Press Release
December 12, 2007

Transcript of interview of Senate President
Manny Villar with Senate reporters

Q: On survey result showing GMA the most corrupt president

SPMBV: Iyon ang lumabas sa survey, wala naman tayong magagawa doon. Iyon ang iniisip ng nakakarami sa ating mga kababayan. Siguro it should be more of kung ano ang iniisip ni GMA.

Q: Sabi ni Sen. Santiago biased daw iyon dahil commissioned by the opposition.

SPMBV: Normally ang Pulse naman ay mataas ang integrity. Wala naman akong pagdududa sa resulta niyan. Anyway, survey lang iyan. Iyan naman ay nagpapahiwatig lang kung ano ang nararamdaman ng mga Pilipino sa ngayon at hindi naman nakakagulat. Siguro dapat magsilbing hamon din ito sa presidente para mabago ang image na iyon. Meron pa namang dalawang taon ang pangulo para baguhin iyan.

Q: Warranted ba iyong ganong perception sa presidente?

SPMBV: Wala tayong magagawa. Ang survey kasi, maski kami kapag binibigyan ng favorable rating o unfavorable rating, hindi namin kayang impluwensyahan iyon. Kung ano lang ang lumabas, iyon na iyon. Gaya niyan, kung iyan ang lumabas na iniisip ng tao, that she is the most corrupt president, wala tayong magagawa diyan. Iyan ang lumabas sa isipan ng ating mga kababayan.

Q: Personally iyon din ba ang sentiment ninyo?

SPMBV: Syempre maraming magsasabi na ang survey ay hindi totoo, pero sa akin, tanggapin na lamang niya. Hindi pa naman tapos ang term ng pangulo at puwede pang mabago iyan. Siguro para kami rin naman sa Senado mabawasan na ang trabaho naming sa pag-iimbestiga kung wala nang lalabas na mga bagong anomalies at least ang image na iyan ay magbabago. Iyong hindi pagpapadala ng mga Cabinet member, iyong hindi pagsagot sa mga issues, iyong hindi nalalaman ang mga detalye, ang nangyayari diyan ang mga taong-bayan ay nag-aassume na na may tinatago. Iyon ang aking ipinapaliwanag noon na sana ang mga adviser ng pangulo, ipaliwanag sa kanya na syempre kapag hindi nagpapadala ng Cabinet member para magpaliwanag, ina-assume na ng mga kababayan natin na may tinatago siguro kaya ayaw ipadala ang mga Cabinet member. Siguro isang paraan para mabago ang image na iyan ay ipadala na ang mga miyembro ng gabinete sa mga hearings ng Senado para naman maipaliwanag nang husto kung ano ang mga deals na iyon lalong-lalo na kung wala namang involvement talaga ang pangulo.

Q: Si Sen. Miriam daw ipapatawag pa ang mga opisyal ng survey firm.

SPMBV: Unang-una hindi naman natin mapipigilan ang sino mang senador na mag-file ng resolution. Iyang mga survey talagang ganyan na iyan. In a way, nandiyan na iyan. Iyan ang sumagot talaga sa pagtatanong nila. I doubt kung iyan ay naiimpluwensyahan.

Q: May motive daw kasi commissioned ng isang opposition leader ang survey.

SPMBV: Kasi wala namang magko-commission na administration tungkol sa corruption. Logically, kapag ganyang issue sa opposition manggagaling.

Q: One-sided daw po.

SPMBV: Alam mo minsan talagang ganyan ang buhay ng mga pulitiko, minsan hindi maganda ang lumalabas sa survey. Malulungkot ka na lang pero dapat iyan ay magsilbing hamon sa iyo kaysa ikaw ay malungkot. Ngayon sa akin, ang payo ko, ipadala na lang ang mga Cabinet member sa mga hearings nang sa ganoon ay mai-defend nila ang pangulo. Malaking bagay na transparent ang mga bidding, lalong-lalo na at malalaki ang government projects ngayon. Ako ay nababahala na marami na namang mga ibi-bid out na mga government projects. Mahalaga rito na maging transparent lahat iyan para mabago kahit kaunti ang image ng pangulo bilang most corrupt.

Q: Ang Malacañang sinisisi na naman ang media kaya ganyan ang nagiging impression.

SPMBV: Kung ano man ang kadahilanan, iyon ang impression ng tao at iyan ay hindi mababago.

Q: Hindi dapat sisihin ang media?

SPMBV: Palagay ko hindi naman. Lahat naman kasi ng public officials nae-expose to the same media. In fact, lahat naman ng pangulo rin noong mga nakaraang panahon ay na-expose rin sa media na iyan. Ang treatment ng media for example sa Pangulong Erap Estrada, Pangulong Marcos, Pangulong Cory Aquino noon ay pare-pareho.

Q: You don't see the need na gawing issue pa ito ng Senado?

SPMBV: Ako hindi na. Survey lang naman ito. I'm sure may gagawing hakbangin ang pangulo para mabago ang image na ito. Magandang pagkakataon ngayon. Maraming mga proyekto na ibi-bid out ng gobyerno. Maganda ngayong samantalahin para mabura o mabawasan iyan sa pamamagitan ng pagiging transparent ng lahat ng mga ibi-bid out ngayon at sa mga darating pang panahon.

Q: Sa OMB, puwede bang ma-ireconsider iyan sa bicam?

SPMBV: Pag-uusapan iyan sapagkat bagaman iyan ang initial na pananaw ng grupo ng mga senador, meron din namang may mga ayaw din. Pag-uusapan namin iyan sa bicam.

Q: Pero sa inyo nanggaling, sir.

SPMBV: Hindi naman nagbabago ang aking pananaw doon na hindi masaya ang liderato ng Senado sa performance ng OMB. Ang pag-uusapan lang naman ay kung nararapat na gawing zero sapagkat may mga empleyado rin na maaaring maapektuhan. Sa performance, hindi ko naman binabawi ang aking pananaw na iyan.

Q: Hindi dahil sa awayan ni Bong and Edu?

SPMBV: Hindi naman. Iyan naman ay nasa aking isipan na noon pa.

Q: Hindi po dahil gusto ninyong mapaamo ang OMB?

SPMBV: Iyan naman ay isa lamang ahensya ng pamahalaan at lahat naman tayo ay may kanya-kanyang opinion sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan. Sinabi ko lang ang aking opinion.

Q: Hindi ba magandang halimbawa sa taxpayers na i-abolish ninyo ang non-performing agencies?

SPMBV: Magandang suggestion iyan. Iyon nga lamang ang problema kasi ang mga empleyado. Iyong mga nanunungkulan, mas madali kasi aalisin mo lang iyon.

Q: Ang hihingin daw ng House contingent, balato na lang daw ang confirmation ni Raul Gonzalez.

SPMBV: Ang confirmation ay isang bagay na pinag-uusapan ng mga miyembro ng Commission on Appointments at walang ganyan na balato-balato. It's not fair for Secretary Gonzalez also. I mean, I think that if he will be confirmed, iyon ang gusto ng mga miyembro at hindi naman dahil sa binalato lamang o napag-usapan. Talaga namang pag-uusapan ang bagay na iyan. Baka next week ma-decide iyan.

Q: Bakit ang bilis ng budget?

SPMBV: Kailangang matapos iyan bago matapos ang taon kaya kailangang paspasan. Parati namang mabilis ang Senado. Ang problema iyong sa House kasi ibinigay ng House November. Dati ibinibigay sa amin iyan the day before adjournment.

Q: Pero kaya iyong nine bills before the break?

SPMBV: Doon sa nine priorities ng LEDAC, apat na ang na-approve natin. Siguro may pag-asa pa tayong maka-approve ng dalawa pa.

Q: Ano ang apat again?

SPMBV: Iyong Magna Carta on Small ang Medium Enterprises, Cheaper Medicines bill, national budget at PERA. Iyong iba hindi na siguro matatapos tulad ng EPIRA, mahihirapan tayo diyan at iyong amnesty mahihirapan tayong tapusin itong taong ito. Pero iyong Credit Information Bureau, may pag-asa iyon. Baka maaaring maka-anim tayo.

Q: What's the milestone in the passage of the budget?

SPMBV: Matagal nang panahon na hindi napapasa ang budget bago matapos ang taon parating the following year. Hindi pa naman tayo sigurado dahil magba-bicameral conference pa. Sana ay matapos before the end of the year dahil maganda talaga na by January 1, unang araw ng bagong taon ay may budget na.

Q: Kailan ang bicam?

SPMBV: Baka ngayon, as soon as possible. Buo na ang contingent ng Senado.

Q: Sino ang Senate contingent?

SPMBV: Senators Enrile, Estrada, Pangilinan, Angara, Arroyo, Pia Cayetano, Zubiri, Pimentel, Lacson, Legarda and Roxas. (end)

News Latest News Feed