadali ang ating mga sesyon.

Q: Ilan kayong senators na pupunta doon?

SPMBV: Hindi ko pa alam. Official delegates lang.

Q: Kailangang sabay ang Senate and the House adjournment?

SPMBV: Three days ang kailangan kaya hindi naman kailangan na sabay na sabay kami.

Q: Kung kailangan, iko-continue?

SPMBV: Hindi naman. Kasi kung wala namang tao, puwedeng mag-adjourn.

Q: Las Piñas express ang passage of bills

SPMBV: Ang mga batas na naipasa, maganda naman ang balita doon. Nakapasa tayo ng limang panukala, unang-una na riyan ang panukala na nagbibigay ng retirement benefits sa judges and justices, sa pagpaparado ng mga bilanggo na hindi pa naman convicted at dito sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga bilanggo na mapaikli ang kanilang sentensya kung magiging mabuti sila sa bilangguan. Kasama na rin diyan ang Cheaper Medicine, kasama na rin diyan iyong Kasambahay bill na napakahalaga sa pagbibigay ng mas malawak na karapatan sa ating mga kasambahay. Pipilitin pa rin namin na makapagpasa ng iba pang panukalang mahahalaga mamayang gabi para pag-adjourn natin ay mas maraming performance ang Senado. Ito ay pagpapatunay na iyong multi-tasking strategy natin sa Senado na sabay-sabay ang pag-iimbestiga, pagpapasa ng panukala at pagtatanggol sa karapatan ng Senado, sa independence ng Senado sa Supreme Court. Lahat iyan ginagawa natin sabay-sabay, nagpapatunay lamang na pinakamasipag na ahensya ng gobyerno ang Senado.

Q: Inquiries can continue during the recess?

SPMBV: Yes. Iyong mga investigations puwede iyan na magtuloy. Hindi iyan pumapara. Anytime during the break puwedeng mag-imbestiga ang sinumang committee. Sila ay binigyan namin ng karapatan na mag-imbestiga. So actually, meron ding trabaho ang Senado. Palagay ko tuloy-tuloy ang budget hearings natin.

Q: Nag-caucus ba talaga kayong mga senador kagabi?

SPMBV: Ako hindi, kasama ko misis ko.

Q: Nanganganib na ba ng ratification ng JPEPA?

SPMBV: Ang JPEPA naman before the end of the year pa iyon hindi pa naman namin hinahabol ngayon iyan. Binibigyan pa namin ng pagkakataon iyong magkabilang-panig na ipresenta ang kanilang mga arguments at kumbinsihin kami. Tamang-tama naman ang timing na iyan sa napakahalagang bagay na ito. Mahalaga ang konti pang oras pero kailangan siguro bago matapos ang taon mag-desisyon na kami sa bagay na ito.

Q: 3-0 na daw sa 5, sa hearing.

SPMBV: Palagay ko mahihirapan sila subalit to be fair, until it's over, it's not over. Bigayn natin sila ng pagkakataon. Ayoko namang masabi nila na there was prejudgment o meron nang desisyon bago pa mag-presenta ng kaso ang ating gobyerno sa issue na ito.

Q: Hindi ba tayo gahol sa budget?

SPMBV: Hindi, we are on time sa budget. Natutuwa nga tayo sa budget, tuloy-tuloy iyan. Kung ang House naman ay desididong i-pass ang budget, sa palagay ko walang kadahilanan na hindi papasa ang budget bago matapos ang taon.

Q: Puwede pang mag-issue ng subpoena during the break?

SPMBV: Puwede naman. Mayroon namang OIC. Puwede kong pirmahan iyon. Kung wala si Jinggoy, iyong Majority Floor Leader. (end)

News Latest News Feed