Press Release
November 6, 2007

TRANSCRIPT OF INTERVIEW
WITH SENATOR CHIZ ESCUDERO

On 2010 elections, ano ang magiging papel at plano ng NPC?

Hindi pa pinag-uusapan ng partido namin na NPC ang mga balakin o plano sa 2010 sa ngayon.

May coalition daw with admin.

Wala pa ring ganoong usapan, masyado pang malayo sap unto de vista ng NPC ang usapin kaugnay sa 2010 elections.

Hindi ka ba na-offend (na hindi napasama sa potential candidates)

Hindi.

May plano ka ba sa 2010?

Walang plano, merong pangarap at sino man siguro nandito sa Senado at sino man ang nasa politika ngayon palaging may pangarap at hindi naman sigurong pintasan din ng sinoman ang nangangarap lang, libre naman yun.

Ano ang pangarap nyo?

Lumaki nang maayos ang mga anak ko� Libreng mangarap, sino mang politico sa ngayon, nasa Senado man o nasa Kongreso, ang hindi nangangarap na mapunta sa pinakamataas na puwesto, siguro hindi nagiging tapat sa sarili niya , pero ang tanong mangangagasa ka ba ng tao, may aapakan ka ba para makarating sa ganyang uri ng pangarap o ambisyon.

Meron ba kayong nakikitang ganoong tao?

Wala at aykong husgahan sino man sa puntong ito. Dapat sa puntong ito asikasuhin namin an gaming trabaho at hayaan namin ang maing trabaho na nagawa o hindi nagawa ang gamiting basehan ng sino man sa pagpili sa mga darating ne eleksyon.

Ano ang tina-target nyo, presidency or vice presidency?

Mangangarap ka lang naman, eh di taas taasan mo naman, wala namang bayad yon eh.

So presidency nga?

Anim na buwan pa lang kami, wala pa nga nang mahalal, kung darating man yun darating, kung hindi mahaba pa ang panahon ko, hindi katuld ng iba siguro na mangarap pa.

Diretsong tanong, nagpaplano ba kami? Hindi. May plano ba kami? Wala. May pangarap ba o nasa likod ng utak? Oo at mahirap namang sabihing hindi totoo yun. May ginagawa ba kami para makuha at marating yon? Wala. Hahayaan namin ang trabaho namin ang magsalita para sa anumang kuwalipikasyong magkakaroon o meron kami kung saka-sakaling darating ang puntong yon. Pero sa ngayon sino mang nagsasabing sila ay tatakbo, hindi naman nakakasiguro dahil mahaba pa ang daan patungo sa 2010. Sino man ang nagsabing hindi siya tatakbo masyado pa ring mahaba ang daan patungo sa 2010 at maaaring mabago pa yon.

Yung hindi ma-eendorse ni Erap puwede ba silang mag-form ng Third Force?

Masyado na siguro malayo yan at yung posibilidad endless yan pagdating sa politika, pagdating sa pagkakaroon ng susuporta o di susuporta. Para sa akin saying lang ang usapin kaugnay nyan dahil mahaba pa masyado ang panahon at kung yan na lang ang pagtutuunan ng pansin maraming bagay na hindi na nating magagampanan dahil lamang sa ganyang uri ng pag-ubos ng panahon sa usapin tungkol sa 2010.

Sabi ni Kiko (Senator Pangilinan) ibasura na yung sa admin at sa opposisyon dahil mga bulok sila, mag form ng Third Force ang kailangan, sasama ka ba doon?

Ginagalang ko ang pananaw ni senator Pangilinan subalit sa kadulu-duluhan ang kagandahan sa sa isang demokrasya at halalan, one person, one vote, pagdating sa balota isang boto lang tayong lahat, majority leader ka man, senate president ka man, senador congressman, o ordinaryong teacher o driver tig-iisa lang tayo ng boto at doon magkakasubukan kung sino talaga at ilan ba talaga ang may gusto sa partikular na tao para manilbihan sa anumang puwesto.

Puwede kang sumali sa alternative force?

Ni wala nga yung pangalan ko sa tambiyolo eh..

Inamin na rin ng admin ns dehado talaga sila, like yung combination na Belmonte-Bong...

Isa siguro ang klaro sa puntong ito, sino mang isulong ng administrasyon sa 2010 palaging dehado, sa dami at haba ng listahan ng kasalanan at atraso ng administrasyong ito sa ating mga kababayan, sino mang itaas ang kamay o isulong nila klarong dehado sa 2010 maliban na lamang kung may malaking pagbabagong bigla sa ating bansa kaugnay sa pagganda ng buhay ng mga Pilipino.

Sa dami ng nasa tambiyolo baka maging disadvantage ito sa opposition at magkakahati-hato na naman kayo like what happened in 2004?

Sa paniniwala ko, dahil wala namang nakaupong tumatakbo, yung isyu ay papalayo na sa oposisyon o administrasyon ito ay patungo na sa kuwalipikasyon, plano at puwede at kayang gawin ng mga kumakandidato. Maraming tatakbo siguro mula sa oposisyon, marami ring tatakbo mula sa administrasyon, may tatakbo ring nasa gitna, dahil pagdating ng 2010, ang isyu naman talaga dapat hindi sa oposisyon o administrasyon ang isyu. Ang isyu sino ba yung tumatakbo, ano ba ang kuwalipikasyon niya, may plano ba siya sa ating bansa kung siya nga ang maluluklok sa puwestong yon.

You're also dreaming about the presidency, how prepared are you to lead the country in 2010 at anong klaseng presidency ang dadalhin mo sa Malacanang?

Sa ngayon hindi, at wala namang ding sigurong kuwalipikado at handa na amging presidente sa ngayon, kung babalik tanawin natin ang kasaysayan wala naman tayong naging presidente na nakapaghanda bago siya naluklok sa puwesto at yun siguro ang dapat pagtuunan ng pansin ng sino mang nagbabalak sa 2010. Maari ba ngayon pa lamang mag-aral na, magplano dahil pag sila ay naupo na roon, wala na silang panahon na mag-aral pa, umupo at tumingin sa labas ng bintanang kinauupuan nila para kumuha ng perspektiba at alamin kung ano talaga ang dapat gawin. Kadalasan kung titingnan natin ang kasaysayan, sino man ang naupo, pag-upo niya marami nang tarabahong dapat gawin, maraming isyu ang kailangang sagutin at wala na siyang panahon na mag-aral pa at alamin kung ano ang dapat gawin. Yung ang dapat pinagsasanayan, yun ang dapat na ginagawa marahil sa ngayon ng mag nagpaplanong tumakbo sa 2010 sa anuamng puwesto.

Kayo sir nag-aaral na kayo?

Nag-aaral kami para sa aming trabahong ginagampanan at para sa puwedeng magamit na impormasyon ng sino mang maluluklok sa 2010. Para sa akin o para sa ibang tao man, dapat mag-aral ang mga nasa gobyerno sa ngayon.

On impeachment, may pag-asa pa ba?

Desisyon ng Kamara de Representantes yan, sang-ayon sa rules ng Kamara, kung ang kanilang ginamit ay rules nong 11th Congress at sa palagay ko yun pa rin ang rules na umiiral sa ngayon dahil hindi namana nila nabago, una puwede ang creeping impeachment kung saan bagaman walang pirma sa simula puwedeng magkaroon ng pirma sa kalagitnaan tulad nang nagyari kay Pangulong Estrada. Pangalawa puwedeng madagdagan ang mga akusasyon at charges kung yan ang magiging desisyon ng justice committee sang-ayon din sa ginawa at nangyari sa impeachment case ni pangulong Estrada. Precedent nang maituturing yon at basehan ng maaring gawin ng Kamara tungkol ssa bagay na ito.

Ang latest ito ay isinauli na raw dahil walang nag-adopt reklamo?

Pagdedesisyunan pa yun dahil yung pagbabalik ay hindi naman yata sang-ayon sa botohan mismo sa committee on justice. Bagay yon na maaring i-take up sa committee on justice at kung may mag-bring up non puwede pang mabago pa yung pasyang yon ng chairman lang yata kung hindi ako nagkakamali.

So kailangan pang pagbotohan yon?

Sa paniniwala ko kailangan dumaan sa committee on justice, kahit naman dito sa senado hindi puwedeng magdesisyon lamang ang chairman nang hindi kasama ang committee, siya ay presiding officer lamang ng komite at dapat yung komite ang bomoto kung ano ang gagawin at kung paano ang gagawin nila sa mga reklamong isinampa.

Hindi pa patay ang impeachment?

Hanggat walang boto at desiyon ang committee on justice hindi pa pinal kung ano mang aksyon ang ginagawa nila sa ngayon at hanggat wala pa ring boto ang plenaryo na puwedeng i-reverse ang finding ng committee on justice, hindi pa rin final ang ano mang ginagawa nila sa ngayon.

Sa tingin nyo yung pakikipag-ayos ni FVR kay GMA dahil doon wala nang pag-asa ang impeachment?

Hindi ko kabisado ang politika o impluwensiya pang pinanghahawakan ni dating Pangulong Ramos pero huli kong tiningnan wala namang umaaming nag-away sila. Sunod kong nabalitaan nag-ayos na daw sila eh nag-away ba sila to begin with. Pangalawa yung kanialng pag-aayos ano ba yung batayan o terms of preference kugn meron man. Klaro ang isang bagay, wala sa interes ni GMA, wala rin sa interest ni FVR na mag-away away sila. At kugn sila man ay nagkasundo ngayon ang batayan lamang niyan ay personal na interest ng bawat isa at hinahanap ko pa yung basehan na interest ng bayan ang dahilan kung bakit hindi na sila nag-away away, nagkasundo at para sa ano, hindi ko rin alam.

Hindi kayo naniniwala na may gap o rift?

Wala sa kanialng umamin pero nang biglang nagkasundo inamin na rin nila na may problema sila nong nakaraan. Ngayon ibabalik ko ang katanungan ito ba ay pagkakasundo sa mas nakatataas na interest ng sambayan o itoy pagkakasundo para sa interest ng bawat isa sa kanila o political survival ikanga.

Binatikos ni FVR yung pardon kay Erap?

Binawi na ba nya yung sinabi niya o hindi pa o baka ibinulong na lamng yung pagbawi ang sila ay nagkasundo, hindi ko rin alam.

Si Joey de Venecia hindi nyo na ini-expect na dadalo sa ZTE hearing?

Kausap ko kahapon si senator cayetano may balak pa yata silang isa o dalawang pagdinig bago i-wrap up at makuha ang lahat ng impormasyon para makapaglabas ng committee report. So dalawang pagdinig nay an o isang pagdinig na yan inaasahan namin si Ginoong De Venecia ay dadalo pa rin at siya ay patuloy na iimbitahan pa rin.

Hindi ba umalis na siya at ang sabi yun daw ang kapalit?

Ang alam ko nanood lang siya ng concert sa ibang bansa at babalik pa rin siya para dumalo ng hearing.

Kung hindi siya bumalik?

Depende kung may kailangan pa rin talaga sa kanya ang komite, sa puntong ito hindi ko alam kung may maitatanong pa sa kanya ang komite, maski na noong nakaraang hearing wala namang masyadong naitanong sa kanya.

Hindi ba paarng nagamit lamang ang Senado...

Sa puntong ito ayoko munang husgahan ang bagay nay an, aantabayanan ko ang findings ng komite kung supisyente na nga ba o kung may magagami para makapagpanukala ng batas. Ang paggamit sa senate siguro kung sa kanyang pagpapakita sa senado iba na namang ang kuwento o may dagdag na namang kuwentong ibibigay. Yun yung tila hindi ko nagustuhannong nakaraang hearing, may pagkakataon naman siya na sabihin lahat noong una pang hearing, na-installemnt pa kami at sinabing yung ibang alam niya sa sumunod pang mga hearing, sayang wala na si Neri.

May epek ba yung sa credibility niya?

Hindi ko pa makita o mahusgahan ang bagay na yan pero nang tanungin nating kung bakit hindi yun nasabi noong una, natural at normal na tanong yon.

Pati kayo may doubt sa kanya (Joey de Venecia)?

Doon lang sa aspetong yon, partikular doon sa pangalawang mga bagay na sinabi niya, dahil puwede naman niyang sabihin nong una, pede namang masama sa affidavit yon, hearsay man yung nilalaman at least yung fact na sinabi sa kanya puwedeng nabanggit na yon, that such conversation took place can be admitted in evidence, pero kung totoo man yon o hindi yun na yung hearsay. Sana (binuhos na lahat noong una pa).

On looming oil crisis, may proposal ibaba yung tariff sa imported oil...

Ginawa nang estratehiya ng pamahalaan yan noon at umumbra, sa ilalim ng batas may kapangyarihan ang pangulo na ibaba at tariff or duties na ini-imposed sa partikular na mga commodities, magandang estratehiya yan kaya lang masyadong nag-iingat naman yata ang Dept. of Finance na maging revenue neutral daw ito, ibig sabihin gagawin lamang nila kung walang epekto sa revenue na pumapasok sa gobyerno. Para sa akin maski na sa short term, maski na maging negative pa ito o magkaroon ng negative impact sa revenue ng gobyerno marapat na gawin pa rin nila para naman medyo lumambot lambot din naman ang landing ng pagpalo ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga darating na buwan at linggo bugso nang mataas na presyon sa pandaigdigang merkado.

May kahilingan si President sa Senate at Congress na i-amend ang Epira law to bring dwon the cost of gasoline...

Pag-aaralan namin nang husto yan dahil nong huling ipinasa yung Epira ng mag nagdaang Kongreso. Noong unang naluklok sa puwesto si Pangulong Arroyo, pinangako nila sa atin na ang Epira ay magdudulot ng pagbababa ng presyo ng kuryente. Nangyari ba yon? Limang taon na ang nakalipas imbes na bumaba ang presyo ng kuryente pataas p arin nang pataas. Itong amendment na ito dapat pag-aralan kung saka-sakali nang husto dahil baka imbes na bumaba, lalo na namang tumaas. At kugn seryoso ang pamahalaan na pababain ang presyo ng petrolyo ang dapat naming i-review ang oil deregulation law at hindi yung Epira law.

Kayo ang mag-iinitiate ng review?

Yon ang sinikap naming gawin sa Kamara noon, sa ngayon pina-finalize pa namin yung bill anng pag-review ng oil deregulation law. Inaayos pa lang, pina-finalize.

Hindi ko alam saan mare-refer, malamang trade eh. Sa House dati (Sen. Escudero initiated the review). Kasi may mga pagbabago eh.

Galing kayo sa House, sa tingin nyo nasa survival level na ba si JDV?

Sa tingin ko ano mang unos na nalampasan na ni JDV, nalampasan niya pansamantala hanggang matapos ang impeachment, kung magkakaroon man ng nagbabago sa Kamara pagkatapos na ng impeachment yun.

From within the admin din yun (installing new Speaker if ever). Clearly the minority, the opposition cannot generate enough members to install as Speaker. Palaging galing sa administration yon.

Ano kaya ang magiging grounds nang pag-alis ng Speaker?

In the House very much in the senate it's only a simple vote of no confidence, on any session day, any congressman can stand up and ask for a vote of confidence or no confidence in regards to the Speaker.

-Yung paghabol kay Bedol moro-moro lang?

Hindi ko maintindihan yun eh, yung concept na citizen's arrest is contrary to an order eh, kaya nga citizen's arrest eh. Tao ang huhuli, hindi mo oorderan yung taong manghuli at sa totoo lang sampal yan sa pulis, sampal yan sa Comelec hindi nila ma-enforce ang sarili nilang order, at oorderan pa nila ngayon yung tao na agwin yung trabaho nila, eh paano na yung suweldo na ibinibigay natin sa kanila.

On forfeiture of Erap's assets...

Korte dapat magdesisyon noon kasi ang mangyayari sa forfeiture kung magkano yung award hahabulin muna yung asset na nakapangalan doon sa award. Kung kulang yun, yung balance kukunin sa personal properties pa niya. Depende sa amount eh, hindi ko nabasa yung Sandiganbayan decision kung property specific o amount. Yung award monetary value, hindi specific asset kasi kung specific asset Boracay (masion) eh di kuha nay un, pero kung may monetary award yung Sandiganbayan ibig sabihin kung kualng yung mga assets na na-identified pedeng kunin yung ibang assest at properties niya kung hindi niya kayang bayaran.

So hindi na isyu kung nakuha niya yung assets bago pa maging presidente?

Hindi dahil monetary yung award, meaning fixed amount yung award, hindi specific to a property, hindi sinabing yung Boaracay mansion, yung ganitogn property, yung ganitong property, hindi. Pera, peso value yung award eh, so hanggat hindi nasa-satisfy yun, kukuha sila ang kukuha.

So naisahan si Erap sa pardon sa kanya?

Hindi ko alam. Diskarte yun ng mga abogado niya yun at alam naman nila siguro yun bago pa man.

News Latest News Feed