Press Release
October 8, 2007

Transcript of Senator Mar Roxas' press
briefing after JPEPA hearing (Excerpts)

On questioned constitutionality of JPEPA:

MAR: [Ayon kina] former justice [Florentino] Feliciano, UP Law Dean [Merlin] Magallona at [former] senator Bobby Tañada, na nagsasabi na infirm ang mga ibang provisions nito [JPEPA] at laban ito sa ating saligang batas. Sisikapin sa pamamagitan ng memoranda at ng iba pang submissions ng pamahalaan na depensahan ang treaty na ito. Ang pinaka-foundation nito is the constitutionality of the treaty at kung nakita nga na may infirmities ito, hindi na siguro tayo dadaan sa iba pang mga probisyon nito, because kung unconstitutional, everything else part of it will also be ruled as unconstitutional.

[Unconstitutionality] has been argued by those three oppositors who are really legal heavyweights, pati sa Chair Miriam Santiago mismo, nakita niya ang clarity ng presentasyon ng tatlong oppositors na ito, at to be fair, hinigan niya ng sagot ang pamahalaan, but I would think as lawyers, they would look at all the sides, all of the submissions, very determining unconstitutionality.

Kahit kabahagi ito sa trends ng international na globalisasyon, kung unconstitutional ay talagang hindi pwede rito sa atin yan. Ano yung mga bagay na sinasabi nilang maaaring maging unconstitutional? Halimbawa, tinanggal ang karapatan ng ating gobyerno na humubog ng national development policy na kung saan magkakaroon ng requirements for hiring of Filipinos, for technology transfer atsaka for export minimal content. Sang-ayon dito sa JPEPA, hindi na maaaring mag-impose ang ating gobyerno nitong mga kwalipikasyong ito, at sa ganoong paraan, mawawalan ng bisa ang gobyerno na humubog ng isang nationalistic na development policy.

Pangalawa, nakikita din that the tariff-setting powers is purely a legislative function, mayroong interpretasyon na sa pamamagitan ng treaty na ito, wala na yung pagse-set ng tariffs as a tool for national development, dahilan sa pinako na ito sa zero percent tariff.

Pangatlo, from a legal point of view, mayroong listahan doon sa treaty na kung saan nakalista lahat ng mag reservations ng pamahalaan na hindi dapat galawin. Yung listahan ng bansang Hapon ay napakahaba, yung listahan ng bansang Pilipinas ay napakaikli, o kaya walang nakasabing reserbasyon. This is with respect to reservations on existing law or laws to be formed in the future in order for the Philippine government to precisely shape national development. Kung hindi tayo naglagay ng reservation doon, masasabi na ang bansang Hapon ay maaaring pumasok sa lahat ng mga sektor na ito na baka hindi naman talaga nating ninanais.

On renegotiation of JPEPA:

MAR: It's possible that we recommend that it be renegotiated. As for myself, on the trade and goods issue, hindi pa talaga malinaw ang suma total, anong makukuha natin dito, anong advantage nakuha natin dito, kumpara doon sa igi-give up natin. Yung mga pagbaba ng taripa sa ating agricultural products, hindi na para ma-advance ito dahilan sa mababa na talaga at kinakailangan talaga nila itong mga produktong ito. So parang wala tayong nakuha doon. Samantala, nagbukas tayo para sa pagpasok ng mga produkto nila rito.

Sa manufacturing sector, nangako tayo na magbaba ng taripa sa pagawaan ng sasakyan, at sa ganoong paraan baka hindi na sila mangailangan na dito ka mag-assemble ng sasakyan, ang mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho rito. Ano ang kapalit nito? Yun pa rin ang hinihintay namin sa gobyerno, ano ang kanilang sagot dito sa mga tanong na ito, at ano ang kanilang sagot sa mga safety nets na kakailanganin ng mga sectors that are jeopardized.

Given the reactions in the five hearings just to recall, first hearing we looked at the treaty in general. Then we tackled the tariff. Then we tackled environment issues. Then we tackled the movement of persons, in particular yung pagpasok ng ating mga nurses and caregivers. At ngayon, constitutional issues and movement in goods and services. Kumbaga sa round-by-round ito, wala pang naipapanalong round yung [ehekutibo].

Mayroon namang kabutihan. Hindi naman natin sinasabi na zero ito. Mayroon namang kabutihan rito, ang tanong sa lahat ng mga negosasyon, yung kabutihan ba, ay mas higit o bawas doon sa kabutihan para sa atin. Sila [Hapon], alam nila kung ano ang makukuha nila e. Tayo, baka hindi natin alam, at baka hindi natin na-depensahan yung ating interes dito.

News Latest News Feed