Press Release
January 24, 2008

Transcript of interview Senate President Manny Villar -- Sofitel Hotel

Q: Iyon daw pong pagsasama ninyo ni Erap yesterday sa pag-iikot sa ilang bayan sa Bataan, bahagi na ng panliligaw niyo kay Joseph Estrada para sa 2010.

SPMBV: Hindi naman. Kami talaga ay magkaibigan ni dating pangulong Erap Estrada. Iyon naman ay bilang pagdalaw at pagpasalamat sa mga kababayan naming sa Bataan. Ang Bataan ay nagmamahal kay pangulong Erap Estrada at ako naman, ang aking nanay ay galing sa Bataan kaya naimbitahan ko siya sa aming tahanan sa Orani, Bataan. Alam mo, walang namang ibang intensiyon ...

Q: Sabi ni Sen. Pimentel ay posibleng part na iyon ng selection process ng Oposisyon?

SPMBV: Sa tamang panahon naman kami ni pangulong Erap ay mag-uusap na. Sa palagay naming ay masyadong maaga pa. Pero siyempre hindi naman naming maikakaila na kami naman ay magkaibigan talaga at pareho naming gusto ang Bataan.

Q: Sir, sa hearing yesterday you talk about P12B ang mawawala sa gobyerno due to oil smuggling. So, ano po ang dapat gawin ng gobyerno, kaya pa ba i curve o i stop itong talamak na oil smuggling?

SPMBV: Dapat talagang i stop itong oil smuggling kasi ito madali naman itong makita ang laki laki. Itong mga ganitong produkto normally ay mahirap maitago ito. Kaya kung desidido ang gobyerno talaga na pigilan itong smuggling ng oil e kayang pigilan ito. Kaya hindi puwedeng mangyari iyan na walang kinalaman ang mga nagbabantay dito sa smuggling. Kaya talagang ito'y dapat pagbutihin ng ating pamahalaan ngayon at hindi kung anu ano ang kanilang ginagawa.

Q: Identified po ba iyong mga involved dito o may protector ba ito?

SPMBV: Sa palagay ko may idea sila kasi kagaya ng sinabi ko kanina na mahirap naman na hindi ito makita dahil ang laki laki e. Kaya hindi kapanipaniwala na ang smuggling na ito ay mangyayari na hindi nalalaman ng mga namamahala dito

Q: Sir, madalas na raw ang pagkikita ni Speaker JDV. Is there a possibility of a coalition between Nacionalista and Lakas NUCD

SPMBV: Lahat ay possible naman. Kami ni Speaker JDV ay madalas mag-usap, magkaibigan din naman kami at hindi naman malayo ang mga coalition na ganyan Bagamat hindi pa namin ito napapag-uusapan dahil matagal pa ang eleksiyon.

Q: Sir, may initial talks na regarding the possible coalition between Lakas and Nacionalista Party?

SPMBV: Wala pa naman kaya lang siyempre marami kang nakikita ...mga kaibigan ko naman ang mga Lakas members at siyempre nagkukuwentuhan din naman kami ng kanilang mga plano sa 2010 at siyempre nabanggit mo na rin na kung saka sakali naman ay open naman ang dalawang partido sa possible alliances bilang indibidwal or as a party

Q: Nababangkarote ang Lakas

SPMBV: Hindi naman siguro. Hindi naman kasi siyempre ang basis naman ng anumang alliance ay iyon ay kung gusto ka ng mga miyembro at hindi iyong pera

Q: Sir, on the cheaper medicines bill bago tumulak ang Pangulo sa Davos, Switzerland, ini reiterate nito na kung sana ay naipasa na ito despite noong lobbying?

SPMBV: Actually naipasa naman. Iyon lamang ay irereconcile na lang ang dalawang version kaya malaking bagay na rin ang nagawa natin dito at dalawang beses na natin itong naipasa sa Senado. Isa kami sa umaasa na magkakaroon ng resolusyon itong isyung ito. Pero siyempre hindi natin maiaalis na meron talagang mga malaking differences sa dalawang version pero umaasa pa rin ako na mare resolve iyan sa lalong madaling panahon.

Q: Senator, in endorse po ni FVR ang extension ni Esperon. Ano po ang reaksyon niyo dito?

SPMBV: Well, wala namang nakakagulat doon. Siyempre kanya kanyang mga opinion iyan at naniniwala ako na prerogative ng pangulo. Hindi lamang maging simple iyan sapagkat kung inaasahan iyan ng mga susunod na sila nakalinya ay mawawalan sila ng pagkakataon siyempre hindi magiging madali iyan.kaya babalansehin ng pangulo iyan sa kanyang desisyon, one way or the other kung extend niya syempre babalansehin niya iyong mga mararamdaman ng mga susunod. Sa akin ay prerogative ng pangulo iyan at wala na tayong magagawa sa bagay na iyan.

Q: Sir, after noong criticism ni outgoing Civil Service Commission chair Karina David doon sa nangyayaring pag-abuso daw sa pag-apoint ng mga government officials, ni recall ni PGMA ang dalawampung political appointees. Enough na action ba iyon na malakanyang tungkol doon sa ibinulgar na iyon ni Karina David?

SPMBV: Unang-una sino ba iyong mga political appointees na iyon baka talagang tatanggalin naman iyon talaga. Pero sa akin ay dapat seryosohin natin ang mga bagay na iyan dahil malaking bagay sa ating mga civil service na magkaroon ng maayos na sistema ng promotion. Dapat ay may merit system iyan. At, bagama't hindi naman totally maiaalis iyong mga ganyan pero siyempre subjective ang pagtingin sa performance ng mga tao pero hwag naman sanang maging garapal o pangmalakihan dahil magkakaroon ng demoralization. In fact, I think meron na ngang demoralization sa harap ng ating civil servants. Malaking bagay din ito sa efficiency ng bansa kung talagang balak nating umasenso tayo, kinakailangan ayusin natin ito at hwag nating kaligtaan.

Q: Sir, suportado niyo po ba ang nilalakad na bill na maglilinis sa power ng pangulo to appoint?

SPMBV: Well, depende iyan. Kailangan pag-aralan natin iyan. May mga puwesto talaga na dapat sa pangulo talaga ang power. Subalit ang pag appoint naman na iyan ay dapat ay iyong number ay hindi naman pwedeng abusuhin. Maraming question sa awtoridad ng pangulo kagaya sa relasyon niya sa Kongreso na sa aming palagay ay naaabuso ang mga bagay na iyan. Dito sa pag-aapoint na ito palagay ko ay maraming pagkakataon na naaabuso din kaya dapat liwanagin kung ano ba talaga ang power ng pangulo sa pag appoint. Mas maganda iyong mas maraming permanente na para hindi na sila apektado tuwing magpapalit ng administrasyon. Syempre kailangan lamang ay lagyan din natin ng konting flexibilit baka naman ay masyadong rigid naman ang civil service rules natin na pati naman ay iyong mga tamad din at walang kakayahan ay hindi na magalaw sa kanilang mga puwesto. Iyon naman din ay magiging dahilan para magiging inefficient ang ating pamahalaan.

Q: Sir, sa Senate hindi ito nangyayari?

SPMBV: Sa Senate naman as much as possible ay nililimitahan ko iyang ganyang mga bagay at as much as possible ay iyon na ring mga dati ang ating ginagamit at hindi ko naman maiaalis na noong mga nakaraang panahon ay nagkaroon ng maramihang pagbabago pero iyon ay parati nating ilalagay sa ating isipan at parati nating tatangkain na hangga't maari ay igalang ang civil service rules at ang karapatan ng mga nakasalukuyang nakaupo.

Q: Sir, what's the objective of the caucus today?

SPMBV: Ito ay isang dayalog ng caucus ng mga bishops at ng legislators. Mahalaga ito para magkakaroon ng pag-uusap o dialog ang ating mga bishops at legislators. May mga panukala kasi ang ating mga bishops na gusto nilang iparating sa akin at meron din naman kaming nasasaisipan na gusto rin naming ipaalam sa kanila. Kaya maganda itong dialog na ito. Maayos. Nagkakaintindihan kami at marami kaming parehong kaisipan kaya mas mabilis ang pagtakbo ng mga panukala. May mga suporta sa simbahan at may suporta sa mga mambabatas.

Q: Ano po yon Legislative policy? How about political issues? S

PMBV: Hindi kami nagdi discuss ng political issue. Karamihan ay mga panukala lang sa iba't ibang mga bagay na concern ng mga bishops.

Q: Like what sir?

SPMBV: Like issue sa land reform. Like issue sa pro-life o pro-choice. Itong mga ito ay mahalaga sa isipan ng ating bishops at gusto nilang masiguro na ang mga legislators ay updated at nalalaman ang mga arguments for pro-life.

Q: On evat?

SPMBV: Basta sa akin ay masiguro natin ang formula na ang mahihirap lamang ang magbebenipisyo kasi kung aalisin natin iyan na ang magbe benifit lang ang mga mayayaman kasi pag maghihirap ang bayan ay ang mga mahihirap din ang maghihirap din. Ang formula na hinahanap ko ay iyong talagan sigurado lang na deretso lamang sa mga mahihirap ang epekto at hindi naman panglahatan na pati iyong mga mayayaman na hindi naman kailangan na bigyan ng ganyang favor ay mabibigyan.

Q: Senator, will that extend on scrapping evat on electricity?

SPMBV: Mas magandang reformula iyan, diyan kasi pwede mong i-define iyan kung sino ang tutulungan mo. Iyong mga maliliit na nangungunsumo ng kuryente ay iyon lamang ang dapat nating tulungan. Iyon namang malalakas mangunsumo ay hindi naman natin dapat tulungan na.

Q:Senator, as a businessman, ano naman po ang reaction niyo sa sinabi ng president sa Davos, Switzerland na maganda ang ekonomiya?

SPMBV: Medyo magalaw ang economy sa buong mundo at mahalaga na tayo ay steady. Huwag tayong masyadong nagpa panic na kung anu ano ang suggestion na ang lumalabas ngayon na parang medyo mga panicky suggestions. Dapat dito muna ay tignan muna natin ang nangyayari sa ating kapaligiran. Sa mundo ay hindi pa rin nila alam kung ano ang dapat na gagawin. Ang Amerika ay nilalababanan ang kanilang recession at tayo ay hindi natin maimpluwensyahan ang nangyayari sa buong mundo na iyan. Tayo ay tatamaan lamang kung ano ang kalalabasan. Kung maganda, ok sa atin. Kung hindi naman ay kailangan ay maghanda tayo. Sa palagay ko naman ay steady lamang naman tayo dito. Iyong maganda naman ng pangulo, ay lahat naman sa Asia ay ganun kaganda at nitong mga nakakaraang taon, magaganda lahat ng growth sa Asia at isa na tayo doon. Kaya lamang syempre, since umaasa tayo sa trend, kung babagsak sa Asia, babagsak din tayo.

Q: So, is it about time na huwag na tayong maging dependent sa US economy?

SPMBV: Well, hindi natin kayang biglain iyan. Sa ngayon, unti unti tayong humihiwalay sa ekonomiya ng Amerika sapagkat talagang ang Amerika ay magkakaproblema.

Q: So, kung magiging presidente kayo sir, iyan ba ang gagawin niyo?

SPMBV: Iyon ang dapat gawin ng sinumang magiging pangulo

Q: Wala naman binabasbasan dito ang CBCP for the 2010?

SPMBV: Wala naman. Iyan naman ay usapan lamang ng mga magkakaibigan

Q: For the administration, sino po ba ang posibleng i endorse ni PGMA?

SPMBV: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung mag e endorse si PGMA. At hindi ko alam kung ano ang kanyang plano kung mag e endorse siya ng isa, dalawa o tatlo. Wala talaga akong kaaalam alam kung ano ang iniisip ng pangulo. In fact, ang tingin ko ay hindi pa niya iniisip ang gagawain niya sa 2010. At titignan niya siguro muna ang nangyayari at nakikiramdam pa.

Q: I understand that the former President give a criteria and whom to support and whom to endorse in 2010 elections. Did you feel alluded to?

SPMBV: Hindi. Kami naman ni pangulong Estrada ay magkaibigan at sa tamang panahon ay kami ay mag-uusap usap naman at I'm sure sasabihin naman niya sa akin kung sino ang kanyang gusto. Sa ngayon, dalawang taon pa talaga at napakatagal pa. Naiintindihan ko naman at nauunawaan at sinuman like pangulong Erap Estrada, pangulong Arroyo, naiintindihan ko na sa panahon ngayon na dalawang taon pa ang nalalabi ay hindi naman tama na gagawa ng desisyon sa mga bagay na ganito.

Q: Pero ikaw po ba sa tingin mo ang papatukoy sa criteria? SPMBV: Well, sinabi lang na mahirap. Mahirap naman ako.

SPMBV: Maraming mga factors iyan na papag-aralan muna ng sinuman sa pagsuporta sa 2010.

Q: Will you continue the projects ni PGMA if ever na kayo ang mahalal na pangulo?

SPMBV: Marami namang mga magagandang projects ang Pangulong Arroyo. Hindi naman lahat ng kanyang mga projects ay pangit. Remember na na issue sa pangulo iyong sa 2004 cheating sa elections at corruption. Bihira naman na na issue sa pangulo ang pamamalakad ng gobyerno

Q: Ang endorsement ba ni PGMA, plus factor?

SPMBV: Hindi naman. Sa ngayon siyempre hindi maganda ang ...Sa ngayon hindi natin malalaman. Obviously, sa ngayon ay hindi maganda iyon subalit hindi natin malaman two years from now kung pareho pa rin

Q: Sakaling si JDV po ay mapunta sa partido niyo, kung sakali lang... pwede ba siyang maging asset? Is he an asset or is he a liability? SPMBV: Wala naman... alam mo sa maramihan na ganyan wala namang asset or liability iyan. Kung sino ang tatakbo sa pagkapangulo, open naman lahat iyan. Hindi naman nangangahulugan na merong ibang pananaw ang ibang kasama mo ay mababago na nila ang iyong pananaw. Sa palagay ko naman kung sino ang sasama sa iyo sa 2010 ay iyon ang mga naniniwala sa iyong mga paniniwala.

News Latest News Feed