Press Release
November 7, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (DZMM)

Naipasa na po finally sa Senado ang Cheaper Medicine Bill. Yun pong counterpart nito sa Kamara, mukhang mabagal.

SPMBV: Busy siguro sila sa impeachment at sa ibang usapin ngunit baka pagkatapos ng mga gusot ay maharap na nila itong Cheaper Medicine Bill. Isa iyan sa mga naipasa namin kahapon kasama ng iba pang panukala na pinapaspasan namin bago mag-pasko. 8 yung pinagtibay namin na panukala. Pasado na rin yung kasambahay bill; pagtulong sa maliliit na mga negosyante at iba pang mahalagang panukala.

Itatakda po ba ng gobyerno ang presyo ng mga gamot lalo na ang mga antibiotics sa Cheaper Medicine Bill?

SPMBV: Posible. Kaya nga nagtatagal ang usaping ito dahil iba ang bersyon ng mababang kapulungan. Ako personally ay nakahanda na magtakda ng limitasyon.

So may control and regulation sa mga medisina?

SPMBV: Yung mga importante lang na gamot siguro. Madali namang ma-identify kung ano ang mga gamot na iyan.

Mapapagtibay na ba ng Senado ang 2008 Budget bago mag-pasko?

SPMBV: Matatapos namin ito bago mag-pasko. Pipilitin naming mapagtibay ito lalo na kung maibibigay agad ito ng Kamara sa Senado. Mas maganda ang 2008 Budget. Mas kumpleto. Assuming na maipapasa namin ng buo, makapagbibigay ito ng mas magandang benepisyo sa mamamayan bagama't titingnan muna namin ang bawat item.

May ahensya ba ng gobyerno na tinapyasan ninyo ng budget?

SPMBV: Wala pa. Ni-review na namin ang budget actually habang hinhintay namin na pormal itong mai-refer sa amin ng Kamara.

End of interview

News Latest News Feed