Press Release
December 4, 2007

Transcript of interview with
Senate President Manny Villar

Q. there are fresh attempts to curtail civil liberty?

SPMBV: well iimbestigahan namin yang nangyari sa media. Dahil kami nababahala dyan. Di pa nangyayari yan na napoposasan yung media. Nagkakaroon ng ganyang klaseng pag-aresto. At sinabayan pa ng pag-impose ng curfew. Talagang tong dalawang nangyari na ito ay nakakabahala at baka ito ay maging standard operating procedure pag tayo ay hindi nagreklamo. Kaya, dito, hindi lamang imbestigasyon, kundi titingnan din naming kung ano ang magagawa ng senado dito. Ito bang nakakaraan na panahon, ang senado ay nangunguna sa pagtatanggol sa ating karapatang pantao. Napakadalas naming dumulog sa supreme court, at wala kaming problema na gawin muli iyon kung kinakailangan. Pero, ang maliwanag, hindi naman tayo dapat tumanggap ng ganyan basta-basta na lang.

Q: serving notice to the palace on the use of those powers?

SPMBV: well, ang ayoko lang ay yun, nais kong manawagan at magsabi na hindi kami papayag dyan. At gagawin namin ang lahat para kontrahin namin yan. Dahil sa hindi kami naniniwala. Ako, personally, hindi ako naniniwala na yung pag-impose ng curfew ay legal at pag-aresto sa media. Ngayon lamang nangyari yung dalawang bagay na yan. Nakakatakot, pero ngayon hindi tayo kailangang magpakita ng takot. Mas lalo pa ngayon na dapat ipakita natin na tututol tayo dyan, para hindi na maulit muli.

Q: investigation before Christmas break?

SPMBV: well, maaaring before Christmas break, at tinatapos lang natin itong budget. At ang gusto kasi natin magkaroon ng objective assessment sa nangyari, bago simulan yung imbestigasyon. Pero, malayo pa naman. Merong dalawang linggo pa tayong nalalabi para magkaroon ng imbestigasyon bago mag-adjourn para sa kapaskuhan.

Q: can you say na harassment ang ginagawa nila sa media?

SPMBV: sa palagay ko ay tinatakot ang media dito. Unnecessary yung nangyari na yun at sa palagay ko ay parang ipinapakita sa media, na hindi namin kayo sasantuhin.

Q: investagation...

SPMBV: well, unang-una nakakulong na yung si Sen. Trillanes, at kaya mahirap namang sabihin na light yun, di ba kaya nga nagkakaso para makulong. nakakulong na nga. pangalawa ay gusto lang naming magkaliwanag muna kung ano nangyari. Hindi nangangahulugan na hindi namin iimbestigahan yan. Ang sinasabi lang namin, iimbestigahan namin yan pagtalagang kalmante na ang kapaligiran at alam na natin ang saktong nangyari. Hinhintay namin ang mga bagay nayan, para magkaroon kami ng tamang perspektibo at pagtingin dito sa kaso ni Sen. Trillanes.

Q:.summon Sen. Trillanes?

SPMBV: well, dito sa imbestigasyon sa ethics, yan ay normally karapatan ng committee kung gusto nila ipatawag si Sen. Trillanes. Bagamat hindi naman sila talaga required na gawin yan. Pwede sila gumawa ng decision maski na hindi pinapatawag si sen. Trillanes, or pwede nilang gawin sa kulungan. Yun ay nasa pagpapasya ng committee on ethics, hindi ko maaaring pangunahan kung ano ang magiging kapasyahan ng ating chairperson dun sa ethics na yan. Pero, personally, naniniwala ako na dapat bigyan ng pagkakataon si Sen. Trillanes. At sa palagay ko yun naman ang mangyayari kung saka-sakali na kami ay aabot dyan, hindi naman pwede na hindi pakikinggan si Sonny Trillanes sa isyu na yan.

Q: pwede rin naman po na idismiss kaagad ng committee without conducting hearings?

SPMBV: pwede rin. Pwede ring madismiss yan. Pero, ang inclination ko ngayon ay hindi bigyan ng prayoridad ito. Baka mga next month na lamang. Sa kadahilanang hindi pa pumapasok lahat ng impormasyon at gusto nga namin na mawala muna tong mga emosyon sa isyu na ito, at dahan-dahan tayo. At pagtingin natin dito, tamang perspektibo at tamang pananaw na.

Q: dun sa byahe ni Pangulong Arroyo sa Europe, maraming criticisms na sinasabi na sa dami ng mga kongresista na kasama. Ano po ang inyong view dun?

SPMBV: sa akin marami kasing panukala na naghihintay ng approval. Marami tayong inapprove dito sa senado, na sana ay maaprubahan ng mababang kapulungan. At sana wag sila masyadong magtagal dun para maihabol pa nila to. Pero syempre, kailangan ipaliwanag din kung san nanggaling ang pera. Talaga namang kung galing sa kaban ng bayan yun, ay nakakalungkot yan. Hindi naman tama yan.

Q: hindi ba madedelay yung budget dahil yung ibang sponsor na senator sumama kay president?

SPMBV: hindi naman, Ang budget ay tumatakbo maski na meron tayong mga senador na umalis.

Q: yung cheaper medicine bill nakasalang sa House?

SPMBV: isa yun sa mga nakasalang at siyam pa yan. Napakaraming mga panukala na kinakailangang maaprubahan na. Na maaring madelay dahil dyan, kaya sana ay bumalik kagad yung apatnapu na yan.

Q: sino lamang po ba ang mga dapat na kasama dyan? Bakit?

SPMBV: normally, dapat president lang talaga yan.

Q: walang kongresista nga?

SPMBV: hindi naman parliamentary conference yun...hindi naman, sa senador ay ayoko, ayoko namang anuhin. Di ko alam kung sino ang nagbayad, at ayoko ring pangunahan yung aking mga kasamahan sa mababang kapulungan. Mahirap naman yun. Ang sinasabi ko lamang, mahirap ipaliwanag kung gaano kalaki, ang forty na yan at kung sinong ahensya ng gobyerno ang nagbayad nyan.

Q: delayed na yung budget?

SPMBV: hindi pa delayed ang budget. On time naman yung budget dahil na sa amin yun, at minamadali natin.

Q: did you authorize funding for the travel of the three senators?

SPMBV: Hindi naman. Sa senado naman, kanya-kanya ritong gastos.

Q: sir, naghahanap ng investor, hindi ka natutuwa?

SPMBV: hindi naman...Baka naman makahanap sila

Q. on CA

SPMBV: Basta maipapaliwanag nila ang kadahilanan kung bakit sila dapat maconfirm. Ok lamang naman yun. Wala naman kaming intensyon na magblock unnecessarily ng sinuman. In fact, ito ay gusto namin ipakita na kami naman ay ginagawa namin ang trabaho namin, at hindi kami nakikipag-away kahit kaninuman. Basta kung legal naman yung kanilang position, at nagagawa naman nila yung requirement nila, iko-confirm namin sila.

Q. Gonzales sir?

SPMBV: maski sino. basta naman kumpleto sila, at mayoriya ng commission on appointments members ay gusto sila, aaprubahan namin.

Q: may opinion kayo sa pagkaka-appoint sa supreme court ni Justice de castro? Kasi sya yung nag-convict kay erap.

SPMBV: masyadong pangit yata yung timing. Sapagkat right after the decision, ay na-appoint na sa supreme court. At ito naman ang sinasabing kadahilanan kung bakit nagkaroon ng ganuong verdict kay dating pangulong Erap Estrada. Kaya, bagamat wala namang illegal dyan, at karapatan ng pangulo yan, at karapatan naman ni justice na tanggapin yan, wala tayong masasabi dun sa legality nyan. Yun lamang timing, medyo parang hindi maganda tingnan. Parang reward ang dating.

Q: is it for the president to reward...

SPMBV: hindi naman, ang sinasabi lamang, hindi maganda tingnan. syempre may mga katanungan na kung subjective ba yung decision na yun, at kung biglang may reward kaagad, ay parang hindi maganda. (end of interview)

News Latest News Feed