Press Release
January 29, 2008

PAGPATAY KAY YAP SA LOOB NG KORTE, ISANG PAMBABASTOS SA HUDIKATURA AT SA ATING MGA BATAS! - KIKO PANGILINAN

Mariing kinondenda ngayon ni Senate Majority Leader at Independent senator Kiko Pangilinan ang nangyaring pagpatay kay dating Misamis Occidental Mayor Reynaldo Yap sa loob mismo ng Manila Regional Trial Court Branch 19. Ayon kay Pangilinan, Malungkot man isipin isa itong matinding sampal sa mukha ng hudikatura, ng PNP at ng buong gobyerno. Sa pangyayaring ito lumalabas na sa mata ng mga kriminal na walang pulis o gobyerno na maaaring humabol sa kanila kung kaya't ganun na lang katindi ang kanilang kawalan ng respeto sa ating mga batas.� Ayon sa report naroroon si Yap dahil dinidinig ang kaso niyang murder kaugnay ng pagpatay nito sa kalaban sa pulitika na si Victorio Cebedo noong 1992. Pagtatapos ni Pangilinan, Senyales ito para sa lahat ng mga kriminal na gawin ang nais nilang gawin dahil nagmumukhang walang sapat na lakas at walang sapat na kakayahan ang hudikatura at kapulisan na durugin ang kriminalidad sa ating lipunan. Kung hindi nito mareresolba ng PNP at ng hukom sa lalong madaling panahon maaasahan natin na paulit-ulit pang mangyayari ang ganitong walang pakundangang pambabastos sa hudikatura at sa ating mga batas.

News Latest News Feed