Press Release
January 30, 2008

Transcript of interview with Senator Jinggoy Ejercito Estrada

Sa paglapit po sa inyo ng pamilya Yap , anong klaseng assistance ang maaari ninyong ibigay?

SEN. JINGGOY: Unang una matagal ko nang kilala si Mayor Yap, mula pa noong pumasok siya sa pulungan. Mabait na tao itong si Mayor Yap, at alam kong mahal na mahal na siya ng kanyang kababayan sa bayan ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental. Kaya naman noong ako'y naging Presidente ng Mayors' League, isa siya sa aking mga naging taga-suporta at natulungan din po natin.

SEN. JINGGOY: Ako'y magpa-file ng resolution sa Senado, at iimbestigahan itong nangyaring pagpaslang kay Mayor Rey Yap. Sa Lunes ay magpa-file na ako ng resolution, para maimbestigahan po agad at malaman po ng taumbayan ang tunay na nangyaring pagpaslang na nangyari sa loob ng Manila City Hall .

SEN. JINGGOY: Alam mo, sa ilalim ng administration ito, lahat ay posibleng mangyari, crime rate under the Arroyo administration has increased tremendously, compared to former administrations. Panawagan ko ay mag-ingat dahil hindi natin alam kung sino ang papatay sa inyo. I would like to call on Philippine National Police na talagang higpitan ang seguridad sa loob ng court rooms.

SEN. JINGGOY: Nagulat ako, dahil kamakailan lang dito sa Senado, nagbibigay ng prutas at isda sa akin. Hindi nakakalimot.

Very lax ang security ng ating mga court rooms. Kailangan sigurong higpitan, kahit hindi pa siya Mayor. Kailangang mabigyan ng security ang lahat, kahit ordinaryong tao,

On ZTE contract..

SEN. JINGGOY: Kinakailangan na talagang pirmahan na iyong warrant of arrest laban kay Jun Lozada at Chairman Neri ng CHEd. Unang una, parang hindi na nila iginagalang ang Senado bilang isang institutsyon. At kailangang na malaman ng taumbayan ang buong katotohan sa likod ng napaka-anomalyang ZTE contract. At para matapos na lahat, kailangang sumipot itong mga resource persons, at malaman ng taumbayan kung mayroong kickback na tinagggap ang mga nasasangkot dito.

SEN. JINGGOY: Possible yon, (na mag-ala Jocjoc Bolante) dahil pagdating dito sa Pilipinas aarestuhin na siya. Kung talagang wala siyang itinatago, ilahad niya sa taumbayan, sa committee at magsalita siya kung sino talaga ang nasa likod nitong maanomalyang proyekto.

News Latest News Feed