Press Release
December 3, 2007

Transcript of interview with Senator Richard J. Gordon

SEN. GORDON: well, sa tingin ko dapat maimbestigahan ng Senado ang kahinaan ng pulis sa pagsugpo doon sa paglapit ni Trillanes doon sa Peninsula - it took them over an hour and a half - so dapat maipaliwanag ng pulis kung bakit hindi nila na para iyon kaya umabot pa tayo sa Peninsula� Pangalawa, dapat meron tayong engagement, tulad nang sinabi ko last week sa Geneva, na ang media, ang AFP, at PNP, pagka may mga ganyan ay napagusapan na kung ano ang rules of engagement, para sa ganoon hindi nadedelikado ang media at hindi din nadedelikado o nalalagay sa alanganin yung media o yung pulis lalo na kapag nagkaroon ng putukan kaya napakahalaga niyan. Pangatlo, I'm not here to ask for his removal from the Senate. I think Senator Trillanes has disgraced himself enough, na inulit na naman niya ang pangyayari na ito at ang damage sa ating bayan ay napakalaki. I was in Geneva, at kasasabi ko pa lang sa Geneva, doon sa aming convention, na ang Pilipinas ay mayroong tatlong typhoon, meron kaming nirereskyung barko na nawawala ang mga tripulante, mayroon kaming hinahanap na dalawang piloto, mayroong kaming earthquake, mayroong kaming ocean surges sa Zamboanga tapos the following day dumagdag itong manmade disaster at nakati sa BBC, sa CNN at sa lahat ng telebisyon doon ang hindi magandang pangyayari sa ating bansa na nagsasabi sa akin ang mga tao doon na maganda na sana ang takbo ng ating ekonomiya, eh ngayon masesetback na naman pati ang tourism natin.

REPORTER: Dapat po bang imbestigahan si Senator Trillanes?

SEN. GORDON: hindi na kailangan imbestigahan dahil may warrant of arrest na siya sa husgado at sigurado may kaso na iyan, so hindi na dapat kami makialam diyan. Ang dapat imbestigahan ay iyong kabagalan ng pulis na umaksyon agad mula sa Makati hanggang ditto sa Peninsula at iyong pag handling ng Media. Si Trillanes eh kahiyahiya ang ginawa sa kanyang sarili at ang Senado ay hindi na dapat siya patulan sapagkat siya ang nagkamali, hindi naman kami ang nagkamali.

REPORTER: Sa tingin niyo ay overkill iyong ginawa ng pulis?

SEN. GORDON: overkill, ah naging overkill dahil nakapasok sila sa Peninsula at mahirap pasukin iyon kaya siguro kailngan magpakita na resolute iyong pulis kaya binangga iyong mismong gate ng Peninsula para matakot na talaga iyong nagtatangka sa ating gobyerno. Pero hindi dapat umabot iyon kung hinarang nila nung patungo palang sila Trillanes sa Peninsula. Nakikita naman sa TV na may mga baril eh, kaya pala mabagal minsan ang mga pulis king may bank robbery, eh ito naka TV hindi pa nila napuntahan - isang oras naglalakad ang mga tao hindi pa nila napuntahan.

REPORTER: Sa palagay niyo may pananagutan si Mayor Binay?

SEN. GORDON: well, hindi ko muna iniisip iyan. Ang iniisip ko muna ay law enforcement pulis ang dapat humawak niyan at dapat magpaliwanag ang pulis sa Senado kung bakit hindi sila nakapag alalay kaagad at pati iyong paghandling ng Media medyo dapat nakapalan ng konti doon. Pero hindi mo rin maalis kasi gusto din ng pulis na masiguro na iyong mga tao ay hindi nagpapanggap na media dahil kaguluhan na iyan eh at kapag may mga okasyon na ganyan baka magkaputukan. Iniilagan ng Pulis na may mabaril sa media. At dapat ay alalahanin din ng pulis na ang media ay may katungkulan at may kailngan silang ipamahagi sa publiko kung ano ang nangyayari kaya dapat meron silang usapan lagi hindi lang minsan kundi twi-twina naguusap ang KBP, Press Club at saka ang Pulis at AFP.

REPORTER: Does Trillanes deserve what he is getting?

SEN. GORDON: I think they should throw the book at him. My own� nakasama siya sa ating bayan. But I don't think he should be expelled by the Senate sapagkat nakita na iyong kanyang ginawa. He is already disgraced sa publiko eh. Pero dapat din magpaliwanag din ang pangulo na dapat maging transparent din ang kanyang gobyerno at dapat tugunin niya ang mga accusations na may corruption ang kanyang gobyerno. Iyon din ang sinabi ko sa London, ng ako ay ininterview ng London tele[?] na dapat magpaliwanag din ang pangulo, na dapat maiayos niya iyong mga allegations ng corruption sa pamahalaan, kung sabagay, hindi lang naman siya ngunit lahat ng presidente mayroon niyan pero nadadagdagan ng mga ganitong klaseng panggugulo at nagkakaroon ng bala itong mga nanggugulo.

REPORTER: Curfew?

SEN. GORDON: well ako sa totoo lang, ayoko ng curfew, hindi dapat nangyari iyon. Pero siguro may hinahawakan din sila na dahil may attempt na ganyan lalo na at may activity the following day, nalalaman ng military police na may mangyayaring curfew. I would have advised them na dapat nag-meeting muna ang Senate President, ang Speaker of the House, ang ating Presidente bago nagpalathala niyan para naliwanagan ang tao kung ano ang ibig sabihin ng curfew.

REPOTER: may nilabag po ba ito sa Constitution?

SEN. GORDON: well, this is an emergency. The President can always say that there was an emergency going on. Thank you.

News Latest News Feed