Press Release
October 11, 2007

Transcript of interview with Senator
Chiz Escudero (Kapihan sa Senado)

On efforts to block Senate probe, stumbling blockmay EO 464, MC 108, AO 197 for the Garci investigation, now executive privilege for the ZTE hearing

Una sa lahat kaugnay sa tila walang kooperasyon mula sa Malacanang, simple lang aking aking pananaw doon yung walang tinatago walang dapat katakutan, yung may dapat katakutan klarong may tinatago at ayaw sabihin sa sambayanan at sa publiko. Yung pinapakitang attitude ng Malacanang sa imbestigasyon ng Senado nagpapatunay at nagpapakita na may ginawa nga silang mali at may tinatago sila at ayaw ipaalam sa publiko. Anumang magandang proyekto tulad diumano ng NBN o ZTE ayon sa kanila, tulad din umano ng walang dayaan noong 2004, hindi ba dapat niyayakap pa nga nila yung pagkakataon na makapagsalita, makapagpalinawag, makapagpaliwanag at ibigay ang panig nila, na ayaw nilang gawin yan at tila hindi kayang ipagtanggol, hindi kayang maintindihan at kailanman hindi matatanggap n gating mga kababayan anumang paliwanag na manggagaling sa kanila. Sa parte ng senado gagawin namin ang dapat naming gawin sang-ayon sa batas at sang-ayon sa rules ng Senado. Ang hindi sumunod sa subpoena ng senado puwedeng i-cite in contempt ng senado, sang-ayon pa rin sa rules. Subalit wala naman kaming sariling pulis, wala kaming sairling sundalo sa senado kung kaya't darating ito palagi sa Korte Suprema na siyang final arbiter sa anuamng isyu at diskusyon kaugnay sa implementasyon at interpretasyon ng batas.

On NEDA documents being subpoenaed by the Senate, the minutes, they won't submit it because it's confidential

Even the thesis by senator Miriam defensor Santiago in her privilege speech on this issue, klaro naman doon at klaron din naman sa mga naging desisyon korte suprema, puwede lamang gamitin ang executive privilege kung ito ay makakaapekto sa national security o makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas sa ibang bnasa o sa foreign and consular relation, diplomatic and consular relation natin, sa ibang bansa. NEDA-ICC ( Investment Coordinating Committee) minutes of the meeting ang hinihingi ng senado, ano naman ang national security doon at paano naman maaapektuhan ang relasyon natin sa ibang bansa kung mababasa ang NEDA-ICC meeting ng senado? At kung ayaw man nilang isapubliko ito, puwede pa rin naman ipagbigay alam sa senado sa isang executive session na hindi maaring ilabas ng senado pero maaari pa ring ipagbigay-alam ito s amga miyembro ng senado dahil wala namang dapat itago kung talaga naman wala silang ginawang mali kaugnay ng proyektong ito.

Yun yung mga stumbling block (EO 464, executive privilege), ano ang dapat gawin ng senado to remove these block?

Ienforce yung mga mga rulings at desisyon ng senado sa pamamagitan ng compulsory process, number one, number two umakyat sa korte suprema kung kinakailangan, number three dapat magkaroon ng polisiya ang senado kaugnay sa mga sumblingblocks na ito. Paano, ang hirap sa Malacanang kung sila ang may kailangan dumadalo sila, kapag sila ang kailangan ayaw nilang mag-attend. Tulad na lamang ni secretary Neri, kapagka budget ng CHED ang pinag-uusapan pupunta siya dito pero kapagka NBN na may kinalaman siya ang pinag-uusapan, nagdadalwang isip, minsan ayaw pa at tila hindi dadalo sa susunond pang hearing. Hindi puewde na sila ang mamimili kung anong dadaluhan nila, hindi rin naman puwede kami ay naghihintay lamang kapag kami ang may kailangan st nagmamadali kami na asikasuhin sila kapag sila naman ang may kailangan. The senate must have a policy with respect to the appearances and with respect to these hearings na consolidated at nagkakaisa.

How soon you will go to the supreme court?

Senado o ang executive and puewdeng umakyat sa korte suprema, at kahit sino legal na puwedeng umakyat at may standing, sa parte ng senado kung how soon kailangan naming sundin ang proseso namin. Matapos ang subpoena na inisyu ay hindi yan sinunod, pag-uusapan sa senado sa komite kung katanggap-tanggap ba ang palinwanag o hindi. Kung hindi yan katanggap-tanggap, iisyuhan sila ng show cause order, ibig sabihin bigayn nyo kami ng dahilan kung bakit hindi naming dapat kayo i-cite in contempt. Kung katanggap-tanggap ang paliwanag magre-reset lamang ng panibagong hearing. Kung hindi katanggap-tanggap at paliwanag pagbobotohan ng komite ng i-cite in contempt ang sinumang opisyal o ahensiya kaugnay sa hindi pagsunod ng anuamng kautusan ng senado at iuutos ang pag-aresto sa taong yan hanggat hsiya ay sumunod sa kauutusan ng senado. Sa puntong yan either aakyat na ang executive o aakyat na ang senado sa korte suprema para masunod ang mga kautusang yan. Hindi dapat pinag-aawayan yan, hindi dapat magbarilan dyan, hindi dapat magsakitan o magsuntukan dahil sa kautusang iyan. Hayaan nating ang proseso ng batas ang umiral at proseso ng senado ang sundin.

Sa case ni secretary Neri kung pupunta siya sa hearing and still invoke executive privilege, puwede ba siyang i-cite in contempt.

He can be cited in contempt at that juncture pero desisyon ng komite ang puntong yon, ayokong pangunahan ang magiging desisyon ng komite kaugnay niyan. Kung wala doon ganundin, paliwanag pa rin kung bakit wala siya roon at hindi siya nagpakita bagaman may imbitasyon at subpoena para sa kanya.

But you can arrest him immediately?

No, the only person who can enforce an arrest would be the sergeant-at-arms of the senate. At nagkaroon na rin ng isyu yan noon kung maaalala nyo, nang gumamit ng pulis ang sergeant-at-arms. Isang bagay yon na dapat i-address ng senado kung papaano namin mai-enforce ang mga kautusang ng isang independent and separate branch of the government in relation to the executive.

Puwede bang mag-invoke ang alter ego ng President eng executive privilege or is it only the President who can invoke such privilege?

Sa paggamit ng salitang alter ego ibig sabihin anuamng ginagawa niya may basbas at pahintulot at awtorisasyon ng Pangulo at ang pinaguusapan natin dito ay yung usapan niya sa pagitan ng cabinet official na alter ego ng pangulo at ng pangulo mismo. Mahaba ang mga anging desisyon ng korte suprema ng Estados Unidos kaugnay nito subalit hindi pa rin klaro ang linya sa pagitan ng ano nga ba ang executive privilege at ano nga ba ang hindi. Case to case ang desisyon sa bagay na yan dahilan kung bakit may kaunting confusion kaugnay ng bagay na ito.

Si Senator Lacson may copy na ng minutes ng meeting ng NEDA-ICC so formality na lang yung pag-request nyo ng copy

Pag-uusapan yan kapag nagmeeting ang mga komite kung ipresenta ni senador lacson iyon at i-offer as part of the formal record of the committee. Sa punto ito yata ay hindi pa parte ng official records ng komite yun kaya nag-subpoena pa ang mga komite, na nandoon na yon, na may kopya na, kailangan siguro i-verify yun nga ba ang NED-ICC minutes of the meeting o hindi dahil baka mamaya i-deny ng NEDA na hindi yan ang minutes namin, iba ang minutes namin, so may pangangailangan pa nilang i-identify yung kopya na hawak ni senador Lacson, yun ba anng minutes o hindi. Hindi ko pa nababasa (minutes).

The hearing on the Garci tape, hindi umaandar dahil ayaw dumalo ng mga inimbitahan

Ayokong pangunahan si chairman, senator Biazon sa kanayng balak gawin sa kanyang komite kaugnay sa Garci hearings na siyang lead komite subalit tulad ng ZTE-NBN probe, susundan din ng senado ang mag legal na proseso sa batas at sa rules namin kaugnay sa pag-enforce ng anumang kautusan ng senado sa pamaamgitan ng subpoena, ng pag-cite in contempt at ng pag-order ng pag-aresto ng sinumang hindi sumusunod sa legal at resonableng kautusan ng senado.

The chairman by himself cannot order the arrest?

Hindi, kailangan pagbotohan ng komite yon. Maliban na lamng kung sa harap mismo ng komite may ginawang pagbabastos na ka-contempt contempt naman talaga in which case the chairman in order to preserve order within the committee puwede niayng ipaarseto ang sinuman doon sa komite mismo. (Wala ng pirma yan ng senate president) Hindi, direct contempt yun ng isang komite ng senado habang naghe-hearing ang senado.

Baka hindi na ilabas sa executive session dahil may nag-leak daw, baka wala nang magtiwala

Hindi pa naman final o may finding na may lumabas na sikreto nong executive session ng senado, kaya nga magkakaroon ng inquiry para preserbahan ang integridad at pagiging sagrado ng pinag-uusapan sa executive session. Sa puntong ito hindi pa tayo nakaaktiyak kung talagang may paglabag sa pagiging sagrado ng executive session. Sana tulad nang nasabi ni senator Arroyo hind imaging hudyat iyon na hindi na puedeng pagkatiwalaan pa ang executive session ng senado, kaya't sa punting ito bukas pa rin ang opsyon na yon sa amin.

Parang yung executive session naging compromise

It's not being offered as compromise, that option is always there, palaging nandoon ang opsyon na yon sa sinuman na gustong magsalita sa numang komite ng senado. Nasa rules namin yon at ginagamit naq option yan on a case to case basis. Hindi yon isang bagay para alukin namin, isang bagay yon para hilingin ng sinumang testigo o sinumang senador kung sa kanyang inaakala may national security na pag-uusapan at hindi marapat na ipagbigay-alam sa publiko nang ganoon-ganoon na lamang.

It's has to be determined by the Senate

By the committee. Ang nangyayari ngayon tinitimbang ng executive at nagdedesisyon sila executive privilege ba ito o hindi. Ang senado ang dapat nagtitimbang nyan, hindi ang executive, at kung saka-sakaling may banggaan, ano nga ba ang executive privilege, ano nga ba ang hindi executive privilege. Kung hindi magkasundo ang executive at senado sa depinisyon o sinasaklaw ng executive privilege dyan na papasok ang korte suprema para mag-referee at sabihin ito ay saklaw o hindi saklaw. Gaya nga nang nasabi ko, hindi ito dapat pagmulan ng constitutional crisis, hindi ito dapat pagmulan ng bangayan, sakita, barilan o awayan, hayaan natin ang korte suprema ang magdesisyon kaugnay ng bagay na ito pagdating ng tamang panahon.

Is the senate willing to go lenient in the case of the First Gentleman who because of his medical condition the senate is more incline to accept his sworn affidavit instead of forcing him to come over and testify.

I don't believe double standard, kung ano ang para kay pedro ay yun din dapat para kay Juan. Kung lenient sa isang tao, dapat lenient sin sa ibang tao, hindi natuloy ang hearing ng NBN-ZTE dahil masama ang pakiramdam ni chairman Neri nong mga panahong iyon kaya maski na executive session ay naputol, pero para sa akin obligasyon namin sa senado bigyan ng karapatan ang First Gentleman at sinumang taong nabanggit sa hearing ng pagkakataong sumagot, magpaliwanag at ibigay ang panig niya matapos siyang akusahan ng isang bagay sa loob ng senado. Ngayon kung ayaw nilang tanggapin ang pagkakataong yan, kung ayaw nilang gamitin ang tiyansang yan, kawalan nila yan, hindi namin kawalan. Naghuhusga ang tao sa kanila base sa kanialng kagustuhan o kaayawang dumalo sa hearing ng senado. Kung ayaw nilang magpakita sa senado huwag nilang sisihin ang tao na sabihing guilty nga sila, ikanga mukhang guilty kapagka tumatakbo at ayaw magpakita.

Sworn affidavit won't that suffice?

Ayokong pangunahan ang komite subalit katanggap-tanggap yun ay kung may katanungan man hayaan nating sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng deposisyon kung talagang hindi kayang dumalo o iba pang pamamaraan. Alalahanin lamang yan ng mga komite ng senado na kapagka ginawa natin yan s isang tao, dapat bukas dian tayo paran gawin yan sa iba, hindi puwedeng mamili tayo o manimbang tao, porke't asawa yan ng pangulo ang ating pianapatawag. Marapat at dapat kung ano ang puwede sa iba, puwede rin sa lahat at kung gagawin natin yan sa testigong ito bukas din dapat ang senado na gawin yan sa ibang testigo.

In the case of chairman Abalos, he said he wont be appearing anymore in the Senateis he inviting immediate arrest?

It depends, if the senate will issue a subpoena, if the subpoena will not be followed, if a contempt order will be issued and if his arrest will be ordered by the committee. Hindi naman porke hindi nag-attend sa senado papaaresto na agad, hindi naman po siguro gannong katigas ang puso at kakitid ang utak ng mga senador kaugnay sa mga pagdinig na isinasagawa namin.

On the sentiments of Senator Alan Cayetano na kung hindi magsasalita si secretary Neri then he would divulge whatever there are in the executive session kung anong nangyari

Walang option si Senator Cayetano ilabas ang nangyari sa executive session. Sangayon sa aming rules, ang nangyari sa executive session hindi maaaring ilabas. Pero magandang mga katanungan siguro ano ba ang madedetermina kung ang isang session ay executive nga ba o hindi. Kailangan bang i-formally convene yan? Kailangan bang ipatawag yan? Kailangan bang sabihin 'o nakaupo na tayo dito, magsisimula na ang executive session at anumang sabihin sa puntong ito hanggang matapos hindi pwedeng ilabas'? may mga ilang katanungan siguro tungkol dun pero walang option sinuman na ilahad ang sinabi sa executive session na ginawa partikular na yung naganap na executive session kung executive session nga yun noong sinamahan kami ni Neri sa Senators' Lounge. Unang executive session ko yun sa talambuhay ko kaya hindi ko alam kung ano yung mga legal at pormal na proseso kaugnay ng pagpapatawag niyan. Sinusundan ko lamang kung ano yung mag naganap noon at marahil magaganap pang executive session sa darating na panahon.

Sir accdg. To Sen. Alan Cayetano, yung apparent evaluation, wala namang national security matter dun sa executive session so pwedeng sabihin..

But the senate must determine that as a body or the committees as a body not by an individual senator.

Ito bang all the things surrounding ZTE, should they constitute national security, military secret diplomatic relations?

Ibalik natin ng konti. Let's play devil's advocate. Kaya may national security lang siguro ito kung involved ang pangulo at may ginawa talagang kamalian ang pangulo kaya sinasabi nila na maaapektuhan ang national security dahil baka umalma o magalboroto ang tao. So in a way inaamin na rin nila sa ating pananaw na tila may ginawang mali, may kamaliang nagawa kung kaya't ayaw nilang sabihin o ipaliwanag ang naganap. Hindi ba't kung tama, legal, at naaayon sa batas ang mga pangyayari, dapat nga ipaliwanag mo pa sa tao yan na ayaw mo sabihin at tila sinasabi mo na may national security dito, halos inaamin mo na rin na may ginawa ngang mali kung kaya't maaaring maapektuhan ang national security kung ito'y isisiwalat at sasabihin sa pulitiko.

Yung ginawa ni GMA interviewing Manny Pacquiao, parang bumaba daw yung level ng pangulo

Hindi maikakalila na tuwing may laban si Pacquiao nagkakaisa ang buong sambayanan, oposisyon man o administrasyon, pula man o dilaw o puti, kanan man o kaliwa, lahat gustong manalo si Pacquiao at lahat gustong mapanood ang kanyang laban upang suportahan siya. Iisa ito sa kaunting bagay na pinagkakakisahan nating lahat at hindi na pinagdedebatehan. Sana huwag nang haluhan ng pulitika ang kanayng laban, ang kanyang tagumpaay dahil baka pati yung kakaunti at nag-iisang bagay nay an na pinagkakaisahan natin magresulta ng awayan, debatehan at kulay pulitika. Lahat na aplikable na yon.

Kung saka-sakali pinagmumulan siya ng pagkakaisa ng ating mga kababayan sana makita ni Pacquiao na magandang papel at ginintuang pagkakataon yan para sa kanya dahil kung puwede tayong magkaisa sa iisang bagay na ito ang trabaho na lamang natin ay kung papaano padamihin ang ganitong uri ng mga bagay para mas maraming tayong bagay na pinagkakaisahan at mas kaunti ang pinag-aawayan natin. Kaysa naman maghanap pa tayo ng karagdagang rason na mag-away at magdebate, padamihin na lamang nating ang pinagkakaisahan at pinagkakasunduan natin at isa na ito sa mga bagay nay un.

Huwag siyang (Pacquiao) magpagamit

Sana maging conscious si Pacquiao sa papel na ginagampanan niya sa mata ng napakaraming Pilipino. Iniidolo nating lahat siya, maraming tumitingala sa kanya at maraming umaasa na isa siya sa magiging hudyat ng pagkakaisa. Sana maging mapili, sana gamitin niya ng wasto ang kanyang katanyagan upang ito ay maging uagat ng pagkakaisa sa ating bansa imbes na karagdagang debate pa o awayan sa pagitan ng mga politico.

Sir wala ba kayong balak na magpass ng bill para magkaroon ng regular na boxing game kasi bumababa yung crime rate pag may laban

Anumang bagay na pinapasukan ng gobyerno at hinahaluan ng politika hindi maaayos ang pagpapatakbo, hayaan na natin ang pribadong sector na gumawa niya, maayos naman ang kanilang pagpapatakbo ng larangang ito so far.

On Cyber-Ed,may forward obligational authority na

There is, tinanong na namin sa budget hearing sa micro economic assumptions ng senado ang department of budget and management, ayon sa kanila, amayroong nang forward obligational authority ang Cyber-Ed, ibig sabihin nito aqtorisado na ang Dep-Ed para pumasok sa negosasyon para umutang ng humigit-kumulang sa P26 bilyon para pondohan ang cyber-ed, mas advance ito kung tutuusin kaysa sa ZTE dahil ang ZTE walang pang FOA o forward obligational authority. Iyun ang isang bagay na kinukuwestiyon natin sa gitna, sa kabila at sa likod ng ZTE-NBN investigations. Papaano ba talaga ang proseso sa pagpasok sa government to government official development assistance loans, sino ba ang magdedesisyon, sino-sino ba ang magdedesisyon, anong proseso ba ang pinagdadaanan, exempted ba yan sa procurement law at bakit hindi nalalaman ng kongreso at ng publiko bago pa man ito matapos sa negosasyon o bago pa man ito maimplement. Kung libre lamang yung pera binibigay sa ati, tanggaping natin kung ano man ang dikta nila kung saan natin gagamitin pero kung babayaran natin ito, bakit sila pa ang mamimili ng proyekto, sila pa ang magsusuplay at tayo'y nakabukas na lamang ang palad at tatanggapin iyon, mali naman siguro iyonh at hindi tama iyon.

In favor kayo sa cyber-ed

Mas maraming problema sa larangan ng edukasyon kaysa sa pagkakaroon ng 15 to 20 minute lesson per subject per day, una classroom shortage, pangalawa libro, pangatlo lamesa, pang-apat upuan, panglima teacher. Limang mga problema na dapat tugunan kaysa unahin natin ito, bakit mo uunahin ang paglagay ng telebisyon at computer sa eskuelahan, kulang nga ang eskuelahan, bakit mo uunahing lagyan yan ng telebisyon at computer, walang pang kuryente ang lahat ng barangay, bakit mo uunahin lahat yan, ni wala pang mauupuan, wala pang lamesa at hindi sapat ang benepisyo na natatanggap ng ating mga teachers. Ang simpleng katanungan namin s DepEd bakit hindi ito ginagawa ng mayayamang bansang may perang gawin ito bakit tayo pang mahihirap ang gagawa nito at una pa nating gagawin bago ang mga pangunahing pangangailangan ng sector edukasyon. Natanong ang DepEd mababawasan ba ang bilang ng teacher natin pagginawa natin ito, ang sagot nila hindi. Mababawasan ba ang teachert raining expense kapag ginawa natin ito, hindi pa rin, anong benepisyo nito pagdating sa kalidad ng edukasyon, wala sialgn eksaktong data kung ano ang epekto ng 15 to 20 minte lesson per day per subject saa ting mga estudyante kung saka-sakali. Yun yung hinihiling at hinahanap namin.

You're opposing this project?

We're looking into it right now, we want to get more information. Sana hindi kautlad ng DOTC, maging mas bukas ang DepEd at in fairness sa deped so far nagiging cooperative sila sa pagbibigay ng inpormasyon kaugnay ng cyber ed project. Hindi katulad ng ZTE at DOTC na napakarami pang kuwento na nawala ang kontrata, hindi makita ang kontrata, executive privilege, 108. sa parte ng deped hindi pa naming nakikita na ginagawa yan kaugnay sa audit na ginagawa namin sa ngayon under the ODA oversight committee.

Sinasabi ng DBM may pera kami para bayaran ang uutangin ng deped na P26 bilyon para sa proyektong ito. Yung pera wala sa 2008 budget (Saan manggagaling?) may forward obligational authority ibig sabihin kailanman pasukan yan babayaran naminyan.

Makakapalag ba tayo sa dikta ng China?

May karapatan tayong mamili dahil kung ayaw natin eh di huwag tayongumutang sa kanila. Kung hindi parehas ang trato sa pagbigay ng kontrata at presyo ng kontrata ta proyekto eh do huwag tayong umutang sa kanila. Karapatan ng bansang Tsina idikta kung sinong kontrakto ang gusto nilang mag-implement ng project nila, karapatan din naman ng bansang Pilipinas dahil tayo ang nangngutang at tayo ang magbabayad na mamili at timbangin kung ano ang mas naaayon sa nakakataas na interes ng ating mga kababayan. Doon ako nalungkot sa sinagot ni secretary Andaya at ni secretary Mendoza na yun daw ang dikta ng China, okay lang yun kasi yun ang dikta ng China eh, nasa interes ng China na pangalagaan ang sarili nilang bansa at pangalagaan ang sariling interes nila pero obligasyon ng mga opisyal natin, partikular ng mga cabinet secretary na pangalagaan ang interes ng mga Pilipino at ng Pilipinas at hindi ng bansang Tsina at ng mga naninirahan doon. Doon natin makikita ang negosasyon sana sa pagitan ng dalawang bansa, hindi yung yun na nga ang dinikta ng Tsina, yun pa ang sinunod natin at tinalikuran ang interes ng mga Pilipino at ng Pilipinas.

Maraming nagpapautang sa Pilipinas, alalahanin natin na ang pangunahing negosyo ng mga bangko ang magpautang, ang pinagkakakitaan ng mga bangko ang mga pautang sa mga bansa o mga kumpanya. Tayo ang umuutang at may karapatan at kapangyarihan kung kanino tayo mangungutang at para saan. Alalahanin natin hindi libre ito at babayaran natin ito at kung babayaran natin ito puwes may karapaatng tayong mamili at magdikta kung ano ang gusto natin at saan nating gustong gastusin at kanino dapat at gusto nating mangutang.

Sa cyber-ed wala pa namang mga lumalabas na kontrobersiya

Wala, wala pa kaming nakikita. Yung overpricing may problema kmai doon, tulad ng ZTE waalng sariling programa at plano ang deped para sa cyber-ed, ibig sabihin noonggumawa sana ng plano ang Pilipinas tapos maghanap ng bidder, ng kontraktor para dito. Walang tayong ganoong plano, tulad ng ZTE-NBN project. Yung proposal ng kontraktor yun din ang plano ng gobyerno natin, papaano tayong makakapag-gauge kung ito nga ay overprice o hindi eh wala naman tayong benchmark, ni walang public bidding na ginawa kung kayat hindi natin alam mura nga ba ito o mahal.

On ZTE, isn't that a good deal, three percent five years, grace, 20 years to pay?

Good deal ito in so far as the rate of the money being lent to us is concerned. consessional talaga iyon pero yung pinaggagastusan mo ba, kailangan mo ba o hindi. Pangalawa maganda nga yung rate sa pautang pero ang tanong yung presyo ba ay tama, baka mamaya nakakatipid nga tayo sa interes binubugbog naman tayo sa presyo dahil dapat mas mura masyado nilang tinaas at ni hindi natin alam kung mahal nga ba o mura iyon.

Dapat dumadaan iyon sa evaluation at approval ng NEDA.

Katulad ng ZTE tinanong namin ang NEDA mayroon ba kayong benchmark amount at figures and prices kung tama ba yung presyo o wala, sabi ng NEDA, sabi ni Neri nangnagkaroon ng pagdinig, pati DOTC, hindi nila alam kung magkano talaga itong binibili natin mula sa ZTE dahil wala sialng benchmarking, dahil hindi ito dumaan sa public bidding, yun lang naman ang tanging paraan para malaman mo kung mura o mahal ang binibili mo. Magbigay ka ng notice, mag-imbita ka ng bidders at sino ang pinakamura.

On ODA probe

Sumulat na kami at nagkakaroon na kami ng pagpupulong sa DBM, sa NEDA at yung mga ahensiyang may ODA contracts o loans.

Sino ang iimbitahan sa ODA contract probe?

Opisyal, government official, Andaya depende sa agency, kasi iba't-ibang agency, may iba't-ibang ODA.

Nagpasabi na si Neri na he's willing to attend but he also said he might invoke executive privilege

We will cross the bridge when we get there, kapagka nag-invoke siya sa pangalawang pagkakataon, doon na saguro sa puntong iyon magdedesisyon ang senado kung papaano ito tatalakayan at ano'ng gagawin matapos ang invocation kaugnay ng partikular na tanong na ibabato sa kanya. Nabanggit ko na kanina yung mga puwedeng gawin ng mga senador at ng komite kaugnay sa paggamit muli ng executive privilege.

Mapipigilan pa ba yung cyber-ed project considering may FOA na

Iyong FOA authority lang yun to negotiate, sa puntong ito sa paniwala ko wala pa namang negosasyong nagaganap o kontratang napipirmahan para sa isang loan agreement. Or so far hindi pa nakin alam, ang panawgan namin sa deped maging bukas kaugnay ng isyung ito, ipaliwanag sa publiko at kongreso ang isyung ito upang hindi sumunod sa parehong landas ng ZTE dahil in fairness sa cyber-ed, hindi tulad ng ZTE naglipana ang mga alegasyon ng bribery at alukan ng pera at suhol, sa proyektong cyber-ed walang ganoong uri ng impormasyon o tsismis man lang. kaya layunin namin maging discreet at maging responsible sa pagconduct ng audit sa proyektong ito. Hindi kailanagng maging sensational ng ZTE-NBN hearing na hindi naman natin maikakaila naglipana naman talaga ang mga testigo na nag-alok ng ganitong suhol, ng ganayng suhol si ganito kay ganyan.

Saan yung hearing ng cyber-ed?

Sa ODA oversight, trabaho naman talaga ng ODA oversight committee iyon.

Sabay suspended yung ZTE at cyber-ed pero nalift yung suspension sa cyber-ed

Ilang punto kaugnay nyan, bago umalis patungong Tsina si Pangulong Arroyo suspendido lahat pati Cyber Ed. Pagbalik niya galing Tsina biglang full blast na naman ang Cyber Ed. Tila merong pag-uusap o kasunduan noong nasa China siya kaugnay ng Cyber Ed, pamalit ng ZTE. Pangalawa, kung maalala nyo sa hearing, sinabi sa NEDA-ICC meeting na overlapping ang Cyber ed at ang ZTE-NBNProject. Kung maaalala nyo rin sabi ni Sec. Ermita, maghahanap sila ng ibang paraan para mapatupad ang NBN. Tila ito yung paraan na kanilang gagamitin para matuloy pa rin yung NBN ng ibang kulay at ibang pangalan. Cyber ed na ang pangalan dahil ang proyektong cyber Ed naman at NBN parehong ang nais gawin, ikonekta at ilink ang buong Pilipinas. Ang Cyber ed nga lang mga eskwelahan, ang NBN nga lang mga tanggapan ng gobyerno sa buong Pilipinas. So I think that this is a way of circumventing whatever pronouncements they made to the public in connection with the suspension of the ZTE-NBN project.

Iisang ODA lang yung NBN at cyber-ed

Magulo pa yun at hindi pa klaro yun dahil meron daw di umanong matter or ODA contract worth 1.8 billion or 4 billion, I'm not sure anymore. Pero yun ay credit line lamang. Hindi naman yun pa yung ODA mismo. Ang ODA mismo ay yung pirmahan kaugnay ng pagutang ng specific na amount para sa specific na project.

Baka pamalit yung cyber-ed at itinutuloy ito, dahil sa komisyon na natanggap

Posible yun pero ayokong pangunahan dahil wala akong hawak na ebidensiya kaugnay non, nakapagtataka lang bakit tuloy na naman ang cyber-ed, isang byahe lamang si China. Pangalawa nakapagtataka lang nag-anunsiyo si Secretary Ermita na tuloy tapos kung alalahanin natin overlapping naman pala talaga ang cyber-ed at ZTE-NBN. Ibig sabihin non panibago at kakaibang paraan lang ito para magawa pa rin yung tinangka nilang gawin sa pamamagitan ng NBN project .

Kung wala pang kontrata sa cyber-ed, pre-mature ba yung imbestigasyon?

Hindi dahil sa ilalim ng ODA law, sa ilalim ng official development assistance law, kailangang konsultahin ang Kongreso habang nagnenegosasyon at bago ipatupad ang proyekto, walang ganayng uri ng negosayon at consent na kunuha sa kongreso kaugnay sa cyber-ed o sa ZTE.

On impeachment complaint against GMA

Nang hindi pinangungunahan ang Kamara, nang hindi nag-pre-prejudge ang impeachment complaint na sinasampa, ilang obserbasyon lamang base sa aming karanasan, noong nagsampa kami ng impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo noong 2005, hindi tatlong pahina, sobra pa sa tatlong pulgada ang kapal n gaming isinampa, ito tatlong pahina lang. pangalawa sino mang magveverify ng impeachment complaint at pipirma doon, sinasabi at pinapatotoohan na totoo ang nilalaman ng reklamo. Nagulat ako sa sinabi ni Congressman San Luis, na hinahanap daw niya ang katotohanan kaya siya pumirma, sinoman pumirma sa impeachment pinapatotoohan na yung reklamo at paratang nakapaloob doon, hindi ka dapat naghahanap ng katotohanan kung pipirma ka doon, dapat pinapatotoohan mo ito kung saka-sakali. Sa proseso ng impeachment sa Kamara kapag ito ay na-refer na sa committee on justice, mayroon na tayong tinatawag na one-year bar sa pagfile ng pangalawang impeachment complaint laban sa parehong opisyal sa loob ng isang taon. Ministerial ang trabaho ng Speaker kaugnay sa pag-refer ng nasabing impeachment complaint. Sang-ayon sa aming rules, na may kapangyarihan siyang mamili kung ano ang i-re-refer at hindi, hindi yun pinapayagan ng batas, dahil kung mayroon siyang ganoong kapangyarihan, puwede siyang mamili kung kailan, ano, at saan ire-refer ang reklamong i-endorsa ng isang kongresista laban sa isang impeachable officer.

Hindi kaya siya tumanggap ng P2 million?

Wala akong personal na kaalaman tungkol doon at dahil sa inter-chamber courtesy hindi dapat panghimasukan ng senado ang anuamng nagaganap sa kamara de representantes. Ang komentaryo ko ay bugso lamang ng aming paggawa ng rules noong panahon namin noon na siyang umiiral pa rin hanggang ngayon.

Hindi sa lax in due diligence, mayroong conflict sa statement na binanggit ni congressman san luis doon sa kanayng pirma sa verification page, napanood ko sa telebisyon ang kanayng talumpati at ang intepellation sa kanya, tila taliwas ang sinabi niya sa kanyang speech at interpellation sa kanya doon sa pinirmahan niayng verification sa impeachment complaint na isinampa ni Atty. Pulido.

Bogus ba yung complaint considering 3 pages lang?

Mahirap husgahan pero kung three pages lang alalahanin natin yung first page nandoon yung title, yung huling page nandoon yung verification, so ang nilalaman lamang ng reklamo isa o isa't kalahating pahina lamang. Gaya nga ng nasabi ko ayaw kong husgahan pero kung susukatin yan doon sa impeachemtn complaint na isinampa namin noong mag ngadaang panahon, hindi naman siguro ganoong kasimple o kadali lamang mag-draft noon. Manipis literally.

Sa kabila ng impeachment complaint, kanina lang nagmeet ang 189 congressmen sa Malacanang, parang nagiging madalas yung pagpupulong doon then may speculation that Speaker is being pressured by Malacanang to refer the complaint...

Noong panahon namin sa Kamara nang magsampa kami ng impeachment, marami ring meeting ang pinatawag ng administrasyon sa Malacanang sa pagitan ng Pangulo at ng kongresista, noong mga panahong yun ang pananaw namin improper ang ginawang pagpapatawag at pagpupulong na yon, gannong din naman siguro ngayon. Kung may pending impeachemtn complaint hindi marapat ang pagkakaroon ng ganayng uri ng pagpupulong partikular sa Malacanang. Noon at ngayon ganoon pa rin ang aking pananaw.

Kailan nag-i-start yung one-year ban sa filing ng impeachment complaint?

According to our rules as defined by the Supreme Court, initiation is the filing of the impeachment complaint coupled with the initial action of the House. Ang action of the House is the referral to the committee, so yung pag-file ni Atty. Pulido at congressman san luis, hindi pa iyon, dapat kasabay yung pag-refer sa committee on justice, yung petsa kung kailan iyon na-refer sa committee on justice doon magsisimula yung one-year ban.

Puwede bang amendahan yong impeachment complaint?

Puwede namang talagang amendahan iyon dahil yung gagawa ng charges, yung House of Representatives mismo, puwedeng amendahan iyon pero hindi ako sang-ayon na hinohostage ang mga mambabatas ng mga nag-file at sasabihin sa kanialng iwi-withdraw namin ito basta ayusin nyo lang, wala silang karapatan magdikta sa mga mambabatas kung ano, paano at saan at kailan nila gagawin ang trabaho nila.

Naisahan ba ang oposisyon?

Hindi dahil sa pananaw ko wala pa namang balak pa ang oposisyong magsampa ng impeachment sa puntong ito. Siniseryoso ng oposisyon noon man o ngayon ang pagsampa ng isang impeachment complaint. Hindi ito isang bagay na magaan lamang para sa kanila o para kaninuman dahil sa pagdadaanan n gating bansa kung ito man ay isasampa. This is not something you trifle with just like that, ang oposisyon hindi nakikipag unahan kanino man, at responsableng ginagampanan ang tungkuling iyon sa Kamara, noon man o ngayon. Siguro kung mayroon mang hindi siniseryoso dyan, yun yung nakikipag-unahan at yung nauuna para lamang mauna.
 
It's not so much refer it immediately, may period naman eh, three days or five days if I'm not mistaken for the speaker to refer it to the rules committee, three days for the rules committee, ah ten ba, ten session days for the speaker to refer to the rules committee, three days for the rules committee to refer it to the committee in justice. May period namang sinusunod.

Walang plano ang oposisyon na magfile ng complaint?

Ibig sabihin non kinakalap pa ang ebidensiay kung mayroon man, isinasaayos pa kung mayroon man. Yung akusasyon ng marami sa oposisyon na ang alam na lang gawin ay impeachment na lang nang impeachment, pagpapakita ito na hindi totoo yon, siniseryoso at responsableng ginagampanan ng oposiyon ang trabaho niya pagdating sa bagay na ito. Hindi ito isang karera ng kabayo o unahan lamang sa pagsampa, hindi ganoon dapat ang pananaw natin dito.

As chair of justice and human rights, have you seen the reports already that 40 enlisted military personnel detained at Camp Capinpin for their alleged involvement in the Feb. 24, 2006 failed coup attempt, and up to now no charges have been filed against them…

Nagpunta na roon si Senator Biazon, bumisita at inaasahan na ibabahagi niya sa aming komite ang kalagayan, kondisyon at legal na sitwasyon ng mag nakadetained doon, isng bagay ito na dapat pag-aralan ng committee on justice, yung karapatan ng ordinaryong sibilyan at yung karapatan ng akusadong sundalo na nasa aktibong serbisyo pa, maraming karapatan na aplikable sa isang sibilyan ang hindi aplikable sa isang sundalo na nasa active service pa kaugnay sa mga kasong naisampa laban sa kanya. Maski na sa ibang hurisdiksyon, sa Amerika o sa ibang bansa, mayroon din pagkakaiba yung pagtrato sa mga akusado at isang bagay na dapat i-address yan ng senado at Kongreso sa pangkalahatan.

They have not been charged…

I think they were charged, I think what happened was the recommendation was to dismiss the charges but the chief of staff reversed the findings in order that the charges be filed against them, if my recollections serve me correct ha.   Ni-reverse ng chief of staff, ngayon wala tayong batas kaugnay non, wala tayong rules kaugnay non, mas alam marahil ng inspector general yung ebidensiya kaysa sa chief of staff kaya dapat walang kapangyarihan ang chief of staff i-reverse yan pero butas sa batas natin yan at dapat nating tingnan at maglagay ng probisyon tungkol don.

 

News Latest News Feed