Press Release
December 3, 2007

Transcript of interview of Senate President
Manny Villar (Erwin at Doris B.)

Q: Ano pong reaksiyon ng Senado? Magandang umaga Sir!

SPMBV: Magandang umaga.

Q: Ang ganda ng komersyal nila Senator, yung Nacionalista Party. Very precise and direct to the point Mr. Senate President.

(Laughing) . . . .

Q: Anyway, Mr. Senate President, may mga headlines po sa mga diyaryo ngayon na yung abs-cbn nga raw ay iimbestigahan at walang katapusan po itong isyu tungkol sa media doon sa mini rebelyon ni Trillanes. At pagkatapos ay ang tanong lamang po namin ay may magagawa po ba ang inyong tanggapan partikular na po kayo para makatulong po sa aming trabaho? Ginagawa lang naming ang aming trabaho, makakasuhan ka na, mali-libel ka pa nang kung anu-ano. Ano po ba ang pwedeng dapat gawin ng Senado?

SPMBV: Kami naman ay talagang nag-iimbestiga lamang at nagbibigay ng mga appropriate na rekomendasyon. At yung nangyari sa media ay kung merong mag-fifile ng resolusyon niyan, dahil maraming nagsasabi sakin na gusto nilang magfile ng resolusyon para tignan itong nangyari sa media na sa aking palagay ay talagang hindi naman tama. At pati yung sa curfew ay hindi din naman talaga tama, Ito'y mga dapat tingnan na mga bagay-bagay Bukod dun sa isyu kay Sen. Trillanes, hinihiwalay namin ang isyu ng media at hinihiwalay din namin ang isyu pa rin ng curfew.

Q: Meron po bang pag-asa o meron po ba kayong tinitingnan na resolusyon para makastigo itong si Trillanes gaya po nang hinihingi ng iba?

SPMBV: Ang sa akin ay hindi ko naman mapipigilan ang sinumang magfile ng resolusyon at ang sa aming sistema naman sa Senado, basta't may magfile ng resolusyon ay obligado kaming pakinggan yun. At kung magfifile si Sen. Miriam ng resolusyon, ay obligado kaming pakinggan yan. Hindi ko nga lang masasabi na yun ay may progreso dahil pagdedebatehan pa yan sa ating "Rules Committee" na kung saan ay idedetermine kung itutuloy ba o hindi.

Q: So ngayon ho ay sinisilip niyo kung ano ang medyo nalabag ni Trillanes doon sa inyong mga batas sa Senado?

SPMBV: Ang sa amin kasi, personally doon sa mismo sa kaso ni Sen. Trillanes, siya ay pinag-uusapan na sa Supreme Court at nililitis na rin siya sa military, sa judiciary tungkol sa kasong rebelyon, ayaw na talaga naming sumali diyan. Maliban na lamang kung ang mayorya ng Senado ay magpapasya na ituloy sapagkat wala naman kaming kakayahan para mag-imbestiga ng mga detalyado sa mga bagay na mga ganyan. Kaya mas gusto ko Judiciary na lamang ang magtuloy ng trial nay an at sila na rin ang magdetermine kung talagang kakasuhan nila si Sen. Trillanes kung ano ang kanyang nalabag at kung nilabag nga ba niya ang rebelyon.

Q: Mabalik po tayo doon sa media at curfew, may magagawa po bang paraan, tayo, kung papaano maiiwasan itong muli kung magkakaroon na naman nang another mini-rebelyon kung sino mang grupo ang mga iyan? Na hindi na napoposasan ulit ang mga media, na hindi kaagad magsasagawa ng mga curfew. At marami pong mga nagtatrabaho sa gabi, naghahanapbuhay na naapektuhan dahil doon s aisang gabi na curfew?

SPMBV: Yun ang gusto naming mangyari, ayaw namin na wala nalang kikilos dito. Sapagkat pagka iyon ay namihasa, pagka di tayo kumibo, di tayo nag imbestiga, di tayo umangal, e baka maging standard operating procedure na iyan, at yun ang ayaw naming mangyari.

Q: Alright. . . Maraming salamat po Mr. Senate President Manny Villar.

SPMBV: Maraming salamat. . .

News Latest News Feed