Press Release
December 11, 2007

TRANSCRIPT OF INTERVIEW
WITH SENATOR RICHARD GORDON

REPORTER: Sir, reaction n'yo dahil binubuhay na naman ang cha-cha?

SEN GORDON: Well, sa tingin ko hindi naman kumagat 'yun isyu sa Cha-cha sapagkat unang-una ang dami-daming isyung pinag-uusapan ngayon na mas mahalaga kaysa d'yan. Pangalawa, hindi malaman kung anong agenda ang ipinapakita nila. Kaya lahat ng cha-cha ay namamatay sapagkat pinagbibintangan na ang agenda nito ay para lamang doon sa mga humihingi ng cha-cha at hindi para sa tao. Kaya sa tingin ko hindi kakagatin iyan ng Senado. Hindi rin naman iyan kinagat LEDAC meeting yan kanina. Maski isang banggit sa cha-cha ay hindi pinag-usapan.

REPORTER: So na-isnab sa LEDAC?

GORDON: I think ilan lamang ang mga taong may agenda d'yan at nananaginip na magkaroon ng cha-cha pero hindi naman nila sinasabi kung ano ang babaguhin nila sa Konstitutsyon so talagang pagdududahan sila ng tao.

REPORTER: Sir, hindi ninyo sisilipin sa komite ninyo? hindi ninyo pag-aaksayahan ng panahon?

GORDON: Well, wala pa naman dumarating sa aking komite. Titingnan natin kung ano ang nilalalaman ng kanilang bagong proposal. Si Vic Ortega ngayon ang Congressman doon, kasama ko yan sa Con-con. Tingnan natin kung may bagong siyang ihahain pero sa tingin ko hindi ito ang priority ng administrasyon dahil dumalo ako sa LEDAC meeting at wala akong nakitang sinabi ng administrasyon tungkol doon sa cha-cha. To me it should be an issue in 2010 and all those who want cha-cha should speak up on 2010.

Hindi ako masyadong hot d'yan dahil tulad ng sinabi ko marami talagang pag-uusapang ibang bagay. Pero kung ipapakita nila talaga yun tunay na agenda, yan may pag-uusapan na pero right now wala pang maipakita.

News Latest News Feed