Press Release
December 17, 2007

Transcript of press briefing with Senator
Mar Roxas After the hearing on price
stabilization and the peso appreciation

MAR: Mayroon tayong tatlong bagay na mare-report. Unang-una, sa takbo ng presyo ng bilihin, nag-report and DA, DTI, ang Philippine Association of Supermarkets, ang Philippine Amalgamated Groceries and Markets, Inc., United Broiler Raisers Association, Philippine Association of Chicken Growers at iba pang mga sektor na, maliban sa gulay, nananatiling stabilized ang takbo ng presyo ng bilihin. Ganito rin ang presyo pagdating ng pasko, lalung-lalo na sa pagno-noche buena. Sa manok, marami ang supply, hindi mauulit ang nangyari last year, na pumatak na siento trenta, siento kwarenta, ang takbo ng manok ngayon ay P115-P120, doon sa supermarkets, P100-P105 a kilo. Ang bigas nga ay nagmura sa mga P24 mula P25-P26, dahilan sa pasimula na ang ani itong taon. Sa hanay ng iba pang basic commodities, nananatili silang stabilized. Ang baboy ay nasa siento kwarenta pa rin, ang karne, depende sa hiwa nasa siento otsenta hanggang dos bente ang kilo.

Pangalawa po, doon sa peso-dollar, dahil sa sobrang lakas ng peso, kung saan ang ating mga OFWs, exporters, yung BPO-call center at tourism industry ay talagang naghihingalo dahilan sa halos nawalan sila ng 20% ng kanilang kita. May hakbang na ni-report si Secretary Teves, na $500 million worth ng ating mga utang ay irere-balance nila. Palagay ko, magandang unang hakbang ito, pero kulang pa rin, dahilan sa maliit ito kung ikukumpara doon sa bilyong-bilyong dolyar na pumapasok dito sa atin ngayon. Kung ganoon ang mangyayari, patuloy na lalakas ang piso, patuloy na kakaunti ang tinatanggap ng ating mga OFW at pati na rin mga exporter at mga nasa tourism industry. Iyon ang pinakamalaking hamon na hinaharap ng ating ekonomiya, dahilan sa kung tuloy-tuloy ito, maaari na magkaroon tayo ng loss of demand, at sa ganoon, pumasok tayo sa deflationary spiral. Malayo pa naman ito, pero dapat ngayon pa lang, atensyunan na natin ito.

Pangatlo naman, doon sa oil prices, napag-usapan dito yung temporary suspension ng VAT sa produktong petrolyo. Ang estimate dito ay P40 bilyon ay mawawala sa gobyerno, pero palagay ko, hindi naman ito mawawala ng lubusan dahilan sa gagastusin din ito, at sa paggastos nito, makokolekta din ito ng gobyerno sa ibang paraan. Samantala, kung sinuspinde ang VAT sa produktong petrolyo, apat na piso sa bawat litro ang kaginhawaan, immediate, na matatanggap ng ating transport sector at lahat ng mga gumagamit ng itong mga produkto. Sa ganoong paraan, imbes na hihintayin pa yung amendments sa Oil Deregulation Law, imbes na hintayin pa ang iba't iba pang mga maliliit na hakbang na pinag-uusapan nagyon, ito, automatically P4 per liter, agad-agad mararamdaman ito ni Juan de la Cruz, at magagastos din niya ito sa kanyang mga pangangailangan.

Naniniwala kami na mas magandang maiwan ito sa bulsa ni Juan de la Cruz, P4 per liter, kaysa sa ang gobyerno ang gumastos nito. Nakikita natin na kung saan-saan ginagastos ito, madalas, may anomalya pang kasama. Maganda naman ang pagtanggap ni Secretary Teves, pag-aaralan daw niyo itong panukala. Samantala sa House, may kausap na tayong magfa-file ng counterpart bill, at dito sa Senado, marami nang nagpahiwatig na maganda ang pagtingin nila dito.

Sa isang taon, ang VAT sa prodkutong petrolyo ay umaabot ng P40 bilyon, at masasabi natin na maliit ng bahagi ito sa kabuuan ng gagastusin ng gobyerno, sa kabuuan ng ating ekonomiya, hindi ito magkakaroon ng impact sa financial markets. Kung kalahating taon gagawin ito, de P20 bilyon.

Q: What do you say to Secretary's Teves comments on the bill?

MAR: Secretary Teves expressed his misgivings, but in my view, these misgivings are misplaced. Palagay ko yung pangamba ni Secretary Teves ay hindi naman nasa lugar dahilan sa maliit lang ang pera na ito kung ikumpara sa kabuuan na gagastusin ng gobyerno. Pangalawa, yung ating budget deficit ay nasa zero na, wala na nga tayong deficit, at para saan pa itong zero deficit, kung hindi naman natutulungan ang ating mga kababayan. In short, kung magkakaroon tayo ng deficit na P40 bilyon, rekta ito matutulong sa ating mga kababayan, at hindi naman ito yung kabuuang halaga, kase gagastusin din ito at babalik din ito sa buwis na kokolektahin ng gobyerno.

Pangatlo, yung inflation na 2.9%-3%, maliit din na bagay iyan, dahilan sa hindi naman talaga ito nararamdaman ng pangkaraniwan na pamilya. Itong inflation statistic na ito, maraming kinakalkula nito, pero kung titignan ito doon sa pang-araw-araw na ginagstos ng ating mga kababayan, nararamdaman nila na nagkakaroon ng pagmahal.

Yung interest rates na 3.5%-4%, mababang mababa ito kung ikumpara noong nakaraang taon na nasa 7%-8%. So malaki ang kakayahan ng gobyerno na ma-absorb itong kawalan ng P40 bilyon na receipts from the VAT sa petroleum products.

It will require legislation, because there's no mechanism to simply suspend it. It will require an amendment to the EVAT law. We filed it last week, we're gathering support, we're gaining support. I think itong pag-rollback, hindi masyado. Ang rollback ngayon, hindi masyado sa presyo ng krudo dahilan sa iyon naman ay tinatakda sa ibang bansa, pero rollback sa buwis na kinokolekta ng pamahalaan.

Q: Do you see it passing this holiday season?

MAR: This is our last week. That will still go to ways and means. I don't think it's too much of an oil issue, I don't think it's a ways and means issue. If you remember at the time we had a P200 billion deficit, ang usapan noon ay 1.5%, 2%, 3% deficit (compared to the budget), nasa sa lugar iyan for a developing country. Nandito tayo ngayon sa 0% deficit. Ibig sabihin, pantay ang ating koleksyon doon sa ating gastusin. Kung hindi naman gagamitin iyan sa kapakanan ng ating mga kababayan� Sobrang mahal, nasa $90/barrel ang langis, wala namang nag-anticipate na papatak dito 'yung singil sa langis. We might be able to provide relief by doing this.

Q: Why is it that with a stronger peso, we do not see much of a reduction in oil prices?

MAR: Yun naman kasi ang idinadahilan nila dito. Noong pataas, eh hindi naman daw kasi sila sumasabay sa pagtaas eh. Yun ang sinasabi nila. Ang sagot naman ay, imbes na hintayin pa natin yung amendments sa Oil Deregulation Law, imbes na hintayin pa natin yung pagbukas at pag-examine ng libro ng mga oil companies na matagal pa iyan, masalimuot pa iyan, hindi pa natin alam kung ano ang resulta niyan, ito rekta na. Makakapagbigay tayo ng kaginhawaan sa pamamagitan ng pag-suspend ng VAT sa oil products.

Meron itong beneficial or salutary effect, dahilan sa mare-reflate ang economy dito eh. In effect, yung nawalang gastusin ng mga OFW, yung kahinaan ng demand kasi nawalan ng gastusin yung mga OFW, humina ang kanilang kita, in effect, gagastusin ito hindi ng gobyerno, gagastusin ito ng mga kababayan natin na ngayo'y malilibre na mula sa VAT sa petroleum products.

Natural, ayaw niya [Secretary Teves], mas gusto nila� Sabi naman dito eh, ang sabi ni Sec. Teves sang-ayon doon sa quote is, sa gobyerno, mas gusto nila na kolektahin ang buwis at sila ang gagastos. Iba iyon sa pilosopiya natin na, mas mabuti na maiwan sa bulsa ni Juan dela Cruz ang pera at sila gumastos, kasi si Juan dela Cruz ang nakakaalam kung ano ang kanyang priority.

If there's a law, he has to do it. That's why it must be by law, it cannot be by resolution or by pakiusap, it must be through an amendment of the law. Because he is collecting the EVAT by the law, so it must be an amendment to the law.

Q: Kailan kaya ito maipapasa?

MAR: It's too early to tell but we filed it, we've gotten verbal expression of support among our colleagues, and we will see what happens.

Sa ngayon, kaya napupunta sa kung anu-anong hakbang, itong sa kontra-kotong, kontra sa colorum, kontra sa single-ticketing, etc. Lahat itong maliliit na tulong, kasi parang sinasabi ng gobyerno na helpless ang gobyerno.

Well hindi. I reject that the government is helpless. Here is one clear step na kung talagang ginugusto ng gobyerno ito, puwede nilang gawin ito. Ipasa natin itong pag-amyenda sa RVAT law na kung saan magiging zero-rated ang petroleum products. Immediate ito, papasok ito sa economy natin, ang tao ang gagastos nito, hindi ang gobyerno. At makokolekta rin ng gobyerno ito dahil sa bawat paggastos ng tao, may RVAT sa iba pang mga produkto

Q: What should it take to convince Sec. Teves to change his mind about this? Should you talk to the President herself o multi-sectoral pressure na lang for him to change Sec. Teves' position on this?

MAR: Well, it's a combination of things. But Secretary Teves, as well as the President, is sworn to uphold the law. So if we change the law, they will have to follow.

With respect to amendments to the RVAT law, that's another committee. We will have to coordinate with them.

Comments on the Affordable Medicines Bill:

MAR: Well, it's in the House, we'll see what happens this afternoon.

As a practical matter, ikinalulungkot ko na hindi na ito maisasabatas bago pa ang Pasko. Huli na masyado, may bicam sa budget, may bicam sa iba pang mga panukala. Sa katagalan ng pag-process ng House, mapasa man ito, hindi na ito aabot sa pasko.

I'm very disappointed. Ikinalulungkot ko nga at mahigit sa isang taon na itong hinihintay ng ating mga kababayan. Last year, bago magtapos ang Kongreso, ipinasa ito ng Senado. Muli, sa bagong Kongreso, ipinasa ito ng Senado. Hinihintay natin ang Kamara para sila'y magkaroon ng parallel na bill.

Q: Could you give us an idea kung gaano katagal na tulog this time sa Congress na ito sa Lower House?

MAR: The Congress convened last week of July. They said it would be passed in a hundred days.

Iyon nga ang ikinalulungkot ko, dahilan sa kahit ipasa man ito ngayon o bukas, hindi na ito makaka-bicam at mara-ratify bago mag-break. By the time Congress convenes, it would be another month eh. Ang point ko, sana hinakbangan ito na may panahon pa na may magagawa tayo bago mag-Pasko.

Ang importante rito ay maipasa ito. Before Christmas, mas maganda, pero kung after Christmas, ok na rin. Ang importante rito ay maipasa natin ito.

On Jalosjos parole:

MAR: Siguro ang dapat magpaliwanag diyan ay si Administrator Dapat, na dapat siyang magpaliwanag sa kung anong mga policies ang ginagamit niya o ginagawa niya. Nang sa gayon, malinaw: first in-first out ba ito, last in-first out, lahat ba ng 70 na pare-parehas ang circumstances ay na-proseso na o hindi? Magatal nang tinatanong iyan ni Senador Noynoy Aquino, at sinusuportahan ko siya riyan sa advocacy na iyan.

News Latest News Feed