Press Release
October 10, 2007

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DZBB

On NBN/ZTE deal, with NEDA's invocation of executive privilege:

Kailan ang pag-resume ng hearings, at ano ang mapapala kung walang pagbabasehan sa NBN?

MAR: Ico-contest ng Senado ito, dahilan sa masyado atang malawak itong pag-apply ng executive privilege. Lahat na lang, bali sikreto. May karapatan naman ang ating mamamayan na malaman kung ano ang pinag-uusapan papaano narrating ang mga desisyun na ito. Ang Pangulo ang nagsabi na hindi na matutuloy ito, e ano pa yung tinatagong sikreto dito diyan? Mahalaga na munawaan natin na ang executive privilege, talagang karapatan ito ng ehekutibo, hindi dapat ito mag-apply sa lahat ng bagay na pinag-uusapan.

Hindi lang naman ZTE contract ang may kahalintulad...

Lahat ito hindi dumaan sa bidding, kaya mahalaga malaman natin ano ang mga patakaran, ano ang mga konsiderasyon na pinag-usapan at pinag-debatehan bago na-approve nga lahat itong mga kontratang ito. Halimbawa, sinusulong nila itong Cyber Ed. E mas malaki ito kaysa sa ZTE. This is [over] 20 billion pesos... ano ang napag-usapan, ano ang pluses, ano ang minuses, kasi nga hindi ito dadaan sa bidding. Mahalaga na malaman ito ng sambayanan.

Sa Procurement Law, may malaking loophole. Hindi lamang loophole ito, malaking tunnel ito na dinadaanan na 1 point plus billion ang mga ito. Kung mayroong executive agreement, katulad ng treaty, dapat iharap sa Senado. Itong mga pag-uutang na ito, 15 billion sa ZTE, 20 billion mahigit sa Cyber Ed, itong Northrail, napagkasunduan lang ito, inutang ito, hindi man lang pumasok ang pera sa ating bansa, walang bidding, babayaran natin ito. Kung aamyendahan natin ang batas, iyon ang pag-amyenda, na kahit pa executive agreement, idaan ito sa review ng Kongreso.

Mayroong three years grace [period] itong utang na ito [sa ZTE]. Unang pagbayad nito, tapos na term ni Presidente GMA, so ang gobyernong kasalukuyan nagco-commission ng cash flow ng susunod na mga administrasyon.

Pangalawa, ang mga teachers mismo, ang asosasyon ng teachers nagsasabi, bago niyong gastusan ng 20 billion, yung mga classroom namin, mga desks, mga chairs, mga teaching aids, gawin muna nating lahat ito, bago tayo gumastos ng napakalaking halaga dito sa mga satellite at iba pang mga kasangkapang ito.

Hindi ako nagtataka na mababa ang rating ng gobyerno sa pagbibigay ligaya sa ating mga kababayan [base sa survey]. Kase nakikita ni Juan dela Cruz, sa kabila ng kanyang sakripisyo dito sa EVAT, yung pera niya, kung saan-saan nagagastos, at hindi naman napapangalagaan ang pondo nito.

Kung hindi naman natin pangangailangan ito, hindi naman tayo napipilitan na utangin ito e. Kung iyan ang kondisyones ng utang mula sa ibang bansa, bakit natin uutangin iyan? Kung nasa panuntunan natin na dapat dumaan sa bidding, sila ayaw dumaan sa bidding, palagay ko na mas mahalaga na sundin natin yuang mga patakaran natin dito. Karapatan natin mga-negotiate. 'Kung ayaw niyo iyan, e hindi naman natin pangangailangan ito, di wag na lang, thank you.'

Nagkaroon ng technical meetings ang mga telecoms with government agencies concerned. Tuloy daw ang pagpatayo ng broadband?

MAR: Palagay ko, baka pakitang tao ito na talagang mahalaga ang broadband na ito. Kase, mayroon talagang broadband, una yung pribado. Pangalawa, yung Transco, na sa ngayon pag-aari ng gobyerno, mayroon ding broadband, nakalatag na yung broadband ng Transco. Kung talagang importante itong NBN project, imbes na gumawa ng panibagong broadband muli, i-connect na lang sa kasalukuyang broadband yung sa dulo na lang, yung tinatawag na 'last mile,' hanggang saan man makarating. May highway na, kabitan na lang ng provincial roads. Iyon ang dinadahilan nila, na itong mga bayan konektado. So tinanong natin, ilan ba ito, e hindi nila masagot.

But do you agree this is a step in the right direction, to interconnect agencies?

MAR: No doubt, mahalaga iyan. Ang punto is, sa ngayon, number one priority ba iyan o number 50?

Hindi ba pwede simultaneous with other projects?

MAR: Hindi naman pwede, kase konti lang ang kapasidad na umutang at kapasidad na magbayad ng utang. Kung umutang tayo, dito ba natin gagamitin, o sa iba pa? Halimbawa sa pamilya, itong broadband, bibili ba tayo ng intercom system sa bahay natin, o bibili tayo ng pagkain? O kaya yung pagbayad ng tuition? Kung anuman na mas priority para sa atin. Kase itong broadband system na ito ng ZTE, intercom system lang ito, ang gobyerno lang gagamit nito.

News Latest News Feed