Press Release
December 12, 2007

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH
SENATOR RICHARD GORDON

REPORTER: Sir, sinasabing si PGMA daw ang most corrupt na naging leader ng bansa?

SEN. GORDON: Perception 'yan dahil siya ang "now showing". Kung seguro si Marcos ang now showing ngayon ay sasabihin na siya ang pinaka-corrupt. I am not trying to defend her pero it's not a fair question. Para bang halimbawa, sino ang malakas? Sasabihin nila malakas si Sen. Loren, malakas si Sen. Manny Villar, malakas si Chiz Escudero at Lacson, bakit? Katatapos lang ng kampanya so sila ang malakas. Sila ang now showing. Pero ano ang basehan para sabihin yan? Kay Marcos may pruweba. Kay President Estrada ay may pruweba di ba? Kapag tinanong ninyo 'yan sa future time when there is another president, mag-iiba na naman 'yan. Magbabago talaga yan kapag nakakitaan talaga na mayroon talagang unexplained wealth katulad halimbawa ng mga bahay at ari-arian na siyang magpapatunay. Yun fair na yun.

REPORTER; Sir, sa tingin ninyo sino ang pinaka-corrupt?

GORDON: Marcos is good in the beginning but in the end nag-collapse siya. Si Erap, he lost himself. Nawala siya. Lahat yan may isyu. Di ba si Carlos Garcia, inimbestigahan siya doon sa textile, muntik na siyang ma-expel sa Senado. Tapos nang maging presidente siya ang kapatid niya naman ang sinasabing corrupt. Sa atin kase, ang Filipino kapag hindi happy, ang sinasabi nila kaagad ay may corrupt, and to me, yan ang mali sa ating society. We fix the blame but we don't fix the problem.

REPORTER: Pero sir, hindi kaya naging basehan ng ganoon perception dito nang PULSE Asia ay dahil ang dami-daming mga isyu against GMA?

GORDON: Kaya nga, kung marami kang sine ay magna-number one ka. Kung ang sine mo ay palaging tagapagtanggol ng mahihirap eh di lalabas na number one ka di ba katulad ni FPJ at Erap. Ganoon din yan, kung araw-araw binabanatan mo yan, binibira mo sila araw-araw, ang perception na d'yan "oh yan sa ZTE, scam dito, scam doon". Kaya pag tinanong mo corrupt ba ang gobyerno natin? Lahat yan, ang sasabihin corrupt.

REPORTER: Naniniwala ba kayo na may oposisyon behind this?

GORDON: I think it is an unfair question to anybody. Pag sinabi mo corrupt ba ang Senado, may magsasabi d'yan na corrupt ang Senado. Kapag sinabi mong corrupt ba ang Mayor? Ang sasabihin ay corrupt yan.

REPORTER: So dapat hindi ganoon ang tanong?

GORDON: Hindi ganoon dapat ang tanong. Pwedeng sabihin na "sa tingin ninyo ba ay may basihan na sabihin corrupt ang gobyerno, parang ganoon."

REPORTER: Sir ang oposisyon kaya pwedeng may kinalaman dito?

GORDON: I don't know. Yun, unfair din ang sagot ko doon kapag sinabi kong oposisyon nga dahil wala naman akong basehan.

News Latest News Feed