Press Release
January 10, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero at Kapihan sa Senado

One of the proponents to not only amend but totally repeal the E-VAT law regarding the oil price crisis and thus all coming summits are called. Do you expect anything coming from the summit?

Too little too late yung oil summit na tinatawag. Anumang summit o pagpupulong na ginagawa kapag nandyan na ang problema, kadalasan walang kinakahinatnan. Gaya ng nasabi ko, inutil yung oil summit at pinapakita lamang nito ang kawalan ng kahandaan ng gobyerno na harapin ang krisis na may kinalaman sa presyo ng produktong petrolyo. Pabor ako na alisin ang VAT. Mula't mula tutol ako sa VAT hindi lamang noong nasa Kamara de Representantes ako kundi hanggang sa Korte Suprema. Hindi tamang ipinataw ito at hanggang ngayon hindi pa rin tama. Pinapakita lamang ng circumstances ngayon na hindi talaga dapat pinataw yun to begin with at dapat ding alisin yan sa ngayon. Yang sinasabing P52 billion revenue loss ng pamahalaan, ang problema ko sa sinasabi nilang yan: una, hindi naman sa kanila yan. Galing sa taong bayan ang perang yan at dapat lang na ibalik din sa taong bayan. Huwag nilang bilangin ang kitang yan dahil hindi naman sa kanila yan. Panagalawa, itong P52 billion na matitipid ibig sabihin hindi ibabayad sa gobyerno. Gagastusin din naman n gating mga kababayan para bumili ng serbisyo o ng produkto na subject pa rin naman sa VAT. Kung kaya't ang balik sa gobyerno, ang mawawala sa gobyerno, hindi naman tamang sabihin na P52 billion dahil pag pinambili yung natipid na pera ng goods, pag ipinampagawa ng negosyo yung natipid na pera't ipinasweldo, may babalik palaging revenue pa rin sa pamahalaan sa pamamagitan ng pag-ikot ng pera.

But you and I know that there is the expected resistance from the Department of Finance regarding... even an amendment or a suspension of the VAT law, so medyo suntok sa buwan yata yung total repeal di ba?

Well, mabuti na lang yung mga taga- Department of Finance ay di pwedeng bumoto dito sa Senado o sa Kongreso. Kahit na may pagtutol sila, pwede nilang sabihin yun sa hearing pero nasa kamay pa rin ng bawat mambabatas dito sa Senado at sa Kamara de Reperesentantes kung ihahatid at ipapadala nga ba nila ang boses ng kanilang nasasakupan dito sa Kongreso. Yan ang gusto ng Department of Finance pero ang tanong: yan ba ang panawagan, sigaw, at gusto ng ating mga kababayan na trabaho nating ipadala ang kanilang boses at boto dito sa ating pwestong pinanghahawakan.

I hate to be a wet blangket pero because it falls right down on you're lally being the Chairman of the Ways and Means Committee, but any measure on taxes will come from the House and should be initiated by the House. Gagalaw kaya yun from the House?

Sang-ayon sa Saligang Batas, lahat ng revenue appropriation measure at local bill dapat manggaling sa Kamara. Tanggap at alam namin yan. Subalit buti na ring tapos na kami sa committee level upang sa gayon, kung may mapasa man sa Kamara, mas mabilis ang takbo ng pagpsa ng panukalang batas na ito. Pangalawa, marahil kung unang naming maaprubahan sa kumite ito, magkaroon o lumikha ng pressure sa mga myembro sa Kamara na ipasa din ang counterpart measure dahil inutil ang aming ipapasa rito kung hindi rin lang nila ipapasa ang parehong version doon sa kanilang banda sa Kamara de Representantes. Hopefully, we will be able to generate public support for this particular measure if indeed we begin the initial step of taking it up and hopefully, approving it at the committee level.

Finally from my side, hindi ba mas realistic and practical, sir, yung suspension and amendment of the E-VAT?

Ang problema sa suspension ng E-VAT, ang kapangyarihan na ilalagay mo pa rin sa pangulo... may magandang constitutional question dyan, kung pwede nga bang i-delegate ang kapangyarihang ito?

Pangalawa, kapagka suspension lamang, gaano katagal at paano natin ilalagay sa batas kung gaano katagal lamang? Paano pag tumagal na mahigit na anim na buwan o isang taon ang krisis na ito? Paano natin madidiktahan ang batas na nagsasabing ilang buwang suspension lamang? Para sa akin tanggapin na natin. Mali ang pagpataw ng buwis na ito sa produktong petrolyo dahil may multiplier effect ito. Hindi naman din ganun kalaki ang mawawala sa ating pamahalaan. Gawin lamang ng pamahalaan ang kanyang trabaho kaugnay sa pagsupil sa korapsyon at pagkolekta ng tama sa buwis na dati ng ipinataw.

As Chairman of the Committee on Ways and Means, kapag nag-open ang sessions, umpisa na ba ang hearing refarding removal ng VAT?

Actually, nagbabalak kami mag-schedule ng hearing bago mag-resume ang Kongreso, before January 28. The week before January 28, we have to be able to schedule that hearing.

May definite date na ba?

Wala pa. Isinasaayos namin. Sa araw na ito malalaman namin.

Palaging nagplo-float ng ideya ang Malacanang at nagta-trial balloon sa publiko at sa media. Kung seryoso sila sa kanilang panukala, bakit hindi sila kuha ng ka-alyadong magfa-file ng bill na taasan talaga ang uwis sa mga bagay na iyan upang may eksakto kaming mabibigyan ng reaksyon at masasabi kung pabor kami o hindi. Nabanggit ko noong ako ay maging unang halal na chairman ng Committee on Ways and Means, magko-concentrate kami sa pagkolekta ng buwis na dati ng umiiral at pinapataw sa tao at hindi namin papahintulutan ang anumang pagpataw ng panibagong buwis na pasanin na naman sa ating mga kababayan.

So hindi mo nakiktang sincere din?

Hindi ko nakikitang seryoso at masyado naman silang malupit kunsaka-sakali. Ayaw na nga nilang babaan ang VAT sa produktong petrolyo, ayaw na nga nilang i-lift ang withholding tax ng mga mimimum wage earners dahil hindi pa nila inaaktuhan at gusto pa nila ngayon na dagdagan yung buwis. Sobra naman yatang parusa at pasanin na ang gusto nilang ibigay sa 2008 sa sambayanan.

You're staying by your statement no new taxes...

Yes, and the only way to do that, if at all, would be to discharge the committee assuming indeed a bill will be filed in the Senate.

How do you equate the Malacañang pronouncement that if you lift, suspend E-VAT, the value of the peso will again deteriorate?

Alam nyo naguguluhan na ako sa gobyernong ito. Namumroblema daw sila na masyadong mataas ang balor ng piso kontra dolyar at tinatamaan na raw ang mga exporters at mga OFWs natin. Hinahanap nila ang paraan kung paano magbigay ng mitigating measure. Tapos pag pinag-usapan ang VAT sa produktong petrolyo, tataas daw ang presyo ng dolyar kontra sa piso. Ano ba talaga ang gusto nila? Sa kabilang banda sasabihin nila na masamang tumaas ang balor, sa kabilang banda sasabihin naman nila na masamang bumaba ang balor ng dolyar kontra sa puiso. Dapat may pinagkaisang polisiya at posisyon ang pamahalaan kaugnay nito, hindi yung kung ano yung makakabenepisyo sa kanila at makakapabor sa argumento nila ay yun na lamang ang bibitawan nilang salita.

Do you think they will try to catch up whatever it is they intend to do in 2010? Sa NPC ...

Wala kaming kailangang i-patch up sa NPC. Nag-iisang partido ang NPC at walang bangayan sa loob ng aming partido. Subalit hindi pa rin kami papasok sa anumang usapin, bangayan, o posisyunan na may kinalaman sa 2010 elections dito sa ating bansa. Mauuna pa ang eleksyon sa Amerika bago ang eleksyon dito tapos tayo puro eleksyon na sa Pilipinas ang pinag-uusapan. Hindi ito napapanahon at hindi kami lalahok sa ganitong uri ng usapin ng ganito kaaga.

Pero umaayon ka ba sa... na si Legarda na hindi na dapat... pa sa____

Hindi ko papsukan ang anumang bangayan, usapin, at debate kaugnay ng 2010 elections. Kung nais nilang agwin yan ng ganito kaaga, sila na lamang. Subalit ako mismo at bang aming partido, hindi makikisalo, makikilahok o makikigulo sa kanila.

Wala at wala rin naman akong kakausapin kaugnay nun sa simpleng rason na anumang pangakong bitiwan kaugnay sa 2010, dahil napakalayo pa, baka mahirap panindigan pagdating ng panahon at magkasamaan lamang kayo ng loob.

Sir, hindi ba kayo ang kinoconsider na itatandem...

Walang ganung usapan. Pareho silang myembro ng isang partido, marahil yun ang kahulugan nun subalit sa parte ko walang ganung uri ng usapan at hindi rin naman ako nakikipag-usap kaugnay ng 2010 dahil sobrang aga at hindi tamang pag-usapan ngayon.

Shake up on the senate leadership, is that alive?

Walang kumausap sakin kaugnay sa shake up ng senado. Marahil iniisip nila na hindi magbabago ang aking boto. Para sa akin simple lang naman, mahirao gamiting batayan ang personal na rason para magkaroon ng pagbabago ng liderato sa senado. Marapat yung issue at rason ay alam nating lahat. Bakit nga ba kailangang palitan o hidni kailangang palitan? Hindi yung rason ay ni hindi natin alam kung saan, paano at kelan at biglang gusto na lamang gawin. Hindi rin naman siguro parehas at patas yun hindi lamang kayt Senate President Villar, pati na rin sa ating mga kababayan.

Leadership style ang kinukwestyon ng ilan to oust Villar...

Then let that be the subject matter of debates, ang problema parehong gusto mapalitan, pero yung argumento'y nagbabanggaan. Yung isang nagnanais mapalitan si senate President Villar ang sabi wala na daw masyadong debate at masyadong nire-railroad ang mga panukalang batas sa senado. Ang sabi ng gustong palitan din siya wala na raw napapasang batas dito at napakabagal dawn g pagpasa. Ano ba talaga? Mabilis ba o mabagal ba? Magandang pag-usapan at pagdebatehan kung ano ba talaga ang kakulangan o pagmamalabis kung sak-sakali bago tayo magbago ng pasya kaugnay sa ating posisyon.

Personally are you satisfied sa pamamalakad ni Senate President Villar?

Wala akong pedeng pagkumparahan dahil unang anim na buwan ko pa lamang ito sa senado pero kung ikukumpara ko ang dami ng batas na naipasa sa senado at sa Kongreso mas marami ang napasa ng senado kumpara sa Kongreso sa unang anim na buwan ng 14 th Congress. Pangalawa kaugnay sa pakikipagdebate o pagkakataong makapagdebate dahil sa mas kakaunti kami dito mas may oportunidad kaming makapagsalita at marinig dito kumpara sa Kamara kung saan 230 plus ang mga mambabatas so kung maghahati-hati na lamang kayo sa oras klarong kulang na kulang, dito (senate) 10 percent lamang ang nagdedebate, 23 lamang kami.

Satisfied ka ba?

Sa ngayon wala akong nakikitang matinding dahilan upang magbago yung una kong naging posisyon at desisyon kaugnay sa liderato ng senado.

Ang tanong ko apektado ba ang trabaho o hindi, apektado ba yung pinagsisilbihan nating constituency o hindi. Kung personal na pagkakaiba lamang sa estilo gaya nga nang nasabi ko personal din siguro ang dapat na kanyang maging solusyon doon, subalit kung trabaho ang pinag-uusapan, epekto sa ating pinagsisilbihan ang pinag-uusapan, epekto kung saka-sakali sa performance ng senado ang pinag-uusapan, yun marahil ang dapat nating pinag-uusapan at gamiting batayan kung magkakaroon man ng pagbabago sa liderato o hindi.

You mentioned the word closure you have so many pending and yet to be started investigations in the senate, then may EO 464, executive privilege and all, saan ba talaga pupunta ang mga imbestigasyong ito?

Hindi ko rin alam at bilang isang institusyon dapat galawan na ito ng senado at desisyunan na ng senado. Hindi pedeng nananatiling nakabitin lamang ito, inaasahan ko sa pagbubukas muli ng Kongreso ito ay isang bagay na unang pagdedesisyunan ng senado bilang isang institusyon, hindi bilang majority o minority, oposisyon o adminsitrasyon, kundi bilang isang institusyon upang mapangalagaan ang kapangyarihan at ang prerogatives ng senado kaugnay sa inquiries in aid of legislation.

The only thing you can really confront all these, EO 464 and executive privilege is I think before the Supreme Court...

Totoo yon pero ang tanong sino ang aakyat sa Korte Suprema, kmai o sila? Depende kung sino ang pakiramdaman nila na agrabyado sila. Halimbawa kapag nag-enforce ang senado ng isang subpoena at may hinuli o may dinetina ang aakyat ay yung dinetina at hinuli. Halimbawa kung ang senado ang napahiya at hindi hinuli ng pulis ang isang kautusan na hulihin o idetina ang sinomang na-contempt, senado naman ang aakyat. So depende kung sino ang agrabyadong partido kaugnay nang pag-akyat sa Korte Suprema.

On Cha-cha, limited sa ilang area sa Mindanao, creating a Muslim federal region...

Kung baga sa shares of stock ang tingin ko backdoor listing ang gustong gawin ng administrasyon kaugnay ng pagbabagong sa Saligang Batas. Ang unang tanong papaano ba nila gustong baguin ang saligang Batas, kung ito ay sa pamamagitan ng constitutional convention o constituent assembly ano ang garantiya natin nay un lang ang gustong baguhin nila at hindi ang kabuuang probisyon ng saliagng batas. Pangalawa nananatiling pareho ang aking posisyon, wala akong tiwala sa administrasyong ito na iawtorisa siya na baguhin ang saligang batas. Anumang pagbabago ng saliagng batas marahil gawin natin pagkatapos ng 2010 sa ilalim ng panibagong administrasyon. Anumang pagbabago sa saligang batas pede naman nilang gawin ang paghahanda sa puntong ito hanggang 2010, lay the ground works subalit ito ay dapat gawin sa ilalim na ng susunod na administrasyon. Hindi nila kami masisisi at hindi nila pedeng sisihin an gating mga kababayan, duda talaga tayo marahil sa administrasyong ito na baka gamitin lamang nila ang Cha-cha para pahabain pa ang kanilang termino sa opisina at baguhin ang sistema ng gobyerno upang sila ay manatili sa puwesto.

It's that a ploy?

Sa aking pananaw. My position is it (Cha-cha) should be done after 2010.

Hindi yon magtatagumpay?

Sa abot ng aking makakaya, yon ang aking layunin. Na dahil ayaw ko hindi na magtatagumpay mahirap naman sigurong sabihin yon.

Ano yung preparatory measures (to amend the constitution)?

They should begin consultations, ano ba yugn eksaktong panukala nila, let the debates begin, let the debates start, let them all choose the mode: Con-con (constitutional convention), Con-as (constitutional assembly), referendum, initiative referendum. Mahabang proseso yan, hayaan na nating simulan ang proseso bakay may magquestion pa ng proseso sa Korte Suprema, at least may supisyenteng panahonpara ito ay mapagdebatehan, mapag-usapan at ipaliwanag sa ating mga kababayan.

Kais yung pederalismong sinasabi nila para maresolbahan yung insurgency problem sa Mindanao. Ni hindi nga nila sinasama sa usapan o sa negosasyon yung local government units sa ARMM at sa Mindanao tapos biglang magpapakabida sila at sasabihin pederalismo ang sagot. Pede ba pahintulutan muna nilang makilahok ang mga local government units sa negotiations sa MILF at MNLF uapng maipakita natin kung talaagng uubra ang pormulang pederalismo o hindi. Hindi yung ayaw nilang gawin yan pede naman nialng gawin ngayon tapos bigla nilang sasabihin pederalismo ang susi ng kapayapaan sa Mindanao.

Everybody admits that it's time to really amend the constitution, it's a question of when to amend it...

To remove all doubts with respect to motivations and motives, ang pinakamagandang oras na baguhin ang saligang batas sa simula ng termino ng anumang administrasyon. Sabi nila ito daw ang susi para gumanda ang ekonomiya, sabi nila ito ra ang susi sa kapayapaan sa Mindanao, bakit hindi yan ang ginawa ni Pangulong Arroyo nang siya ay naluklok pa lamang noong 2001, bakit naghintay ng limang taon? Bakit si dating Pangulong Ramos hindi rin binago ang saligang batas nang nagsisimula pa lamang siya noong 1992? Bakit naisipan lamang niyang baguhin yan 199? Hinsi nila masisisi ang taong bayan kung magduda sa motibo at rason kung bakit nilang baguhin yan sa tuwing patapos na ang kanilang termino.

Lakas is considering Noli-Vilma sa 2010...

Hindi ako miyembro ng Lakas, ayaw ko silang pakialaman sa kanilang desisyon at kung malakas man o mahina depende yan sa magiging mga kalaban nila subalit kung nais nilang pag-usapan at mamili na nang ganito kaaga, gawin nila yan, hindi pa rin kami lalahok, sasali, sasabak o makikipagdebate sa kanialng mag binabanggit na salita.

Hindi pa pinag-uusapan ng aming partido (ang 2010), magirap magsalita at pangunahan ang desisyon n gaming partido (NPC) kaugnay ng bagay na yan.

Where does the NPC stand, right now it's a member of the so-called Rainbow Coalition...

Alam nyo palaging pinag-iinitan ang NPC pagdating sa usapin kung nasaan nga ba ito. Pero dahil daw mayroon kaming miyembro na nasa administrasyon, meron din daw kamaing miyembro na nasa oposisyon, hindi lang naman nag-iisa ang NPC diyan, ang Liberal Pary ganundin naman, ang Nacionalista Party ganudin naman, pero ang pagkakaiba marahil wala pa namang isinusulong na kandidato ang NPC kaugnay sa pinakamataas na puwesto ng ating bansa sa mga nagdaang eleksyon maliban noong 1992. may karapatan marahil ang NPC hayaan ang kada miyembro na magdesisyon kaugnay sa kanyang personal na paninindigan hanggat hindi dumarating amg panahon na may kapartido kami mismo na tumatakbo o tatakbo para sa puwestong 'yan.

The administration is considering Sec. Gilbert Teodoro na miyembro ng NPC...

Miyembro ng NPc pa rin si secretary Teodoro bagaman on-leave dahil lahat ng mga secretary o kalihim ay on-leave sa partido, sa paghawak ng puwesto sa partido. Para sa akin saklaw pa rin marahil sa usapin ng NPC yan na masyadong maaga para pag-usapan n gaming partido, masyadong maaga para pag-usapan ko ang bagay na yan, at kung gusto ng iba na pag-usapan yan nang ganito kaaga sila na lamang.

Kailan dapat pag-usapan ng NPC ang 2010?

2009 pa kung saka-sakali kugn lalahok man ang NPC.

Sino nga ba ang head ng NPC ngayon?

Ang president eng NPC ay si Frisco San Juan, ang chairman ng NPC ay si Junior Dy, ang secretary general ay si Cong. Jack Duavit.

Si Boss Danding?

Wala siyang puwestong pinanghahawakan sa NPC. Hindi rin siya ang treasurer namin, hindi.

On Barack Obama, mas gusto nyo si Obama

Hindi naman ako makaakboto. Sa simpleng rason dahil siya ay mas bata, dahil nakakainspira siyang magsalita at ang kanyang ibinibigay na mensahe ay pagbabago. Totoo din marahil sa Pilipinas ang isang linyang sinabi niya, na paano magkakaroon ng pagbabago sa isang bansa kung ang ginagawa pa rin natin ay pareho ng dati. Magkakaroon lamang ng pag-asa ang pagbabago kapag ka may binago dintayo sa ating mga ginagawa, may kaugnayan man sa eleksyon o sa pagpili ng kandidato o wala.

Sa tingin nyo malaki ang chance ng batang kandidato para sa 2010?

Anumang henerasyon na bata, layunin palagi na patunayan at ipakita hindi lamang sa kanyang mga kahenerasyon subalit sa ibang henerasyon din na hindi dapat maliitin ang pagiging bata dahil hindi kapansanan ang pagiging bata, na kulang o wala sa karanasan ng mas nakababatang nagkataong ipinanganak nang una sa mundo, hindi dapat ipintas sa kanya kaugnay sa paninilbihan sa bayan o pagtulong sa kapwa.

News Latest News Feed