Press Release
October 17, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Okay lang daw kay Pangulong Arroyo na magconduct ng imbestigation ang PAGC (Presidential Anti-Graft Commission) tungkol sa bribery...

Wella una sa lahat anon a ba ang nangyari doon sa mga unang inimbistigahan at rekomendasyon ng PAGC. Ito ba ay nasunod, may ginawa ba silang aksyon kaugnay nito baka mamaya 'investigate' lang naman ito kung sak-sakali. Hindi ko rin alam kung saklaw ng kapangyarihan ng PAGC ang mga mambabatas o miyembro ng Kongreso at gayundin mga local na opisyal partikular na ang mga nabanggit na local na opisyal sa probinsya, mga siyudad at mga munisipyo.

Ombudsman pa rin ang sa tingin mo ang dapat mag-imbestiga?

Kung saka-sakali Ombudsman, kung saka-sakali AMLAC (Anti-Money Laundering Council) dahil kung ganong karaming pera ang ibinigay, magandang malaman sa AMLAC kung saan na-withdraw ang pera, sino ang nag-withdar ng pera, dahil ang threshold amount ng AMLAC ay P500,000. kung binigyan ng tig-da-dalawang daang libo halimbawa ang kada isa ay napakaraming tao doon at klarong lalampas yan ng P500,000 at dapat nareport at dapat nag-trigger ng red flag yun sa mga bangko. Pangalawa ay Ombudsman pa rin, alalahanin natin na yung limang daang piraso ng tig-iisang libo, yung mga serial number ng mga notes na yun, yung bundle ng mga notes na yun, yun ay ebidensiya na dapat pinipreserba at hindi puwedeng palitan ng panibagong limang daan para ipakita lang muli sa TV kung saka-sakali o sa media.

Naalala nyo yung panahon ni, yung sa EPIRA law, di ba may pinakitang P500, hindi naging � sa pagdokumento nong bills mismo, dapat ganon dito may imbentaryo yun kaya ang isa sa dapat ikonsidera at timbangin nina Gov. Panlilio at iba pang mga gobernador, gumawa ng sinumpaang salaysay, isumite halimbawa sa Ombudsman ang sinumpaang salaysay kalakip yung ebidensiya at yun ay ang mga serial number at yung actual na pera na ang total ay P200,000 at P500,000.

Kumpiyansa kayo naman sa Ombudsman na may mangyayari?

Hindi pero kailangan muna ng isang repository kung saka-sakali kung hindi man gampanana, gaya nga ng nasabi ko, ng Ombudsman ang trabaho nila, marapat na punuan ng Senado ang pagkukulang na yan. Isang rason yan o isang purpose yan ng mga pagdinig na ginagawa namin, paraan ang senate inquiry para mapreserba ang ebidensiya upang sa gayon ay magamit hindi man ngayon sa darating na panahon dahil ang testimonyang binibigay at sinumpaan number one, at yung ebidensiyang maaring maitago dito mismo sa senado.

Yung UNO magpa-file ng impeachment complaint...

Bagaman miyembro ako ng UNO, hindi ako bahagi sa usapin kaugnay sa pagdraft ng impeachment complaint diumano, at ayokong magsalita tungkol sa impeachment complaint ngayon dahil baka dumating at makaarting sa senado yun at maaakusahan akong nag-prejudge ang nasabing palnong pag-file ng impeachment complaint. Karapatan ng Kamara timbangin ang bagay nay an at gagalangin namin ano man desisyon nila sa bagay na yon.

The option actually is to let the first one, consider the first one or reject the present one or merge it...

Hindi na puwedeng i-consider yung pangalawa, kailangang sumakay na yung pangalawa doon sa una kung saka-sakali sang-ayon sa aming rules. Kung ang tanong mayroong bang kapangyarihan ang Kamara na baguhin yan, sang-ayon sa rules ng Kamara mayroon, puwede nialng dagdagan, puwede nilang bawasan yung charges depende sa kalalabasang imbestigasyon ng committee on justice. Kung maaalala nyo yung impeachment complaint ni Pangulong Estrada noon wala naman yung karamihan ng mga prinesentang reklamo dito sa senado yung mga isinampa nilang reklamo noong nasa sa Kamara de Representantes pa lamang. Maraming silang dinagdag nang makarating sa senado yung impeachment complaint kumpara doon sa iisnampa nilang version.

Your option is to attach the second as an amendment as part of the amended complaint?

Yes. Yung Jose Velarde wala pa yun doon sa House, pumasok yung sa senate na and yet pinayagan. BW lang yung sa House eh.

News Latest News Feed