Press Release
October 26, 2007

TRANSCRIPT OF PRESS CONFERENCE WITH
SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

Q: Ano ang masasabi niyo sa pardon?

SPMBV: Itong pag-pa-pardon sa dating Pangulong Estrada ay maganda para sa ating bansa at ako'y natutuwa na nangyari yan. Binabati ko ang ating dating Pangulong Erap Estrada sa kanyang paglaya at binabati ko rin ang Pangulo sa kanyang desisyon na magbigay ng pardon. Ito ay maganda para sa ating bansa. Ngayon, tayo ay makaka-abante na, maisasantabi na natin itong kabanata na ito at makakatulong ito ng malaki para sa paggaling ng sugat ng ating lipunan.

Q: You don't share the observation of some of your colleagues that justice may not have been served, that it may have been premature

SPMBV: Hindi ako nag-a-agree na premature yan, sa tingin ko long-delayed na nga. Kung natatandaan natin nagkasala ang pangulo sa Amerika hindi man lamang siya nakulong �C siya ay binigyan kaagad ng pardon. Sa Korea, ang kanilang Pangulo ay nakulong din ngunit isang taon lamang, at ang dating Pangulong Estrada naman ay nakulong ng anim at kalahating taon. Sa palagay ko ay more than enough na yan at maganda talaga sa ating bansa na tapos na ang kabanatang ito. Hindi ko naman inaasahan na lahat ay sasang-ayon dito subalit ako ay naniniwala na ang nakakarami sa ating mga kababayan ay matutuwa sa pangyayari na ito.

Q: May sulat kayo nina JDV kay PGMA para palayain na si Erap

SPMBV: Hindi ko alam kung ano ang kahalagahan no'n, alam ko na maraming nagta-trabaho para sa paglaya ng Pangulong Estrada pero sa pagkakataong ito ibigay natin sa Pangulong Estrada yan at sa Pangulong Arroyo lahat ng credit sa paglayang ito.

Q: Timing is suspect

SPMBV: Bagamat maraming nagdududa sa timing sa palagay ko yan ay hindi kasing-halaga ng pagpapalaya sa dating Pangulong Estrada. At yun namang hearing ay hindi pa tapos, at bagama't may mga nagsasabi ng ganyan, na ito raw ay itinama sa mga expose ni Joey de Venecia, naniniwala ako na hindi pa tapos yan, mahaba pa ang mga hearings na yan, at ang senado naman ay desidido na hanapin ang katotohanan sa isyu na ito.

Q: Magiging mahinahon ba o malamya ang mga oposisyon na bumanat

SPMBV: Sa palagay ko ang mga indibidwal na oposisyon ay kanya-kanya ang pananaw dito sa bagay na ito at hindi ako naniniwala na magkakaroon ng malaking pagbabago. Ayoko namang pangunahan ang iba lalo na yung malalapit kay Pangulong Estrada sa kanilang nararamdaman sa araw na ito at sa mga panahong ito at kung paano ang kanilang magiging pagtanggap sa pardon na ito. Pero dun sa iba na miyembro ng oposisyon na hindi naman ganung kalapit sa dating Pangulong Estrada, sa tingin ko ay walang pagbabago sa kanilang posisyon sa mga pangyayari ngayon.

Q: Re Joey de Venecia statement

SPMBV: Yun ay statement ni Joey de Venecia, mahirap tayong gumawa ng konklusyon ngayon �C mabibigat ang mga akusasyon at paratang na yon at ito��y isang malaking obligasyon sa komite na hanapin ang katotohanan. Yun naman talaga ang pakay ng ating imbestigasyon. At naniniwala ako na pagdating ng araw sa dami ng mga witnesses na naipapatawag ay palagay ko makikita natin kung totoo o hindi.

Q: Pag nakulong si PGMA papatawarin niyo rin?

SPMBV: (laughs) hindi ko alam, unang-una, kung ano ang mangyayari sa mga darating na panahon, mahirap manghula.

Q: Do you see it as a precedent?

SPMBV: Sa akin maraming kasamang mga bagay-bagay, pwedeng masabing precedence itong pangyayaring ito pero ok lamang, in fact ako ay naniniwala na hindi na dapat nagtagal ng ganyan yan. Kaya kung magiging precedent ito ay ok lang, wala naman akong nakikitang problema diyan.

Sa makabagong lipunan naman, sa developed countries, mas maluwag sila sa pagpapaikli ng sentensya napupuna ko sa Amerika halimbawa, mas mabilis silang magpakulong pero mas mabilis din silang magpalaya. Kaya sa mga mas makabagong lipunan, yan naman ang trend ngayon.

Q: Do you feel relieved?

SPMBV: Hindi naman relieved, ako naman, bilang kaibigan ng dating Pangulong Estrada, isa ako sa umaasa at naghahangad na siya ay makalaya na. Kaya nung malaman ko ang balita na yan siyempre ang aking pakiramdam ay gumaan at Masaya.

Q: Dapat ba si Neri mag-appear muli?

SPMBV: Dapat. Kaya lang hindi natin maiiwasan, ginagamit niya ngayon ang pagiging cabinet member bilang dahilan bakit hindi siya mag-a-appear. Siyempre kung nag-di-disagree ka at hindi ka sumasang-ayon sa sinabi ni Joey De Venecia, hindi lamang si Secretary Neri, dapat lamang na sinuman ang binanggit doon, kung hindi totoo yon ay walang masama na sila ay pumunta roon at ipaliwanag, at bibigyan namin ng pagkakataon sa senado ang sinumang gustong magpaliwanag ng kanilang panig �C buong puso namin silang iimbitahin.

Q: How about the Arroyo camp

SPMBV: Yan ay pag-uusapan sa komite yan, simple lamang ang policy ko bilang pangulo ng senado, na ako'y gumagalang sa ating mga komite at kung ano ang magiging pasya ng blue ribbon dito ay aking sasang-ayunan. Kung sino ang gustong imbitahin, wala akong problema don.

Q: Disclose first the info before referring

SPMBV: Hanggat maaari ay iniwanan ko ito sa mga chairmen. Kung kanila lamang hinihingi na ako ay makialam, kung hinihingi ng mga miyembro na ako ay magdesisyon, gagawin ko pero kung wala naman yan ay iniiwanan ko sa mga chairman. Sa mga committees natin, traditionally malaki ang paggalang pero pag may nag-question yung tradition hindi naman pwedeng sundin yan.

Q: Realignment sa senado dahil sa pardon?

SPMBV: Sa senado? Wala naman.

Ako naman ang posisyon ko ukol sa Pangulong Estrada ay consistent at walang pagbabago at hindi ako nag-aalanganin diyan sa aking statement tungkol sa pangulong Estrada.

Q: On Roxas asking SC to compel NEDA to submit NBN documents

SPMBV: Maganda yon, ako ay sumusuporta sa mga trabaho ng ating komite, kung ginawa ng trade yan ako ay sumusuporta. Kinakailangan kasi hindi natin pababayaan ang karapatan at katungkulan ng senado at sinuman sa committee ang sumunod diyan sa direksyon na yan ay suportado ko naman.

Q: Kung merong lesson na i-de-derive sa erap story ano yon?

SPMBV:Napakarami kasing leksyon na masasabi tayo diyan, at ang leksyon na yan ay kanya-kanyang indibidwal, lahat ng kasangkot o kasama dito sa kabanata na ito ay sundin nila ang kanya-kanyang lesson nila sa buhay at hindi tayo magkakaroon ng pangkalahatang lesson pare-pareho.

Q: What does it prove?

SPMBV: Magulo ang mundo.

Yung timing, naiintindihan ko yung inirereklamo ng iba nating kasamahan sa timing subalit kagaya ng sinabi ko kanina, yang aking pagtataka sa timing ay natakpan ng aking kaligayahan dito sa pagpapalaya sa dating Pangulong Estrada.

Q: Re NP trip

SPMBV: Lahat ng miyembro ng partido ay umattend. (Q: ano ang pinag-usapan niyo?) Unang-una ukol sa partido ang pinag-usapan namin, malapit na ang 100th year o centennial anniversary ng Nacionalista Party, at, by the way, lahat ng ginastos diyan ay pera kong sarili wala akong ginastos na pera ng gobyerno. Wala akong dapat ipaliwanag. (Q: San kayo pumunta?) sa Egypt. Sa Geneva muna bilang pag-attend sa IPU at yan ay tungkulin natin bilang Senate President at mga opisyales ng IPU taon-taon, at mga opisyales ng parliament ay umaattend, twice a year yan, at maski si SP Drilon walang absent diyan.

Q: Do you think NP will benefit from what's happening between Lakas and Kampi?

SPMBV:Lahat ng maliliit na partido mag-be-benefit diyan, so far may mga falling out diyan, baka gusto sa aming sumama ni Joe D V, welcome siya.

Q: You think Lakas will be dissolved?

SPMBV: Hindi naman. Palagay ko magkakaroon ng problema ang Lakas Party subalit hindi ako naniniwala na ito ay ma-didissolve siyempre hihina yan sapagkat ma-di-divide yan, magkakaroon ng loyalty check yan, kung ano ba ang isang congressman, Kampi ba o Lakas. By the way itong away ng Kampi at Lakas hindi naman tayo siguradong away ito ng partido, maaring away ito ng personalidad.

Q: Sinong mas maraming kakampi?

SPMBV:For so long as perceived na malakas ang presidente karamihan ng congressman sa presidente. Pag ang presidente ay perceived na hindi na malakas mawawala yan.

Q: Re bribery

SPMBV: Definitely ay hindi naman tama yan, kung nagbigayan ng ganon na parang kendi sa malacanang. I think titingnan natin sa senado yan, magkakaroon tayo ng imbestigasyon diyan, kung may aattend, pero hindi naman ako inclined na mag-imbita sa mababang kapulungan, maaring yung mga governors na nagsabi ay maimbita natin para naman mabigyang linaw itong insidente na ito.

News Latest News Feed